Share

The fruit

Ilang araw na sumasama ang pakiramdam ko ngunit binabalewala ko lang ito. Paminsan-minsan ay inaatake ako ng acid reflux kaya tila normal na sa akin ang naduduwal at nahihilo. Tuloy pa rin ako sa pagpasok sa trabaho. Isa akong manager sa isang call center company. Dahil sa Australia naka-base ang aming kliyente kaya maswerte na sa umaga ang aking duty. Alas singko ng umaga ang simula ng aking trabaho at lalabas ako ng alas dos ng hapon. Alas kwatro pa lang ay nasa opisina na ako. Sanay na ako sa maaga nagigising at sa trabaho na ako kumakain. Wala naman akong kasama sa bahay kaya wala akong iisipin maliban sa aking sarili.

"You don't look okay. How do you feel?" bungad na tanong ng kasamahan ko sa trabaho.

"I have been feeling ill for the past few days. I think because of my reflux," sagot ko.

"You better have it checked with a specialist. You look pale," puna nito.

"I will drop by at the doctor's office after work," tugon ko.

Habang tumatagal ay mas lalong nagiging masama ang aking nararamdaman. Madalas na ako mahilo at nasusuka. Gayunpaman ay hindi ko mapigilan ang sarili na matakam sa pagkain lalo na sa mga prutas. May nag-pop up na notification sa cellphone ko. 

"How do you do? I missed you!" Mensahe mula sa aking chat box.

Nagmula ito kay Franco. Ilang buwan na rin na iniiwasan ko s'ya. Ngunit hindi ito tumitigil sa pangangamusta sa akin. Minsan nagkaroon ako ng doubt sa naging desisyon ko dahil parang nagbago nga s'ya at handang magpakatino. Subalit natatakot ako na baka mababaw lang ang ipinapakita nito at masaktan lang ako na umaasa ng mas higit pa. Alam ko na hindi na kagaya ng dati ang aming relasyon. Nagkaroon kami ng gap dahil sa pang-sarili kung desisyon at kagustuhan. Madalas ako ang nasunod at pinagbigyan na lamang n'ya ako dahil sa gusto n'ya na maging masaya ako. Sa labas na ako ng clinic ng isang kaibigan. Ngunit nakatingin lang ako habang nakatayo sa harapan ng pintuan nito.

"Hey! Why wouldn't you get inside?" tawag ng kaibigan kong doctor.

Nakatayo na pala s'ya sa pintuan at agad n'ya akong napansin. Nagulat pa ako nang makita s'ya at kung hindi pa s'ya kumaway ay hindi ko pa malaman na may tao na pala sa harapan ko.

"Sorry! Kanina ka pa ba?" wala sa sarili na tanong ko.

"Nope! Come in!" sabi nito.

Pumasok na ako sa kanyang clinic. 

"Walang atrasan na ito!" Mahinang usal ko.

Excited at kinakabahan ako sa maaring result ng pagpapatingin ko. Handa naman ako sa maaring kalalabasan. She asked me series of questions at sinagot ko ng walang kasinungalingan ang mga ito.

"I will get back to you when I have the result. Gusto mo ba na i-send ko na lang sa iyo via email para hindi ka na maabala pa sa pagbalik dito?" tanong sa akin.

"Sure!" pagsang-ayon ko.

Nagpaalam na ako saka dumiretso na pauwi. Hindi ko inasahan na gabi pa lang ay matatanggap ko na ang resulta.

"Positive!" usal ko na hindi makapaniwala.

Natutop ko ang mga kamay sa aking mga labi. Masaya ako sa balita na aking natanggap.

"Buntis ako!" paulit-ulit na bulong ko.

Napakagat ako sa aking labi. Ito ang matagal ko ng hinihintay. Ang maging isang ganap na nanay. Hindi ko na iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga ay masaya ako. Alam ko na magagampanan ko ang nakaambang responsibilidad. 

