Share

Chasing Love A Second Chance At Forever
Chasing Love A Second Chance At Forever
Author: sweetjelly

Prologue

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2023-12-03 16:32:14

"Bitiwan mo ako, please."

Kahit nahihilo at nanghihina, buong lakas pa ring nagpupumiglas si Arwena mula sa mahigpit na paghawak ng lalaking kumaladkad sa kanya palabas ng bar.

Kaya lang, kahit anong pagpupumiglas ang ginawa niya ay hindi pa rin siya binibitiwan nito. Mas humigpit pa ang paghapit nito sa baywang niya sa puntong halos buhatin na siya.

"Sumama ka na lang ng maayos at tumahimik ka kung ayaw mong masaktan," gigil na bulong nito kasabay ang paghawak sa pisngi niya.

Sandaling natigil ang paghagulgol ni Arwena, pero luha niya ay hindi tumigil sa pagpatak na sumabay sa malakas na kabog ng dibdib niya.

“Bitiwan niyo na ako! Tulong—” naputol ang pagsigaw niya nanghawakan siya sa leeg ng lalaking walang puso at diniin sa hood ng kotse.

Paulit-ulit na umiling si Arwena, kasabay ang panginginig ng buong katawan. "Please, bitiwan mo ako, ayoko—" Hinarang niya ang mga palad sa pagitan nilang dalawa sabay ang pag-iwas ng mukha niya na akmang hahalikan ng lalaki.

"Stop acting like you're a virgin!" sikmat ng lalaki, kasabay ng paglapat ng katawan nito sa kanya. Diin na diin sa puntong ramdam agad ni Arwena ang pagkalalaki nito.

"Lumayo ka! Ayoko nga sabi, ayoko!" Halos pumutok na ang mga ugat sa leeg niya sa kasisigaw at pakiusap sa lalaki na wala siyang balak pakawalan hangga't hindi nakukuha ang gusto nito. "Please let me go, ayoko sa'yo! Ayoko! Maawa na kayo.”

Paulit-ulit siyang nakikiusap at buong lakas na sumigaw, pero sa ingay at dilim ng lugar kung saan siya dinala ng lalaki ay imposible na may makakarinig sa kanya.

"Ayaw mo? But earlier on the dance floor, it seemed like you were inviting everyone to fvck you!" sabi ng lalaki habang inamoy-amoy na ang leeg at pisngi niya.

Paulit-ulit na umiling si Arwena at pilit iniwas ang mukha sa lalaki na parang gutom na gutom at gusto na siyang kainin. Hindi pa nga lumapat ang labi nito sa balat niya, pero diring-diri na siya.

"Don't do this… 'wag po, maawa ka na, please… 'wag—" Kasabay ng sigaw at pagmamakaawa niya ay hampas sa mukha ng lalaki. Pero parang hindi nito ramdam ang sakit ng mga hampas niya.

Ang maangkin siya ang tumatakbo sa buong sistema nito. "Stop resisting; this won't take long, but I well make sure, pareho tayong mag-e-enjoy—" Kasabay ng pahingal na pagsasalita ng lalaki ay ang pagbaklas ng sinturon at pagbubukas ng zipper niya. Ang bilis na rin ng mga galaw nito na parang may hinahabol.

Tinakpan na rin nito ang bibig ni Arwena, at pinupog ng marahas na halik ang leeg niya.

Puro iyak at mahinang hampas na lang ang nagawa ni Arwena. She felt helpless. Sa bawat sigaw niya; sa bawat panlalaban ay lalo lang siyang nanghihina. Nawalan na siya ng pag-asa na makawala sa mabangis na lalaking gustong angkinin siya.

"No, don't do this!" Habang pinipilit ng lalaki ang sarili kay Arwena, nagbalik naman sa alaala niya ang dahilan kung bakit siya napadpad sa bar at naglasing mag-isa.

Gusto niya lang naman sanang makalimot. Gusto niyang mawala ang sakit—sakit na pinaramdam sa kanya ng lalaki na akala niya ay tunay siyang mahal pero hindi pala.

