LOGINFive years ago.
"Oscar, Bethany is your wife now. Hindi ka na binata ngayon. Bago ka gumawa ng mga desisyon ay isipin mo muna ang asawa mo. Alagaan mo rin siya. And you, Bethany... tumawag ka sa'kin kung magkaroon man kayo ng problema so we could help you if you need us. Dumalaw kayo parati sa bahay," nakangiting wika ng Mommy ni Oscar.
Hindi naman umimik si Oscar. Umiwas ito ng tingin dahil sa inis na nararamdaman nito. He is fucking pissed since a while ago. Tipid namang ngumiti si Bethany dahil doon. Ang mga magulang ni Oscar ay nandito rin. Ang magulang lang na babae ni Bethany ang nandito ngayon dahil nasa ibang bansa ang ama niya.
"H'wag kang gagawa ng ikakagalit ko, Oscar. Don't you dare to go to your girlfriend. Layuan mo na siya kung ayaw mong sirain ko ang buhay niya or much better kung makipaghiwalay ka nalang sa kanya," madiin at seryosong sambit ng Daddy ni Oscar, dahilan para mapalunok si Bethany.
Naikuyom ni Oscar ang kaniyang kamao. Ito ang ayaw niyang marinig mula noong maikasal siya. "Dad, can please you stop saying those nonsense words? I won't do to that to Erica. Kasal lang ako sa babaeng ito," saglit na tumingin si Oscar kay Bethany bago tumingin muli sa ama niya. Rinding rindi na ang tainga niya sa sinasabi nito. Kung hindi niya lang ito nirerespeto, baka nagkasakitan na sila ng ama niya.
"I just married her, pero hindi ko siya mahal. Si Erica lang ang mahal ko at gusto ko," madiin ang bawat salitang binitiwan ni Oscar. Napayuko nalang si Bethany habang kagat ang pang-itaas na labi niya. Tumiim ang panga ng tatay ni Oscar. The atmosphere between them is getting hot.
"Oscar, watch your mouth! Mahiya ka naman kay Bethany. Nasa harap mo ang asawa mo at—" Hindi na pinatapos ni Oscar magsalita ang tatay niya, pinutol niya na agad iyon.
"I don't care, Dad. It's your fault anyway. Pinilit niyo kami. We're friends tapos magiging mag-asawa? Putangina! Hindi ko kayang tanggapin, dad." Oscar hissed.
Mas lalong nainis ang Daddy ni Oscar. Napatulala naman ang magulang na babae ni Bethany at Oscar dahil sa inakto ng lalaki. Hindi agad nakabawi ang mga ito. Naka-awang ang labi ng mga ito sa gulat.
"Oscar. This is not you anymore. Bakit ka ganiyan?" seryosong tanong ng Mommy ni Oscar. Kilala nito si Oscar. Hindi naman ito ganito noon kaya nagulat siya sa inakto nito.
"My feelings are valid, Mom. What do you think of me? Tingin niyo ba ay hindi ako tao? What would you expect me to react? Should I be happy because I'm marry my friend? That is bullshit! May girlfriend na ako!" saad ni Oscar at basta nalang hinila si Bethany papasok sa kotse niya.
"Oscar!" saka lang nakabawi ang ina ni Oscar. Sumigaw ito pero hindi siya pinansin ni Oscar.
Walang imik na nag suot ng seat belt si Oscar bago pina-andar ang sasakyan paalis doon. Naipikit ni Bethany ang mga mata niya. Mabilis ang tibok ng puso niya. Natatakot siya at the same time ay kinakabahan din. Malibas na mabilis ang pagpapatakbo ni Oscar ng sasakyan at nakakatakot din ang awra ng mukha ng lalaki. He has a stern face right now.
He changed a lot. Parang hindi na ito ang Oscar na kilala ni Bethany noon.
"C-Can... you please slow down, Oscar? Natatakot ako," mahinang sambit ni Bethany. Mahigpit ang kapit niya sa gilid ng upuan niya. Naramdaman niya namang medyo bumagal na ang pagpapatakbo ng lalaki kaya medyo nakahinga na siya ng maluwag.
Ito ang unang araw na magsasama sila ni Oscar sa iisang bubong. Dalawang linggo na mula noong ikinasal sila ng private sa ibang bansa. Iyon ang gusto ni Oscar para raw kapag gusto na nitong makipaghiwalay kay Bethany ay madali lang ang proseso.
Maliban sa judge na nagkasal sa kanila, wala ng iba pang nakakaalam kundi pamilya at mapagkakatiwalaang kaibigan lang nila ang nakakaalam. Alam ni Bethany na napilitan lang si Oscar na magpakasal sila dahil sa pinoprotektahan nito ang girlfriend nito.
