CHAPTER 6
“LOOK me po, Tita. Look me, the baby princess!”
“Ganda-ganda talaga!”
Sinabayan niya ang hagikhik ni Autumn nang umikot ito para ipakita sa mga kasama niya sa Casa Amara ang maganda dress na suot.
“Mommy and I are twinning po. Pretty girlies!”
Hinawakan niya si Autumn sa kamay para yayain sa pwesto niya sa reception area. “Usapan natin, behave ka, ah?”
Mabait naman itong tumango at naghusto na lang sa pagda-drawing.
“Cute na cute talaga si Baby Girl. Kung hindi namin alam na anak ‘yan ni Rozen, iisipin talaga naman ikaw ang ina,” sabi ng kasama niya na si Althea.
Makahulugan na ngumiti lang siya at inasikaso ang papalapit na bagong dating. Nagpakilala itong sekretarya ng isang Congressman. Agad niyang inasikaso ang ni-reserve nitong Villas at areas para sa team building.
Madali niyang nagamay ang trabaho sa Casa Amara. Pati na rin ang pakikibagay sa mga tauhan doon.
Itinago niya na muna ang ugaling sundalo niya. Sabi nga ni Kelly Jane, kikay siya kapag nasa normal na buhay at halimaw naman kapag nasa g yera.
“Summer! Mabuti naabutan kita!” Hingal-kabayo si Ralph nang sumalampak ito sa tabi ng locker niya.
“Bakit?”
“Nire-request ka ng guest.”
“Receptionist ako, Ralphy. Hindi ‘Bell Girl’.”
“Sige na, oh. Ikaw ang gusto magdala ng pagkain niya. Sinusupladuhan kaming lahat.”
“Tito Ralph, bigay ba tip na marami?” singit ni Autumn na nagningning na ang mga mata.
“Oo, Baby Girl. Bibigyan nga ako ng limang libo kapag napapayag ko raw Mommy mo.”
Ngumisi si Autumn at tiningala siya. “My, want ko doon po.”
“Hindi pwede. Kakain pa tayo.”
“Want ko there po nga. You said po bawal tanggi sa blessing,” nakangusong pilit nito at sinilip sa ilalalin ng mahahabang pilik-mata si Ralph. “Give mo sa akin hati money po.”
Bago pa siya makatanggi ay hinila na siya ng bubuwit pasunod kay Ralph.
Ilang sandali lang ay nasa harap na sila ng Villa ng guest. Kunot noong pinagmasdan niya ang numero sa pinto dahil pamilyar sa kanya ang itsura ng bahay.
“Sh!t…” usal niya nang maalala na iyon ang Villa na inukupa nila ni Giovanni nang huling beses silang pumunta roon.
“Ser?”
Giovanni looked like a bored Greek God standing in front of them with nothing but his low-hanging gray sweatpants.
“Why you here po?” Namimilog ang mata ni Autumn na para bang may gustong marinig na magandang sagot.
“You missed me?”
Humaba ang nguso ni Autumn at saka pinaglaruan ang mga daliri. “No po.”
“Too bad, because I missed you so much.”
“Really? No lie?”
“No lie.” Giovanni carried Autumn in his arms. Kaya ngiting-ngiti na naman ang anak niya na para bang hindi nito inaway-away ang lalaki nang huling beses nagkita.
“Anong ginagawa mo rito?”
Supladong sabay na tumaas ang mga kilay nito. “I paid 10-year advance for this villa.”
“Pumunta ka lang yata rito para alilain ako,” akusa niya.
“I’m a guest, Ms. Vesarius.”
Hindi na siya sumagot bagkus ay inabot na rito ang food basket na dala niya.
He tilted his head, inviting her in.
“K-Kunin mo na lang tapos aalis na kami.”
The villa itself has so many happy memories when they were still married.
“I can report you directly to the owner. Auntie Steph doesn’t tolerate employees—”
Atubili siyang pumasok. Diretso sa mesa at iniiwasan na mapatingin sa paligid. Baka bigla na lang siyang matulala roon.
“Aalis na kami,” sabi niya nang matapos niyang ayusin ang pagkain.
“Here muna ako kay Ser, My,” sabi ni Autumn na wiling-wili na sa panonood sa ama sa kung ano man ginagawa nito sa laptop.
