Share

Kabanata 1 Mistake

Arwena gazed around the room she was in, perplexed. Until her gaze is drawn to the frosted shower, where he sees the man's hazy image.

"What have I done?" she asked herself, her palms covering her mouth. Her tears had begun to fall.

She rose up slowly and gathered up her clothing. She dressed hurriedly and departed the room as swiftly as she could.

Paulit-ulit niyang hinahampas-hampas ang noo niya. Pakiramdam niya ay ang tanga-tanga niya. Matagal niyang iningatan ang sarili. Ito pa nga ang dahilan kung bakit siya pinagpalit ng nobyo sa best friend niya. Pero isinuko niya lang pala ang sarili sa lalaki na hindi niya kilala.

“Mr. Tan,” pabulong niyang binigkas ang pangalan ng lalaki na nagligtas sa kanya mula sa mapagsamantalang lalaki, at siya ring sinukuan niya ng kanyang sarili.

“Arwena! Saan ka ba galing? Pinag-aalala mo kami bata ka!” singhal, ngunit may pag-aalalang salubong sa kanya ng mga magulang. Napailing-iling naman ang papa niya habang nakatingin sa kanya.

Gusto niyang yakapin ang mga magulang. Gusto niyang magsumbong; gusto niyang sabihin lahat ng masamang nangyari sa kanya kagabi, at gusto niyang e-kwento ang panloloko ng boyfriend at best friend niya sa kanya, pero natatakot naman siya na hindi kayanin ng mga magulang niya.

Siya nga ay hindi halos kayanin ang sakit, mga magulang pa kaya niya na ang taas ng tiwala sa kanya. Ayaw na niyang bigyan pa ng alalahanin ang mga magulang. Kakayanin niyang pasanin ang problema na siya lang.

“Ma, Pa, pagod po ako—” Iiwas sana siya sa tanong ng mga magulang, pero nahinto naman ang pagsasalita at paglalakad niya nang lumabas mula sa bahay nila ang dating nobyo at dating best friend na magkahawak kamay pa.

Ang bigat na nga ng nararamdaman niya kanina, mas bumigat pa ngayong kaharap niya ang dalawang taksil.

Nag-uumapaw ang galit niya. Durog na durog siya at ang daming nawala at nasira sa buhay niya dahil sa kagagawan nila, pero ang lakas pa ng loob ng mga ito na pumunta sa bahay nila at magpakita sa kaniya na parang walang nangyari.

“A-anong ginagawa n’yo rito?”

Muntik nang pumiyok ang boses ni Arwena, nag-iinit na rin ang mga mata niya, pero pinilit niyang pigilin ang mapaluha. Hindi siya iiyak sa harap ng mga magulang niya, at lalong hindi na siya na iiyak sa harap ng mga taong walang kwenta.

“Nagtanong ka pa talaga? Pinatawag ko sila. Hahanapin ka na nga sana namin kung hindi ka pa dumating. Arwena, saan ka ba nagpunta ha? Alalang-ala kami sa sa’yo, alam mo ba ‘yon?”

Putol-putol ang pagsasalita ng mama niya na parang kinakapos sa paghinga. Tinatapik-tapik pa nito ang dibdib niya.

Ramdam ni Arwena ang takot at pag-aalala ng mga magulang. Hindi niya gusto na mag-alala sila, at lalong hindi niya gusto na magalit ang mga ito sa kanya.

Pero imbes na yakapin ang mama niya; imbes na aluin niya ito at magpaliwanag, mapait siyang ngumiti, sabay sabi, “opo, alam ko po na nag-alala kayo. Sorry, po,” mahinahon niyang sabi.

Pero matalim naman ang tingin niya kay Farah at Jake na sabay nagbaba ng tingin.

Naguguluhan namang tumitig sa kanya ang mga magulang. Lumingon din ang mga ito kay Jake at Farah na nanatiling nakatayo sa likuran nila at hindi man lang nilapitan si Arwena.

“Ano ba ang talaga ang nangyari sa inyo, Arwena, Jake? Nag-away ba kayo?” nalilitong tanong ng ama niya habang haplos na ang likod ng asawa.

Umaasa si Arwena na sasagutin ni Jake ang tanong ng ama niya, pero hindi iyon ang nangyari. Bumuga ito ng hangin at yumuko. Umastang siya ang dehado at nasa tama, at si Arwena ang gumawa ng masama.

