Share

Chapter 2

Author: Mahalima
last update Last Updated: 2024-11-21 11:33:47

"Hey, bro! Is that your girlfriend?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Albie na mukhang Amerikano, may blonde na buhok at matangkad.

Hinawakan ni Albie ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanila. "Yes, she's Pamela Salmonte, the one I've always told you about," mayabang niyang pagpapakilala.

Lumingon sa akin ang lalaki, at hindi ko maiwasang mailang dahil unang beses ko lang makihalubilo sa grupo nila. Wala palang kaibigan na babae si Albie, kaya nahihiya akong ngumiti habang nakatitig sila sa akin.

Nakangisi ang ilan sa kanila, lahat may hawak na bote ng beer. Anim na Amerikano at apat na mukhang Hapon ang naroon. In fairness, mga gwapo sila, pero hindi ako komportable sa mga titig nila.

"She's Pamela? Wow! What a rare beauty," sabi ng lalaki habang nakangiti at naglahad ng kamay. "I'm Stephen," pakilala niya.

Napaisip ako sa sinabi niya, rare beauty? Ibig bang sabihin ay exotic ang beauty ko? Hindi ko alam kung papuri o insulto iyon, kaya hindi ko na lang pinansin at inabot ko ang kamay niya.

"Nice meeting you," bati ko.

Lumapit din ang dalawa pang Amerikano, halatang batak sa gym. Kung mahilig lang ako sa abs, baka kanina pa ako naglaway. Pero hindi ako madaling maakit sa katawan, mas mahalaga sa akin ang magandang pag-uugali at respeto.

"Hello, Pamela? It's me, Steven," sabi ng isa, malalim at makalaglag-hormones ang boses. Char!

Ngumiti ako sa kanya bago lumingon sa isa pa.

"And, I'm Ryle from L.A.," pa-cool na sabi ng pangatlo, itinaas pa sa harap ko ang bote ng beer niya. "Tara, shot puno!" Nagulat ako; hindi ko akalaing alam niya ang salitang iyon. Pero kahit slang, goods pa rin.

"Hello, nice meeting you," mahiyain kong sagot.

Maya-maya, lumapit yung tatlong Hapon. Nagulat pa ako nang akbayan ako ng isa, saka nila ako inilayo kay Albie. Tiningnan ko siya, pero tumawa lang siya at umiling, tila ayos lang sa kanya. Sa loob-loob ko, hindi na ako komportable at gusto ko na lang umuwi.

"I'm Senji, and this is Kento and Ranji," pakilala ng isa na mukhang anime ang hitsura dahil sa pulang itim na buhok niya, pati kilay. Maraming tattoo sa mukha at may mga piercings. "Umiinom ka ba?" tanong niya habang binabawi ang braso sa pagkaka-akbay sa akin.

Nakaramdam ako ng ginhawa nang lumayo siya, kasi naamoy ko ang pinaghalong beer at vape sa kanya. Aalis sana ako pero hinawakan niya agad ang pulsuhan ko at pwersahang pinaupo sa tabi niya.

Halos mapatid ang hininga ko nang umupo sa tabi ko ang tatlong Hapon. Pinagkasya nila ang mga sarili sa sofa na tama lang para sa apat. Napalunok ako at hinanap ng mata ko si Albie, pero wala na siya. Biglang bumilis ang kaba ko.

Tang-ina! Nasaan na siya?!

Abala ang iba sa pag-inom at paglalaro ng Mobile Legends. Maingay ang paligid dahil sa malakas na tugtog ng Metallica, at halos pumuputok ang tenga ko sa ingay.

Maya-maya, iniabot sa akin ni Senji ang isang baso na puno ng beer. Umakbay siya ulit, humipak sa vape, at ibinuga ang usok sa direksyon ko. Halos masuka ako sa amoy ng beer at usok.

"Inumin mo na," nakangising sabi niya.

