Share

Chapter 5 || Double Win

Double Win

Mabilis akong bumalik sa pwesto kung saan ang mga kaklase ko at sinalubong naman kaagad nila ako. Natahimik ang lahat ng magsalita ulit ang emcee.

"Now were going to award the 3 winners of our Cheering Contest happens earlier!” Agad naman nagsihiyawan ang mga estudyante sa sinabi ng emcee.

"For our 3rd winner goes to!...” Natahimik ang lahat at hinihintay ang susunod niyang sasabihin, “Congratulations to…section 11-B!" Nagulat ako ng biglang humiyaw din sa tuwa ang iba kong mga kaklase na parang sila ang nanalo kahit kabilang section naman ‘yon, pero dahil madami kaming kaibigan sa section 11-B ay nakisali na rin ako sa paghiyaw-hiyaw nila.

 'di pwedeng sila lang, dapat ako din'.

Sa sobrang kapal ng mukha ng section namin ay nakipag group hug din kami sa section nila at hinatid namin sila sa stage at agad kaming bumaba para makapag picture sila buong section kasama ng award nila.

"And for our 2nd winner goes to!...” giit ng emcee. “Section 12-B!" Mabilis namang naghiyawan ang mga studyante sa kanilang section at nagsipalakpakan naman ang ibang estudyante kaya pumalakpak na lang din kami.

"Kris, kita mo ‘yong babaen ‘yon," tanong ng kaklase kong si Jared sabay turo sa babaeng ‘mula Section 12-B na kasalukuyang umaakyat sa stage.

"Oh? Oo bakit?" sabi ko sabay tingin sa babeng tinuturo niya. ‘Ah si Jessa. Si Jessa na umaakyat sa stage habang masakit na tinititigan ang bawat tao. Isn’t she contented?’

"Diba Jessa ang pangalan no’n? Ang sama ng tingin niya sayo kanina, napansin mo ba?" aniya. ‘Huh? Halata ba? Gano’n ba kasakit ang tingin sa akin ni Jessa para pati sila ay nahalata din?’

"Napansin mo din pala, akala ko ako lang. Hayaan mo na ‘yon," giit ko sa walang ganang boses.

"Pag may ginawa siyang masama sayo sabihin mo lang sakin. I got yah!" aniya sabay kindat sa akin na ikina-ngiwi ko.

"Eehh? Ang panget mo," lokong sabi ko na ikininguso niya. ‘Ang cute niya!’

"And the winner in our Cheering Contest goes to section!..." Naging tahimik ang lahat at hinihintay ang susunod na sasabihin ng emcee.

"Our Champion in our Cheering contest goes to section 11-A!" Naging matunog ang sigawan ng lahat at palakpakan ng mga tao sa sinabing iyon ng emcee.

‘Kami? Talaga bang kami? Walang biro-biro, kami talaga? Okay.’

Nagulat ako ng buhatin ako ng mga kaklase kong lalake sa paa at itinaas, doon nakita kong pati si Roce at Athena na binuhat din ng ibang kong kaklase kaya napabuga ako ng malalim na hininga sa nerbyos at kaagad na umayos na lang ng tayo.

‘Teka lang! Nanggugulat eh.’

Nakita ko ang iba kong kaklaseng sinayaw ang last part ng cheering dance namin kaya umayos na lang ako ng tayo at inihanda ang sarili dahil maya-maya lang ihahagis na nila ako pataas.

Natapos ang kami sa aming ginawa ng hindi huminto sa pagpapalakpak ang mga tao. Laging handa talaga ‘tong mga kaklase ko, laging may pa sobra eh, tutubuan ka nga lang ng nerbyos sa gulat.

Ibinaba na nila ako at nasimula na kaming maglakad patungo sa stage upang makuha ang award namin.

"Wow may pasobra pa kayo ha,” sabi ng emcee na siyang ikinatawa namin. Inayos namin ang kanya-kanyang pwesto namin sa stage, may mga nakatayo at ang iba naman ay naka-upo.

Ako na ang nasa gitna at ang humawak ng trophy namin dahil pinilit nila ako dahil leader daw ako. Naka-ilang picture kami sa itaas, nakakatuwang si Tyler at Kian pa ang photographer namin.

Agad naman kaming bumaba sa stage at bumalik sa pwesto ngunit bago yun ay nagulat ako ng bigla nalang silang nag group hug at ako ay naipit naman sa gitna.

Napailing na lang ako sa inaakto nila ngayong araw na ‘to, minsan lang ‘to mangyari dahil madalas ay on competition ang halos lahat ng mga kaklase ko pag dating sa academics. And I hate the fact na ang competition na ‘yan ang nagpapawasak at nagpapabulag sa amin. But I understand that fact, I know the reason why they are competing…and that is because they want or need to meet their parent’s standard.

