Chapter: Chapter 4Nakatulala lang ako sa resulta ng laboratory test ko.Pregnancy test.Positive.Niligtas ako ng magiging anak ko mula sa tangka kong pagpapakamatay.Kaya ililigtas ko rin siya.Umuwi ako sa amin ng araw na iyon. Wala naman akong ibang malapitan kung hindi ang pamilya ko. Isa pa ay wala akong planong sabihin kay Senyorito Andrei ang tungkol sa kalagayan ko.Tinatanggalan ko siya ng karapatan. Kahit iyon na lang ang maiwang dignidad sa akin. Kahit iyon na lang ang ganti ko sa kanya. Kahit iyon na lang ang tanging maiiwan para sa sarili ko.Nagulat sina Nanay at Tatay, lalo na nang bigla na lang akong yumakap sa kanila at umiyak nang walang pakundangan.Pagkatapos kong kumalma ay inilahad ko ang lahat. Wala akong iniwang impormasyon. Inaasahan ko nang makakatanggap ako ng sampal mula kay Nanay at sigaw mula kay Tatay.Pero tanging mainit na yakap lamang ang isinagot nila sa akin. Mas lalo tuloy akong napaiyak.'P-Patawarin ninyo ako, Nanay, Tatay," umiiyak kong saad habang nakahawak sa m
Last Updated: 2025-09-21
Chapter: Chapter 3"Ahh!"Nagpanting ang mga tainga ko nang may marinig na ungol mula sa kwarto ni Senyorito Andrei. Hindi madadaanan ang kwarto niya kapag paakyat ako sa kwarto ko. Nasa kanang bahagi ang kwarto niya at nasa kaliwang bahagi naman ang hagdan paakyat sa kwarto ko.Ganoon kalakas ang ungol ng isang babae kaya dinig na dinig ko kahit nasa kabilang dulo ako."Ahh! Shit!"Ungol naman ni Senyorito Andrei ang narinig ko.Napaatras na lamang ako at dahan-dahang umakyat papunta sa kwarto ko habang pigil na pigil ang pumatak ang mga luha ko. Nang makapasok sa kwarto ay kaagad na nagpaligsahan ang mga luhang kay bigat ng bawat patak.Dalawang taon na lang, Rina. Dalawang taon na lang.Nasa ikalawang taon na kami sa kolehiyo ay ganoon pa rin ang trato niya sa akin. Malamig pa sa ulan. Malamig pa sa bangkay.At ganoon pa rin ako.Marupok at mapusok. Bumibigay sa bawat pagkatok niya lang sa kwarto ko. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses na akong nagparaya sa kanya sa kama. Hindi na rin mabilang
Last Updated: 2025-09-21
Chapter: Chapter 2Akala ko ay magiging maayos na ang lahat sa amin ni Senyorito Andrei pagkatapos naming pagsaluhan ang unang halik ko at ng unang pag-iisa ng aming mga katawan. Oo, binigay ko ng buo ang sarili ko sa kanya nang gabing iyon.Umpisa lang pala iyon ng paghihirap ko."A-Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Senyorito Andrei nang marinig ko mula sa kanya ang kukunin niyang kurso.Nasa harap na kami ng registrar at magpapa-enroll na sana."Bakit?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.Bakit? Pwede ko kayang ibalik sa kanya ang tanong na iyan at idagdag na bakit niya ako pinahihirapan nang ganito?Isang buwan na ang nakalipas nang may mangyari sa amin at simula nang araw na iyon ay tinrato niya akong parang isang estranghero. Hindi ko siya maintindihan.Unang pag-ibig.Unang halik.Unang karanasan.Buong buwan akong nag-aabang sa kanya. Buong buwan akong parang namatayan. Pakiramdam ko ay isa akong basahan na pagkatapos gamitin at maluma na ay basta na lang itatapon sa kung saan.Buon
Last Updated: 2025-09-21
Chapter: Chapter 1"Ikaw ang gagawa ng lahat para sa senyorito."Nagsasalita si Sir Albert, ang personal assistant ni Senyorito Andrei— ang tagapagmana ng buong Hacienda Hermano at Hermano Group Of Companies. Pero ang atensyon ko ay nakatuon lamang sa kanya. Binatang-binata na siya.Magkababata kami. Isang mayordoma ang nanay ko rito sa kanilang hacienda at pinagkakatiwalaan naman ang tatay ko. Nasa likod lang ng hacienda ang bahay namin kaya hindi maiwasang maging kalaro ko siya noon at naging malapit na magkaibigan pa kami kalaunan. Nang magtapos kami sa elementarya ay pinadala siya sa London at doon nag-aral ng high school kasama ang bunso niyang kapatid.Nagpatuloy rin ako sa pag-aaral pero lagi siyang laman ng isipan ko. Hindi pa naman kasi uso ang mga social media noon, pero nangako siyang susulat— na hindi naman nangyari ni minsan sa loob ng anim na taon. Hindi ko na iyon dinibdib pa at nag-aral na lang nang mabuti. Para may maipagmalaki ako kapag bumalik na siya.Sa murang edad ay nahulog na ang
Last Updated: 2025-09-21