Gumuho ang mundo niya nang masaksihan ang kataksilan ng nobyo at best friend niya. Hindi niya matanggap na ang dalawang tao na pinagkakatiwalaan at minahal niya ng sobra-sobra ay nagawa siyang saktan at pagtaksilan.

"kasalanan mo, kaya nagloko ako—kasalanan mo kung bakit naghanap ako ng iba. Lalaki ako Arwena, may pangangailangan na hindi mo maibigay."

Hindi mawala-wala sa isip niya ang sinabi ng kanyang nobyo. Paulit-ulit niyang naitanong sa sarili, kasalanan nga ba niya? Siya nga ba ang nagtulak sa nobyo niya na maghanap ng iba? Kung binigay niya ba ang sarili ay hindi siya magtataksil?

"Bakit sa kanya pa, Jake?"

"Farah bakit? Best friend mo ako, you are like a sister to me, pero bakit mo nagawa sa akin 'to? Bakit inahas mo ang boyfriend ko?"

" 'Wag mong isisi sa akin ang pagkukulang mo, Arwena. Kung naging mabuting girlfriend ka, kung binigay mo sa kanya lahat, hindi sana siya naghanap ng iba na pupuno sa pagkukulang mo. And it's not my fault, kung sa akin niya nahanap ang tunay na saya na hindi mo kayang ibigay sa kanya!"

"Umalis ka na Arwena!"

"Jake, akala ko ba, mahal mo ako? Akala ko ba handa kang maghintay? Minahal mo ba talaga ako?"

Kung gaano ka desperada si Arwena na makawala mula sa lalaking hayop na gusto siyang angkinin ngayon ay gano'n din siya ka desperada na malaman kung minahal nga ba siya ng nobyo na siyang pinaglalaanan niya ng lahat.

"Minahal kita, Arwena. Totoo ‘yon, but you’re so boring, nakakapagod kang mahalin—nakakapagod hintayin. Kaya bakit pa ako maghihintay kung mayro'n namang babae na willing ibigay ang lahat sa akin at kayang-kaya akong dalhin sa langit ng walang pag-aalinlangan."

Kasabay ng pagpikit ng mga mata ni Arwena ay ang pagpatak ng mga luha niya. Puno ng galit ang puso niya—galit sa boyfriend at best friend niya na siyang dahilan kung bakit siya napapahamak ngayon. Sila ang nagdala sa kanya sa sitwasyon niya ngayon na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o tuluyan nang masisira ang buhay niya.

"Bitiwan mo ako, hayop ka!" Inipon niya ang buong lakas, maitulak lang ang lalaking halang ang kaluluwa na ngayon ay marahas na hinihimas at pinipisil-pisil ang hita niya.

"Sabi nang tumahimik—" Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin. Hindi rin alam ni Arwena kung ano ang nangyari, basta naramdaman na lang niya na may humatak sa lalaking hayop palayo sa kanya, at pagdilat niya ay nakabulagta na ang hayop sa harapan ng kotse.

Bukas ang ilaw ng kotse kaya kitang-kita niya kung paano pinagsisipa ng lalaking tumulong sa kanya ang hayop na lalaki.

"Don't dare make a move, kung ayaw mong mamatay ngayon din!" Isang sipa pa ang ginawa ng lalaki sa walang hiya kasabay ng singhal.

Habang si Arwena ay napaupo na lang habang takip ang mga palad sa tainga at paulit-ulit na umiling. Kalat-kalat na rin ang kolorite niya sa mukha.

"Mr. Tan, anong nangyari?"

"Where the hell have you been?" Imbes na sagutin ang tanong ng tauhan niya ay galit na hinawakan nito ang balikat at patulak na binitiwan.

"Sorry, Mr. Tan, tinawag po kasi ako ng kalikasan," sagot nito habang na kay Arwena na ang tingin.

"Bring that asshole to the police station," utos niya sa tauhan niyang bakas ang pagtataka sa mukha.

