Share

Chased by the Mafia's Son
Chased by the Mafia's Son
Author: Psyclovers

Chapter 1

Malamig na simoy ng hangin ang humahampas sa aking balat sa mga oras na ito. Kahit nakasuot ng hoodie ay nakakaramdam pa rin ako ng lamig. Saglit akong napatingin sa aking relo. Alas dos na pala ng umaga, hindi ko ‘man lang namalayan. Psh.

Mukhang kailangan ko nang umalis bago pa may makakita sa akin. I was about to step away nang may tumawag sa akin mula sa likuran. Pamilyar ang boses nito kaya hindi ko na nilingon pa.

“Hey, Miss Arian!”

“Kailan ka ba babalik?” tanong ng isa sa kanila. Kahit hindi ko lingunin ang mga taong iyon ay pakiramdam ko‘y dumadami sila.

I need to escape as soon as possible. 

Napatigil ako sa paglalakad nang magsalita itong muli. “Marami ka pang atraso sa amin, nakalimutan mo na ba?” ani ni Copper, who was our gang leader before. Hindi ko pinansin ang sinabi nito bagkus nanatiling nakatalikod.

“Alam mo ba na kapag nakatakas ka ng buhay ay maswerte ka?” kahit nakatalikod ay ramdam ko ang pagngisi nito na nagbigay naman sa sakin ng kaunting kaba.

“Huwag na kayong umasa na babalik pa ako sa inyo maliwanag? Nagsasayang lang kayo ng oras sa ginagawa niyo. Tss.” matapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay wala na akong sinayang na oras. Tumakbo ako ng mabilis para takasan ang mga ito.

‘Habulin ninyo!’

Narinig kong sigaw nina Cooper kaya mas binilisan ko pa lalo ang aking pag takbo. Madilim sa paligid kaya hindi ko alam kung nasaan na ba ako ngayon. Basta ang iniisip ko lang ngayon ay makatakas sa kanila. Hindi pa ako handa para harapin ang grupo nila.

Habang papalapit ako sa highway ay may naaninag akong sasakyan sa kalayuan. Dahil mukhang mamahalin ang mga ito, sigurado akong hindi ito kina cooper. I didn't know na may taxi pa rin sa ganitong oras.

Wala na akong choice kung hindi pasukin ang sasakyan na iyon. Ayos lang mawalan ng hiya, h‘wag lang buhay ko ang mawala.

Mabilis kong tinungo ang itim na sasakyan na iyon at walang pasabing pinasok iyon. Mabilis ko rin na sinaraduhan ang pinto para walang makapansin sa akin. Kinapa ko ang aking bulsa at kumuha ng isang daan. Inabot ko rin agad iyon sa driver. 

“D'yan lang po sa mabuhay street.” ani ko sa driver. Ngayon ko lang napansin na napakaganda ng loob ng sasakyan na ito. Hindi ko ‘man lang nabalitaan na nag upgrade na pala ang mga taxi. Ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito. Kung hindi ito isang taxi, i-isipin ko talaga na pagmamay ari ito ng isang sindikato. O kaya naman ‘yong nangunguna ng mga bata. 

Halos mangalay na ang aking kamay ay hindi pa rin kinukuha ng manong ang bayad ko. Ano pa bang hinihintay niya? Mabilis kong ibinaling ang paningin ko dito para sana itanong kung bakit hindi pa kami umaalis. Pero nang sandaling magkatitigan kami ay nanlaki ang mga mata ko.

“W-Who are you?!” he exclaimed that minute. Namumula-mula na rin ang mga mata nito dahil sa galit.

Is he stupid? Anong karapatan niya para sigawan ako?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status