"Hindi ako umiinom, sorry," sagot ko, pilit inaalis ang kamay niya sa balikat ko at ibinaba ang baso. Pinagmasdan niya ako, mukhang nainis sa pagtanggi ko.

Bigla siyang tumayo sa harapan ko, dahilan para mapalunok ako. Kita ko ang inis sa mukha niya, at muling humipak ng vape bago inis na binuga ang usok. Muling hinanap ng mga mata ko si Albie, pero wala pa rin siya. Hindi ko na alam ang gagawin dahil kinakabahan ako.

Asan ka na bang hapon ka?! Bakit mo ako iniwan dito?!

"Taena! Ang KJ mo naman!" sigaw niya, dahilan para mapalingon ang iba. Napalunok ako at nakaramdam ng takot. "Kaya ka nga dinala ni Albie dito para makipag-jam sa amin, tapos ayaw mong uminom?!" Nag-init ang ulo niya at mukhang kukuwelyuhan na niya ako, pero pinigilan siya ng mga kasama niya.

"Chill ka lang, Senji!" sabi ni Ryle at hinila siya palayo. Pinaupo siya sa isang single sofa, pero masama pa rin ang tingin niya sa akin na para bang nakagawa ako ng kasalanan.

Naramdaman ko ang mga tingin ng lahat sa akin, kaya ibinaba ko ang mga mata ko. Pinigilan ko ang pangingilid ng luha sa mata ko. Takot, hiya, at kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, lalo na't ngayon ko lang sila nakasama at hindi ko alam kung paano sila papakisamahan.

Sana hindi na lang ako pumunta!

Hindi ko akalain na iiwan ako ni Albie dito kasama ang mga lalaking ito. Nakakainis!

Napansin ni Ryle ang pagkailang ko at ngumiti. "Pam, don't mind Senji. Ganyan talaga siya kapag high," sabi niya sa akin. Kahit may lahi sila, ang fluent nila mag-Tagalog.

"Oo nga," sang-ayon ni Ranji, tapik pa sa balikat ko bago siya lumayo. Grabe ang tibok ng puso ko sa kaba dahil sa nangyayari.

Nagkanya-kanya na sila ng mundo: yung dalawang Hapon, sinasabayan ang lyrics ng kanta; yung iba, abala sa paglalaro ng Mobile Legends, at samut-saring mura ang maririnig mo mula sa kanila.

Makalat ang lamesa, puno ng bukas na junk food, mga boteng walang laman na nagkalat sa sahig, may mga vape at upos ng sigarilyo, at higit sa lahat, napansin ko ang mga nakakalat na puting stick sa isang upuan. Kahit hindi ko tanungin, alam kong marijuana iyon.

Ayaw ko nang magtagal dito, lalo pa’t ganito ang mga nakapaligid sa akin. Mas lalo akong kinabahan dahil sa napansin kong mga bagay. Baka hindi lang sila basta naka-inom; baka high din sila, kaya mas mabuting umalis na lang ako.

Habang abala sila, pasimple akong tumayo sa sofa at dahan-dahang lumakad palayo. Malapit na ako sa pinto, at bubuksan ko na sana nang kusa itong bumukas, at bumungad ang nagtatakang mukha ni Albie.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita siya, pero naroon pa rin ang kaba sa dibdib ko.

"What are you doing?" tanong niya na may kunot sa noo. Napansin ko ang hawak niyang dalawang plastic na may lamang alak ulit. "Aalis ka?"

"Ha?" sabi ko, nag-aalangan.

"Balik na tayo," sabi niya, sabay hila ng kamay ko. Pagdating namin sa sofa, inilabas niya ang alak. "Ayan, dagdag na alak. Tara, simulan na natin!"

Lumapit ang apat na abala sa paglalaro, kinuha ang mga bote, at mabilis na tinungga. Kumuha rin si Albie ng bote at uminom.

Hindi na talaga ako mapalagay. Tumayo ako at bahagyang lumapit kay Albie. Gusto ko na talagang umuwi!