Rinig na rinig ni Arwena ang usapan, pero wala na siyang lakas na tumayo o harapin ang lalaki na tumulong sa kanya.

"Miss, tahan na, you’re safe now?" mahinahong sabi ng lalaki kasabay ang paghaplos sa balikat ni Arwena.

She gazed at the man's hand and then slowly lifted her head. Her eyes met his, and it was like magic, erasing all the pain and fear she felt.

"Come with me, hayaan mo akong ilayo ka sa lugar na ‘to.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Special Chapter

    “My queen," yakap at halik sa batok ko ang kasabay ng malambing na boses na ‘yon. Antok na sana ako, kaya lang hindi ko naman matanggihan itong asawa ko na kararating lang mula sa trabaho ay ako naman ang gustong trabahuin. “Ang bango mo, my queen," pinahangin nitong sabi na sumabay sa pagharap ko sa kanya. Kagat-kagat na niya ang ibabang labi at may tingin na nang-aakit. Awtomatiko namang umangat ang mga kamay ko at kumapit sa batok niya. Mas kumislap pa ang mga mata na agad namang nagpangiti sa akin. Para naman kasi akong hinihigop sa klase ng tingin niya. Tingin na nagsasabing mahal na mahal niya ako. Tingin na nagsasabi na ako lang ang pinakamaganda sa paningin niya, at tingin na nagsasabing sabik na siyang angkinin na naman ako. “Nilalasing mo ako sa bango mo, my queen. Pinag-iinit mo ako lagi. Pinasasabik…” Ayon na nga at sininghot na nito ang leeg ko na parang inuubos ang lahat ng bango ko. May kasama na rin ‘yong himod sa nguso na nagpabungisngis sa akin. Naki

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 80 My Second Chance, My Forever

    “My queen,” malambing na tawag ni Tandre sa asawang si Arwena na agad namang ngumiti nang makita ang matamis nitong ngiti. Kanina niya pa ito pinagmamasdan. Kanina pa siya naghihintay na matapos ito sa ginagawa. At ngayong tapos na, heto at hindi na niya naawat ang sarili at nilapitan na niya agad. Napailing-iling pa si Arwena. Alam niya kasi na kanina pa sabik ang asawa na lapitan siya. Kanina pa ito gustong yakapin at halikan siya, pero dahil sa banta niya, na kapag lumapit ito sa kanya ay hindi siya sasama sa gaganaping launching ng Denovan Jewelry. Kaya wala itong nagawa, kung hindi ang manatiling tahimik habang pinagmamasdan lang siya. Pero katulad ni Tandre, hindi rin maawat ni Arwena na sumulyap sa asawang gandang-ganda sa kanya. Pangiti-ngiti kasi habang titig na titig sa reflection niya sa salamin. “Tapos ka na?” malabing nitong tanong, sabay ang banayad na paghawak sa balikat ni Arwena, at banayad iyong hinaplos-haplos. Matamis na ngiti lang ang sagot ni Arwena na may

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 79 Our Dream

    Matapos ang isang malakas na putok na nagpapikit ng matiim sa mga mata ni Arwena, sunod-sunod na pagsabog naman ang sumunod na umalingawngaw sa loob ng conference room na nagpahinto naman sa paghinga niya. Umiiyak siya pero walang boses na lumabas. Yumugyog lang ang balikat at awang ang labi. Si Tandre naman ay mahigpit na yumakap kay Arwena. Napigil din nito ang paghinga. Akala kasi niya ay katapusan na nila. Akala niya ay ito ang huling araw na makasama ang pinakamamahal niya. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos hanggang sa marinig nila ang mga sigaw, mga utos ng mga pulis at bomb squad na nasa loob ng conference room. Sa bilis ng pangyayari na hindi inasahan ni Farah, wala itong nagawa nang agawin sa kanya ang baril at detonator, at ngayon nga ay kasalukuyan nang dini-difuse ang mga bomb. “Tandre!” Matapos ang matinding takot at pagkagulat, sa wakas ay nagawa ring magsalita ni Arwena. Kaya lang, hindi pa rin siya makagalaw. Hindi pa rin niya kayang tumingin sa pa

