Share

Kabanata 43

ALIYAH'S POV

Kinabukasan ay hindi ako pumasok ng trabaho. Parang sa isang iglap ay naramdaman ko ang pagkasawa at takot rin akong magkita kami ni Jameson roon. Ilang beses ko ring inisip kung magpapa-transfer na ba ako sa Maynila gayong pakiramdam ko naman ay kaya ko nang bumalik.

Hindi nga lang ako sigurado kung kaya ko nang harapin ang mga magulang ko. Matagal ko silang hindi nakita at nakasama dahil na rin sa mapait na nangyari noon. Aminado akong lumayo ang loob ko kay Papa dahil siya ang sinisisi ko noon sa pakikipagkasundo sa mga Alvedo. Wala na akong sama ng loob sa dibdib ko, hindi ko nga lang alam kung paano makikipag-usap sa kanila ng personal.

"Bakit hindi ka pumasok sa trabaho, apo?" tanong sa akin ni Lola Helga.

Maaga palang ay narito na kami sa kanyang hardin. Dinidiligan ko ang mga bulaklak samantalang nagtatanggal naman si Lola ng mga tuyong dahon sa kanyang mga halaman.

"Pahinga lang po, Lola." sagot ko na lamang.

I inhaled the fresh air from here. The broad daylight
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status