LOGINGabi na at kasalukuyang kumakain sina Oscar at Bethany. Hindi na nagulat si Bethany kung bakit ready na ang mga gamit na nasa loob ng bahay. May mga pagkain na nakalagay sa ref at malinis ang paligid at loob ng bahay. Even their clothes, nakalagay na ng mga iyon sa closet nila.
May mga halaman ding makikita na nakatanim sa palibot ng bahay. Malaki at malawak naman ang loob nito at maraming kwarto. Aside from the masters bed room, may tatlo ring guest room ang bahay nila. Hindi na iyon nakakapagtaka. Tumikhim si Bethany at tumingin kay Oscar na seryoso sa pagkain. Nakasuot na ito ng pantulog, hindi tulad niya na naka-white sando at shorts pa.
Mukhang napansin ni Oscar na nakatingin si Bethany sa gawi niya kaya umangat siya ng tingin. Nagsalubong ang makakapal nitong kilay na para bang nagtataka.
"What? Don't stare at me. Just focus on your food," masungit na sambit nito at nagpatuloy na muli sa pagkain. Bethany pouted.
"Pasensya na dkung hindi ako masyadong marunong magluto ng lutong bahay. Nasanay kasi ako na lagi akong nag-oorder," sambit ni Bethany. Nahihiya siyang yumuko pagkatapos niyang sabihin iyon. Tumingin siya sa pagkain niya.
Si Oscar kasi ang nagluto ng dinner nila. Si Bethany sana ang magluluto kaso sinabi niya sa asawa na hindi siya marunong. Simpleng putahe lang naman kasi ang alam niya. Aside sa pagluto ng kanin, fried egg, hotdog at noodles lang ang kaya niyang lutuin.
"Ngayon lang 'to. Sa susunod, ikaw na ang magluluto. You should know how to cook kahit na adobo lang, Bethany. Hindi ka prinsesa kapag nasa puder kita. Keep that in your mind," masungit pa rin na sagot nito at uminom ng tubig bago tumayo. Nasaktan si Bethany nang kaunti dahil sa sinabi nito kahit na totoo naman.
Tumungo si Bethany para tingnan ang asawa niya. Nakatingin pala ito sa kaniya. "S-Sige, papag-aralan ko..." binigyan ni Bethany si Oscar ng pilit na ngiti. Oscar's jaw clenched. Tinapunan niya si Bethany ng masamang tingin.
"Ikaw ang maghuhugas nitong mga plato. Baka pati 'yon hindi–"
Bethany cut him off. "I know how wash this. At saka, kaunti lang"
"Good. After you wash that, go to the masters bedroom. We will talk," sambit ni Oscar at tinalikuran na siya. Lumakad na ito paalis ng dining area at iniwan na si Bethany. Humugot muli si Bethany ng malalim na hininga at binuga iyon.
Inilibot niya ang paningin sa paligid. Bukas ang mga ilaw ng bahay. Maganda ang loob ng bahay pero malungkot naman ang paligid nito. Tumayo na si Bethany at kinuha ang mga pinagkainan nila. Habang naghuhugas siya ng plato nila, biglang pumasok sa isip niya ang nangyari kanina. Nag-aayos siya noon ng mga gamit niya nang magsalita si Oscar.
"Maayos ang lahat ng kuwarto na nandito kaya pumili ka na lang kung saan mo gustong matulog. Sa master's bedroom ako matutulog," naalala ni Bethany na sambit ng asawa.
Sa sinabi pa lang nito ay alam na talagang ayaw siyang makatabi nito. Of course, why would he? Sinabi na nga nitong may girlfriend na ito bago pa sila ikasal.
"Your lover is calling you."
Nabalik si Bethany sa reyalidad nang marinig niya ang boses na iyon na nanggagaling sa likuran niya. Nanlalaking mata na hinarap niya si Oscar.
Seryoso ang mukha nito habang hawak ang cellphone ni Bethany na nakaharap ang screen sa kaniya. Nakita niya ang pangalan ni Cole na naka-flash doon.
"Oscar, he is not my lover. He is just my—"
"I don't care. Kukunin mo ba ang cellphone mo o sisirain ko na lang ito?" tanong nito sa kaniya. Nagulat si Bethany sa tinuran ni Oscar.
"Pwedeng pakisagot na muna? Pakisabi na mamaya na lang siyang" naputol na naman ang sasabihin niya dahil biglang itong tumalikod dala ang cellphone niya.
Lumakad si Oscar paakyat ng hagdan. Kinakabahan naman si Bethany.
Baka sirain na yun.
Binilisan niya na lamang ang paghugas ng plato. Nang matapos na, pinunasan niya agad ang basang kamay at pinatay ang ilaw sa kitchen saka niya sinundan ito. Hindi niya alam kung saang kuwarto ito pero sa tingin niya, nasa master's bedroom ang asawa niya.
