"Ahh!"
Nagpanting ang mga tainga ko nang may marinig na ungol mula sa kwarto ni Senyorito Andrei. Hindi madadaanan ang kwarto niya kapag paakyat ako sa kwarto ko. Nasa kanang bahagi ang kwarto niya at nasa kaliwang bahagi naman ang hagdan paakyat sa kwarto ko.
Ganoon kalakas ang ungol ng isang babae kaya dinig na dinig ko kahit nasa kabilang dulo ako.
"Ahh! Shit!"
Ungol naman ni Senyorito Andrei ang narinig ko.
Napaatras na lamang ako at dahan-dahang umakyat papunta sa kwarto ko habang pigil na pigil ang pumatak ang mga luha ko. Nang makapasok sa kwarto ay kaagad na nagpaligsahan ang mga luhang kay bigat ng bawat patak.
Dalawang taon na lang, Rina. Dalawang taon na lang.
Nasa ikalawang taon na kami sa kolehiyo ay ganoon pa rin ang trato niya sa akin. Malamig pa sa ulan. Malamig pa sa bangkay.
At ganoon pa rin ako.
Marupok at mapusok. Bumibigay sa bawat pagkatok niya lang sa kwarto ko. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses na akong nagparaya sa kanya sa kama. Hindi na rin mabilang ang mga araw na halos mamatay ako sa sakit kapag tinatrato niya na naman akong parang isang hangin.
Kasalanan ko rin naman ito.
Pero kasalanan bang magmahal?
Kasalanan bang umasa na sana isang araw ay matutunan niya rin akong mahalin sa araw-araw at hindi lamang sa gabi-gabi?
----
"Hi, Rina!"
Umangat ang tingin ko mula sa pagbabasa nang may biglang sumulpot sa harapan ko. Si Nathan. Blockmate ko siya. Masasabi kong gwapo naman siya, mabait, at matalino rin. Sa katunayan ay scholar pa nga siya.
"M-May gagawin ka ba mamaya pagkatapos ng h-huling klase mo?" tanong niya habang kinakamot ang ulo.
Napangiti ako dahil ang cute niyang tingnan. "Pasensya na pero may kailangan akong tapusin na research."
"A-Ahh g-ganoon ba? Sige at sa ibang araw na lang," nakayuko niyang sagot at akmang aalis nang biglang may bolang tumama sa likod niya.
"Wala ng ibang araw."
Nagtama ang mga mata namin. Kakaiba itong titig niya sa akin ngayon— hindi ko maipaliwanag.
Tiningnan niya si Nathan. "Alis."
Para namang nakakita ng kamatayan si Nathan at dali-daling tumakbo papalayo. Muntik pang madapa.
Napuno tuloy ng bulung-bulungan sa paligid.
"Anong ginagawa mo?" buong-tapang kong tanong sa kanya pero hindi na ako makatitig ng direkta sa mga mata niya. "Akala ko ba ay hindi tayo magkakilala?"
"Are you mocking me?" tanong niyang parang nagpipigil lang na hindi mapasigaw. Ganoon naman siya bahay kapag kaming dalawa lang. Lagi niya akong sinisigawan at iniinsulto.
Ito na ba ang tinatawag nilang bulag na pag-ibig? Kasi kung oo, hindi ko na alam hanggang kailan ko pa makakaya.
Hindi na ako nagsalita pa para sana maisip niyang umalis na. Pero lumapit pa siya lalo sa akin at bumulong. "What is mine, is mine."
Pagkauwi ko nang hapong iyon ay nagtataka ako dahil patay lahat ng ilaw sa bahay.
"Sir Albert? Kuya Jose? Ate Sonya? Julia?" tawag ko sa mga kasamahan sa bahay. "Ate Mildred? Ate Mara?"
Wala pa ring sumasagot.
"Ahh!" Muntik na akong mapatalon nang may biglang humila sa akin at kaagad na hinalikan ako sa aking mga labi. Nalasahan ko ang tapang ng alak kaya buong lakas ko siyang tinulak. "Lasing ka na naman."
Tinalikuran ko siya at akmang aakyat na sa kwarto ko nang muli niya akong hilain. "Narinig mo ba ang sinabi ko kanina? Kung anong akin ay akin!"
Dala na siguro ng mga hinanakit ko sa kanya ay nasagot ko siya ng buong-tapang. "Isa lang ba akong gamit na pwede mong paglaruan kahit anong oras mo gustuhin, ha? Ano ba ako sa iyo? Parausan lang?"