“We won section 11-A! We won!” malakas na giit ng homeroom mayor namin na siyang nangunguna din pagdating sa academics.

Napangiti ako ng maghiwalay kaming lahat mula sa pagyayakapan. I can see in their eyes the happiness and satisfication.

“Thanks to Kris na siyang hina-highblood sa kakasuway sa’tin.” Lahat kami’y natawa dahil sa sinabi ng isa naming babaeng kaklase. Mahina akong natawa nang maalala kong halos maiiyak na ako noon sa kakasuway sa kanila pero mas lalo pa silang nangkukulit.

Even though na pasaway sila ay I can still see their unity and sacrifice for this cheering contest, syempre ibang usapan na ‘to,  it’s for our section na mag-cocompete pa ba sila.

"And next, let’s move on to the winner of our On The Spot Singing Contest. Let’s make it fast a bit because it’s already late...Our winner on our on the spot singing contest is!...” suspensang giit ng emcee

Pagkasabi ng emcee ay napatingin ako kay Jessa na siyang nakatingin din pala sa akin habang nakangisi, kaya nginisihan ko din siya sabay tingin sa emcee.

"Kris Barbas of section 11-A!" Naging maingay naman ang paligid lalong lalo na ng mga kaklase ko, ngunit mas nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Tyler sabay talon-talon kaya nasakal ako ng kaunti.

"Aray ko naman, Tyler! Hinay-hinay lang litse ka," suway ko sa kaniya habang hinampas hampas ang kamay niya. Binitawan niya agad ako sabay mahinang natawa.

"Nanalo ka Kris! Nanalo ka!" masayang aniya sabay yugyog ng balikat ko.

"Oo alam ko! Aray ko naman Tyler," sarkasmong giit ko na siyang ikinawala ng ngiti niya.

"Hindi ka masaya? May pakiramdam ka ba o wala?" takang tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

‘Natural tao ako.’ Sarkasmong giit ko sa sarili ko. Nag-iisip ba ‘tong Tyler na ‘to?

"Kung wala akong pakiramdam eh ‘di sana hinayaan ko lang masakal ako sa yakap mo kanina at tumalon talon ka pa! Ayos ka ah!" giit ko sa sarkasmong boses, agad naman siyang ngumiti na parang nahihiya.

"Ay hehe, eh ‘di sorry. Bilisan mo na akyat ka na do’n," aniya sabay tulak sakin sa direksyon papuntang stage.

Mabilis naman akong umakyat ng stage dahil halos lahat ng tao ay nakatitig na sa akin. Nakita ba nila ang isip batang kilos ni Tyler?

"Wow! Double achievement for section 11-A ah!" Naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa sinabi ng emcee.

"Congratulations to our winner, Kris Barbas! And Jessa from section 12-B please join us here on stage." Agad naman napunta ang tingin ko kay Jessa na siyang masakit ang tingin sa akin, gusto ko siyang inisin kaya nginisihan ko siya na siyang ikinaikot ng mata niya.

Mabilis siyang umakyat ng stage at ng makalapit sa akin ay may sinabi siya sa akin na kami lang ang makakarinig,

"Hindi porket nanalo ka, panalo ka na sa lahat! Alam kong may nakaraan kayo ni Shawn," mahinang sabi niya sa akin sabay ngisi.

‘And so?’

Nginisihan ko rin siya at agad namang nagbago ang reaksiyon ng mukha niya.

"Eh ano naman kung may alam ka? Marami na din ang may alam ng alam mo eh. Late ka siguro," giit ko na siyang ikinagalit ng mukha niya.

'Totoo naman ah, maraming may alam ng ganoong bagay, hindi nga lang buong istorya'.

Natahimik kaming dalawa ng magsalita na ulit ang emcee, "And of course, there’s a flowers for the both of you. But first, here's for Jessa," sabi ng emcee na siyang tumingin sa ibaba ng stage. Nag tignan ko kung saan nakatingin ang emcee ay bahagya akong nagulat sa nakita ko.

'Shawn walking towards Jessa direction while holding a bouquet of flowers’. Agad namang tumingin sa akin si Jessa at nginisihan ako at bumulong, 'Are you hurt? Huh, Krissy?’

Mabilis uminit ang ulo ko nang sambitin niya ang salitang ‘Krissy’ na siyang matagal ko nang ayaw marinig. She really know how to get me mad huh.

Talagang nakikipag kompetensiya siya hanggang dito, I don’t really like this game because I found it boring. Pero parang magiging masaya ito kaya…I'm not saying na makikilaro ako sa kaniya pero gusto ko lang makitang pinaglalaruan niya ang sarili niya.

