Share

Eyeball

Nasa labas ako ng hotel kung saan ay magkikita kami ng ka-chat ko. Lakas ng loob at kakapalan ng mukha kaya ako napasok sa ganitong sitwasyon. Dahil sa tulak ng kaibigan at pressure sa paligid kaya ako napadpad sa isang dating website. Doon ko nakilala si Frank. Nagpunta ito sa Pilipinas upang i-meet up ako. Nais sana nito na sa airport ako susundo sa kanya subalit tumanggi ako. Iba naman kasi ang talagang pakay ko. Ang nais ko lang naman sana ay ang matupad ang misyon at pina-plano ko. Gusto ko na magbuntis at wala akong balak na i-obliga ang responsibilidad sa lalaki pagkatapos. Kabado ako at ipinagdarasal ko na sana ay magtagumpay ako. Sana ay makakauwi ako na ligtas. First time ko itong gagawin kaya matinding kaba ang nananalasa sa akin ngayon.

"I am here outside the hotel!" saad ko sa chat.

Nagkaka-usap lang kami sa website dahil ayaw ko naman na ipaalam ang social media accounts ko at personal number. Huminga ako ng malalim upang mabawasan ang kaba ko. 

"Come in! Someone will assist you from the reception," reply ni Frank.

Nagsimula na ako maglakad papasok sa hotel. Tama nga ito dahil may naghihintay sa akin na staff at mukhang kanina pa ito nag-aabang sa aking pagdating. Sa isang hotel sa Pasay namin napagkasunduan na magkita dahil doon din naman s'ya mag-stay habang nasa Pilipinas. 

"Miss Montes?" tanong ng lalaki.

"Yes," tipid na sagot ko.

"Please come this way, Ma'am!" saad ng staff.

Agad na sumunod ako sa lalaki at dinala n'ya ako paakyat ng fifth floor kung nasaan si Frank. Wala naman dapat akong alalahanin dahil secured naman ang hotel at mukhang disente ang mga nandoon lalo na ang guests.

"I will leave you here, Ma'am!" paalam nito sa akin.

Iniwan ako nito sa isang living room na nasa loob rin ng mismong silid. Mukhang sosyal nga talaga itong si Frank dahil afford n'ya ang kumuha ng ganitong silid. Mamahalin at maganda ang service. Kumportable ako na nakaupo habang hinihintay si Frank. 

"I'm here in the living room, where are you?" tanong ko sa chat.

Minsan gusto kong batukan ang sarili ko dahil napaka-impulsive ko. Ngayon ko na-realize na parang hindi tama ang aking ginagawa. Pero wala eh, nandito na ako. Gusto kong mainip sa paghihintay dahil sa tagal n'ya dumating. Naisip ko na rin ang umatras ngunit kailangan panindigan ko ang nasimulan ko na. Hindi ako maaring sumuko. Halos isang oras na ako nakaupo at gusto na pagpawisan ng pwet ko subalit wala pa ang aking hinihintay.

"Are you here somewhere? If you won't show up, I'll just leave the place peacefully," saad ko na naubos na ang pasensya.

Ayaw ko na inaaaksaya ang oras ko. Walang reply mula sa kausap ko.

"I guess it's a yes. Okay, fine! I am leaving!" naiinis na sabi ko.

Tumayo na ako at inayos ang aking damit bago lumabas ng silid. 

"Sorry to keep you waiting! I am here in the other side of the room," sabi ng boses ng isang lalaki.

Tinig pa lang nito ay nakakaakit na. Buo ang boses at nakaka-babae. Naglakad ako palapit sa pintuan ng kabilang silid. Nakatayo ito habang nakatalikod sa akin at nakaharap ito sa malaking bintana. Minamasdan nito ang kagandahan ng siyudad. 

"I thought you are not coming," saad ko.

Hindi pa rin ito humaharap sa akin. 

"I am just right here. I have waited to see how much patience you got there," sagot ni Frank.

Hindi ko alam kung paano ako gagalaw sa pagsisimula ng misyon ko. 

"I had so much, don't you agree?" sagot ko sa nang-aakit na boses.

Gumaralgal pa ito ng bahagya palibhasa trying hard at hindi sanay. 

"Are you going to stay here with me overnight?" tanong nito sa akin.

"I would love to," sagot ko na halatang game sa lahat ng nais gawin ng lalaki.

"Great! Anything that might change your mind?" nanunukat ang tanong ni Frank.

"Nothing that I can think of," sagot ko.

"Good! How would you like us to get started. A hard drink or a meal? I prepared both actually," sabi ni Frank ngunit hindi pa rin ito humaharap sa akin.

"Whatever comes first in your mind," tugon ko.

"Why are you here again?" he asked.

"To be with you tonight," malandi ang boses na sagot ko.

"I think we better get started with knowing each other well. But how are we gonna do that?" nanunukso na sagot ni Frank.

Lumapit ito sa switch saka pinatay ang ilaw. Tanging ang ilaw sa sala ang nakabukas. Pabor din naman sa akin iyon. Nakatalikod na nagtanggal ng saplot si Frank. Nanigas ang aking mga kalamnan at buong katawan sa nakita. Maganda ang katawan nito. Hindi sobrang laki subalit hot dahil akma lang sa tangkad nito ang muscles at ang bahagyang nakaumbok na butt nito. Napalunok ako at pinagpawisan.

"This is it! Amen! Lord, help me please! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang tanawin. First and last po ito, sorry po!" usal ko habang nakatingin sa langit.

"What do you wish to have?" husky ang boses na tanong ni Frank.