"Albie, pwede na ba akong umuwi?"

Tumingin siya sa akin at bahagyang iritable ang sagot. "Why? Hindi ba sabi ko pinagpaalam na kita? Dito ka na matulog."

Nakaramdam ako ng inis dahil tila wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Pero hindi ako puwedeng magpakita ng init ng ulo ngayon dahil baka kung ano pang mangyari. Pinilit kong kalmahin ang sarili at kinausap siya nang maayos.

"Pero may trabaho pa ako bukas. Hindi ako puwedeng matulog dito," sabi ko, ramdam ang eagerness na umuwi dahil hindi na talaga ako komportable.

Bakit ba ang hirap niyang kausapin?!

"Eh di mag-absent ka na lang bukas," sabi niya, halatang wala talagang pakialam.

"Hindi pwede!" medyo tumaas ang boses ko, dahilan para taasan niya ako ng kilay. Nai-stress ako pakiusapan si Albie, hindi niya ako maintindihan! Nakakaasar!

Tinignan niya ako nang seryoso. "No, you will stay here," matigas niyang sabi. Mabilis siyang tumalikod, para bang nawalan na ng pasensya. Nakita ko siyang kumuha ng marijuana, at sa unang pagkakataon, naisip kong hindi ko siya kilala ng lubusan.

Noon, inisip ko na sobrang perfect ni Albie, maalalahanin, magalang, at parang walang kapintasan. Pero ngayon, parang ibang tao siya. Nagtataka ako kung sino talaga ang taong nasa likod ng mga ngiti at matatamis na salita.

Hindi ko akalain na pati si Albie ay gumagamit ng marijuana. Alam kong hindi ito masama sa ibang lugar, pero illegal pa rin sa Pilipinas kaya hindi magandang tignan.

Lalo akong nakakaramdam ng hindi tama sa paligid. Hindi ko alam kung paano ko mapapapayag si Albie na pauwiin na ako. Hindi ko kayang magpalipas ng gabi dito, lalo na’t ganito ang mga kasama ko.

Ayokong mag-overthink, pero hindi ko maiwasan! Hindi ko rin maintindihan kung bakit biglang ganito ang kilos ni Albie. Dati naman siyang maingat at hindi agresibo. Baka dulot ba ito ng impluwensya ng barkada niya?

Napikon yata siya at biglang tumalikod. Ramdam ko na may mali, pero hindi ko alam kung ano. Kagat-labi kong sinubukan siyang kausapin muli. "Albie, uuwi na ako," pabulong kong sabi.

Bago pa ako makapagsalita muli, bigla siyang sumigaw. "Sabi ko dito ka muna! Ano bang hindi mo maintindihan?!" Napaatras ako sa gulat.

Ano bang problema niya? Bakit niya ako sinisigawan?

Natulala ako. Hindi ko inaasahan na sisigawan niya ako ng ganoon. Iniwas ko ang tingin at pinigil ang mga luha ko. Ayoko ng sinisigawan, kaya unti-unti akong nadi-disappoint kay Albie.

Maya-maya, tumalikod siya at may kinuha. Pagbalik niya, iniabot niya sa akin ang isang bukas na bote ng alak. Tumingin ako sa kanya, nagtataka.

"Inom ka," sabi niya, sabay akbay sa akin. "Kaya ka nga dinala rito, di ba? Para makisama. Inom na." Iba ang tono ng boses niya ngayon, parang may galit.

Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Alam kong may mali.

Tiningnan ko ang bote at nag-aalanganang kinuha ito. Umakbay ulit siya sa akin at tumungga mula sa kanyang bote.

"Albie, hindi ako umiinom," mahinang sabi ko.

Bigla siyang tumingin nang may inis. "Wag ka na nga pabebe," masungit niyang sabi. Nasaktan ako. May binulong pa siya, pero hindi ko narinig.