“Kung nag-away man kayo, sana pinag-usapan n’yo. Lahat naman ay nadadaan sa mabuting usapan, hindi ‘yong idadaan mo sa hindi pag-uwi ng bahay.”

Bumigat pa lalo ang paghinga ni Arwena. Ramdam na ramdam kasi niya ang pagkadismaya sa kanya ng ama. At wala siyang alam na tamang maidadahilan kung bakit hindi siya umuwi ng bahay. Buo na nga kasi ang loob niya na kikimkimin mag-isa ang problemang pinapasan niya.

“Hindi ka naman ganito, Arwena, hindi ka umaalis ng bahay na hindi nagpapaalam, at lalong hindi ka nagpapalipas ng gabi sa labas na ganyan ka revealing ang suot,” dismayang sabi ng ama ni Arwena.

“Ah… Tito, Tita…” Hindi na nakasagot si Arwena dahil sa biglang paglapit ni Farah sa mga magulang niya. Hinaplos-halos nito ang balikat ng mga magulang na sinabayan ng matamis na ngiti.

Lalo pang nakaramdam ng galit si Arwena. Hindi niya alam na ganito pala ka kapal ang mukha ni Farah. Ang galing magpanggap na mabait, pero nasa loob pala ang kulo.

“Hayaan na lang po muna natin na magpahinga si Arwena,” mahinahong sabi nito habang na kay Arwena ang tingin. “Ang mahalaga naman po ay nakauwi na po siya at walang masamang nangyari sa kanya.”

Mapait na ngumiti si Arwena. Ang bait kasi kung magsalita ang dating kaibigan. Ang amo-amo rin ng mukha nito na parang santa, pero isa palang hitad at walang hiyang umagaw sa boyfriend niya.

“Maraming salamat, Farah, pati ikaw ay naabala pa namin," nakangiting sabi ng mama ni Arwena, hawak pa nito ang kamay ni Farah.

Mas bumakas ang pait sa ngiti ni Arwena habang nakatingin sa kanila. Anak na nga rin kasi ang turing ng mga magulang niya sa kaibigan niyang fake. Lalo na ang nobyo niya na nangakong aalagaan at mamahalin siya habangbuhay at hindi siya sasaktan pero isa palang tarantado at manloloko na dumurog sa puso niya.

“Wala po ‘yon, basta para sa inyo at sa kaibigan ko, handa po akong tumulong,” nakangiting sagot nito pero ang tingin ay na kay Arwena pa rin. “Aalis na po ako, kikitain ko pa po kasi ang potential franchisee ng coffee shop n’yo po,” dagdag sabi nito sa mga magulang niya na abot tainga naman ang ngiti nang marinig ang sinabi Farah.

"Hala sige, lakad na, Anak, magbunga sana ng maganda ang meeting mo,” sagot ng mama niya na parang bini-baby pa si Farah.

Alam ni Arwena na pinamumukha sa kanya ng dating kaibigan kung ano ang papel niya sa buhay at negosyo ng mga magulang niya. Kaya hirap na hirap siya na aminin sa mga magulang ang ginawang kataksilan ng mga ito dahil malaki ang ambag ni Farah sa business nila. Kaya kahit halos sumabog na ang dibdib niya, hindi niya magawang sabihin sa mga magulang ang totoong dahilan kung bakit hindi siya umuwi kagabi at kung bakit tuluyang nasira ang buhay niya. Hindi baling siya na lang ang masaktan, huwag lang ang mga magulang niya.

“Ma, pa, pahinga na po ako,” matamlay na sabi ni Arwena, pero sikretong sumulyap kay Jake na parang ang bait-bait at hindi nagsasalita.

Tumango na lang ang mga magulang niya, at hinayaan na siyang umalis sa harap nila.

“Jake, ano pa ang ginagawa mo, r’yan? Sundan mo ang girlfriend mo.”

Sandaling bumagal ang paglalakad ni Arwena. Gusto niya sanang balaan ni Jake na ‘wag na siyang sundan pero dahil kasama pa nito ang mga magulang niya, wala siyang nagawa kung hindi ang magpatuloy sa paglalakad papunta sa kwarto niya.

“Arwena, hintayin mo nga ako," mahinahong sabi ni Jake na ngayon ay sinusundan na siya.

Sikreto na lang na naikuyom ni Arwena ang mga kamay. Kuyom na kuyom sa puntong bumabaon na ang mga kuko sa palad niya.

