Nakatulala lang ako sa resulta ng laboratory test ko.
Pregnancy test.
Positive.
Niligtas ako ng magiging anak ko mula sa tangka kong pagpapakamatay.
Kaya ililigtas ko rin siya.
Umuwi ako sa amin ng araw na iyon. Wala naman akong ibang malapitan kung hindi ang pamilya ko. Isa pa ay wala akong planong sabihin kay Senyorito Andrei ang tungkol sa kalagayan ko.
Tinatanggalan ko siya ng karapatan. Kahit iyon na lang ang maiwang dignidad sa akin. Kahit iyon na lang ang ganti ko sa kanya. Kahit iyon na lang ang tanging maiiwan para sa sarili ko.
Nagulat sina Nanay at Tatay, lalo na nang bigla na lang akong yumakap sa kanila at umiyak nang walang pakundangan.
Pagkatapos kong kumalma ay inilahad ko ang lahat. Wala akong iniwang impormasyon. Inaasahan ko nang makakatanggap ako ng sampal mula kay Nanay at sigaw mula kay Tatay.
Pero tanging mainit na yakap lamang ang isinagot nila sa akin. Mas lalo tuloy akong napaiyak.
'P-Patawarin ninyo ako, Nanay, Tatay," umiiyak kong saad habang nakahawak sa mga kamay nila. "Nabigo ko kayo dahil sarili ko lang ang inisip ko."
"Ano bang sinasabi mo, anak?" sabi pa ni Nanay habang umiiyak na rin. "Nagmahal ka lang at hindi mo kasalanan iyon. Tama ang desisyon mong umuwi rito. Pagkatapos mong manganak ay pwede kang magsimulang muli. Mag-aral sa kursong gusto mo."
Biglang tumayo si Tatay at marahang hinila ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. "Pero mali ang desisyon mong hindi ipaala kay Andrei ang pagbubuntis mo."
"T-Tatay? Sandali lang po!"
Wala na akong nagawa nang tinatahak na namin ang daan papunta sa mansyon ng mga Hermano.
Nagulat pa si Donya Martina nang makita ako pero bakas sa mga mata niya ang pagtataka. Dahil na rin siguro sa namumugto kong mga mata.
"N-Napauwi ka, Rina? M-May problema ba?" tanong naman ni Don Melchor habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Tatay.
Hindi ko inaasahang hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Tatay. "Buntis si Rina at si Andrei ang ama."
Napaupo si Donya Martina na para bang hihimatayin. Habang si Don Melchor naman ay napatiim-bagang.
Ilang minutong katahimikan ang pumagitna sa amin. Akma na sana akong magsasalita na hindi ko gustong ipaalam kay Senyorito Andrei pero natigilan ako sa sinabi ni Donya Martina.
"Ipalaglag mo ang bata."
Mataas ang respeto ko sa kanila at tinitingala ko ang pamilya nila. Pero mula kay Senyorito Andrei at ngayon naman ay kay Donya Martina— unti-unting bumaba ang tingin ko sa kanila.
Nalipat ang tingin ko kay Don Melchor pero nakayuko lang siya na para bang sumasang-ayon sa gustong mangyari ng kanyang asawa.
Nakita kong naikuyom ni Tatay ang kanyang mga palad. Hinawakan ko kaagad ang kamay niya, mapait na ngumiti at umiling-iling sa kanya. Pagkatapos ay matapang kong hinarap sina Donya Martina at Don Melchor.
"Huwag po ninyong isipin na kaya kami naparito ay para sa karapatan ng magiging anak ko. Dahil bago pa man ako umuwi rito ay buo na ang desisyon kong tanggalan ng karapatan si Senyorito Andrei," sabi ko habang pinipigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
Kahit pa sabihing buo na nga ang desisyon kong iyon ay umasa ako kanina habang papunta kami ni Tatay rito na tatanggapin nila ng buo ang sanggol na nasa aking sinapupunan. Nakita kong nangingilid ang luha sa mga mata ng donya.
"Hindi na po ako madadala sa ganyang reaksyon, Donya Martina," matapang kong saad habang direktang nakatingin sa mga mata niya. "Dahil minsan na rin akong nahulog ng ilang beses sa ganyang patibong. Pasensya na po pero wala ka pong karapatang umiyak kung mismo nanggaling sa bibig mo na ipalaglag ang sarili mong apo. Mag-ina nga talaga kayo."
Hinila ko ang kamay ni Tatay at tinalikuran namin sila.
Nang makalabas kami ng mansyon ay doon napaluha si Tatay. Parang tinusok ang puso ko ng milyong beses. Kilala ko si Tatay bilang isang matapang at may matigas na prinsipyo. Pero ngayon na nakikita ko siya sa ganitong sitwasyon ay kinakain ako ng aking konsensya.