Hindi ko namalayan ang paglapit nito. Naramdaman ko na lamang na nakahawak na ito sa aking maliit na bewang. Napapikit ako sa sensasyon na dala n'ya. Ang init ng kanyang balat at nararamdaman ko ang nagagalit na hinaharap nito na bahagyang nakadikit sa kanya. Nahihiya ako na hindi ko mawari kaya pumikit na lamang ako. Dumampi ang mga labi nito kaya napaawang ang aking mga labi na kanina pa nasasabik. Hindi naman ito ang unang halik ko kaya alam ko rin naman kung paano mag-respond sa bawat galaw ng kanyang mga labi. Napabuntong-hininga ako nang lumalalim na ang halik habang ang mga kamay ni Frank ay nagsimula na rin manggalugad.

"Sweet!" usal nito kaya napangiti ako.

Bumaba ang kanyang mga labi sa aking leeg habang tinatanggal nito ang suot ko. Napasinghap na lamang ako nang dumampi ang kanyang labi sa aking dibdib at isang kamay nito ay bumababa sa pagitan ng aking mga hita. Handa ako sa lahat ng mangyayari ngayong gabi. Napahawak ako sa kanyang ulo habang nilalasap nito ang aking dibdib. Napamulat ako ng mata nang maramdaman na bumaba ang halik sa aking tiyan. Nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang malapad na balikat nito. 

"It looks familiar!" saad ng aking isipan.

May nahagip ang aking mga mata sa bandang likuran ni Frank. Ngunit hindi ko ito pinansin dahil natuwa ako na tila nahulog na ng tuluyan sa patibong ko ang lalaki. Fertile ako at sinadya ko na gawin ito ngayon upang mas malaki ang chance na mabuntis ako. Bumaba pa ulit si Frank at hindi ko maiwasan ang mapaliyad sa ginagawa nito. Hindi ko akalain na tunay ang kadalasan na napapanuod ko ngayong nasa sitwasyon ako. Kakaibang sarap ang dulot habang patuloy na nilalaro ni Frank ang hiyas ko. Napahigpit ang paghawak ko sa kanyang ulo dahilan na lalo itong mabaon sa pagitan ng aking mga hita. Hindi ko mapigilan ang mapaungol habang tuloy pa rin s'ya sa ginagawa. 

"Franco?" usal ko.

Nabasa ko ito sa tattoo na nakasulat sa likuran ng lalaki. Pero impossible na si Franco ito na kaibigan ko. Subalit kilalang-kilala ko ang tattoo na iyon. Kanina ko pa ito napansin na tila pamilyar sa akin. Hindi lang ito malinaw sa akin sa unang pagbasa ko. Hindi pa rin tumitigil ang lalaki ngunit nagkakaroon na ako ng kutob. Pinilit ko na i-angat ang ulo ng lalaking kasama ko upang matitigan ito ng maayos. 

"Why?" humihingal na tanong nito.

Kahit na nag-enjoy ako ay pinilit ko na labanan ito. Tumayo ako saka binuksan ang ilaw. Agad na kinuha ko ang kumot upang takpan ang aking kahubdan.

"Oh my G--!" bulalas ko.

Hindi ako makapaniwala na si Frank at si Franco ay iisa. Kinuha ko ang unan at hinagis ito sa kanya. 

"Hayop ka! How could you do this?" galit na sita ko kay Franco.

Ang tanga ko na hindi ko man lang agad ito nakilala.

"You wanted a baby. So, I am giving you one. I have told you not to do it pero ayaw mo makinig. Kaya ako na gumawa ng paraan. Come on, let's continue what we have started," walang anuman na sabi ni Franco.

Gusto ko s'yang tirisin subalit nais ko rin manliit sa sarili ko dahil sa ginawa ko.

"Niloloko mo ako! You are playing games with me," bulyaw ko sa kanya.

"No, I am not! Please don't be hysterical. I am here to help you fulfill your dreams and to keep you safe," dagdag na sabi ni Franco.

Hindi naman s'ya nagmukhang nagbibiro.

"Ano ang pumasok sa isipan mo, ha?" napapahiya na tanong ko.

"I can't just let you do stupid things with anybody. Like what I have said, willing ako na maging ama ng anak mo. If that is the only thing you want. I wanted to make sure na hindi ka pababayaan," pahayag ni Franco.

Nalalabuan ako sa message ng lalaking ito. All of a sudden ay gusto maging ama ng magiging anak ko.

"Hindi mo ako obligasyon, okay? Disgusting!" sigaw ko.

"How could you say that if you enjoyed it in the first run," tukso nito.

"Only if I knew ---," saad ko ngunit hindi na natuloy ang iba ko pang sasabihin sana.

"What? Did you not enjoy?" hamon na saad ni Franco.

Nag-init ang aking pisngi at sa inis ko ay dinampot ko ang aking mga damit saka pumasok sa banyo upang magbihis. Kumatok ito sa pintuan subalit hindi ko s'ya pinagbuksan.

"So, ganun na lang? Hindi ko alam kung ano pa ba ang hinahanap mo. Pinagbigyan ka na nga ayaw mo pa. Remember, marami ang naglalaway sa akin ayaw ko lang pansinin," patuloy na sabi ng binata na ayaw tumigil sa labas ng pintuan.

"Conceited!" sigaw ko.

Pagkatapos ko magbihis ay padabog na binuksan ko ang pintuan. Napatakip ako sa mukha dahil hubo't hubad pa rin ito. 

"Did you not like what you see?" tanong nito.

Imbes na sagutin ay dinampot ko ang aking bag saka lumabas ng silid. Iniwan ko s'ya sa hotel nang mag-isa. Sobra ang inis ko sa ginawa n'ya. Kulang na lang ay isumpa ko s'ya. Nasira tuloy ang mood ko at lahat ng plano ko. Sinadya nito na umuwi ng bansa para lang sa kalokohan nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status