"Great morning!" bati sa akin ng kaibigan ko sa trabaho.

Si Maddy. Sa Quality Management ito na-assign. S'ya ang madalas ko kasama sa trabaho at paminsan-minsan ay sa mga galaan. Ngumiti lang ako sabay bati rin sa kanya ng napakagandang umaga. Hindi halata na napuyat ako sa pag-iisip tungkol sa amin ni Franco. Alam ko naman kasi na hindi ito titigil lalo pa sa oras na malaman nito na nabuntis n'ya ako.

"What happened to your check up?" usisa ng kaibigan.

Maliban kay Franco ay isa rin ito sa nakakaalam ng lahat tungkol sa akin. Hindi naman kasi ako pala-kaibigan. Ipinagtapat ko ang result at maging ito ay masaya para sa akin.

"I'm happy for you. Pero alam ba n'ya? Paano kung bigla s'yang mag-offer ng kasal?" tanong ni Maddy.

"That is impossible! Hindi ko alam ang magiging reaksyo n’ya but I doubt it na he will think about marrying. He is not that kind of guy na magpapatali," kontra ko sa naging pahayag ni Maddy.

"Well, we can't tell," giit nito.

"I'm just okay with what is happening right now. I am not gonna tell him," saad ko.

"Cheska, he has the right to know. Hindi naman porke alam n'ya ay kaya n'yang ipagpilitan ang sarili n'ya sa iyo kung sadyang ayaw mo. He will understand, anyway." Paliwanag ni Maddy sa akin subalit sigurado na ako sa binabalak ko.

Ngayon ay nagagawa ko ng iwasan si Franco kaya alam ko na hindi ako mahirapan sa pagputol sa koneksyon namin. Alam ko kasi na magiging kumplikado lang ang lahat. Imbes na tahimik na ang aming mga buhay ay baka magulo lang. 

"Of course, he will understand. That is why I'm not gonna tell him," saad ko.

"Whatever makes you comfortable," pahayag ni Maddy na hindi ako nagawang pilitin.

Nagsimula na kami sa aming mga trabaho at walang imik hanggang sa natapos ang buong araw na napakatahimik. 

Nakakapanibago ang mga sumunod na araw dahil walang paramdam mula kay Franco. All of a sudden ay hinahanap ko ang pangungulit nito. Ang missed calls at messages mula rito. 

"It's fine. You can live without it every second of the day," paalala ko sa aking sarili.

Subalit, paulit-ulit ko man na ipaalala ito sa aking sarili ay hindi ko pa rin maiwasan na silipin ang aking telepono kung may dumating mula kay Franco. Sa sobrang inis ko ay tuluyan ko na s'yang inalis sa contacts ko at blocked sa lahat ng social media accounts ko. 

"Good move!" saad ko.

Alam ko na simula pa lang ang lahat ng ito. Nakaupo ako sa sofa habang nanunuod ng palabas sa television nang may kumatok sa aking pintuan. Wala akong inaasahan na bisita. Napasilip ako kung sino ang nasa labas subalit hindi ko makita lalo na at madilim na din.

"Mommy?" gulat na bungad ko.

"Yes, honey! Kumusta ka na?" masayang sagot ni Mommy Linda ko.

Niyakap n'ya ako sa sobrang pagkasabik. 

"Good! Bakit naman gabi ka pumunta? Naghapunan ka na ba?" tanong ko sa aking ina.

"Oo. Sinadya ko talaga na dalawin ka. Ilang buwan na kasi na hindi ka umuuwi sa Antipolo. Busy at pagod ka madalas kaya naisip ko na ako na lang ang pupunta sa iyo," mahabang paliwanag ni Mommy.

"I miss you too! Ano ang pasalubong mo, Mommy? Parang ang bango," tanong ko.

"Ah, nagdala ako ng lansones at ilang pasalubong," sagot nito.

Nilantakan ko ang dala nito na na mga prutas. Puno ng pagtataka habang nakamasid ito sa akin. Sinabayan n'ya rin ako sa panunuod.