"Mag-impake na kayo at aalis tayo ngayon din mismo," saad ni Tatay nang makabalik kami sa bahay.
Ngayon ay naririto na ang mga kapatid ko at nakita kong umiiyak na rin sila. Siguro ay naikwento na ni Nanay ang nangyari sa akin. Isa-isa silang yumakap sa akin.
"May sapat na tayong ipon para makalayo sa lugar na ito," dagdag pa ni Tatay habang abala na sa pagliligpit. "Balikan na lang natin ang iba pa, gaya ng mga kailangan para makalipat kayo ng eskwelahan."
Nang gabing iyon ay kaagad kaming nagligpit. Tahimik kaming lahat at ang ingay lang na nagmumula sa mga kilos namin ang siyang maririnig. Sabay kaming naghapunan at sabay ring natulog.
Hindi ko alam kung anong oras na pero naalimpungatan ako sa munting ingay sa labas ng bintana. Bumangon ako at sumilip doon. Nabigla ako nang makita kong si Donya Martina ang nasa labas ng aming bahay.
Dahan-dahan akong lumabas at nilapitan si Donya Martina. Inakay niya ako papalayo. May iniabot siya sa akin saka nagsalita. "Gamitin mo iyan para makapag-umpisang muli. Magpakalayo ka. Pumunta ka sa lugar na walang nakakakilala sa iyo. B-Buhayin mo ang b-bata kung iyan ang g-gusto mo. May isang kondisyon lang ako. Huwag kang magpapakitang muli rito o sa kahit na sinong tagarito."
Naguguluhan man ay sinilip ko ang sobreng binigay niya sa akin. May pera at may isang card. May maliit na papel rin. Kaagad na bumalik ang tingin ko sa kanya. "Hindi ko po maintindihan."
Sa halip na magpaliwanag ay nagsalita siya sa hindi ko inaasahang sasabihin niya. "Kapag nagmatigas ka ay madadamay ang pamilya mo. Ipapalabas kong nagnakaw ang tatay at nanay mo kaya kayo biglaang umalis."
"P-Po?" Napuno ng kaba ang dibdib ko.
"Ayaw mong mangyari iyon, hindi ba?"
"H-Hindi namin kayo guguluhin. Hindi namin sasabihing magkakaanak kami ni Senyorito Andrei," naiiyak kong sabi sa kanya. "Hayaan na ninyo kaming umalis nang payapa..."
"Kapag nalaman ni Andrei na bigla kayong umalis, sa tingin mo ba ay hindi siya magtataka?" tanong niya sa akin.
"Pero wala naman siyang pakialam sa akin, kaya malabong mangyari iyon," sagot ko naman na kahit masakit ay iyon naman talaga ang totoo.
"M-May sakit si Andrei," nauutal niya pang sabi na para bang ayaw niya pang sabihin iyon.
Nagulat naman ako. "A-Ano pong koneksyon ng sakit niya sa lahat ng nangyayari?"
"M-Mayroon siyang OCD, obsessive-compulsive disorder."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Naalala ko pa ang sinabi niya sa akin na kung ano pag-aari niya ay pag-aari niya lang. Pero bakit parang may mali?
"Bakit ayaw ninyong malaman niyang magkakaanak kami?" nagtataka kong tanong. "Bakit gusto mong ipalaglag ko ang sanggol na nasa sinapupunan ko?"
"Wala nang oras para maipaliwanag ko sa iyo ang lahat," sagot niya na parang iniiba ang usapan. "Ikaw na ang bahalang magpaliwanag o gumawa ng kwento sa pamilya mo. Tandaan mo, hindi nila dapat malaman kung saan ka pupunta o kahit ang tungkol sa pinag-usapan natin. Mamili ka, magpakalayo ka o ang mabigat na kababagsakan ng pamilya mo?"
Nang gabing iyon ay umalis nga akong mag-isa. Iniwan ko sina Nanay at Taya, pati na rin ang mga kapatid ko. Iniwan ko ang lahat para makapagsimulang muli.
Litong-lito ako at wala ng oras para mag-isip pa. Kasalanan ko naman ang lahat kaya lang din ang dapat na magdusa. Narito ang buhay nina Nanay at Tatay. Kahit ang mga kapatid ko ay mapagkakaitan ko rin kapag nagmatigas pa ako. Kaya ako na lang ang lalayo. Mag-isa kong pinasok ang sitwasyon na ito kaya mag-isa ko lang din itong hahanapan ng solusyon.
Sa isang bagay lang naman ako sigurado...
Magiging nanay na ako.