Ayaw ni Oscar na masira ang pagsasama nila ng girlfriend nito pati na rin ang buhay nito kaya napilitan siyang magpakasal nalang kay Bethany. Pinagbantaan kasi si Oscar ng ama at ayaw naman nitong may mangyaring masama kay Erica. Naiinis si Oscar dahil hawak siya ng kaniyang ama sa leeg. Wala ring kaalam-alam ang girlfriend niya na ikinasal na siya. He kept this from his girlfriend.
Pinakalma ni Bethany ang sarili bago tumingin sa bintana. Mula noong ikinasal sila dalawang linggo ang nakakaraan, nawala ito ng parang bula at ngayon niya lang ito nakita muli.
Arrangeed marriage ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Ang kanilang mga ama ay magkaibigan at nagkasundo sa bagay na iyon. Pareho silang tagapagmana ng kompaniya at nag-iisang anak lang din. Halos lumaki na silang sabay dahil magkapitbahay sila mula noong maliliit pa sila.
Nagkahiwalay lang sila noong magkokolehiyo na silang pareho. Pumunta ng ibang bansa si Oscar kasama ang mga magulang nito para roon mag-aral. Samantalang si Bethany ay nanatili sa Pilipinas. Nang bumalik na si Oscar kasama ang mga magulang nito, nakapagtapos na ito sa pag-aaral at nagt-train na ito sa pagmamanage ng kompaniya nila. Ito na kasi ang susunod na magmamay-ari ng kompaniya ng kaniyang Ama.
Balitang-balita ang pagdating nito sa bansang Pilipinas. Kilala ang Daddy ni Oscar bilang isa sa mga successful at matalinong business tycoon sa mundo. Alam rin ng publiko na may nag-iisang anak ito.
Maraming babae ang nahuhumaling sa binata. Bukod sa biniyayaan ito ng guwapong mukha at magandang pangangatawan, matalino at galing sa maharlikang pamilya, kaakit-akit rin ang mga mata nito na naghihipotismo sa mga kababaihang napapatingin dito.
Isa na nga si Bethany doon. May lihim siyang pagtingin kay Oscar mula pa noong highschool sila. At hindi iyon nawala hanggang ngayon. He is her high school crush, and until now, she still has a crush on her husband. Hindi nga lang alam ni Oscar ang tungkol sa nararamdaman niya. Hindi niya alam kung manhid ba ito o talagang ang tingin lang sa kaniya ay kaibigan lang.
Stalker pa nga si Bethany nito noon sa mga social media accounts nito. Kaya nga noong nalaman niyang ikakasal siya sa binata ay sobrang saya niya. Nagkita pala ang mga magulang nilang lalaki at nagkasundo sa bagay na iyon.
Pero, nasaktan naman si Bethany sa nalaman niya. Nang pinapunta siya ng mga magulang nito sa bahay nila Oscar para ipagkasundo sila sa kasal, nagulat siya sa nalaman niyang may girlfriend na ito. Hindi niya nga lang alam ang pangalan ng girlfriend nito.
Ayaw sana siyang pakasalan ni Oscar pero pinagbantaan naman ito ng ama nito na kapag hindi ito pumayag sa gusto ng ama ay gagawing miserable ng ama nito ang buhay ng girlfriend nito. Minanipula si Oscar ng sariling ama para lang pumayag ito sa gustong mangyari.
Alam ni Bethany na napilitan lang si Oscar pero masaya pa rin siya. Selfish man kung iisipin ay wala na siyang pakialam. Kinasal sila sa judge at nagpalitan sila ng singsing pero ayaw iyong suotin ni Oscar kaya si Bethany lang ang may suot na singsing sa kanilang dalawa. Pansin niya nga ang pinagbago nito nang nalaman nitong ikakasal sila.
Nasasaktan man ay tinanggap iyon ni Bethany. Mahal niya ang lalaki. Kahit hindi siya nito mahalin pabalik at least makakasama niya ito, ayos na siya roon. May pinagsamahan man sila pero noon iyon at hindi na tulad ngayon.
He's near, and yet he's so far.
Nagising si Bethany nang may tumapik sa balikat niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Nakatulog pala siya sa biyahe. Sumalubong sa kaniya ang guwapong mukha ng asawa at kulay berde nitong mga mata. Malinis din ang pagkakaayos ng buhok nitong low fade military cut ang gupit. His jaw is well define that matches his pointed nose. Saglit na napatitig si Bethany sa mukha ng asawa. She smiled at him, but it immediately faded away.
"Bumaba ka na. Hindi ka naman prinsesa para buhatin ko at pagbuksan pa ng pinto," malamig na sambit nito bago lumabas sa pinto ng sasakyan. Naiwan naman si Bethany na nakatunganga. Medyo nasaktan muli siya sa inakto nito pero kailangan niyang masanay.