Kumatok muna si Bethany bago pumasok. Naabutan niya naman ito na may kausap sa cellphone niya. "Yes, baby. Take care. I will. I love you too. Yeah, yeah. Okay, good night. Sweet dreams," rinig niyang sambit ni Oscar. Mababakas din sa boses ng lalaki ang saya. Para ring nakangiti si Oscar habang kausap ang nasa kabilang linya.
Naninikip bigla ang dibdib ni Bethany. Just because of those words, her heart suddenly shattered in pieces. Maybe, that's his girlfriend.
He's so sweet to her. How lucky she is?
Nakakainggit.
Bakit kasi hindi ka umamin? Tanong ng isang bahagi ng isip niya. She just shrugged it off. Napangiti si Bethany ng mapait. Nag-iinit ang gilid ng mga mata niya pero mabilis niyang pinunasan iyon bago pa tuluyang tumulo. Natapos na ang tawag at binaba na ni Oscar ang cellphone nito. Humarap ito sa gawi niya pero hindi naman ito nagulat bagkus nangunot lang ang noo nito.
"Why are you here?" he asked her.
"O-Oscar, yung cellphone ko..." Naramdaman ni Bethany na may mainit na tubig ang dumaloy sa pisngi niya. Fuck! Mas lalong kumunot ang noo ni Oscar at lumapit sa gawi ni Bethany. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil doon. She can feel a lump in her throat.
"O-Oscar.. yung..."
Tumigil ito sa paglalakad at pumunta sa nightstand table na nasa tabi ng kama. May kinuha ito sa ibabaw noon at lumapit muli sa kaniya.
Inabot ni Oscar kay Bethany ang cellphone niya. "He's your friend? But, he's not good for you so stay away from him," seryosong sambit nito.
Lumunok si Bethany bago kinuha ang cellphone niya at tinalikuran ang lalaki. Umalis siya roon na naiiyak.
Ang sikip ng dibdib niya. Nasasaktan na naman siya. Simpleng bagay lang, naiiyak siya. Her feelings is valid. Hindi naman siya masasaktan ng ganito kung wala siyang nararamdam para kay Oscar.
Madali rin siyang maiyak kahit na sa simpleng bagay lang naman ang dahilan. Lumaki siya sa mayamang pamilya. Naibibigay ang mga gusto niya. Tinuturing siyang prinsesa at bini-baby pa. Pero ngayong nasa puder na siya ng asawa niya, hindi na.
Umupo siya sa pinakagilid ng pinakadulong hagdan nang makarating na siya. She covered her face using her hands. Tahimik siyang umiyak.
Mula pa noong umalis sila sa bahay ng mga parents nila, gusto na niya talagang humagulgol. Tinakpan niya pa ang bibig niya para pigilan ang mga hikbing gustong kumawala sa bibig niya.
Masyadong tahimik ang paligid para magulo lang ng paghikbi niya. Binuksan niya ang cellphone niya at agad na dumiretso sa contacts. She wants to call the two persons she's comfortable with. Hinanap niya ang pangalan nila. Inuna niya muna si Cole pero hindi niya makita ang pangalan nito.
Bumilis ang tibok ng puso niya at bigla niyang naalala ang ginawa ni Oscar.
Binura ba yung number ni Cole?
Wala naman password ang phone niya kaya madali lang maka-access sa mga apps. Mas lalong naiyak si Bethany. Hindi niya pa naman saulado ang bagong number ng kaibigan niya.
Hinanap niya na lang ang pangalan ni Iris pero bago niya iyon makita ay may baritong boses ang nagsalita mula sa gilid niya.
"You didn't change, Bethany. You are still the girl I knew back then. Iyakin ka pa rin," nilingon ni Bethany ang gilid niya.
Nakatayo si Oscar dalawang bahagdan mula sa kaniya. Nakasandal ang likod nito sa railings ng hagdan. His arms are crossed while looking intently at her.
Tumayo si Bethany mula sa pagkakaupo at mabilis na pinunasan ang luha niya. "Sa taas na tayo. Di ba mag-uusap pa tayo," pinilit niyang hindi mautal habang nagsasalita. Nilagpasan niya ang lalaki at naunang maglakad paakyat.
Alam ni Bethany na nakasunod lang ang asawa sa likuran niya. Saglit siyang humarap sa lalaki. "Pupunta lang ako sa kuwarto mo pagkatapos kong maglinis ng katawan ko," wika ni Bethany. Wala siyang imik na naglakad papasok sa kuwarto niya at sinara iyon.
Nang matapos na siya, lumabas na siya ng kuwarto niya at pumasok sa master's bedroom. Naabutan niyang nakasandal si Oscar sa headboard ng kama habang busy sa cellphone nito. Ilang saglit pa ay umangat ito ng tingin.