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 78 Second Chance

    “No, Wena! ‘Wag kang pumasok—” sigaw ni Tandre, pero agad natahimik dahil sa baril na tumutok sa kanya. “Tumahimik ka!” singhal ni Farah. Gigil na gigil ito na parang ano mang oras ay kalalabitin na ang gatilyo. “Kanina ka pa! Napupuno na ako sa’yo!” “Don’t do this, Farah, please! I’m begging you. I’m willing to do anything. Hayaan mo lang si Arwena,” buong puso na pakiusap ni Tandre. Ni kaunti ay hindi nakaramdam si Tandre ng takot para sa sarili niya. Natatakot siya para kay Arwena. Natatakot siya sa maaring gawin ni Farah sa asawa niya. Ang isipin pa lang ang maaring gawin nito kay Arwena, ang sikip-sikip na ng dibdib niya. Naikuyom naman sandali ni Janica ang kamao. Nasasaktan kasi siya na marinig ang pagmamakaawa ng lalaking mahal niya para sa ibang babae. “I said, shut up!” Nanlaki ang mga mata ni Farah. “Kahit anong pagmamakaawa ang gawin mo; kahit ibigay mo pa sa akin ang kayamanan mo, o kahit ibalik n’yo pa ang buhay ni Jake, hindi ko pa rin tatantanan si Arwena. Ala

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 77 Reunion

    “F-Farah!” Bulalas ni Janica. Parang na alimpungatan mula sa mahimbing na tulog dahil sa malakas na putok na narinig. Umawang pa ang labi at nanlaki ang mga mata na napatitig sa lalaking nakahandusay sa sahig at duguan. “What the...” Takip-takip na rin ang mga palad nito sa tainga niya, at saka, nilibot ang paningin sa paligid. Hindi niya alam kung paano umabot sa ganito ang gulo na ginawa niya kanina. Napalingon din siya kay Tandre na ngayon ay nakayuko at nakalapat ang mga kamao sa sahig. Bakat din ang mga ugat nito sa braso.Doon niya binuhos ang lahat ng galit kay Farah na walang awang binaril ang tauhan niya na wala namang kinalaman sa problema nila. “How?” Hindi magawang ibigkas ni Janica ang salitang gusto niyang sabihin. Paulit-ulit na lang siyang napapailing habang nangingilid ang mga luha. Kitang-kita niya kasi ang butas at dugo sa suit ni Tandre. Napatingin pa siya sa kamay niya na sumaksak sa likod nito. Hindi niya akalain na magagawa niyang sasakin si Tandre sa hairsti

  • Chasing Love A Second Chance At Forever   Kabanata 76 Demand

    Matapos marinig ang sinabi ng staff ay sunod-sunod naman na umalingaw ang serena ng mga police car, bombero, at mga sigawan ng mga tao na sapilitang pinalalayo sa gusali. Napatakip na lang sa bibig si Arwena, habang si Gomez at Fuentez ay kanina pa nakikiusap na umalis na sila dahil dilikado na rito sa loob. Kaya lang paulit-ulit siyang tumanggi. “Hindi ako lalabas, hanggat hindi ko kasama si Tandre,” pagmamatigas ni Arwena na sumabay sa pagpasok ng mga awtoridad at bomb squad sa gusali. Lahat ng lugar, lahat ng sulok ng hotel ay sinigurado nila na walang tao. Maliban sa conference na kinaroroonan nila ngayon. “Mrs. Denovan, kung maari lumabas na po kayo,” pakiusap ng officer in charge na kausap ni Gomez at Fuentez kanina. Ang mga medics naman ay lumabas na para mag-antabay sa maaring kahihinatnan ng gulo na nangyayari ngayon. “I said no! I’m not going anywhere without my husband,” madiin na sabi ni Arwena. Ayaw niya rin magpahawak sa mga bodyguard. Hilam sa luha ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status