Share

Chained with my boy bestfriend
Chained with my boy bestfriend
Author: ArEnJayne

Birthday

"Happy birthday! I love you!" mensahe mula kay Franco.

Sinadya ko na tanggalin sa aking social media accounts ang araw ng aking kapanganakan dahil ayaw ko na may babati sa akin. Maalala ko lang naman na ako ay lalagpas na sa kalendaryo. Na-depress na ako sa kakaisip. May sarili na akong bahay at lupa, sasakyan at ilang properties. Ngunit sa edad na trenta uno ay ito at single pa rin ako. May naging boyfriend din naman ako pero ewan ko ba at walang nagtatagal. Kaunting red flag lang ay nakikipaghiwalay na agad ako. Maalala ko lang kasi ang matalik ko na kaibigan na si Franco pati ang mga kalokohan nito. Ngayon ay sa ibang bansa na ito nagtatrabaho. Kahit magkakalayo kami subalit hindi nawawala ang aming communication. Madalas ito pa ang mag-initiate ng tawag o chat. 

"Birthday ko ba today?" reply ko sa kanyang pagbati.

"Oo, bakit hindi ka masaya? Ano ba ang gusto mo sa birthday mo?" tugon ng kaibigan ko.

"Wala na akong mahihiling pa. Siguro ay ang magkaroon ng sariling anak at masayang pamilya," pahayag ko.

"Paano mangyayari iyon? May syota ka ba?" nang-aasar na tanong nito sa akin.

"I'm just answering your question tapos ganyan ang ibabanat mo sa akin. Eh alam mo naman na wala nga, di ba!" naasar na sagot ko.

"So ayaw mo ng binabati ka sa birthday mo?" saad ni Franco.

"Oo dahil maalala ko lang ang mga bagay na wala pa ako hanggang ngayon. Pero salamat dahil naalala mo ang birthday ko," malumanay na sabi ko.

"Paano ko makalimutan ang kaarawan ng nag-iisang babae na mahal kong tunay maliban sa mama ko?" pahayag nito.

Sanay na ako sa mga salita ni Franco. Halos lahat naman yata ng babae ay nasabihan na n'ya ng matamis na salita at malas ng mga mabilis maniwala. Kilala ko ang kaibigan ko na hanggang ngayon ay walang ipinagbago. Kaya hindi ako nagpapadala sa mga lumalabas sa bibig nito dahil nakita ko kung paano n'ya paglaruan ang mga babae na umaaligid dito. Isa rin iyon marahil sa dahilan kung bakit wala akong kumpyansa sa mga lalaki.

"Tigilan mo ako sa mga paganyan-ganyan mo. Wala ka na naman mapagbalingan, ano?" saad ko.

"Matagal na akong single. Ayaw mo lang maniwala kasi. Ganun na ba kalala ang pagkakilanlan mo sa akin?" nag-drama na sabi ni Franco.

"Ikaw ang nagsabi n'yan," sagot ko na hindi tinalaban sa mga sinabi nito.

"Ah ganun? Kahit tanungin mo pa si mama para lang maniwala ka," giit pa nito.

"What's the deal? Anyway, salamat sa pagbati. May gagawin lang ako," paalam ko sa kanya.

"Grabe ka talaga sa akin. Sige na nga, pagbibigyan kita dahil ikaw ang pinakamamahal kong kaibigan. Ano ba ang gusto mo?" pahabol na sabi ni Franco.

Hindi ko na naman maibaba ang telepono kung hindi ko sasagutin ang tanong nito.

"Kung wala akong makilala na matinong lalaki ay kahit anak na lang sana, masaya na ako," pahayag ko na hindi nag-iisip.

"Seryoso ka? Iyan talaga ang epekto sa iyo ng taon na ito?" tanong nito na hindi makapaniwala.

"Ang hilig mo magtanong pero pag sinagot ka na naman ay ayaw mo maniwala at manganganak ulit ng isa pang tanong," pahayag ko.

"Huwag ka ng mainis. Gusto ko lang naman makatulong para sumaya ang kaarawan mo," saad nito.

