로그인Chapter 2: She’s Back
Binasag ni Azrael ang kanyang pangako na hindi iinom ng alak. Halata sa video na medyo lasing na ito. Pero, talaga bang sisigaw nang ganoon si Azrael? Ang impression ni Shuvee kay Azrael noong high school pa sila ay isa itong cool at aloof na academic genius. Seryoso ito hindi lang sa pagsasagot ng practice problems, kundi pati sa pakikitungo sa mga babae. Kahit alayan siya ng tubig ng mga may gusto sa kanya sa sports field, hinding-hindi nito sila pinapansin.
Nang maging asawa na niya si Azrael, mas naging magalang at emotionally stable ito. Never itong ngumingiti o nagagalit, at palaging kalmado. Sa sobrang lamig ng pakikitungo nito, kapag paminsan-minsan niyang nahahawakan ang mga daliri nito, nararamdaman niyang pati ang body temperature nito ay napakalamig.
Umikot ang camera sa mukha ng lahat ng nasa video. Nakita niya ang isang medyo tipsy na Azrael, nagniningning ang mga mata, habang itinataas ang baso at tumatawa sa camera.
"Welcome home, Scar!" masayang sigaw ni Azrael.
Napaisip si Shuvee, kaya naman pala nitong tumawa. May sweet side din pala ito. Kaya rin pala nitong tawagin ang mga babae sa kanilang nicknames. Hindi lang talaga ito ngumingiti kay Shuvee, hindi ito enthusiastic sa asawa, at hinding-hindi siya ito tinatawag sa palayaw niya.
"Madam, magsisimula na po ba tayo?" narinig niyang tawag ni Manang Beth mula sa labas ng pinto.
Walang ipinagbago ang takbo ng mga araw ni Shuvee. Dahil napansin ni Manang Beth na wala pa siyang kagalaw-galaw, natakot ang matanda na baka kailangan niya ng tulong. Alam naman ng lahat na may problema talaga si Shuvee sa kanyang mga binti.
Ibinaba ni Shuvee ang kanyang phone bago sumagot.
"Babangon na ho ako, lalabas na rin." Paos ang kanyang boses at tila nasasakal sa emosyon.
Naghanda si Manang Beth ng boiled eggs para sa breakfast, pero isang piraso lang ang nakain ni Shuvee dahil wala siyang gana.
"Madam, ano pong gusto ninyong kainin para sa tanghalian at hapunan?" tanong ni Manang Beth habang inaabutan siya ng isang basong gatas.
"Kahit ano na lang, una..." Balak sana niyang sabihin ang nakagawiang, "Lutuin niyo ho kung ano ang gusto ng asawa ko," pero nilunok niya ang natitirang sasabihin matapos ang unang salita.
Naintindihan naman ni Manang Beth, dahil ito ang usapan nila araw-araw.
"Sabi po ni Sir, hindi siya uuwi mamayang gabi. May business dinner daw po siya." Agad nitong sinabi sa kanya.
Tumango na lang si Shuvee. Siyempre, hindi talaga ito uuwi. Nakita na kasi ni Shuvee sa Facegram ang post ni Scarlett. Naglista si Scarlett kung sino ang manlilibre sa kanila para sa buong linggo at kung ano ang gusto niyang kainin.
“The friendships of our days are the most genuine!”
"Ang lambing ko kasing tao, kaya naman spoiled na spoiled ako sa mga kaibigan ko."
Karaniwang naglalaan si Shuvee ng dalawang oras para mag-aral ng English at ilang oras para sa art theory. Kung hindi siya hahanap ng gagawin, paano niya palilipasin ang mahabang oras? Gugulin ba niya ang buong buhay niya sa paghihintay na umuwi ang isang tao? Naghintay siya... pero ang pakiramdam ng naghihintay ay hindi na matagalan.
Ngunit ang plano niya para sa araw na ito ay iba na kaysa sa dati. Ang offer na natanggap niya ay mula sa huling round ng admissions ng school, kaya kailangan niya itong i-confirm sa lalong madaling panahon. Ang unang ginawa niya ngayong araw ay bayaran ang confirmation f*e sa school. Nang lumitaw sa phone niya ang bank card deduction notification, nakahinga siya nang maluwag.
