LOGINNagpupuyos sa galit ang kalooban ni Arwena habang tinitingnan ang coffee shop na pagmamay-ari ng mga magulang niya, ngunit walang kahirap-hirap na napunta sa iba dahil sa kagagawan nina Farah at Jake.
Dahil buo ang tiwala ng mga magulang niya sa kaibigan at dati niyang boyfriend, sila ang hinayaang mamahala sa coffee shop at sa iba pang branch nila.
Walang kaalam-alam ang mga magulang niya na unti-unti na palang naibenta nina Farah at Jake ang mga shop sa nagngangalang Tandre Denovan.
Ngayon ay sila na ang nag-o-operate ng coffee shop na pinaghirapan ng mga magulang niya na palaguin.
“Good morning, ma’am,” bati ng guard kay Arwena nang pumasok siya sa coffee shop.
Dahil sa galit na nararamdaman, hindi na niya sinagot ang bati nito. Agad kasing napako ang paningin niya sa dating kaibigan at dating boyfriend na masinsinang nag-uusap sa sulok ng shop.
Ilang araw din niyang hinintay na muling makaharap ang mga taong dahilan kung bakit muntik nang masira ang buhay niya, at ngayon ay sumira naman sa negosyo ng mga magulang niya.
“Is it true that Arwena is back?” tanong ni Farah kay Jake.
Mapait siyang ngumiti.
Kumuyom din ang mga kamay niya sa galit hanggang sa maramdaman niyang halos bumaon na ang mga kuko niya sa sariling palad.
“Yes, I’m back!” bulalas niya nang makalapit sa mesa ng dalawa, na parehong hindi maipagkakaila ang matinding pagkagulat.
“A-Arwena…” utal-utal na sabi ni Jake kasabay ng pagtayo.
Si Farah naman ay napanganga habang nakatingala sa kanya.
“H-how are you, Wena?” nakangiting tanong ni Jake na hindi niya sinagot. “Kailan ka pa dumating? Have a seat,” putol-putol pa ring sabi nito, sabay hila sa upuan na katabi niya.
Ngunit napansin ni Arwena na kay Farah nakatuon ang tingin nito.
Nagawa nang isara ni Farah ang bibig, ngunit napalitan naman ng inis ang ekspresyon nito at tumalim pa ang tingin kay Jake. Hindi na nga mawala-wala ang ngiti sa labi nito na lalo lang ikinairita ni Farah. Naiinis siya sa mga tingin ni Jake kay Arwena na parang sabik na sabik pa rin sa dating nobya.
Kung gaano katuwa si Jake sa muling pagkikita nila ni Arwena, kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Arwena.
Lalo pang tumindi ang galit niya sa dalawa. Kung paano umasta ang mga ito ay parang wala silang ginawang anomalya.
Ilang araw bago siya umuwi sa Pilipinas ay nag-imbestiga na siya kung ano ang maaaring dahilan ng pagkalugi ng business ng mga magulang niya.
Sa tulong ni Archie at ng mga connection nito, napag-alaman nila na sina Farah at Jake ang dahilan kung bakit nalugi ang negosyo ng mga magulang niya.
Sila rin ang gumawa ng paraan upang maibenta ang ibang branches ng shop at nitong huli ay pati ang main branch ay nawala sa kanila. Maging ang mga franchisee nila ay kakaunti na lamang ang natira.
Ang mas nakakalungkot, hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga magulang ni Arwena na sina Farah at Jake ang dahilan kung bakit lumubog ang business nila.
Hindi rin alam ng mga ito na tuluyan nang nawala sa kanila ang coffee shop. Ang alam lang nila ay bumagsak ang sales at wala nang pumapasok na franchisee.
“What brings you here, Arwena?” tanong ni Farah habang nakataas ang isang kilay. “Na-miss mo siguro kami kaya napasugod ka rito. Baka naman, you have pasalubong for us.”
Pilít na ngiti ang kasabay ng sinabi ni Farah na lalo lang nagpatindi ng inis ni Arwena.
