Share

Chapter 2

Author: ROWAISHAM
last update Last Updated: 2025-09-21 14:19:04

Akala ko ay magiging maayos na ang lahat sa amin ni Senyorito Andrei pagkatapos naming pagsaluhan ang unang halik ko at ng unang pag-iisa ng aming mga katawan. Oo, binigay ko ng buo ang sarili ko sa kanya nang gabing iyon.

Umpisa lang pala iyon ng paghihirap ko.

"A-Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Senyorito Andrei nang marinig ko mula sa kanya ang kukunin niyang kurso.

Nasa harap na kami ng registrar at magpapa-enroll na sana.

"Bakit?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

Bakit? Pwede ko kayang ibalik sa kanya ang tanong na iyan at idagdag na bakit niya ako pinahihirapan nang ganito?

Isang buwan na ang nakalipas nang may mangyari sa amin at simula nang araw na iyon ay tinrato niya akong parang isang estranghero. Hindi ko siya maintindihan.

Unang pag-ibig.

Unang halik.

Unang karanasan.

Buong buwan akong nag-aabang sa kanya. Buong buwan akong parang namatayan. Pakiramdam ko ay isa akong basahan na pagkatapos gamitin at maluma na ay basta na lang itatapon sa kung saan.

Buong buwan lang din akong nagmukmok sa kwarto ko. Pero sa isang dulong parte ng puso ko ay umaasa akong biglang bubukas ang pinto ng kwarto ko at susugurin niya ako ng yakap.

Ang pag-asang iyon ang unti-unti kumain sa natitirang siglang mayroon ang puso ko, dahil hanggang pag-asa na lang iyon at hindi magkakatotoo.

Ngayon na malapit na ang pasukan ay medyo nabuhayan ako ng sigla. Makakasalamuha ako ng mga bagong tao at baka magkaroon din ng kaibigan.

Pero kaagad ding nawala ang munting sigla na iyon nang sabihin niyang Business Administration ang kukunin niyang kurso.

"A-Akala ko ba—"

"Akala mo ay Engineering?" putol niya sa sanang sasabihin ko. "Magagamit ko ba ang kursong iyan kapag naipamana na sa akin ang buong ari-arian ng mga Hermano?"

Bakit naging ganito kasuplado ang lalakeng noon ay hindi nawawalan ng ngiti sa kanyang mga labi?

"Akala ko ba ay matalino ka?" tanong niyang nang-uuyam. "Kaya ka nga pag-aaralin ni Papa dahil magiging personal tutor kita. Anong ituturo mo sa akin kung hindi tayo parehas ng kurso?"

Paano siya nakapagsasalita nang ganito kasakit gayong dati ay puno pa ng tawa at biro ang lumalabas sa bibig niya?

"Ano na?" Halatang iritado na siya. "Magpi-fill up ka ba ng enrollment form o tatawagan ko si Papa at—"

Kaagad kong kinuha ang dalawang enrollment form at mabilis na lumayo sa kanya saka naghanap ng mauupuan.

Simula ng araw na iyon ay hindi lang basta dignidad ko bilang babae ang nawala, kung hindi pati ang pangarap ko ay bigla na lang din ninakaw sa akin.

Labag man sa loob ay kumuha ako ng kursong hindi malapit sa aking puso. Hindi ko na sinabi pa kina Tatay at Nanay ang tungkol doon. Ayaw kong pagmulan iyon ng gulo. Kaya sinarili ko na lamang iyon.

Ang bigat sa dibdib. Gabi-gabi akong umiiyak. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali ng desisyon. Hindi ko naman alam na pati ang pangarap niyang maging engineer ay nawala na rin sa kanya. Kung nalaman ko lang siguro ay hindi ako papayag at doon na lang sa La Esperanza mag-aaral sa kolehiyo.

Ang pagkakamaling nagawa ko lang siguro ay ang magmahal.

Dumating ang araw ng pasukan. Mabigat man sa kalooban ko ay pumasok ako. Parehas kami ng subjects, units, at kahit sa vacant hours ay hindi niya pinalampas. Kung dati ay ikatutuwa ko pa ito, ngayon ay parang unti-unti nang lumalayo ang loob ko sa kanya.

Iiwasan ko siya hindi dahil sa galit ako sa kanya, kung hindi dahil gusto kong magtira pa ng kahit kaunting pagmamahal para sa aking sarili. Gusto ko mang isumpa ang sarili pero hindi ko yata basta-basta maaalis sa puso ko ang pag-ibig na nabuo nang matagal na panahon.

Walang nakakaalam sa ugnayan naming dalawa. Walang nakakaalam na sa iisang bahay kami nakatira. Mabuti na rin ang ganoon— iwas sa usap-usapan.