Alam niya naman kung bakit ganito ang inaakto ng lalaki. Ayaw na nito sa kaniya.
Tumingin si Bethany sa harapan. Nakita niya ang two storey house na regalo sa kanilang dalawa ng mga parents nila noong kinasal sila ni Oscar. Bethany sighed. She composed herself. May nag-iisang ideya ang nasa isip niya sa kung anong susunod na mangyayari oras na tumapak na siya sa loob ng bahay na iyon.
Sa inaakto pa lang nito ngayon? Who knows what will happen next?
Naramdaman ni Bethany ang biglang pagsikip ng dibdib niya. This is gonna be a though ride of her life. Ramdam niya na iyon.
Humawak si Bethany sa bahaging iyon at marahan niya itong hinaplos. "I need to face it. Makakaya ko ito. Ginusto ko rin na ikasal sa kanya. Kung mananatili ako sa tabi niya, kung aalagaan ko siya bilang asawa ay baka matututunan niya rin akong mahalin..." mahinang bulong niya bago lumabas ng sasakyan para sundan sa loob si Oscar ang asawa niya.
Gabi na at kasalukuyang kumakain sina Oscar at Bethany. Hindi na nagulat si Bethany kung bakit ready na ang mga gamit na nasa loob ng bahay. May mga pagkain na nakalagay sa ref at malinis ang paligid at loob ng bahay. Even their clothes, nakalagay na ng mga iyon sa closet nila.May mga halaman ding makikita na nakatanim sa palibot ng bahay. Malaki at malawak naman ang loob nito at maraming kwarto. Aside from the masters bed room, may tatlo ring guest room ang bahay nila. Hindi na iyon nakakapagtaka. Tumikhim si Bethany at tumingin kay Oscar na seryoso sa pagkain. Nakasuot na ito ng pantulog, hindi tulad niya na naka-white sando at shorts pa.Mukhang napansin ni Oscar na nakatingin si Bethany sa gawi niya kaya umangat siya ng tingin. Nagsalubong ang makakapal nitong kilay na para bang nagtataka."What? Don't stare at me. Just focus on your food," masungit na sambit nito at nagpatuloy na muli sa pagkain. Bethany pouted."Pasensya na dkung hindi ako masyadong marunong magluto ng lutong b
Five years ago."Oscar, Bethany is your wife now. Hindi ka na binata ngayon. Bago ka gumawa ng mga desisyon ay isipin mo muna ang asawa mo. Alagaan mo rin siya. And you, Bethany... tumawag ka sa'kin kung magkaroon man kayo ng problema so we could help you if you need us. Dumalaw kayo parati sa bahay," nakangiting wika ng Mommy ni Oscar.Hindi naman umimik si Oscar. Umiwas ito ng tingin dahil sa inis na nararamdaman nito. He is fucking pissed since a while ago. Tipid namang ngumiti si Bethany dahil doon. Ang mga magulang ni Oscar ay nandito rin. Ang magulang lang na babae ni Bethany ang nandito ngayon dahil nasa ibang bansa ang ama niya."H'wag kang gagawa ng ikakagalit ko, Oscar. Don't you dare to go to your girlfriend. Layuan mo na siya kung ayaw mong sirain ko ang buhay niya or much better kung makipaghiwalay ka nalang sa kanya," madiin at seryosong sambit ng Daddy ni Oscar, dahilan para mapalunok si Bethany.Naikuyom ni Oscar ang kaniyang kamao. Ito ang ayaw niyang marinig mula noo
Napatingin si Bethany sa relong pambising."Aime, darating pa ba siya? Kanina pa tayo naghihintay rito," inis niyang bulalas. Malapit nang gumabi at 'yong client nila wala pa rin."Ma'am, nag-text na po ulit sa kanya," nakangusong tugon ng secretary ni Bethany.Napahilot na lang si Bethany sa sentido niya. Nasa isang VIP room sila ng isang restaurant dito sa BGC. Dito ang gaganapin ang meeting nila ng kliyente niyang iyon.She can't go home so late. May naghihintay sa kaniya."Kapag wala pa rin siya sa loob kinse minutos, aalis na tayo. Sinasayang lang niya ang oras natin," she said seriously.Napalunok si Aime bago tumango. "Okay po," sagot nito.Bethany crossed her arms while seriously looking at the entrance door. Lumipas ang ilang segundo at gano'n pa rin ang posisyon niya."Tawagan mo ako kapag wala pa rin. I need to go to the restroom," seryosong sambit niya bago tumayo at umalis. She's not used to this kind of behavior but she needs to. This is the new her. And she's happy abou