Talagang bilib siya sa kapal ng mukha nito.
Parang hindi man lang ito natakot nang makita siya. Dahil ba malakas ang kapit nila sa bagong may-ari ng shop? Hanggang ngayon nga ay sila pa rin ang namamahala ng shop.
“Pasalubong? Hindi ba dapat kayo ang may kailangang ibalik sa amin ng mga magulang ko?”
Nagbago ang hitsura ng dalawa.
“Ang kapal ng mukha n’yo! Kayo na nga ang dahilan ng pagkalugi ng shop. Ibinenta n’yo pa.”
Paulit-ulit na lumunok si Farah.
“T-tingin mo may magagawa ka pa? Legal na binili ng bagong may-ari ang mga shop ninyo.”
“Legal? Hindi nga alam ng mga magulang ko na binenta n’yo pala ang mga shop!”
“Pumerma sila—”
“Oo, pumerma sila nang hindi nila alam kung ano ang pinirmahan nila. Wala kayong mga puso. Niloko n’yo na nga ako,” galit na sabi ni Arwena habang dinuduro ang dalawa. “Pati mga magulang ko na tiwalang-tiwala sa inyo ay nagawa n’yo ring lokohin. Sisiguraduhin ko na mabubulok kayo sa kulungan at babawiin ko ang lahat ng kinuha n’yo sa amin.”
Kaagad nang umalis si Arwena matapos sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin kina Jake at Farah.
Kung gaano kalaki ang galit na nararamdaman ni Arwena ngayon, mas matindi pa ang galit ni Farah na nagwawala na sa loob ng shop.
Wala na itong pakialam sa mga customer nila.
Nag-alisan na nga ang iba. Ang ilan naman ay nanatili para lang makiusyoso.
“Huminahon ka nga, Farah!” sikmat ni Jake habang hawak ang braso nito at pilit itong pinauupo. “Tumigil ka na. Nakakahiya ka na. Ang daming tao. Mawawalan na naman tayo ng customers dahil sa ugali mo.”
“Nakakahiya? Nakakahiya na ako ngayon? Bakit, dahil ba bumalik na si Arwena? Ano, balak mo na siyang balikan? Sige, habulin mo siya. Yakapin mo. Halikan mo. Iyon naman talaga ang gusto mong gawin kanina pa, hindi ba?”
“You’re impossible!” Tumayo si Jake at winaksi ang upuan, dahilan upang bumagsak ito.
“Where are you going, Jake?! Susundan mo talaga si Arwena?” sigaw ni Farah, pero hindi na siya pinansin ni Jake.
Naririndi na siya sa walang katapusang sigaw at reklamo nito.
Kaya nga nabaon sila sa utang dahil sa mga luho nito. Dahil sa mga kapritso nito na hindi na niya kayang ibigay, pati ang business ng mga taong nagtiwala sa kanila ay nagawa nilang ibenta paunti-unti.
Samantala, matapos bisitahin ni Arwena sina Farah at Jake, sinunod naman niyang puntahan ang office ni Tandre Denovan.
Ngayon ay kaharap na niya ang secretary nito na ayaw siyang papasukin dahil wala raw siyang appointment.
“I'm sorry, ma’am, but I can't let you in without an appointment,” ulit ng secretary.
Kanina pa siya nakikiusap dito, ngunit patuloy pa rin siyang tinatanggihan.
“I won’t mind kahit anong oras niya pa ako ma-accommodate. Dito lang ako maghihintay,” pagmamatigas niya.
Naiintindihan niya ang sinasabi ng secretary, pero iniisip niya na kapag hindi niya nakausap si Mr. Tandre, baka maunahan siya nina Farah at Jake.
“Ma’am, please umuwi na lang po kayo. Talaga pong hindi kami tumatanggap ng unplanned meetings. Ako po ang mapapagalitan,” sabi ng secretary, sabay abot ng business card. “Please call our office to set up a convenient time for your appointment.”