Ayaw ko na marinig pa ang iba pa n'yang sasabihin kaya pinutol ko na ang aming pag-uusap. Bumaba na ako sa aking silid. Mabuti na lamang day off ko at wala ako sa trabaho. Mas maraming kantyaw ang sasalubong sa akin imbes na mga pagbati. Mag-isa lang ako sa bahay dahil ayaw ko na may gagambala sa akin lalo na sa araw ng pahinga. Isang townhouse ang nabili ko habang ang aking mga magulang at kapatid ay nakatira sa Antipolo. Minsan ay dumadalaw ako sa kanila. Mas tahimik ngunit boring ang bawat araw ko subalit nasanay na rin ako.

"Maligayang kaarawan!" hiyaw ng mga tao na nakaupo sa aking sala.

Hindi ko inasahan na may pa-surprise birthday pala para sa akin. 

"Salamat! Sino ang may pakana ng lahat ng ito?" usisa ko sa aking Mommy Linda.

Kasama nito ay ang nag-iisa kong kapatid na si Lyka. 

"Na-surpresa ka ba, anak?" tanong sa akin ni Mama Gemma.

"Pati po kayo ay nag-abala talaga," nahihiya na sabi ko.

"Wala iyon! Itong si Franco kasi bigla na lang tumawag kanina at ito nga pinasadya n'ya para sa iyo," masayang pahayag ng Ale.

Nailing na lamang ako sa naging gimik ni Franco. 

"Magkausap naman po kami kanina. Binati n'ya ako pero wala s'yang binanggit tungkol dito," saad ko.

"Hay naku! Pinagbigyan ko na nga lang dahil never naman s'ya nag-request sa akin ng kung ano-ano lalo na pagdating sa babae. Teka, nanliligaw ba s'ya sa iyo?" usisa ni Tita Gemma.

"Hindi po! Alam naman ni Franco na hindi s'ya ang tipo ko," natatawa na sagot ko.

"Sayang naman! Gusto pa naman sana kita para sa kanya. Sa iyo kasi mas palagay ang loob ko. Hindi ko alam kung bulag ba ang anak ko na iyon para hindi ka mapansin," dagdag na sabi ng babae.

"Naku! Mas okay nga po na magkaibigan lang kami. Dahil sigurado naman na hindi kami magkakasundo pagdating sa pakipag-relasyon," tugon ko sa bisita.

Napakibit-balikat lang ang mga bisita. Hindi ko naramdaman na dumating pala ang mga ito. May duplicate key ng bahay ko ang Mommy Linda ko subalit hindi ko inasahan na sasadya ang mga ito ngayong araw. Nagpaalam ako na maligo lang saglit. Kaarawan ko pero ang dugyot ko. Okay lang sana kung mag-isa lang ako eh kaso may mga dumating na mga bisita. Pagkatapos ko magpalit ng damit ay may missed calls mula kay Franco. Sigurado ako na mangungulit lang ulit ito. Iniwan ko ang cellphone ko na nakalapag sa aking higaan. Wala ako sa mood na makipag-chika sa kanya. Pagbalik ko sa living room ay napaka-ingay ng aking mga bisita. Iyon pala ay tumawag si Franco sa mama nito. 

"Oh nandito na pala ang birthday girl eh!" sumbong ng mama ni Franco.

Ngumiti lang ako saka lumapit sa mga naka-ready na pagkain. 

"Bakit hindi pa kayo kumakain?" tanong ko sa kanila.

"Kailangan ay magkasabay tayong lahat kumain. Isa pa, kailangan my pictures tayo," sagot ni Tita Jemma.

Pinagbigyan ko na ang mga ito pagkatapos ay nag-alay ang mga ito ng kanta at panalangin para sa akin. Nabigla ako nang bigla na lamang ibinigay nito ang cellphone sa akin.

"Hello, beautiful! Masaya ka ba sa Birthday mo o hindi pa rin?" bungad na tanong ni Franco sa akin.

"Bakit ang OA mo yata ngayon?" natatawa na sagot ko.

"I'm serious, ano pa ang kulang para maging masaya ang taon na ito para sa iyo?" makulit na tanong nito.

"Huwag mo ng itanong," napasimangot na tugon ko.

"Okay, you wanted a husband? Pwede naman ako," pahayag ni Franco.