Inabala ko ang sarili sa pag-aaral at sa paggawa ng mga notes para sa kanya. Ultimo mga projects at assignments ay ako ang gumagawa. Kaya hindi na ako nagkaroon ng oras para sumali sa mga extracurricular activities kahit ilang guro at mga kaklase ko na ang laging nagpupumilit.

Siya naman ay naging varsity ng basketball team ng university. Patuloy pa rin siya sa pagtrato sa akin na para bang walang namagitan sa aming dalawa— na parang kahapon lang kami nagkakilala. Mas mabuti nga iyon para kahit papaano ay paunti-unting lumayo ang loob ko sa kanya.

Pero sa muli ay akala ko lang pala iyon.

Naghahanda na kami para sa susunod na subject namin nang may isang professor ang pumasok

"Narito ba si Miss Katherina Villegas?"

Lahat ng atensyon ay nabaling sa akin. Kahit si Senyorito Andrei na bihira ko lang makitang nakatingin sa akin ay natuon na rin ang mga mata sa akin.

Tinaas ko ang kamay at magalang na nagsalita. "Yes po, prof?"

"Ah, ikaw pala," tumatangong sagot pa ng prof. "Pagkatapos ng huli mong klase ngayong araw ay pumunta ka sa Business Administration Building, sa office."

Hanggang sa matapos nga ang klase ko sa buong araw na ito ay wala akong ideya kung bakit papupuntahin ako roon.

Pagpasok ko pa lang ay sinalubong ako ng ngiti ng mga taong nasa loob ng office.

"Kagandang bata naman pala!" hiyaw ng isang baklang professor.

"At matalino," singit naman adviser namin— kung hindi pa siya lumapit ay hindi ko siya makikilala. "Hindi na kami magpapaliguy-ligoy pa. Ikaw ang napili namin bilang representative ng Business Administration Department sa Mr. and Ms. Unibersidad de Mateo sa darating na foundation."

"P-Po?" gulat kong naitanong. Sa dami ba namang naggagandahang dilag sa buong university ay ako pa ang napili.

"Patapos na ang first semester, hija, at makakatulong ang pagsali mo sa pageant sa magiging huling marka mo."

----

"Hindi ka sasali."

Natigil ang usapan namin ni Sir Albert nang biglang sumulpot sa likuran ko si Senyorito Andrei. Nagpapaalam kasi ako kay Sir Albert. Isa pa ay gusto kong sumali. Gusto kong ipakita kay Senyorito Andrei na nagkakamali siya ng babaeng sinasaktan.

"A-At bakit hindi?" Hanggang ngayon ay bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko sa isang simpleng usapan lang namin.

"Dahil sinabi ko," sagot niya habang direktang nakatingin sa mga mata ko.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinakaya ang mga titig niya sa akin. Hinihila nito ang puso ko na mapalapit muli sa kanya. Kinalma ko ang puso ko at buong tapang na nagsalita. "Sa dami ng pumipilit sa akin noon na sumali sa ganito, sa ganyan, ay hindi ko pinaunlakan dahil ang priority ko ay ang mga grado mo. Hindi ba pwedeng ibigay mo na sa akin ito?"

"Huwag kang iiyak dahil natalo ka," nanghahamak niyang saad. "Maraming magaganda at matatalino ang sasali. Sa tingin mo ba ay makakapuntos ka man lang?"

Kaya ba pinaglaruan niya lang ako dahil hindi naman ako maganda? Kaya ba pinatulan niya lang ako dahil alam niyang bibigay rin naman ako? Parang isang kutsilyo ang mga sinabi niya tinurok sa puso ko— sobrang sakit.

"Kapag nanalo ako?" tanong ko sa kanya at sa pagkakataong ito ay sinalubong ko na ang mga titig niya sa akin.

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Pag-usapan natin sa kwarto mo."

----

Hindi ko alam kung sinadya ko bang galingan dahil sa nasabik ako sa hamon niya sa akin, pero nanalo ako bilang Ms. Unibersidad de Mateo.

At nang gabing iyon ay nagpasakop akong muli sa mga halik at haplos niya. Kung natuturuan lamang ang puso ay siguro ganoon kabilis nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Pero kahit ang sarili kong kapusukan ay hindi ko na kontrolado.

Ni hindi ko na tinanong kung anong dahilan niya at kung bakit ganoon na lang ang trato niya sa akin. Basta na lang akong nagpaubaya sa tawag ng laman.

At gaya noong una ay nangyari ding muli.