“All right, I’m going out.” Tinanggap niya ang card. “But I won’t leave. Maghihintay pa rin ako sa labas hangga’t hindi ko makakausap ang boss mo.”
Paglabas niya ay kasabay naman ng paglabas ni Ted, ang personal assistant ni Mr. Tandre.
“Sino ’yon?” tanong ni Ted sa secretary habang nakatingin pa rin sa pinto.
“Ms. Arwena Dela Torre raw po ang name niya, Sir Ted. Ang kulit nga po. Hindi raw siya aalis hangga’t hindi nakakausap si Mr. Tandre.”
“Ayaw umalis, pero bakit lumabas?”
“Sa labas na lang daw po siya maghihintay.”
“Ako na ang bahala,” sabi ni Ted.
Alam kasi niya kung gaano kasungit si Mr. Tandre at kung gaano ito ka-strict sa schedule.
Nang makalabas si Ted, hinanap niya ang babae.
Nakita niya ito sa labas ng building, nakaupo sa hagdan habang nakalapat ang mga palad sa pisngi.
Lumabas siya para kausapin ito.
Ngunit siya naman ang napatigil nang makita ang mukha ni Arwena.
“Excuse me,” mahinahong sabi ni Arwena.
“S-sorry,” utal na sagot ni Ted. “Ikaw ba ’yong nasa office ni Mr. Tandre kanina?”
“M-Mr. Tandre?” sagot ni Arwena.
Lalong nagkomperma sa hinala ni Ted.
Ang babae sa harapan niya ngayon ay ang babaeng iniligtas ni Mr. Tandre noon.
“Ms., you need to go before Mr. Tandre sees you,” sabi ni Ted.
“No, I won’t leave hangga’t hindi ko makakausap si Mr. Tandre,” matigas na sagot niya. “Teka nga lang, sino ka ba? Bakit mo ako pinapaalis? Inutusan ka ba niya?”
“What’s happening here!”
Malakas na singhal ang sabay na nagpalingon kina Arwena at Ted.
“M-Mr. Tandre,” nauutal na sabi ni Ted.
“Leave while you have a chance,” bulong ni Ted kay Arwena bago nilapitan ang boss niya.
“Mr. Tandre, wala po—”
“Anong wala?” Sumikmat si Arwena at matapang na humarap kay Mr. Tandre, na kaagad kumunot ang noo nang makita ang mukha niya.
Para namang namalikmata si Arwena nang makita si Mr. Tandre nang malapitan. Para kasi itong repleka ng anak niyang si Nathan.
Same sharp eyes, same calm yet commanding aura.
Biglang huminto ang mundo ni Arwena. Ang puso niya ay tila tumalon sa dibdib.
“You?” tanging nasabi ni Mr. Tandre, at hindi na niya nilubayan ng tingin si Arwena.
Sa sandaling iyon, alam ni Arwena. Hindi lang ang nakaraan ang haharapin niya, kundi pati ang lahat ng desisyon niya mula limang taon na ang nakakaraan.
