Sobrang inis ang naramdaman ni Arwena habang nakatingin sa likuran ni Mr. Tan. Gusto nga niya itong takbuhin at batukan. Kung pwede lang na isumbat niya lahat dito ang mga pinagdaanan niya dahil sa pagkakamali na nangyari sa kanila. Pero hindi pwede. Hindi niya magagawa dahil ayaw nga niyang malaman nito na nagbunga ang ginawa nila noon. Naiinis siya dahil ang taas ng tingin nito sa sarili. Porke’t mayaman ito. Akala niya mabuting tao ang Mr. Tan na nagligtas sa kanya noon, ngunit isa pala itong halimaw na nag-aabang lang ng mabiktima. Pakiramdam niya ngayon ay para siyang isang hayop na nahulog sa trap, at anumang oras ay magiging pagkain na ng isang halimaw. Tahimik na lang siya na napamura. Paulit-ulit niyang sinampal sa utak niya si Mr. Tan. Iyon lang kasi ang magagawa niya sa ngayon. Alam niya kasi na ginagamit ni Mr. Tan ang coffee shop para makuha siya nito ulit. Alam nga ni Mr. Tan kung gaano niya ka gustong makuha ang pagmamay-ari ng mga magulang niya. Pero kung tuso siya,
Ala-siete pa lang ng gabi ay nasa harap na ng Denovan Hotel si Arwena. Dapat ay nasa bahay na siya ngayon, nagpapahinga kasama ang anak na si Nathan. Pero dahil sa nangyari sa papa niya, nagbago ang isip niya. Ang pangako niya na hindi isakripisyo ang sarili mabawi lang ang Coffee Negrense ay hanggang sa dulo na lang ng dila niya. Susubukan niya uli na kausapin ito. Susubukan na magmakaawa. Baka pumayag ito na bigyan siya ng ibang option para mabawi ang coffee shop. Nang mag-alas otso na ay lumabas na siya ng kotse. Mabagal ang bawat hakbang niya na tumawid ng kalsada. Habang papalapit siya sa hotel, sunod-sunod namang nagsidatingan ang mga sasakyan, at lahat ng mga sakay niyon ay puro magagara ang suot. Saka niya lang napagtanto na event pala ang pupuntahan niya. Napatingin naman siya sa suot niya na skinny jeans at puting blouse na kahapon niya pa suot. Ni ang maghilamos nga ay hindi man lang niya nagawa. Galing pa nga kasi siya sa hospital, at hindi na siya umuwi ng bahay.
“I’m sorry, Ms. Arwena," sabi ni Ted, sabay unat ng suit niya at tumikhim. Hinawakan din nito ang kamay ni Arwena na kanina ay hawak ang braso niya, at saka ay maingat na binitiwan. Hindi kasi siya tinantanan ng tingin ni Mr. Tan, at hindi na siya komportable sa titig nito na parang boyfriend na nagseselos. Kinabahan na siya sa puntong hirap na siyang lunukin ni laway niya. Kung takot si Ted, inis naman ang nararamdaman ni Arwena kay Mr. Tan na parang posteng nakatirik sa tapat nila. Simula nang dumating ito at sikmatan si Ted ay hindi na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito na walang kangiti-ngiti, walang kabuhay-buhay, at parang galit sa mundo. Pero kahit anong sungit pa ng mukha nito, hindi pa rin natatakpan ang kagwapuhan. Lalaking-lalaki kung tingnan dahil sa panga nitong parang hinulma into perfection, isama na ang ilong na parang hinulma rin sa tangos. May mga matang madilim nga pero para namang hinihigop ang buong pagkatao mo kapag mapatitig ka. May labi na hindi man
Nagising si Arwena nang maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya. At hindi nga siya nagkamali. Nasa harapan niya si Mr. Tan, at wala na itong damit pang-itaas. Agad binalot ng kaba ang buong sistema niya. Para siyang bata na umupo at sumiksiksik sa headboard habang yakap-yakap ang makapal na kumot. “ ‘W-wag kang lumapit…” parang maiiyak na sabi nito. Umiling-iling pa siya habang nagmamakaawa ang tingin kay Mr. Tan. Para namang naging tuod si Mr. Tan. Sobrang nagulat siya sa naging reaksyon ni Arwena. Nalito siya sa kanyang sarili. Dapat kasi ay natutuwa siya. Gusto nga niyang pahirapan si Arwena, pero parang naaawa siya, at parang na-gui-guilty. Hindi niya rin nagustuhan ang nakikita niyang takot sa maluha-luha nitong mga mata—takot na nakita n’ya noong gabi na niligtas niya ito mula sa lalaking muntik na halayin siya. Umiwas siya ng tingin at sinabing, "I have no interest in you, at lalong wala akong gagawing masama sa’yo, for you to act like that. Hindi ako ka