The day of leaving Azrael is one day closer, huh.
Nang sumapit ang gabi, nagpalit siya ng damit at naghandang lumabas. Nagulat si Manang Beth sa nakita.
"Madam, saan po kayo pupunta?"
Kapag wala si Azrael, halos hinding-hindi lumalabas si Shuvee.
"Ah, may performance ang kaklase ko nong college dito at niyaya niya akong makipagkita sa kaniya," pagsisinungaling niya. Sa katunayan, balak niyang mag-stay sa isang hotel malapit sa exam venue.
May IELTS test siya bukas ng umaga. Nag-aalala siyang baka ma-traffic siya at hindi makarating sa tamang oras. Huling kumuha siya ng IELTS noong nakaraang buwan pero hindi niya nakuha ang desired score niya. Gayunpaman, dahil deadline na ng submission para sa study abroad application, ipinasa na niya ito. Dahil hindi niya inaasahang matatanggap siya, nag-schedule siya ulit ng panibagong test para bukas.
Buti na lang, pinapayagan ng school ang mga students na mag-submit ng English scores nang retroactive.
"Pero..." tiningnan ni Manang Beth ang kanyang mga binti na may pag-aalala. "Gusto niyo po bang samahan ko kayo?"
"No need, get-together lang ito kasama ang mga kaibigan ko. Hindi maganda kung may kasama pa akong iba," sabi ni Shuvee nang walang anumang pagbabago sa kanyang ekspresyon.
"Pero kailangan ko po itong i-report sa asawa ninyo," sagot ni Manang Beth. Takot na takot ang matanda na baka may mangyaring masama kay Shuvee at hindi niya kayang panagutan iyon.
"Huwag na ho. Hayaan mo siyang mag-focus sa kanyang socializing. Don't bother him. Tatawagan ko na lang siya kapag tapos na kami ng mga kaibigan ko para magpasundo ako," matigas na sabi ni Shuvee habang kinukuha ang kanyang bag at tuluyang lumabas.
Dahil sa injury sa kanyang binti, binilhan siya ni Azrael ng isang malaking single-level apartment.
Paglabas ni Shuvee, sumakay siya sa elevator pababa. Pagkatapak na pagkatapak niya sa ilalim ng sikat ng araw, instinctive niyang itinungo ang kanyang ulo at bahagyang ibinuktot ang katawan. Isinuot niya ang kanyang sumbrero at itinaas ang collar ng kanyang damit.
Mula nang maging pilay siya, ang confident at vibrant na Shuvee na nakikita sa stage noon ay tuluyan nang naglaho. Nawalan na ng lakas ng loob si Shuvee na humarap sa publiko. Lagi ngang sinasabi ni Manang Beth na mas mabuting kasama niya ang asawa niya tuwing lalabas. Sabi naman ni Azrael, it’s better for her to stay at home kung wala ito sa tabi niya.
But they didn't know the truth. Ang pinaka-kinatatakutan niya ay ang lumabas kasama si Azrael; mas nakakatakot pa iyon kaysa sa mag-isa. Dahil lahat ng nakakakita sa kanila, iisa lang ang mababasa sa mga mata: Bakit ang isang successful na lalaking tulad ni Azrael Soriano ay may asawang pilay?
Nag-para siya ng sasakyan at nagpunta sa hotel. Habang nasa biyahe, tahimik siyang nakatingin sa street scene sa labas ng bintana nang bigla niyang mapansin ang sasakyan ni Azrael na nakaparada sa tabi ng kalsada.
"Wait, kuya, pakihinto lang po sandali," mabilis na tawag niya sa driver.
Nakatigil ang sasakyan ni Azrael sa harap ng isang restaurant. Naalala niya ang post ni Scarlett sa Facegram; kahapon ay childhood friend ni Azrael ang nanlibre, at ngayon naman ay turn na ni Azrael.
Bumaba si Shuvee sa sasakyan na tila ba sinapian. Pagdating sa restaurant ay diretso siya sa staff.