“My queen," yakap at halik sa batok ko ang kasabay ng malambing na boses na ‘yon. Antok na sana ako, kaya lang hindi ko naman matanggihan itong asawa ko na kararating lang mula sa trabaho ay ako naman ang gustong trabahuin. “Ang bango mo, my queen," pinahangin nitong sabi na sumabay sa pagharap ko sa kanya. Kagat-kagat na niya ang ibabang labi at may tingin na nang-aakit. Awtomatiko namang umangat ang mga kamay ko at kumapit sa batok niya. Mas kumislap pa ang mga mata na agad namang nagpangiti sa akin. Para naman kasi akong hinihigop sa klase ng tingin niya. Tingin na nagsasabing mahal na mahal niya ako. Tingin na nagsasabi na ako lang ang pinakamaganda sa paningin niya, at tingin na nagsasabing sabik na siyang angkinin na naman ako. “Nilalasing mo ako sa bango mo, my queen. Pinag-iinit mo ako lagi. Pinasasabik…” Ayon na nga at sininghot na nito ang leeg ko na parang inuubos ang lahat ng bango ko. May kasama na rin ‘yong himod sa nguso na nagpabungisngis sa akin. Naki
“My queen,” malambing na tawag ni Tandre sa asawang si Arwena na agad namang ngumiti nang makita ang matamis nitong ngiti. Kanina niya pa ito pinagmamasdan. Kanina pa siya naghihintay na matapos ito sa ginagawa. At ngayong tapos na, heto at hindi na niya naawat ang sarili at nilapitan na niya agad. Napailing-iling pa si Arwena. Alam niya kasi na kanina pa sabik ang asawa na lapitan siya. Kanina pa ito gustong yakapin at halikan siya, pero dahil sa banta niya, na kapag lumapit ito sa kanya ay hindi siya sasama sa gaganaping launching ng Denovan Jewelry. Kaya wala itong nagawa, kung hindi ang manatiling tahimik habang pinagmamasdan lang siya. Pero katulad ni Tandre, hindi rin maawat ni Arwena na sumulyap sa asawang gandang-ganda sa kanya. Pangiti-ngiti kasi habang titig na titig sa reflection niya sa salamin. “Tapos ka na?” malabing nitong tanong, sabay ang banayad na paghawak sa balikat ni Arwena, at banayad iyong hinaplos-haplos. Matamis na ngiti lang ang sagot ni Arwena na may
Matapos ang isang malakas na putok na nagpapikit ng matiim sa mga mata ni Arwena, sunod-sunod na pagsabog naman ang sumunod na umalingawngaw sa loob ng conference room na nagpahinto naman sa paghinga niya. Umiiyak siya pero walang boses na lumabas. Yumugyog lang ang balikat at awang ang labi. Si Tandre naman ay mahigpit na yumakap kay Arwena. Napigil din nito ang paghinga. Akala kasi niya ay katapusan na nila. Akala niya ay ito ang huling araw na makasama ang pinakamamahal niya. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos hanggang sa marinig nila ang mga sigaw, mga utos ng mga pulis at bomb squad na nasa loob ng conference room. Sa bilis ng pangyayari na hindi inasahan ni Farah, wala itong nagawa nang agawin sa kanya ang baril at detonator, at ngayon nga ay kasalukuyan nang dini-difuse ang mga bomb. “Tandre!” Matapos ang matinding takot at pagkagulat, sa wakas ay nagawa ring magsalita ni Arwena. Kaya lang, hindi pa rin siya makagalaw. Hindi pa rin niya kayang tumingin sa pa
“No, Wena! ‘Wag kang pumasok—” sigaw ni Tandre, pero agad natahimik dahil sa baril na tumutok sa kanya. “Tumahimik ka!” singhal ni Farah. Gigil na gigil ito na parang ano mang oras ay kalalabitin na ang gatilyo. “Kanina ka pa! Napupuno na ako sa’yo!” “Don’t do this, Farah, please! I’m begging you. I’m willing to do anything. Hayaan mo lang si Arwena,” buong puso na pakiusap ni Tandre. Ni kaunti ay hindi nakaramdam si Tandre ng takot para sa sarili niya. Natatakot siya para kay Arwena. Natatakot siya sa maaring gawin ni Farah sa asawa niya. Ang isipin pa lang ang maaring gawin nito kay Arwena, ang sikip-sikip na ng dibdib niya. Naikuyom naman sandali ni Janica ang kamao. Nasasaktan kasi siya na marinig ang pagmamakaawa ng lalaking mahal niya para sa ibang babae. “I said, shut up!” Nanlaki ang mga mata ni Farah. “Kahit anong pagmamakaawa ang gawin mo; kahit ibigay mo pa sa akin ang kayamanan mo, o kahit ibalik n’yo pa ang buhay ni Jake, hindi ko pa rin tatantanan si Arwena. Ala