“Kakain pa tayo ng lunch.”
Tinuro ni Autumn ang mesa. “Di ba Ser, give mo me food?”
“Of course.”
“Hear mo po iyon, My?”
Akmang papamaywangan niya na ang anak nang may mag-doorbell.
Kunot-noong umiling si Giovanni nang tingnan niya ito. Walang inaasahan bisita kaya siya na ang nagbukas ng pinto.
“Hi, sorry! Tumuloy na ako kasi nakita kita pumasok dito.”
Ilang sandali siyang natigilan bago nanlalaki ang mga mata. “Colonel Percival Arguello!”
Akmang sasaludo siya nang inilahad nito ang kamay.
Summer accepted it while smiling, all ears. Senior niya ito noon sa Military School at naging malapit din na kaibigan.
“Mommy, eat na us!”
Sabay silang napalingon ni Percival. Walang kangiti-ngiti ang mukha ni Autumn habang tila sinusuri ng tingin ang kaharap niya.
“You have a daughter?”
“Obviously,” si Giovanni na pareho ang pagkakakunot ng noo sa anak.
“And a husband?”
Nang-iintimida na tumayo ito sa tabi niya.
“He’s an ex-husband. Matagal na kaming hiwalay.”
Giovanni’s jaw thickened. “Who are you?”
“I’m Percival Arguello.”
Tiningnan lamang ni Giovanni ang kamay na inilahad nito kaya siya na ang tumanggap.
“This is Autumn pala, Sir—”
“Please, just Civ,” nakangiti nitong putol sa kanya.
May teambuilding daw ang mga staff nito sa Casa Amara. Agad niyang nahulaan na kasama ito sa grupo na inasikaso niya kanina nang tinawag ito ng sekretarya ng Congressman.
“Kinda busy but see you around?”
Tumango naman siya. Kumaway pa ito sa anak niya—na wala pa rin kangiti-ngiti—bago umalis.
“Congressman, huh?”
Tinaasan niya ng kilay si Giovanni.
“Since when did you start dating a Politician? Speaker of the House of Representatives,” he said mockingly.
“Akala ko ba hindi mo siya kilala?”
"Careful—he could be corrupt and drag down your family name."
“He’s one of the most respectable officer in their batch at military school,” tanggol niya sa lalaki.
Tila hindi naman nagustuhan iyon ni Giovanni dahil dumilim ang mukha nito at halos magsalabid na ang mga kilay. Walang imik na tinalikuran siya bitbit ang anak nila.
AYAW ng humiwalay ni Autumn kay Giovanni. Tuloy ay kinailangan niya itong balikan sa Villa ng lalaki kinagabihan.
“She’s sleeping,” namamaos na wika ni Giovanni nang pagbuksan siya.
Hindi agad siya nakapagsalita dahil sa itsura nito.
Tanging sweatpants pa rin ang suot kaya nakabuyangyang sa harap niya ang abs nito.
He looks like a hot single dad heroine in fiction books while carrying his sleeping daughter, with specs and messy hair.
“Summer.”
Kumurap-kurap siya at nag-iinit ang mga pisnging napa-iwas ng tingin.
“G-Give her to me,” kanda-utal siya.
Hindi pa rin makatingin na kinuha niya ang bata subalit umingit ito at nagising. Kumurba ang bibig paiyak at nagsumiksik sa leeg ni Giovanni.
“Uwi na tayo, Baby.”
Autumn shook her head and stomped her foot before wrapping her little arms tightly around his neck.
“Autumn, huwag matigas ang ulo.”
“Want ko here,” anito sa inaantok na tinig. Nagsimula ng sumibi.
Malambing na hinaplos ni Giovanni ang likod ng bata at h inalikan sa ulo.
“Stay here. This villa has plenty of rooms.”
“Hindi pwede,” tanggi niya.
Parang walang narinig na tinalikuran siya at tuloy-tuloy na pumanhik ng hagdan.
Napilitan tuloy siya na sundan ito. Inilapag nito ang anak nila sa kama. Kinumutan bago buong lambing na h inalikan sa noo.
Bago pa siya maluha ay tumalikod na siya.