Ang gusto niyang gawin ay ang magpahinga at kalimutan ang mga nangyari kahit sandali lang. Wala na siyang balak kausapin ang dating nobyo. Ayaw na nga niyang maalala ang kahit ano tungkol sa kanila o pag-usapan pa muli ang nangyaring kataksilan nito.

“Arwena saan ka natulog kagabi ha?” pabulong na tanong ni Jake, mahigpit pa siya nitong hinawakan sa braso.

“Wow, talagang nagawa mo pang magtanong ng ganyan? Hindi ba’t pinaalis mo na ako sa buhay mo? Pinagpalit mo na ako sa best friend ko na handang bumukaka sa harapan mo!”

Hinablot ni Arwena ang braso niya mula sa mahigpit na hawak ni Jake.

Sandaling natahimik naman si Jake. Nagulat sa lumabas mula sa bibig ni Arwena. Hindi nga kasi siya ganito magsalita. Pino kung kumilos at parang laging naglalambing siya kung magsalita.

“ ‘Wag mo akong baliktarin, Arwena. Tanong ko ang sagutin mo! Saan ka galing at sinong kasama mo?”

"Ano bang pakialam mo?" gigil na gigil na sabi ni Arwena habang pinipigil ang pagpatak ng luha. “Tigilan mo na ang magpanggap na loyal boyfriend! Tayo na nga lang ang nandito; wala nang ibang makakarinig na isa ka palang manloloko!”

“ ‘Wag mong isisi sa akin ang lahat, Arwena! Oo, nagkamali ako, inaamin ko ‘yon. Pero sino ba ang dahilan kung bakit ako nagkamali; kung bakit ako natukso sa iba, hindi ba ikaw?"

Mapaklang tawa ang pinakawalan ni Arwena, sabay sabing, “ang kapal ng mukha mo, Jake! Ang kapal-kapal ng mukha mo na isisi sa akin ang kalandian mo. Nagising na ako, gising na gising na ako. Wala akong kasalanan, kung mayro’n man, ‘yon ay ang minahal kita ng sobra!” Malakas na suntok ang tumama sa dibdib ni Jake ang kasabay ng pagsasalita ni Arwena. “Hindi ko rin kasalanan kung itong puso mong ‘to ay napunta sa puson mo!”

Paulit-ulit niya pa rin na sinuntok-suntok ang dibdib ni Jake habang pinipigil ang mapaluha.

She never imagined that the man she loved so much would be the reason for her to make a mistake she'd never forget.

“Tumitigil ka na, kung ayaw mong—” Hinawakan nito ang pulsuhan niya. Sobrang higpit na pakiramdam niya ay lalagitik na ang buto niya.

“Anong gagawin mo? Sasaktan mo ako? Nasaktan mo na ako—hindi lang pala sinaktan; dinurog n’yo pa ako. Wala nang mas sasakit pa sa ginawang pagtataksil n’yo sa akin.” Buong lakas na hinablot ni Arwena ang kamay niya. “Umalis ka na.”

“Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi kung saan ka natulog—”

Pahapyaw na namang tumawa si Arwena na ikinahinto sa pagsasalita ni Jake.

Pero humakbang naman ito palapit lalo sa kan’ya, sabay tanong, “anong ginawa mo kagabi mo, Arwena?” gigil na gigil.

“Ano nga ba ang ginawa ko kagabi? Hindi ko rin alam, basta nagising na lang ako na may katabing lalaki sa kama.”

Nanlanki ang mga mata ni Jake habang siya ay mapait na ngumiti.

“Wala na Jake—wala na ang pinaka-iingatan ko na dapat ay sa’yo ko binigay!”

Kaagad pumasok sa kwarto si Arwena at ni lock ang pinto. Narinig niya pa ang pagsuntok ni Jake sa pinto pero hindi niya na ito pinansin. Napapikit na lang siya kasabay ang pagpatak ng luha na kanina niya pa pinipigalan.

Maya maya ay pumasok siya sa banyo at doon binuhos ang lahat ng sama ng loob. Umiyak siya ng umiyak sa pag-aakala na maaanod ng malamig na tubig ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

“Naging mabait naman akong anak—naging mabuting kaibigan at girlfriend, pero bakit nangyari sa akin ‘to? Bakit parang pinarurusahan ako? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba na mabuhay sa mundong ‘to,” hagulgol ni Arwena na sumabay sa malakas na patak ng tubig sa shower at pagbagsak niya sa sahig.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status