Share

Chapter 15

“Okay…I’ll give you space. I love you.”

Inabala ko ang sarili ko sa paglaro ng aking mga kamay. He sighed painfully. Tulala akong nakatingin muli sa kaniya at tahimik na hinintay na tapusin niya at patayin ang tawag. Pero hindi niya ginawa iyon. Kaya ako na ang nag end ng call namin.

Kahit anong iyak ko, hindi pa rin nawawala ang sakit. Pagkagising ko ay agad kong nakita ang pamamaga ng aking mga mata. My voice is raspy too. Gusto ko mang mahiga buong araw ay hindi ko magawa dahil may kailangan pa akong aralin.

Nakasandal si Anje sa aking balikat habang ako ay umiinom ng milktea, tulala dahil sa dami ng exam na ni-take naming ngayong araw.

“Sa tingin mo, Darya, papasa ba tayo?” Tanong niya.

I glanced at her. Times like this I know that she needs comfort. Even though she’s calm right now, I know her mind is in chaos. She’s really quiet these days. At alam na alam ko na may problema siya.

“Kung nag-aral ka. Ang hirap naman kung sasabihin kong ‘oo’ pero hindi ka naman pala nag-aral
Er Xia

:)

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status