"May nauna na po ba rito na Azrael Soriano?" tanong niya at ibinigay niya ang last four digits ng mobile number ni Azrael para makasiguro.
"Doon po, ma’am." Itinuro siya ng waiter sa pinto ng isang private room.
"Thank you," mahinang sagot ni Shuvee.
To be honest, hindi alam ni Shuvee kung anong ginagawa niya roon. Noong nasa bahay siya, puno siya ng impulse, pero ngayong nakatayo na siya sa tapat ng pinto, wala siyang lakas ng loob na itulak iyon. Mula sa loob, narinig niya ang masayang tawanan at kwentuhan.
"Hindi ako pwedeng magpagabi ngayon, at hindi rin ako pwedeng uminom. Kapag umuwi akong lasing gaya kagabi siguradong malalagot ako sa asawa ko," sabi ng isa sa mga kaibigan ni Azrael.
“Ikaw pa ba iyong kaibigan ko?” nagtatampong tanong ni Scarlett sa napakalambing na boses. “Nangako ka na kahit ang mismong Hari ng Langit pa ang dumating, ako ang palaging mauuna. Ngayon, under ka na sa asawa mo? Buti pa itong si Azi, totoong kaibigan talaga.”
So, ganito pala ang personality ni Scarlett, saisip ni Shuvee. It turns out na gusto pala ni Azrael ang mga babaeng ganito ang character. Unfortunately, hindi siya ganoon, at hindi rin niya kayang magpanggap na ganoon.
Sa loob, nagpatuloy ang usapan ng mga kaibigan ni Azrael.
"Paano naman maikukumpara si Azrael sa kanya? Wala namang lakas ng loob si Shuvee na magsalita laban sa kanya, 'no!"
"Ay, nga pala," muli niyang narinig ang boses ni Scarlett, "Azrael, balita ko pilay ang asawa mo? Bakit daw?"
Walang sumagot sa tanong ni Scarlett. Napahawak si Shuvee sa kaniyang dibdib dahil sa sobrang sakit.
"Sa totoo lang, Azrael, naaawa talaga kami sa'yo," sabi naman ng isa pang kababata nila. "Tingnan mo ang sarili mo, may pera ka, gwapo, at talentado. Kahit sino kaya mong pakasalan, kaya bakit kailangang sa isang pilay ka pa nauwi?"
"Sa ating lahat, Azrael, ikaw ang pinakamasuwerte sa karera. Pero ngayong kasal ka na kay Shuvee, hindi mo na siya pwedeng isama sa mga meeting, sa mga social event, o kahit saang okasyon na kailangan ng asawa. Hindi mo ba naiisip na lugi ka?"
Doon lang naintindihan ni Shuvee ang lahat. Palaging sinasabi ni Azrael na hindi niya kailangang makialam sa mga lakad nito, manatili lang daw siya sa bahay at maghintay na kumita ito ng pera para sa kaniya. Pinupuri ng pamilya niya si Azrael dahil akala nila ay spoiled siya sa karangyaan, pero ang totoo, ayaw lang pala siyang ilabas ni Azrael dahil hindi siya presentable sa publiko.
Isang mapait na tawa ang narinig mula sa loob ng kwarto.
"She has always been kind to me. May utang na loob ako sa kanya," sabi ni Azrael.
"Kung may utang na loob ka man, bayad ka na roon. Binigyan mo na siya ng napakaraming pera! Sapat na 'yun para makabayad!"
"Exactly! Dapat binayaran mo na lang siya noon. Talaga bang kailangang isakripisyo ang kaligayahan ng buong buhay mo?"
"Sinasabi ko sa'yo, isipin mong mabuti ito. Anong silbi ng pagpapakasal sa ganyang klase ng tao?"
"Oo nga! Ano bang maitutulong niya sa'yo? Hindi mo siya mailabas, at baka pati sa bahay, nag-aalala ka pa na matapon ang tsaa o tubig kapag siya ang may dala, 'di ba? 'Azrael, water o…’ ganito ba siya maglakad?"
Biglang sumabog ang malakas na tawanan sa loob, lalo na ang nakangising tawa ni Scarlett.