Ramdam ko ang pagbilis ng kanyang paghinga, parang nawawala na siya sa sarili. Bigla niyang inalis ang kanyang kamay mula sa balikat ko, mas madiin kaysa dati, at tinitigan ako nang may halong galit. Hindi ko pa siya nakitang ganito. Sino itong kaharap ko ngayon?

May nagawa ba akong mali? O talagang ganito siya mula't sapul, hindi ko lang nakita?

"Inumin mo na, ah!" muling sigaw ni Albie sa akin. Halos napatalon ako sa kinauupuan dahil sa tensyon na lumalaki sa pagitan namin.

Madiin ang titig niya sa akin, at ang tono niya ay nagiging mas demanding. Hindi siya lasing, at sa tingin ko, hindi rin ito dahil sa epekto ng marijuana.

Tumingin si Ryle sa amin. Parang may ibig sabihin ang tingin niya sa akin—may halong awa na hindi ko maintindihan.

Kahit ayaw kong uminom, dahan-dahan akong tumungga ng alak. Nanginig ang mga kamay ko, at lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.

Naramdaman ng dila ko ang malamig at mapait na lasa ng beer. Halos hindi ko ito malunok dahil sa pait. Pumikit ako, pilit nilulunok ang likido, at dumila dahil sa lasa nito.

"Good," nakangising sabi ni Albie, madilim ang mga mata niya. "Ubusin mo yan. Tapos matulog ka na," bulong niya sa tainga ko. Kinalabutan ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa batok ko.

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Kahit malamig ang hangin mula sa aircon, pakiramdam ko’y pinagpapawisan ako. Malaki ang living room, pero parang bigla itong sumikip para sa akin.

Ayoko nang uminom, pero nakatutok pa rin ang mga mata ni Albie sa akin. Kaya kahit hirap na hirap ako, tumungga ulit ako. Gusto ko nang magreklamo at tumayo para umalis, pero alam kong hindi ako papayagan ni Albie.

Kailangan kong makaalis. Pero paano? Wala na akong lakas para tumayo. Hindi ko na rin alam kung saan ako kukuha ng tapang para tumakas. Gusto kong sumigaw, pero walang boses na lumalabas mula sa bibig ko.

Pakiramdam ko, ang hina-hina ko. Tangina, bakit ito nangyayari?!

Maya-maya, pagkatapos ng ilang tungga, nagsisimulang umikot ang paningin ko. Bakit parang sobrang lakas ng tama nito sa akin? Nahihilo ako, at hindi ko na maunawaan ang mga nangyayari.

Ang ingay mula sa sound system ay unti-unting nawawala sa pandinig ko. Namamanhid ang mga kamay ko, at hindi ko namalayang nabitawan ko na ang bote.

Gusto kong magsalita, pero parang hindi ko na magawa. Pinilit kong tingnan si Albie, pero nakangisi lang siya, at kakaiba ang tingin niya sa akin, parang may masamang balak.

Para akong nalulunod. Mainit ang katawan ko, pero parang nanlalamig ang bawat hininga ko. Bawat tunog ay nagiging malabo, at hindi ko na alam kung saan ako nakatingin. Gusto kong gumalaw, pero hindi na sumusunod ang mga binti ko.

"Sleep well, Pamela..." iyon ang huling narinig ko bago bumagsak ang katawan ko sa sofa. Bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko, narinig ko pa ang bulungan ng mga kaibigan ni Albie.

"Gago! You drugged the beer, didn’t you?"

"What do you think?" narinig ko ang sarkastikong pagtawa ni Albie, kahit nagiging malabo na ang pandinig ko.

"Bro, seryoso ka ba? You really drugged her?" tanong ng isa sa mga lalaki, nakangisi pero halatang may pag-aalinlangan. "Tindi mo, dude..."