Mula sa liwanag na galing sa bintana ay nakita kong natigilan siya. Nakita kong saglit na dumaan sa mga mata niya ang sakit at paghihirap. Narito na naman ako. Sa twing nakikita ko ang ganoong reaksyon sa mukha niya ay basta na lang ako nagpapatalo sa emosyon ko.
Pero hindi ngayon. Punong-puno na ako! Sobra na akong nalilito!
"Sabihin mo nga sa akin..." sabi ko pa habang umaagos na ang mga luha ko. "Ano ba ako sa iyo!"
Imbes na sagutin ay niyakap niya lang ako nang mahigpit. Pero muli ay tinulak ko siya.
"Hindi ko na kinakaya ang lahat! Kaya tama na! Maawa ka naman sa akin!" umiiyak kong pagsusumamo sa kanya. "Kung wala ka naman pa lang nararamdaman para sa akin at ang tingin mo lang sa akin ay isang parausan, itigil mo na. Pagod na pagod na ako..."
Napasalampak ako sa sahig at patuloy na umiiyak. Niyakap niya akong muli at hinagod pa ang buhok ko. "Huwag ka nang umiyak."
"Tang ina mo talaga, Andrei..." bulong ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Tama ka, tang ina ko talaga."
At tang ina ko rin dahil nagpaubaya na naman ako sa mga halik at haplos niya.
----
Para bang namanhid na rin ako. Dahil patuloy lang siya sa pagtrato sa akin na parang isang laruan at patuloy lang din akong nagpapaubaya.
Isang taon na lang, Rina.
Nasa ikatlong taon na kami sa kolehiyo. Isang taon na lang at magtatapos na ang ganitong set up naming dalawa.
Pagod na yata akong umiyak dahil hindi na ako tinatablan ng sakit sa kada iinsultuhin niya ako o ipapahiya.
"Hey, bitch!"
May isang babae ang bigla na lang humila sa buhok ko. Oo nga pala, matapos ang eksenang ginawa ni Senyorito Andrei noong nakaraang taon— kung saan nilapitan ako ni Nathan ay araw-araw na akong binu-bully, lalo na ng mga babaeng may gusto sa kanya.
Minsan ay umuuwi akong may sugat. Minsan naman ay nasisira ang mga gamit ko.
Pinagtulungan na ako ng tatlong babae. Wala akong kalaban-laban. Akala ko ay manhid na talaga ako. Pero nang makita kong nanonood lang si Senyorito Andrei habang dumudugo na ang ilong ko— doon ako biglang natauhan.
Tama na siguro ang pagpapakatanga.
Wala ako sa sarili habang pauwi. Hindi ko nga namalayang nasa loob na ako ng kwarto ko. Kaagad nahagip ng mga mata ko ang repleksyon ko sa salamin— may natuyong dugo pa sa ilalim ng ilong ko, sabog ang buhok ko, may sugat sa labi at gusot-gusot ang damit ko.
Pinahid ko ang luhang tumakas mula sa mata ko. "Wala kang karapatang umiyak, Rina. Ginusto mo ito."
Nakita ko ang gunting na nasa ibaba lang ng salamin. Para bang may kung anong nag-uudyok sa akin na kunin iyon. Lumapit ako roon at kinuha ang gunting.
Umagos na ang mga luha sa mga mata ko.
Saan ba nagbago ang lahat?
Bakit mali ako ng tinahak na landas?
Bakit nagkaganito ang buhay ko?
Nagmamahal lang naman ako!
Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang magmahal, sana noon pa lang ay pinigilan ko na!
Dahan-dahan kong inangat ang kamay kong may hawak ng gunting. Walang pag-alinlangan ko iyong tinutuk sa leeg ko habang nakatingin ako sa salamin.
Hindi ko nama pinangarap na magkaganito. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na darating ako sa puntong ito. Isasaksak ko na sana ang gunting sa leeg ko nang malanghap ko ang amoy ng blade ng gunting— mabaho iyon at nasusuka ako.
Nabitiwan ko ang gunting at kaagad na pumasok sa banyo na nasa kwarto ko lang. Doon ay nagsusuka ako. Ilang minuto rin akong nakasalampak sa sahig ng banyo. Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng lakas ko sa pagsusuka ko.
Kaagad na kumunot ang noo ko nang may mapagtanto. Nanlaki bigla ang mga mata ko. Hindi maaari!