Pagkatapos ng gabing puno ng init ay bumalik na naman sa mga araw na puno ng lamig ang trato niya sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing Her Heart   Chapter 4

    Nakatulala lang ako sa resulta ng laboratory test ko.Pregnancy test.Positive.Niligtas ako ng magiging anak ko mula sa tangka kong pagpapakamatay.Kaya ililigtas ko rin siya.Umuwi ako sa amin ng araw na iyon. Wala naman akong ibang malapitan kung hindi ang pamilya ko. Isa pa ay wala akong planong sabihin kay Senyorito Andrei ang tungkol sa kalagayan ko.Tinatanggalan ko siya ng karapatan. Kahit iyon na lang ang maiwang dignidad sa akin. Kahit iyon na lang ang ganti ko sa kanya. Kahit iyon na lang ang tanging maiiwan para sa sarili ko.Nagulat sina Nanay at Tatay, lalo na nang bigla na lang akong yumakap sa kanila at umiyak nang walang pakundangan.Pagkatapos kong kumalma ay inilahad ko ang lahat. Wala akong iniwang impormasyon. Inaasahan ko nang makakatanggap ako ng sampal mula kay Nanay at sigaw mula kay Tatay.Pero tanging mainit na yakap lamang ang isinagot nila sa akin. Mas lalo tuloy akong napaiyak.'P-Patawarin ninyo ako, Nanay, Tatay," umiiyak kong saad habang nakahawak sa m

  • Chasing Her Heart   Chapter 3

    "Ahh!"Nagpanting ang mga tainga ko nang may marinig na ungol mula sa kwarto ni Senyorito Andrei. Hindi madadaanan ang kwarto niya kapag paakyat ako sa kwarto ko. Nasa kanang bahagi ang kwarto niya at nasa kaliwang bahagi naman ang hagdan paakyat sa kwarto ko.Ganoon kalakas ang ungol ng isang babae kaya dinig na dinig ko kahit nasa kabilang dulo ako."Ahh! Shit!"Ungol naman ni Senyorito Andrei ang narinig ko.Napaatras na lamang ako at dahan-dahang umakyat papunta sa kwarto ko habang pigil na pigil ang pumatak ang mga luha ko. Nang makapasok sa kwarto ay kaagad na nagpaligsahan ang mga luhang kay bigat ng bawat patak.Dalawang taon na lang, Rina. Dalawang taon na lang.Nasa ikalawang taon na kami sa kolehiyo ay ganoon pa rin ang trato niya sa akin. Malamig pa sa ulan. Malamig pa sa bangkay.At ganoon pa rin ako.Marupok at mapusok. Bumibigay sa bawat pagkatok niya lang sa kwarto ko. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses na akong nagparaya sa kanya sa kama. Hindi na rin mabilang

  • Chasing Her Heart   Chapter 2

    Akala ko ay magiging maayos na ang lahat sa amin ni Senyorito Andrei pagkatapos naming pagsaluhan ang unang halik ko at ng unang pag-iisa ng aming mga katawan. Oo, binigay ko ng buo ang sarili ko sa kanya nang gabing iyon.Umpisa lang pala iyon ng paghihirap ko."A-Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Senyorito Andrei nang marinig ko mula sa kanya ang kukunin niyang kurso.Nasa harap na kami ng registrar at magpapa-enroll na sana."Bakit?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.Bakit? Pwede ko kayang ibalik sa kanya ang tanong na iyan at idagdag na bakit niya ako pinahihirapan nang ganito?Isang buwan na ang nakalipas nang may mangyari sa amin at simula nang araw na iyon ay tinrato niya akong parang isang estranghero. Hindi ko siya maintindihan.Unang pag-ibig.Unang halik.Unang karanasan.Buong buwan akong nag-aabang sa kanya. Buong buwan akong parang namatayan. Pakiramdam ko ay isa akong basahan na pagkatapos gamitin at maluma na ay basta na lang itatapon sa kung saan.Buon

  • Chasing Her Heart   Chapter 1

    "Ikaw ang gagawa ng lahat para sa senyorito."Nagsasalita si Sir Albert, ang personal assistant ni Senyorito Andrei— ang tagapagmana ng buong Hacienda Hermano at Hermano Group Of Companies. Pero ang atensyon ko ay nakatuon lamang sa kanya. Binatang-binata na siya.Magkababata kami. Isang mayordoma ang nanay ko rito sa kanilang hacienda at pinagkakatiwalaan naman ang tatay ko. Nasa likod lang ng hacienda ang bahay namin kaya hindi maiwasang maging kalaro ko siya noon at naging malapit na magkaibigan pa kami kalaunan. Nang magtapos kami sa elementarya ay pinadala siya sa London at doon nag-aral ng high school kasama ang bunso niyang kapatid.Nagpatuloy rin ako sa pag-aaral pero lagi siyang laman ng isipan ko. Hindi pa naman kasi uso ang mga social media noon, pero nangako siyang susulat— na hindi naman nangyari ni minsan sa loob ng anim na taon. Hindi ko na iyon dinibdib pa at nag-aral na lang nang mabuti. Para may maipagmalaki ako kapag bumalik na siya.Sa murang edad ay nahulog na ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status