"Gabi na. Tama na muna sa prutas. Di ba may gerd ka? Dapat huwag kang masyado kumain ng maasim," paalala ni Mommy.

"Mom, minsan lang naman saka may gamot ako para d'yan," pagdadahilan ko.

"Oo alam ko pero gabi na kasi," patuloy na saway ni Mommy Linda.

Upang huwag na humaba pa at bago pa s'ya makahalata ay tumigil na rin muna ako sa pagkain. Subalit kumuha ako ng ibabaon ko sa aking silid. Alam ko na palihim s'ya nakamasid sa akin at binabantayan ang bawat kilos ko.

"Tumaba ka!" puna nito.

"Mom, masarap kasi kumain," pagdahilan ko.

Marami pa kami napag-usapan at mabuti na lang dahil hindi nahahagip si Franco sa aming naging paksa. Nagpaalam na ito na matutulog habang ako ay nanatili sa sofa. Sa kwarto ko ito matutulog dahil na-miss daw n'ya ako. Day off ko kinabukasan kaya marami din ako kailangan gawin. Sumunod na ako sa higaan subalit bago iyan ay hindi ako nagtira sa prutas na dala n'ya.

"Ano 'to?" usisa ni Mommy.

Kagigising ko lang dahil nangangasim ang aking sikmura. Napaupo ako habang hawak ang aking tiyan. Nahihilo rin ako na hindi ko maintindihan kung dahil ba ito sa inaantok pa ako, nagutom o sa tanong ni Mommy. Hawak nito ang printed result ng last check up ko. 

"Buntis ka?" manghang na tanong n'ya.

Napamulagat ako at tiningnan ang papel na hawak nito. Nakalimutan ko na naipatong ko lang ito sa bed side table ko. Kampante naman kasi ako na walang ibang pumapasok sa bahay ko lalo na sa aking silid. Hindi agad ako nakasagot sa tanong na iyon ni Mommy kaya nagkaroon na agad ito ng presumption na buntis nga ako. Wala na akong lusot lalo na ngayon na hawak nito ang ebidensya.

"Sino ang ama? Wala kaming alam na may boyfriend ka. Paano si Franco?" magkakasunod na pahayag ko.

"Mom, wala kaming relasyon ni Franco. We were just friends," tugon ko.

"Were? Ngayon ay ano na ang estado ninyo?" pangungulit ni Mommy sa akin.

"Friends pa din but we don't have constant communication," sagot ko.

"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Sino ang ama ng dinadala mo?" tanong ulit nito.

"It's not important," tipid na sagot ko.

Napahawak sa kanyang noo si Mommy dahil hindi ito makapaniwala na magagawa ko ito nang hindi n'ya malalaman. Umaasa rin kasi ito na kami ni Franco ang magkakatuluyan.

"Paano mo nasabi iyan? Kailangan ng bata makilala kung sino ang tatay n'ya. You can't say that to your child. Unless, you will opt in to abortion." Pahayag ni Mommy Linda na halos gustong magwala sa naisip na posibilidad.

"Mom, that won't happen! Pangarap ko ang maging ina. Okay ako at masaya ako sa balitang ito. Alam ko na disappointed kayo pero ito na ang choice ko. Huwag kayong mag-alala sa akin!" pagpapakalma ko sa kanya.

Bahagyang umismid ito ngunit wala ring nagawa. Iginalang ni Mommy Linda ang nais ko. 

"Sayang! Mas masaya sana kung kayo ni Franco," d***g nito.

"Walang sayang, Mom! Magkakaanak na ako at magiging Lola na kayo. Ang importante naman ay maibigay ko ang needs ng anak ko," saad ko.

Nais ko ipaalam kay Mommy na magagawa kong gampanan ang magiging magulang at hindi ko kailangan ng lalaki na kagaya ni Franco na in the long run ay maaring saktan pa ako.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status