"Azrael, ganyan ba talaga maglakad ang asawa mo?"
Si Shuvee, na kanina pa nakikinig sa pinto, ay naramdaman ang pag-akyat ng lahat ng dugo sa kanyang ulo. Ang galit at kahihiyan ay nagdulot sa kanya para mawalan ng balanse.
Agad niyang itinulak ang pinto ng private room.
Tumambad sa kanya ang kwartong puno ng tawanan. Ang kaibigan ni Azrael na si Owen ay may hawak na baso ng tubig habang naglalakad nang paika-ika sa isang exaggerated na paraan.
"Azrael, Azrael, drink water, Azrael... ay! Nahulog ako! Azrael, hug me!" sigaw ni Owen sa isang mataas na boses.
She looked at Azrael, hoping that her husband,
the person she loved most, would show some concern at this time.
Chapter 6: Let's Get a Divorce"Azrael..." naging paos ang boses ni Shuvee, hindi na niya mapigilan ang kanyang paghikbi."Hmm? Shuvee?" Hinawakan ni Azrael ang kanyang kamay. "What's wrong? Gusto mo bang umiyak? Sige, umiyak ka lang. Huwag mong kimkimin 'yan."Napakalumanay ng boses nito, sobrang lambing. Katulad lang noong lumabas siya sa operating room noon; siya at ang mga nurse ang nagtulak sa kanya pabalik sa ward. Nanatili si Azrael sa tabi ng kanyang kama at sinabihan siya sa boses na sobrang lumanay na halos nakakasakit na. "Shuvee, masakit ba? Kung masakit, iiyak mo lang, huwag mong pigilan..."Noong panahong iyon, naramdaman ni Shuvee na ang ganoong klaseng pag-aalaga ay gamot sa kanyang sakit. Sayang lang at inabot siya ng maraming taon bago lubos na naintindihan na ang gentleness at care ng isang lalaki ay hindi kailanman magiging katumbas ng pag-ibig."Azrael, let's get a divorce," mahinang sabi ni Shuvee habang dahan-dahang binabawi ang kanyang kamay. Ang hapdi sa kany
Chapter 5: My Own RedemptionMatapos ang masakit na rebelasyong iyon sa office, muling binalikan ni Shuvee ang kanyang mga libro. Hindi niya masyadong pinag-isipan ang magiging resulta noon; ang gusto lang niya ay lagyan ng kaunting pag-asa ang kanyang buhay. Naisip niya na kung may ginagawa siya, hindi siya masyadong malulungkot sa kaiisip sa sinabi ni Azrael.Sino bang mag-aakala na ang mga bagay na ito, na itinuring niyang pansariling libangan lang, ang magiging salvation niya ngayon? Kailangan niyang galingan sa exam niya ngayong araw. Gusto na niyang umalis sa lugar na ito, palayo, at mas malayo ay mas mabuti.Sobrang sakit pa ring isipin ang lahat. Hindi na niya matukoy kung ang sakit ba ay dahil kay Azrael o dahil sa limang taon na sinayang niya para sa lalaki. Pero hindi na iyon mahalaga ngayon. Ang importante ay hindi na niya hahayaan ang sarili na malunod sa sakit na ito nang mas matagal pa. Kahit pa abutin ng mahabang panahon bago mawala ang hapdi, determinado siyang iligta
Chapter 4: I don’t want to face herHabang pinagmamasdan ang sitwasyon, sumingit si Scarlett sa tamang pagkakataon. "Azi, huwag kang magpaapekto dahil lang sa mga sinasabi nila tungkol sa asawa mo. Talagang nag-aalala lang naman sila sa'yo," malambing na sabi ni Scarlett habang nakatingin sa lalaki. "Isipin mo, napakaraming taon na nating magkakakilala. Kahit pa may masabi silang hindi maganda, palampasin mo na lang at huwag mong dibdibin. Sensitive lang talaga asawa mo at killjoy.""Hindi ako galit," maikling sagot ni Azrael habang ibinubulsa ang kanyang phone. "Never mind, hindi naman 'yun pupunta kahit saan. Come on, let's continue!"Sa isip ni Azrael, sa nakalipas na limang taon, wala namang ibang pinupuntahan si Shuvee kundi ang bahay nila, at wala rin naman itong ibang matutuluyan.Sulyap ni Owen kay Scarlett sabay bulong, "Napakabait talaga ng Scarlett natin! Kung hindi lang kayo nag-break noon...""Ano bang sinasabi mo?" saway ni Scarlett kay Owen, pero may halong ngiti. "Hin