Nanlaki ang mga ni Arwena sa mapangahas na ginawa ni Mr. Tan. Gusto niya itong itulak pero ang higpit ng paghawak nito sa batok niya habang sinisiil ng halik ang labi niya. Hindi man lang niya magawang ipikit ang mga mata. Wala rin siyang ibang nararamdaman kung hindi hiya. Nahihiya siyang makita ang mga tao na halatang nagulat din sa palabas ni Mr. Tan. Sinubukan niya itong awatin sa pamamagitan ng pagtiim ng labi. Pero wala iyong silbi dahil nagpatuloy pa rin si Mr. Tan sa ginawang paglasap sa labi niya. Bahagya niya itong itinulak sabay ang pabulong na sabi, “Mr. Tan, ano ba?" Sa wakas ay nagawa niya ring magsalita kahit kinakapos sa paghinga. “Sira-ulo ka—" hindi niya natapos ang pagsasalita dahil bigla na naman nitong sinakmal ang labi niya. “Tumahimik ka muna." Pigil ni Mr. Tan sa pagsasalita niya. Ayaw niya itong gumawa ng eksena na alam niya na pareho nilang ikapahiya. Maski kasi siya ay nagulat sa ginawa niya. Ang gusto lang naman sana ay itaboy ang ex-boyfriend ni
Arwena felt her eyes briefly close in response to Mr. Tan's last words. His condition was tempting—precisely what she wanted—yet an undercurrent of apprehension persisted. Everything would become complicated if she accepted his marriage proposal; he would know her secret. Moreover, she wasn't foolish or desperate enough to agree to marry a man, na hindi niya pa kilala ng lubusan. What happened between them long ago, ay hindi magandang basihan to accept his proposal. "Mr. Tan..." Mr. Tan cut her off by pressing his thumb against her lips. "No, I don’t want to hear your answer now. Hindi ako nagmamadali. What I want, kapag sumagot ka, it truly comes from your heart, and you are sure of your decision; hindi lang dahil na-pressure ka o dahil sa gusto mo ang binigay kong kondisyon.” Mr. Tan whispered his last words to Arwena, maintaining a calm tone. Matapos ang bulong niya kay Arwena, hinawakan niya ang kamay nito, at hinarap ang mga tao na dumalo sa ball. "Everyone, have a gre
Arwena paused for a moment and gazed at Mr. Tan's extended hand, awaiting a handshake. She was unsure whether to agree to start anew with him, but soon she found herself smiling. She thought that if she reconciled with Mr. Tan, she could work properly as the coffee shop manager without any hindrance. Moreover, she would finally have peace of mind. Inaamin naman kasi niya sa sarili na hindi maganda sa pakiramdam ang may kaalitan. Tama na ‘yong sina Farah at Jake lang ang mapanira sa buhay nila. "But if you don't want to, it's okay. I won't force you," malungkot na sabi ni Mr. Tan, at ibababa na sana ang kamay niya. “Mr. Tan," sabi ni Arwena, habang nakatitig na sa mga mata at tipid na ngumiti, sabay hawak sa kamay nito na kanina pa nakalahad. “Mag-umpisa tayo bilang friends,” nakangiting sabi ni Arwena na may matamis na ngiti sa labi. Mr. Tan's eyes immediately sparkled, unable to suppress his smile. He couldn't hide the happiness he felt. “Thank you,” nahihiyang sabi nito, p
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Arwena sa Mama niya, at Anak niyang si Nathan na masayang nakikipaglaro sa lolo nito sa labas ng shop. Sandali rin siyang sumulyap kay Mr. Tan. Natatakot kasi siya na makita nito si Nathan. Mabuti na lang at abala na ito sa katitipa sa cellphone niya. Kung hindi nga lang kabastusan ay tinaboy na niya ito. "Tita, Lorna..." paawa na tawag ni Farah sa Mama ni Arwena. Agad din itong yumakap sa braso ng ginang nang makalapit ito sa kanila. "Arwena!" Dobleng lingon ang nagawa ni Arwena, nang muling marinig ang pasikmat na tawag sa kanya ng Mama niya. Hinaplos-haplos na rin nito ang kamay ni Farah. “Ma…” Nasabi ni Arwena, pero ang tingin ay kay Nathan at sa papa niya naman. Gusto niya itong warningan na ‘wag na munang pumasok, pero hindi naman niya alam kung paano dahil nga kay Farah at Jake na alam niya gagawa at gagawa ng palusot kapag umalis siya sa harap nila. “Ano ‘yong narinig ko kanina, Arwena?" naguguluhan na tanong nito. Tumaas na rin an