Seryoso ang mukha nito samantala ako ay hindi natutuwa sa klase ng biro nito. Pero dama ko na iba ang vibes na dala n'ya ngayon. Hindi nakaligtas sa mga nandoon ang sinabi ng lalaki kaya ganun na lamang ang kantiyawan nila.

"It was just a joke. Huwag n'yong siniseryoso. Kilala n'yo naman si Franco eh," giit ko.

Kapwa malapit ang aming mga pamilya kaya hindi maiwasan na umasa ang mga ito lalo na kapwa kami walang sabit.

"Come on! Pwede naman totohanin eh," panunudyo pa nito.

"Kung nandito ka lang kanina pa kita tinadtad ng kurot," saad ko na hindi maitago ang inis.

"Okay. So ayaw mo ako maging asawa? Pero gusto mo magkaanak? Paano mo gagawin iyon ng mag-isa?" pangungulit ni Franco.

Gusto ko ng ibalik sa mama nito ang telepono.

"Pati ba naman iyon problema mo pa. It's my business, okay? Saka pwede ba, it's too personal para malaman pa ng iba," halos pabulong na sagot ko.

"Ano ang sabi ni Franco?" biglang singit ng Mommy ko.

"Wala po. Huwag na lang po ninyong pansinin pa ang mga sinasabi nito, puro kalokohan lang alam nito," pahayag ko.

"Seryoso ako ah! Sabihin mo lang," dagdag na sabi ng binata.

"Ano iyon?" pangungulit ng mommy ko habang nakaangat ang isang kilay.

"Kumain na lang po tayo! Salamat Franco sa pagkain!" sigaw ko sabay patay ng cellphone.

Patuloy ang kwentuhan at hindi maiwasan ang tudyuhan. Habang napagmamasdan ko ang aming mga pamilya ay hindi ko maiwasan ang "what if" sa aking isipan. Possible din naman ang sinasabi ni Franco kaya lang sa naging track record nito ay automatic na burado ito sa aking listahan. Masaya ako sa nakikitang closeness ng aming mga pamilya subalit masakit ang umaasa. Maging ako ay naguluhan kung ano ba ang purpose ng buhay ko. Napagtagumpayan ko naman ang lahat pero pagdating sa buhay pag-ibig ay madalas na talo ako. Nag-overnight sa aking bahay ang aking ina at kapatid kasama ang mama ni Franco. Gabi na kami nahiga. Hindi ko man aaminin subalit I felt special sa effort na ginawa ni Franco. Binuksan ko ang cellphone ko upang magpasalamat ulit. 

"Anything for you that makes you happy," tugon ng binata.

Nawalan na ako ng ibang isasagot sa kanya maliban sa thank you. 

"If ever you have decided, let me know. Maybe we can try to work things out," pahayag nito.

Hindi ko maintidihan pero kumabog ang dibdib ko sa sinabi n'yang iyon. 

"Ano ang ibig mo sabihin?" tanong ko.

"Iyong wish mo. Wala naman masama kung subukan natin," ulit nito.

"No! We are just friends and there is nothing more." Tanggi ko.

"Why not? People changed," dahilan nito.

"I know there is someone out there who is destined for me," giit ko.

"Mamuti lang ang buhok mo wala kang mahahanap na lalaking perpekto," sagot ni Franco.

"He doesn't need to be perfect. He could be someone who is worth taking the risks," pagtatanggol ko.

"Am I not worth it?" tanong nito.

"A friend told me to try a dating app. Baka daw nandoon din ang para sa akin. She just get married to a French national and they are happy. I can try," kwento ko sa kanya.

"It's dangerous! Hindi lahat ng nandoon ay matino. Anong app iyon? Did you sign up already?" pangungulit nito.

"Yes! Don't worry, hindi ako tanga noh!" sagot ko.

Nakakainis na ang pagiging pakialamero ng lalaking ito. Ngunit binigay ko pa rin ang website na tinutukoy ko para kahit paano ay mabawasan ang pagiging over reacting nito. 

"I'm just saying that it is not safe," giit nito.

"I know what I am doing. Let's just put this topic to rest. Goodnight! Thank you for the free food today!" paalam ko.

Alam ko na bad trip ito pero mabilis na nag-iba rin ang mood nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status