Chapter 3: FavoritismDahil sa exaggerated na performance ni Owen, sumabog sa tawa ang lahat ng nasa loob ng kwarto. Si Scarlett, na nakaupo sa tabi ni Azrael ay tawa nang tawa hanggang sa sumandal na ito sa balikat ni Azrael. Samantala, nanatiling tahimik si Azrael at hindi man lang pinigilan ang kanyang mga kaibigan."Azrael, ganito kasi 'yun o," lumingon si Owen habang nakangiti, handa na sanang magpatuloy sa kanyang biro.Pero bago pa man niya matapos ang sasabihin, nakita nito si Shuvee na nakatayo sa may pinto. Agad na naging bato ang kanyang ngiti. "S-shu... Shuvee..." nauutal na tawag ni Owen sa kaniya.Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa pinto at lahat sila ay tila natigilan. Tumayo si Scarlett mula sa pagkakasandal sa balikat ni Azrael at ngumiti nang pilit."Oh, ito na ba ang legendary wife ni Azrael? Hello, pasok ka! I'm Azrael's girl best friend," bati ni Scarlett na tila ba siya ang may-ari ng lugar.Tiningnan ni Shuvee ang bawat isa sa loob ng private room, at naram
Chapter 2: She’s BackBinasag ni Azrael ang kanyang pangako na hindi iinom ng alak. Halata sa video na medyo lasing na ito. Pero, talaga bang sisigaw nang ganoon si Azrael? Ang impression ni Shuvee kay Azrael noong high school pa sila ay isa itong cool at aloof na academic genius. Seryoso ito hindi lang sa pagsasagot ng practice problems, kundi pati sa pakikitungo sa mga babae. Kahit alayan siya ng tubig ng mga may gusto sa kanya sa sports field, hinding-hindi nito sila pinapansin.Nang maging asawa na niya si Azrael, mas naging magalang at emotionally stable ito. Never itong ngumingiti o nagagalit, at palaging kalmado. Sa sobrang lamig ng pakikitungo nito, kapag paminsan-minsan niyang nahahawakan ang mga daliri nito, nararamdaman niyang pati ang body temperature nito ay napakalamig.Umikot ang camera sa mukha ng lahat ng nasa video. Nakita niya ang isang medyo tipsy na Azrael, nagniningning ang mga mata, habang itinataas ang baso at tumatawa sa camera."Welcome home, Scar!" masayang
Chapter 1: Fifth AnniversaryAlas-tres na ng madaling araw. Kakauwi lang ni Azrael at narinig ni Shuvee ang tunog ng running water mula sa banyo. He was taking a bath.Nakatayo si Shuvee sa tapat ng pinto ng banyo, balisa at gustong kausapin ang asawa Kinakabahan siya, iniisip kung papayag ba ito sa sasabihin niya. Pero habang nag-iisip siya ng tamang sasabihin, nakarinig siya ng mga kakaibang ingay mula sa loob.Nakinig siyang mabuti at doon niya naunawaan ang sitwasyon… he’s moaning while doing himself a favor.Nanatili siyang nakatayo sa labas ng pinto, ang mga daliri ay mahigpit na nakakapit sa hawakan ng pinto hanggang sa mamuti ang kanyang mga kasukasuan. Bawat tunog na nanggagaling sa loob ay tila lason na unti-unting pumapatay sa kaniyang pagkatao. Ang sakit ay kumalat na parang dambuhalang alon, na nag-iwan sa kaniya sa gitna ng matinding paghihirap at kawalan ng hininga.Mas pipiliin pa niyang magsarili kaysa hawakan ako? isip-isip ni Shuvee habang nanginginig ang mga kamay.







