Share

Chapter 14: Aaron Sandoval

"Anak.."

Napalingon ako agad nang marinig ko ang boses ni tiya Rosa. Kararating niya lang galing palengke. Sumabay siya kanina kay Vanessa no'ng umalis na ito at sabi niya bibili lang daw siya ng uulamin namin.

Kaagad ko siyang sinalubong sa may pinto nang makita ko siya na maraming bitbit na malalaking plastics na may laman ng mga pinamili niya at dalawang paper bag. Nakapagtataka man pero hindi na muna ako nagtanong.

"Salamat anak, nasa'n nga pala ang anak mo? Hindi ko siya nakitang naglalaro doon sa kapitbahay natin," aniya habang nililibot ang tingin sa buong bahay.

"Nando'n po siya sa kwarto niya, inaayos ang mga gamit niya sa school. Bukas po kasi may pasok na siya," tugon ko at nilapag ang mga dala nito sa ibabaw ng mesa.

"Oo nga pala .. ang sipag naman ng batang 'yon, hindi na umaasa sa 'yo sa pag-aayos ng mga gamit niya."

"Kaya nga po, hindi ko na siya tinulungan kasi kaya niya naman na raw kaya ayun iniwan ko na lang siya sa kwarto niya. Babalikan ko na lang maya-maya pero p
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status