“F-Farah!” Bulalas ni Janica. Parang na alimpungatan mula sa mahimbing na tulog dahil sa malakas na putok na narinig. Umawang pa ang labi at nanlaki ang mga mata na napatitig sa lalaking nakahandusay sa sahig at duguan. “What the...” Takip-takip na rin ang mga palad nito sa tainga niya, at saka, nilibot ang paningin sa paligid. Hindi niya alam kung paano umabot sa ganito ang gulo na ginawa niya kanina. Napalingon din siya kay Tandre na ngayon ay nakayuko at nakalapat ang mga kamao sa sahig. Bakat din ang mga ugat nito sa braso.Doon niya binuhos ang lahat ng galit kay Farah na walang awang binaril ang tauhan niya na wala namang kinalaman sa problema nila. “How?” Hindi magawang ibigkas ni Janica ang salitang gusto niyang sabihin. Paulit-ulit na lang siyang napapailing habang nangingilid ang mga luha. Kitang-kita niya kasi ang butas at dugo sa suit ni Tandre. Napatingin pa siya sa kamay niya na sumaksak sa likod nito. Hindi niya akalain na magagawa niyang sasakin si Tandre sa hairsti
Matapos marinig ang sinabi ng staff ay sunod-sunod naman na umalingaw ang serena ng mga police car, bombero, at mga sigawan ng mga tao na sapilitang pinalalayo sa gusali. Napatakip na lang sa bibig si Arwena, habang si Gomez at Fuentez ay kanina pa nakikiusap na umalis na sila dahil dilikado na rito sa loob. Kaya lang paulit-ulit siyang tumanggi. “Hindi ako lalabas, hanggat hindi ko kasama si Tandre,” pagmamatigas ni Arwena na sumabay sa pagpasok ng mga awtoridad at bomb squad sa gusali. Lahat ng lugar, lahat ng sulok ng hotel ay sinigurado nila na walang tao. Maliban sa conference na kinaroroonan nila ngayon. “Mrs. Denovan, kung maari lumabas na po kayo,” pakiusap ng officer in charge na kausap ni Gomez at Fuentez kanina. Ang mga medics naman ay lumabas na para mag-antabay sa maaring kahihinatnan ng gulo na nangyayari ngayon. “I said no! I’m not going anywhere without my husband,” madiin na sabi ni Arwena. Ayaw niya rin magpahawak sa mga bodyguard. Hilam sa luha ang mga
Kasabay ng halik ni Janica kay Mr. Tan ay flash ng mga camera at sabay-sabay na mga tanong ng press na hindi na halos maintindihan. Maririnig rin ang hiyawan sa labas ng hotel. Live nga kasing napapanood ang press conference, kaya sigurado si Mr. Tan na ang iniisip ng mga fans, ang halik sa kanya ni
“Bakit nandito si Janica? Didn’t I tell you to heightened the security? " Paulit-ulit ko kayong pinaalalahanan, gawin n’yo ang lahat para hindi makapasok ang babae na ‘yon dito?!" gigil na tanong ni Tandre kay Ted.Kararating niya lang sa Hotel Denovan, at gusto na niya agad na palayasin si Janica. A
“Daddy, Archie!” Masiglang sigaw ni Nathan.“N-Nathan…” utal na sagot ni Archie at agad na hinarap ang pamangkin. Sinalubong niya rin ito, pero ang kamay ay sikretong sumenyas kay Tandre at Arwena na magtago muna. Agad namang sumunod ang mag-asawa. Pumasok sila sa walk-in closet habang inaaliw naman
“Tandre, let go of me!” sikmat ni Arwena. Pinipilit nitong alisin ang mga kamay ni Tandre na mahigpit na yumakap sa kanya. Hindi niya akalain na maiisahan na naman siya ni Tandre. “Wena, just hear me out, please.” Pakiusap naman ni Tandre, at mas humigpit pa ang yakap nito kay Arwena. Ayaw niya na