Nakatulala lang ako sa resulta ng laboratory test ko.Pregnancy test.Positive.Niligtas ako ng magiging anak ko mula sa tangka kong pagpapakamatay.Kaya ililigtas ko rin siya.Umuwi ako sa amin ng araw na iyon. Wala naman akong ibang malapitan kung hindi ang pamilya ko. Isa pa ay wala akong planong sabihin kay Senyorito Andrei ang tungkol sa kalagayan ko.Tinatanggalan ko siya ng karapatan. Kahit iyon na lang ang maiwang dignidad sa akin. Kahit iyon na lang ang ganti ko sa kanya. Kahit iyon na lang ang tanging maiiwan para sa sarili ko.Nagulat sina Nanay at Tatay, lalo na nang bigla na lang akong yumakap sa kanila at umiyak nang walang pakundangan.Pagkatapos kong kumalma ay inilahad ko ang lahat. Wala akong iniwang impormasyon. Inaasahan ko nang makakatanggap ako ng sampal mula kay Nanay at sigaw mula kay Tatay.Pero tanging mainit na yakap lamang ang isinagot nila sa akin. Mas lalo tuloy akong napaiyak.'P-Patawarin ninyo ako, Nanay, Tatay," umiiyak kong saad habang nakahawak sa m
"Ahh!"Nagpanting ang mga tainga ko nang may marinig na ungol mula sa kwarto ni Senyorito Andrei. Hindi madadaanan ang kwarto niya kapag paakyat ako sa kwarto ko. Nasa kanang bahagi ang kwarto niya at nasa kaliwang bahagi naman ang hagdan paakyat sa kwarto ko.Ganoon kalakas ang ungol ng isang babae kaya dinig na dinig ko kahit nasa kabilang dulo ako."Ahh! Shit!"Ungol naman ni Senyorito Andrei ang narinig ko.Napaatras na lamang ako at dahan-dahang umakyat papunta sa kwarto ko habang pigil na pigil ang pumatak ang mga luha ko. Nang makapasok sa kwarto ay kaagad na nagpaligsahan ang mga luhang kay bigat ng bawat patak.Dalawang taon na lang, Rina. Dalawang taon na lang.Nasa ikalawang taon na kami sa kolehiyo ay ganoon pa rin ang trato niya sa akin. Malamig pa sa ulan. Malamig pa sa bangkay.At ganoon pa rin ako.Marupok at mapusok. Bumibigay sa bawat pagkatok niya lang sa kwarto ko. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses na akong nagparaya sa kanya sa kama. Hindi na rin mabilang
Akala ko ay magiging maayos na ang lahat sa amin ni Senyorito Andrei pagkatapos naming pagsaluhan ang unang halik ko at ng unang pag-iisa ng aming mga katawan. Oo, binigay ko ng buo ang sarili ko sa kanya nang gabing iyon.Umpisa lang pala iyon ng paghihirap ko."A-Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Senyorito Andrei nang marinig ko mula sa kanya ang kukunin niyang kurso.Nasa harap na kami ng registrar at magpapa-enroll na sana."Bakit?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.Bakit? Pwede ko kayang ibalik sa kanya ang tanong na iyan at idagdag na bakit niya ako pinahihirapan nang ganito?Isang buwan na ang nakalipas nang may mangyari sa amin at simula nang araw na iyon ay tinrato niya akong parang isang estranghero. Hindi ko siya maintindihan.Unang pag-ibig.Unang halik.Unang karanasan.Buong buwan akong nag-aabang sa kanya. Buong buwan akong parang namatayan. Pakiramdam ko ay isa akong basahan na pagkatapos gamitin at maluma na ay basta na lang itatapon sa kung saan.Buon
"Ikaw ang gagawa ng lahat para sa senyorito."Nagsasalita si Sir Albert, ang personal assistant ni Senyorito Andrei— ang tagapagmana ng buong Hacienda Hermano at Hermano Group Of Companies. Pero ang atensyon ko ay nakatuon lamang sa kanya. Binatang-binata na siya.Magkababata kami. Isang mayordoma ang nanay ko rito sa kanilang hacienda at pinagkakatiwalaan naman ang tatay ko. Nasa likod lang ng hacienda ang bahay namin kaya hindi maiwasang maging kalaro ko siya noon at naging malapit na magkaibigan pa kami kalaunan. Nang magtapos kami sa elementarya ay pinadala siya sa London at doon nag-aral ng high school kasama ang bunso niyang kapatid.Nagpatuloy rin ako sa pag-aaral pero lagi siyang laman ng isipan ko. Hindi pa naman kasi uso ang mga social media noon, pero nangako siyang susulat— na hindi naman nangyari ni minsan sa loob ng anim na taon. Hindi ko na iyon dinibdib pa at nag-aral na lang nang mabuti. Para may maipagmalaki ako kapag bumalik na siya.Sa murang edad ay nahulog na ang