Nakatulala lang ako sa resulta ng laboratory test ko.Pregnancy test.Positive.Niligtas ako ng magiging anak ko mula sa tangka kong pagpapakamatay.Kaya ililigtas ko rin siya.Umuwi ako sa amin ng araw na iyon. Wala naman akong ibang malapitan kung hindi ang pamilya ko. Isa pa ay wala akong planong sabihin kay Senyorito Andrei ang tungkol sa kalagayan ko.Tinatanggalan ko siya ng karapatan. Kahit iyon na lang ang maiwang dignidad sa akin. Kahit iyon na lang ang ganti ko sa kanya. Kahit iyon na lang ang tanging maiiwan para sa sarili ko.Nagulat sina Nanay at Tatay, lalo na nang bigla na lang akong yumakap sa kanila at umiyak nang walang pakundangan.Pagkatapos kong kumalma ay inilahad ko ang lahat. Wala akong iniwang impormasyon. Inaasahan ko nang makakatanggap ako ng sampal mula kay Nanay at sigaw mula kay Tatay.Pero tanging mainit na yakap lamang ang isinagot nila sa akin. Mas lalo tuloy akong napaiyak.'P-Patawarin ninyo ako, Nanay, Tatay," umiiyak kong saad habang nakahawak sa m
"Ahh!"Nagpanting ang mga tainga ko nang may marinig na ungol mula sa kwarto ni Senyorito Andrei. Hindi madadaanan ang kwarto niya kapag paakyat ako sa kwarto ko. Nasa kanang bahagi ang kwarto niya at nasa kaliwang bahagi naman ang hagdan paakyat sa kwarto ko.Ganoon kalakas ang ungol ng isang babae kaya dinig na dinig ko kahit nasa kabilang dulo ako."Ahh! Shit!"Ungol naman ni Senyorito Andrei ang narinig ko.Napaatras na lamang ako at dahan-dahang umakyat papunta sa kwarto ko habang pigil na pigil ang pumatak ang mga luha ko. Nang makapasok sa kwarto ay kaagad na nagpaligsahan ang mga luhang kay bigat ng bawat patak.Dalawang taon na lang, Rina. Dalawang taon na lang.Nasa ikalawang taon na kami sa kolehiyo ay ganoon pa rin ang trato niya sa akin. Malamig pa sa ulan. Malamig pa sa bangkay.At ganoon pa rin ako.Marupok at mapusok. Bumibigay sa bawat pagkatok niya lang sa kwarto ko. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses na akong nagparaya sa kanya sa kama. Hindi na rin mabilang
Akala ko ay magiging maayos na ang lahat sa amin ni Senyorito Andrei pagkatapos naming pagsaluhan ang unang halik ko at ng unang pag-iisa ng aming mga katawan. Oo, binigay ko ng buo ang sarili ko sa kanya nang gabing iyon.Umpisa lang pala iyon ng paghihirap ko."A-Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Senyorito Andrei nang marinig ko mula sa kanya ang kukunin niyang kurso.Nasa harap na kami ng registrar at magpapa-enroll na sana."Bakit?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.Bakit? Pwede ko kayang ibalik sa kanya ang tanong na iyan at idagdag na bakit niya ako pinahihirapan nang ganito?Isang buwan na ang nakalipas nang may mangyari sa amin at simula nang araw na iyon ay tinrato niya akong parang isang estranghero. Hindi ko siya maintindihan.Unang pag-ibig.Unang halik.Unang karanasan.Buong buwan akong nag-aabang sa kanya. Buong buwan akong parang namatayan. Pakiramdam ko ay isa akong basahan na pagkatapos gamitin at maluma na ay basta na lang itatapon sa kung saan.Buon
"Ikaw ang gagawa ng lahat para sa senyorito."Nagsasalita si Sir Albert, ang personal assistant ni Senyorito Andrei— ang tagapagmana ng buong Hacienda Hermano at Hermano Group Of Companies. Pero ang atensyon ko ay nakatuon lamang sa kanya. Binatang-binata na siya.Magkababata kami. Isang mayordoma ang nanay ko rito sa kanilang hacienda at pinagkakatiwalaan naman ang tatay ko. Nasa likod lang ng hacienda ang bahay namin kaya hindi maiwasang maging kalaro ko siya noon at naging malapit na magkaibigan pa kami kalaunan. Nang magtapos kami sa elementarya ay pinadala siya sa London at doon nag-aral ng high school kasama ang bunso niyang kapatid.Nagpatuloy rin ako sa pag-aaral pero lagi siyang laman ng isipan ko. Hindi pa naman kasi uso ang mga social media noon, pero nangako siyang susulat— na hindi naman nangyari ni minsan sa loob ng anim na taon. Hindi ko na iyon dinibdib pa at nag-aral na lang nang mabuti. Para may maipagmalaki ako kapag bumalik na siya.Sa murang edad ay nahulog na ang