Napabuga ako ng malalim na hininga at itinuon ang tingin sa harap.

Seeing Shawn walking towards other girl direction isn't new to me. May mga nakikita din akong ibang malala pa rito, kaya nasanay na ako. But I can’t deny that I feel a bit pain in my chest seeing him doing those thing, but that pain can't made me suffer.

Ibinaling ko ang aking paningin sa grupo-grupong tao at doon nakita ko ang mga taong kumakaway sa akin, hindi ko sila kilala dahil taga ibang section ang mga ito at ang iba ay mga higher grade ata, kaya sinuklian ko sila ng malaking ngiti sabay kuway na siyang ikina-ingay nila.

'Wait haha… Natatawa ako sa sarili ko ah. Di naman ako artista pero—bahala na, ang panget naman ata kung titignan ko lang sila habang kumakaway sila sakin.'

"And of course here's for you our Padayon Girl" Tumingin ako kung saan nakatingin ang emcee at agad ko namang nakita si Tyler, Kian at iba ko pang kaklaseng lalaki na mukhang nag-aagawan pa sa bulaklak.

'Mga sira-ulo, mag-aagawan pa talaga.'

Nakakahiya man sa ibang section lalong-lalo na sa guest ang makita silang nag-aagawan ng bulaklak ay pinilit ko pa rin ngumiti. Siguradong magkanda-sira-sira ‘yang bulaklak na ‘yan pagdatin dito.

Sa huli ay si Tyler ang nanaig dahil sa ginawang niyang style na hindi ko alam, siguro niloko niya naman ang mga iba kong kakalse dahil sabay-sabay silang tumingin sa isang direksiyon at mabilis niyang kinuha ang bouquet ng bulaklak at tumakbo papunta sa direksiyon ko.

Nang makalapit siya sa akin ay parang kinakapos pa siya sa hinihinga ngunit nakuha niya pang ngumiti ng todo. Binigay niya sakin yung bulaklak at agad na ginulo ang buhok ko.

"Tigilan mo nga ang kakagulo sa buhok ko! Hindi ako aso," naiinis na suway ko sa kaniya at agad naman siyang natawa.

"Eh? Ang liit mo eh," inosenteng giit niya na ikinasama ng mukha ko. Am I? Tinignan ko siya ng masama at agad naman siyang nag piece sign.

"Hindi ako maliit, sadyang kapre lang kayo. Bakit ba ang hilig niyong tawagin akong maliit?" tanong ko. Tinatawag nila akong maliit dahil sa sobrang taas nila at hanggang balikat lang nila ako. Normal lang naman siguro sa lalaki ang biglaang pagtaas ‘pag binata na. Binata nga pero ‘yong ugali…ah wala. Ayaw ko na lang mag talk.

"Cute mo kasing tignan pag ako ang katabi mo eh," ngising sagot niya. ‘Anong connect?’ Tinignan ko lang siya ng walang reaksiyon ang mukha at agad kong itinuon ang tingin sa emcee na nagsasabi na mag picture daw muna.

Nakailang picture kami ni Tyler doon sa itaas dahil sa kapal ng mukha niya at hindi na siya bumaba pa ng stage.

Patuloy pa rin ang pagkuha nila sa amin ng litrato ng magsalita muli ang emcee

"It's already late but Kris, students have a request," sabi ng emcee at agad niyang tinignan ang mga estudyante sa ibaba.

“Ha? Request?” mahinang tanong ko sa sarili sabay pakunot ng noo.

Agad naman sumigaw ang mga estudyante ngunit hindi maintindihan ang sinasabi nila dahil sa dami nila ay naghalo halo ang kanilang mga sinasabi

"Okay. Ako na lang ang magsasabi," giit ng emcee at agad na tumingin sa akin.

 "Kantahan mo daw sila one more time, at may ibibigay sila sayo," sabi ng emcee na siyang ikinagulat ko.

'Ibibigay? Seryoso?’

Napangiti ako sa mga pumapasok sa isip ko, I never expect na may mga ganitong tao. I always thought that stranger always be stranger, pero ngayon, hindi ko man sila kilalang lahat but because of what they do they made me feel comfortable in strangers side.

‘This day, really full of unexpected,’ giit ko sa sarili at agad na nagpakawala ng malalim na hininga.

"Pwede naman po," maikling sagot ko at agat naman nagsigawan sa saya ang mga tao.

'Masyado nilang tinatangkilik ang boses ko kahit hindi naman ito kasing ganda tulad ng iba’. I never performed before because I don’t want audience and especially suurounded by judgmental people. I’m always scared of comments and criticism, I don’t want to hear what people can say about my voice and people expect to me. But now, I already face my fears at hindi ko inaakalang magiging ganito ang resulta ng pagtaya ko.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status