Hindi ko na lubos na naintindihan ang mga sinasabi nila dahil unti-unti nang nagdilim ang paligid. Habang tuluyang nawawalan ng ulirat, isang tanong ang sumisigaw sa isip ko. Paano ako makakawala dito?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing Solace   Chapter 21

    PamelaPagmulat ko ng mata, ramdam ko agad ang bigat nito. Sobrang pagod ng pakiramdam ko, parang hindi ako nakatulog. Magdamag akong nag-iiyak matapos aminin ni Danica na matagal na silang may relasyon ni Albie. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Kahit sabihin pa nating wala na akong nararamdaman para kay Albie, masakit pa rin. Kasi kapatid ko si Danica, at ex ko si Albie. Pakiramdam ko, hindi lang puso ko ang nadurog, pati pagkatao ko.Sinusubukan kong intindihin ang sitwasyon ni Danica. Siguro nga blessing na rin ‘yon para sa kanya, at sa kanila ni Albie. Pero ang hindi ko matanggap, bakit si Albie? Tangina, kaya nga iniwan ko ‘yung tao dahil hindi talaga maganda ang ugali niya. Tapos ngayon, siya pa pala ang pinatulan ni Danica?Pumasok ba sa isip niya, kahit minsan, na masakit ito para sa akin? Na kahit wala na kami ni Albie, iba pa rin ang tama nito dahil pamilya kami? Hindi ko maintindihan kung paano niya nagawa ‘to sa akin. Parang lahat ng kwentuhan, tawanan, at pinagd

  • Chasing Solace   Chapter 20 - Ten dates in one day (Part 2)

    [THIRD PERSON POV]"I heard you're the second grandson of Mr. Benjamine Salfuego," sabi ng babaeng kaharap ni Nyx, nakangiti at may tonong puno ng pang-aakit. Malinaw ang intensyon niya, mula sa titig hanggang sa bahagyang pag-iling ng buhok sa balikat, kitang-kita ang kanyang pagsisikap na makuha ang atensyon ng binata.Pero si Nyx, ni hindi man lang nagpakita ng interes. Tahimik lang siyang nakatingin sa dalaga, seryoso ang ekspresyon, parang hindi narinig ang sinabi nito. Sanay na siya sa ganitong klaseng atensyon, mga babaeng masyadong halata at may kalabisan sa kilos.Napangiti ang babae, inakala niyang naisipan niyang mag-adjust ng posisyon para mas makuha ang atensyon ni Nyx, na tila hindi naaapektuhan. Tumikhim ang dalaga, tila sinusubukang masungkit ang kahit konting reaksyon mula sa binata, ngunit nanatiling malamig ang ekspresyon ni Nyx."Do you have anything to say, Ms. Javier?" malamig at walang emosyon na tanong ni Nyx, pinananatiling diretso ang tingin sa dalaga. Hindi

  • Chasing Solace   Chapter 19 - Ten dates in one day (Part 1)

    [THIRD PERSON POINT OF VIEW] Sa mundo ni Mr. Salfuego, kitang-kita ang agwat ng pamumuhay niya kumpara kay Pamela. Sa gitna ng mga gulo at alalahanin na bumabalot sa pamilya ng dalaga, ang buhay naman niya ay tahimik at nasa ayos, abala lang sa trabaho at negosyo. Habang nagbibihis siya para sa isang appointment, bigla niyang naalala ang kanyang temporary secretary. Matapos ang kanilang biyahe sa Zambales at sa isla, binigyan niya ito ng isang araw na day off para makabawi ng pahinga. Alam kasi niyang walang tuluy-tuloy na day off ang dalaga dahil pinili nitong magtrabaho kahit dapat sana ay may araw na off niya. Napabuntong-hininga siya. Kahit hindi nagrereklamo ang dalaga, ramdam niya ang pagod nito sa araw-araw na walang pahinga. Gusto niyang masiguro na habang nagtatrabaho ito para sa kanya, meron pa rin itong pagkakataong makapagpahinga at mag-enjoy kahit paminsan-minsan. Ngayong wala ang dalaga, alam ni Mr. Salfuego na kailangan niyang pumunta mag-isa. Wala siyang ibang choi

