Share

Chapter 2

Felix Simoun POV

  

Nagising ako nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko na nasa ilalim ng aking unan. Mabilis kong kinuha iyon at tiningnan. Napailing-iling na lang ako ng makitang tumatawag ang ugok.

Napairap ako sa kawalan bago tiningnan ang oras. 2:30 pa lang ng umaga. 

Inis na bumangon ako bago sinagot ang tawag ni Ash. ‘What?’ inis na tanong ko dito.

‘Grabe, Pre! Wala ‘man lang bang good morning?’ natatawang usal ni Ashtan mula sa kabilang linya. Good morning your face.

‘Bakit ka napatawag? At sa ganitong oras pa talaga, ah?’

Hindi ko pinansin ang sinabi nito at itinanong kung bakit s‘ya napatawag. Masyado maaga pa para magbanat ng buto kaya sigurado ako na may ibang dahilan ito.

Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat, e. Tipong ang ganda-ganda ng tulog mo tapos magigising ka lang dahil sa isang tawag? Langya. 

‘Pati tulog ko iniistorbo mo.’ reklamo  ko pa dito. Tumawa lang nasa kabilang linya. 

‘Naaalala mo ba no‘ng nakaraan? Di‘ba pinapakidnap ni Mr.

Hermes ang kanyang anak sa atin? Good news, Pre, may nakakita na daw doon sa babae.’ 

“Anong gusto mong gawin ko/natin? Puntahan kung nasaan ang babae? At talaga bang sa ganitong oras pa? Are you insane?!” inis na tanong ko. Muling natawa ang nasa kabilang linya.

‘Oo, Pre. Hindi ko alam na magaling ka palang manghula. Sige na, Pre. m

Magkita na lang tayo sa Santinos road. Isasama ko na nga rin pala si Jofel.’ paalam nito bago pinatay ang tawag.

‘Hoy!—

.

Inis na ibinato ko sa kama ang phone ko bago dumiretso sa banyo para maligo. Habang nagsho-shower ay bigla kong naalala ang favor na hinihingi ni Mr. Hermes.

*Flashback*

Nasa mansion kami ng mga Hermes ngayon. Naimbitahan kaming tatlo dahil birthday ni Tito. Gustuhin ko ‘man tumanggi at hindi ko magawa. Si Mr. Hermes siya, e. Maraming tao ang pinapangarap na makita at makasama siya sa personal, kaya sayang naman ang isang araw na ito kung hindi mo s‘ya makikita, hindi ba?

Balita ko kasi linggo-linggo umaalis si Mr. Hermes para asikasuhin ang ibang business nila sa ibang bansa. Gano‘n siya kayaman. 

Nagulat ako nang makitang naglalakad ito papalapit sa amin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng kaba.

“Hi.” bati nito ng makalapit. Simpleng bati lang iyon pero nagtaasan kaagad ang aking balahibo. Napansin ko din ang bahagyang pag-atras ni Jofel. Nilakasan ko ang aking loob at  nakangiting binati ito. “Hello po, Mr Hermes.” napangiti lang ito bago tinapik ang balikat naming tatlo.

“Maupo kayo.” kaagad naming sinunod ang utos nito. Naupo din si Mr. Hermes sa kinauupuan namin bago inilagay ang kamay sa lamesa at pinagsiklop ang mga daliri nito. “Dahil anak naman kayo ng mga kaibigan ko, gusto ko sanang humiling ng isang pabor sa inyo” nagulat ako sa sinabi nito. Napaka-straight forward niya kung magsalita. Ang inaasahan ko pa naman ay may magaganap na interview dito ngayon. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ang inaasahan ko ang nangyari.

“Sige po, ano po ba ‘yon?” sagot ng mga kasama ko.

“Gusto ko sanang kidnapin nyo ang anak kong babae, at iuwi n‘yo dito.”

Medyo nagulat ako sa pinapagawa niya. Bakit naman niya ipa-pakidnap ang sarili niyang anak di‘ba? Tsk. Bahala na nga.

Wala kaming magagawa kun‘di sundin ang pinapagawa ni Mr. Hermes. Business partners sila ng magulang namin kaya nakakahiya naman siguro kung tatanggihan namin.

“At kung makita niyo siya, makakatanggap kayo ng regalo mula sa akin.”

“Sige po, Tito. Makakaasa kayo.” sagot ko bago tuluyang umalis sa pwestong iyon. 

End of flashback.

MATAPOS kong maligo ay nag bihis na ako. Hindi naman siguro kailangan magara ang isuot ko.