Seryosong pinagmasdan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa bago binalik din ulit ang tingin sa cellphone nito. Lumakad si Bethany palapit sa kama at umupo sa gilid noon. Nakatalikod kay Oscar.
Kinuha niya ang suklay na nakalagay sa puting roba na suot niya bago marahang sinuklay ang buhok niya. Tumingin na siya kay Oscar. Pinagmamasdan pala siya ng lalaki. "What are we going to talk about?" tanong ni Bethany.
"About the set-up of this fucking arrange marriage," sagot naman ni Oscar. Hindi na ito tulad ng kanina na masungit. Tumayo ito at umalis sa kama. Umupo ito sa single sofa na nasa gilid ng wardrobe at paharap sa kama.
Medyo nakahinga ng maluwag si Bethany. Kanina pa kasi mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba. Sinuklay-suklay niya na lang muna ang buhok niya habang hinihintay niyang magsalita ang lalaki.
"We're legally married pero hindi tayo magtatabi sa kama. I feel like, I'm cheating with Erica kapag ginawa ko iyon," seryosong sambit ni Oscar. "Hindi mo rin ako papakialam sa kung sino ang kikitain ko, o kung sino man ang dadalhin ko rito sa bahay na ito. Hindi ka magsusumbong kina Mom at Dad."
Hindi umimik si Bethany. Tanging tango lang ang sagot niya kahit na nakaramdam siya ng kirot sa puso niya.
Gabi na at kasalukuyang kumakain sina Oscar at Bethany. Hindi na nagulat si Bethany kung bakit ready na ang mga gamit na nasa loob ng bahay. May mga pagkain na nakalagay sa ref at malinis ang paligid at loob ng bahay. Even their clothes, nakalagay na ng mga iyon sa closet nila.May mga halaman ding makikita na nakatanim sa palibot ng bahay. Malaki at malawak naman ang loob nito at maraming kwarto. Aside from the masters bed room, may tatlo ring guest room ang bahay nila. Hindi na iyon nakakapagtaka. Tumikhim si Bethany at tumingin kay Oscar na seryoso sa pagkain. Nakasuot na ito ng pantulog, hindi tulad niya na naka-white sando at shorts pa.Mukhang napansin ni Oscar na nakatingin si Bethany sa gawi niya kaya umangat siya ng tingin. Nagsalubong ang makakapal nitong kilay na para bang nagtataka."What? Don't stare at me. Just focus on your food," masungit na sambit nito at nagpatuloy na muli sa pagkain. Bethany pouted."Pasensya na dkung hindi ako masyadong marunong magluto ng lutong b
Five years ago."Oscar, Bethany is your wife now. Hindi ka na binata ngayon. Bago ka gumawa ng mga desisyon ay isipin mo muna ang asawa mo. Alagaan mo rin siya. And you, Bethany... tumawag ka sa'kin kung magkaroon man kayo ng problema so we could help you if you need us. Dumalaw kayo parati sa bahay," nakangiting wika ng Mommy ni Oscar.Hindi naman umimik si Oscar. Umiwas ito ng tingin dahil sa inis na nararamdaman nito. He is fucking pissed since a while ago. Tipid namang ngumiti si Bethany dahil doon. Ang mga magulang ni Oscar ay nandito rin. Ang magulang lang na babae ni Bethany ang nandito ngayon dahil nasa ibang bansa ang ama niya."H'wag kang gagawa ng ikakagalit ko, Oscar. Don't you dare to go to your girlfriend. Layuan mo na siya kung ayaw mong sirain ko ang buhay niya or much better kung makipaghiwalay ka nalang sa kanya," madiin at seryosong sambit ng Daddy ni Oscar, dahilan para mapalunok si Bethany.Naikuyom ni Oscar ang kaniyang kamao. Ito ang ayaw niyang marinig mula noo
Napatingin si Bethany sa relong pambising."Aime, darating pa ba siya? Kanina pa tayo naghihintay rito," inis niyang bulalas. Malapit nang gumabi at 'yong client nila wala pa rin."Ma'am, nag-text na po ulit sa kanya," nakangusong tugon ng secretary ni Bethany.Napahilot na lang si Bethany sa sentido niya. Nasa isang VIP room sila ng isang restaurant dito sa BGC. Dito ang gaganapin ang meeting nila ng kliyente niyang iyon.She can't go home so late. May naghihintay sa kaniya."Kapag wala pa rin siya sa loob kinse minutos, aalis na tayo. Sinasayang lang niya ang oras natin," she said seriously.Napalunok si Aime bago tumango. "Okay po," sagot nito.Bethany crossed her arms while seriously looking at the entrance door. Lumipas ang ilang segundo at gano'n pa rin ang posisyon niya."Tawagan mo ako kapag wala pa rin. I need to go to the restroom," seryosong sambit niya bago tumayo at umalis. She's not used to this kind of behavior but she needs to. This is the new her. And she's happy abou