  • Chasing Solace   Chapter 18

    This chapter contains emotional trauma, sensitive scenes, and heavy themes. If you'd prefer to avoid any distress, feel free to skip this chapter. *** [THIRD PERSON POINT OF VIEW] Hindi alam ni Pamela kung ano ang dapat niyang maramdaman habang nakatingin sa kapatid niyang si Danica. Nagkatitigan sila; kahit walang salita, ramdam niya na may mabigat na bagay sa pagitan nila na parehong ayaw nilang harapin. Tahimik sila pareho, at habang lumilipas ang bawat segundo, lalo lang lumalaki ang kaba sa dibdib ni Pamela. Alam niyang may sasabihin si Danica na hindi niya gustong marinig, pero handa siyang makinig. "Ate..." bulong ni Danica, halos hindi marinig ang boses at halatang takot. Parang hindi niya alam kung paano sasabihin ang matagal na niyang kinikimkim, lalo na't alam niyang baka magalit si Pamela. "Sabihin mong mali ako," sabi ni Pamela, matigas ang boses pero may halong kaba. "Danica, gusto kong marinig sa 'yo na mali ako... na hindi ka buntis, at nagkataon lang ang mga pag

  • Chasing Solace   Chapter 17

    Pamela Ramdam ko ang galit sa mga mata ni Mama habang nakatayo siya sa harapan ko, nakatingin nang diretso sa akin na para bang sinisilip niya ang lahat ng pagkukulang ko. Napalunok ako, pero pinili kong hindi magsalita, ayaw kong humantong pa sa mas malalim na pag-aaway. Tahimik akong lumapit sa mga gamit ko at isa-isa kong pinulot ang mga iyon. Pero habang iniaayos ko ang mga ito, nararamdaman kong unti-unting bumibigat ang dibdib ko. Kahit hindi ko gusto, parang naninikip ang loob ko, parang may bumabalot na lungkot na hindi ko mailabas. "Galing ako sa trabaho, Ma," mahina kong sabi, pilit pinipigilan ang nanginginig kong boses. "K-Kaya ngayon lang ako nakauwi. Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam," dagdag ko, at dahan-dahan akong lumapit sa kanya, nagbabakasakaling maintindihan niya ang sitwasyon ko. Sinubukan kong magmano, pero tinabig niya lang ang kamay ko. "Trabaho?!" Galit na galit niyang sabi, tumataas ang boses sa bawat salitang binibitawan niya. "Trabaho bang matat

  • Chasing Solace   Chapter 16

    Pamela Pasakay na kami ngayon ng yate ni Mr. Salfuego, pasado alas-kwarto na ng hapon, at tiyak na gabi na kami makakarating sa Maynila. Habang nakatingin ako sa malawak na dagat, iniisip ko ang mangyayari sa bahay pag-uwi ko. Hindi ko alam kung magagalit si Mama dahil ito ang unang beses na hindi ako umuwi ng gabi. Nasanay kasi siya na laging nasa bahay ako sa tamang oras, palibhasa ako ang anak na laging nasa bahay lang at hindi mahilig maglakwatsya. Hindi kasi ako katulad ng kapatid kong si Danica na sanay nang wala sa bahay. Si Mama, hindi nag-aalala kapag hindi umuuwi si Danica kasi alam niyang nasa bahay lang iyon ni Trisha, nakikitulog kapag tinatamad na umuwi. Pero ako? Simula noong high school ako, school-bahay lang ang takbo ng buhay ko. Ako ang anak na hindi pa nakalalabas ng bahay na walang paalam, kaya sigurado akong magtataka si Mama ngayon kung bakit wala pa ako. Pero sa kabilang banda hindi ko rin sigurado kung hinahanap ba niya ako? Minsan kasi parang wala rin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status