Tanging t-shirt na puti lang ang suot ko na pang ibabaw, tapos sa pang ilalim naman ay pantalon na kulay itim. Kumuha na din ako ng jacket dahil malamig pa sa labas. Isinuot ko agad ito bago kinuha ang susi ng kotse ko. 

Ngayon ay wala ang mga magulang ko dito. Si Dad kasi ay malimit lang umuwi sa bahay, minsan umuuwi lang siya kapag malapit dito ang pinag me-meetingan nila. Si Mom naman ay nasa singapore with my sister, kaya kaming dalawa na lang ni Dad ang nakatira sa mansion. 

Nang makalabas ay dumiretso ako sa garahe namin at sumakay sa kotse kong Mazda MX-5 na kulay itim.

Mabilis ko itong pinatakbo at tinungo ang lugar kung saan ang aming napag usapan.

Mabilis kong itong narating dahil 

medyo malapit lang sa lugar namin ang lugar na iyon. Ipinarada ko ang aking sasakyan sa tabi kung saan ipinarada ng dalawa ang mga sasakyan nila. 

“Wassup, Bro.” bati sa akin ni Jofel na isa ko ring kaibigan.

Agad naman siyang napatingin sa suot ko, tinaasan ko naman kaagad ito ng isang kilay. “What?” iritadong tanong ko. Natawa lang naman ang gago. “Bakit gan‘yan ang suot mo, dude?”

“Anong nakakatawa?” inis na ibinaling ko ang paningin sa aking suot ko. Wala namang masama sa suot ko ah? Tss.

Kanilang suot naman ngayon ang pinagmasdan ko.“Eh kayo? Bakit gan‘yan ang suot n‘yo? Dinaig niyo pang a-attend sa JS prom sa suot niyo. Tss.” nakangising ani ko. Tinapik lang ni Ashtan ang balikat ko.

“Dude, alam naming gwapo ka pero hindi namin alam na may pagka-slow ka rin pala.” nagpipigil tawang ani ni Ashtan. Hindi ako slow, sadyang hindi ko lang alam ang trip nila sa buhay. Psh.

“Ganito kasi ‘yan, Pre.” panimula ni Jofel bago ako inakbayan. “Kilala mo naman siguro kung sino nag uutos nito di‘ba?” mahinang tumango ako.

“Isa siya sa pinakamayaman sa bansa natin, bilyonaryo kumbaga. Di‘ba may nabanggit siya tungkol sa regalo?” Tumango ulit ako. “What if ‘yong regalo na ‘yon ay si Aryana mismo?” napailing lang ako bago inalis ang pagkaakbay nito.

“So what?”

“Malay mo ipakasal siya sa isa atin di‘ba?” hirit pa ni Ashtan.

“Hindi ako interesado.” aniko habang nakatingin sa malayo. Muli kong ibinaling ang paningin ko sa mga ito nang maalala ko ang dahilan kung bakit nga ba kami nandito.

“May picture ba kayo no‘ng babae?” tanong ko sa dalawa. Napatahimik ang dalawa sa tanong ko. “D-Don't tell me—

“Heheheh.” sabay silang umiling habang natatawa.

Napahilamos ako sa aking mukha.

“Paano natin siya mahahanap kung ganoong wala tayong lead?!” Aish!

Paano namin siya makikita kung hindi namin siya kilala o wala man lang kaming litrato nito? Tsk tsk.

Kung bakit ba kasi ‘yong porma ang inuna nila e. 

Tumalikod ako at iniwan ang mga ito sa kanilang pwesto. Narinig ko pang tinawag ako ni Jofel pero hindi ko iyon pinansin. Dumiretso ako sa kotse ko at pumasok sa loob. Nakailang buntong hininga ako bago kinuha ang mountain dew na nakapatong sa dashboard. Habang iniinom ko ito ay biglang bumukas ang pinto sa passenger seat. Mabilis ko iyong tiningnan at muntik ko pang maibuga ang mountain dew na nasa bibig ko, mabuti't napigilan ko. 

Mabilis kong nilunok ang nasa bibig ko at matiim na pinagmasdan ito. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong babae, pero bakit gano‘n ang suot niya? Hindi ko talaga alam kung anong kasarian nito. Basta sigurado akong tao ito.

Napansin ko din sa taong iyon na hingal na hingal, halatang galing ito sa takbuhan. 

Pinagmasdan ko pa ito nang mabuti pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Marahil dahil iyon sa suot niyang hoodie.

Naalarma ako ng may kinuha siya sa kanyang wallet. “Diyan lang po sa mabuhay street.” ani no‘ng babae bago inanot sa akin ng isang daang piso.

Bulag ba siya?

Anong tingin niya sa kotse ko? Taxi?

Napansin niya siguro na hindi ko kinukuha ang pera niya napaangat ang tingin n‘ya sa akin. Halatang nagulat ito ng magtama ang mga mata namin.

“Who are you?!” pagsigaw na tanong ko. 

Tumaas ang isang kilay ng babae. “Manong, bakit ho ba kayo sumisigaw?” tanong nito na mas lalong nagpainit sa ulo ko.

The fvck. M-Manong? 

Napapikit ako sa inis bago hinarap ito.

“At ikaw naman, bakit ka pumapasok sa sasakyan ng hindi sa'yo?” Hindi ito nakaimik. Tss “Ngayong alam mo na na hindi ito taxi, pwede ka nang lumabas.” aniko dito bago itinuro ang pinto.

“Sorry, pero hindi ko gagawin ang inuutos mo.” Napataas ang isang kilay ko sa sinabi nito. Ang tigas naman ng mukha nito. Tsk 

“Hindi pa ba tayo aalis?” Maya maya'y anito habang nakatingin sa kanyang relo. Napakunot naman kaagad ang aking noo. Sasagutin ko sana ang tanong nito nang mapansin kong may mga lalaking nag tatakbuhan sa labas.

‘Hanapin nyo! Mukhang hindi pa yun nakakalayo!’ narinig kong sigaw ng isang lalaki.

Napansin ko din na mayroong lumapit kina Ash at Jofel, mukhang may itinatanong sa kanila ang mga lalaking iyon. Mula sa loob ng sasakyan ay nakita kong umiling ang dalawa. Umalis din kaagad ang mga ito matapos magtanong.

Bumaba ako sa aking sasakyan para sana lapitan ang dalawa pero bago makababa ay napansin ko ang biglaang pagyuko no‘ng babae.  She's weird. Tss.

Yes, she's totally weird. 

Pagkalapit ko kina Ash ay medyo nagulat ito “Anong mayro’n?” Tanong ko. Umiling lang ito. “Wala, nag tanong tanong lang” sagot nito.

“About what?”

“Tinanong nila kung may nakita daw kaming babae, pero dahil honest at pogi ako sinabi namin ang totoo.” sagot ni Jofel na may halong kalokohan. Tss.

Teka? B-Babae?

Hindi kaya—

“Kung hindi mo ako kayang ihatid, maaari ko bang hiramin ang isa sa mga sasakyan ninyo?” ani ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran. Dahan-dahan ko itong hinarap, at ganoon na lang ang gulat ko nang makilala kung sino ito. Hindi ko ‘man lang nararamdaman ang paglapit ng babaeng ito. Sino ba siya talaga?

“Teka! Sino ka muna?” nalilitong tanong ni Jofel habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

“Akhira Montefiore.” pakilala 

no‘ng babae bago inilahad ang kanyang kamay. Kinuha naman kagaad iyon ni Jofel. “Jofel Serrano, ang pika-gwapo sa aming tatlo. Nice to meet you.” nakangiting pagpakilala niya. Tss.

Nang matapos si Jofel mag pakilala ay si Ashtan ang sumunod. “Hi, Ashtan William nga pala.” tahimik lang ako habang nakatingin sa kanila nang biglang nagsalita si Jofel.

“Pero teka lang, bakit ka nga pala nasa loob nang sasakyan ni Felix ha? Ayie, kayo ha. Kaya pala hindi ka lumalabas, Pre. May kasama ka pa lang babae.” panunukso ni Jofel, sinamaan ko naman agad ito ng tingin.

“Shut up.” inis na sabi ko.

“Balak ko sana‘ng mag pahatid pauwi d‘yan sa kaibigan n’yo, kaso mukhang ayaw n‘ya, kaya kayo na lang dalawa ang tatanungin ko.” 

“Pasensya na. Mayroon kasi kaming inaantay, e.” napakunot ang noo ni Akhira sa sinabi ni Ashtan. “Sino ba?” tanong nito habang nagmamasid sa paligid.

“Si Aryana.” mahinang ani ni Jofel na sakto lang para marinig namin. Napansin ko ang biglaang paglingon ni Akhira kay Jofel.

“Baka nakikita mo siya?” umiling lang ito bago nag iwas ng tingin.

“Kanina pa ako pa lakad-lakad dito, pero wala naman akong nakita. Mukhang mali ang lugar na inyong pinuntahan. Sigurado ba kayong nandito ang taong ‘yon?” tanong ni Akhira. Sabay-sabay kaming tumango kaya napailing-iling lang ito.

“So, sino ang maghahatid sa akin?” masiglang tanong ni Akhira.

Medyo makapal din ang mukha ng babaeng ito ah. Tsk.

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status