Sobrang bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko kinabukasan. Parang pinupukpok ang ulo ko. Mukhang nasobrahan yata ako ng inom kagabi.
Sapo-sapo ang aking noo nang maupo ako sa kama. Gano'n na lang ang pagngiti ko nang maalala kung anong nangyari kagabi. Mula sa aking noo ay bumaba ang kamay ko sa aking labi nang maalala ang halikang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Josh. Naghatid iyon ng bolta-boltaheng kiliti sa aking tiyan, sabayan pa nang biglang pag-iinit ng aking pisngi. Kinuha ko ang isang unan saka doon nagtitili. Tila nawala bigla ang sakit ng ulo ko dahil sa alaala kagabi.
Na-realize ko na ipinaparamdam sa akin ni Josh na tila wala lang ako sa kanya. Ngunit dahil sa nangyari kagabi ay tila nagkaroon muli ako ng pag-asa.
Nagambala ng tunog na nagmumula sa cellphone ko ang malalim kong iniisip. When I checked who texted me, I received messages from my dad and mom asking me how am I. Nakangiti akong nagtipa ng mensahe para sa kanilang dalawa at sinabi ko ring nangungulila rin ako sa kanila.
Pagkatapos kong mapindot ang send button ay bumangon na ako at kumuha ng susuotin at kaagad na dumiretso sa banyo. Naabutan ko pa sa salas na bihis na si Jam pero mukhang lutang ang gaga. Sigurado ako na mas marami siyang nainom kesa sa akin. Napailing na lang naman ako saka na dumiretso ng banyo.
KAHIT hanggang pagpasok sa university ay suot ko pa rin ang ngiti sa labi ko. Ramdam ko pa rin ang good vibes kahit na maraming matatalim na mga mata ang nakatingin sa akin.
Nang matapat kami ni Jam sa corridor na palaging dinadaanan nila Josh ay kinuha ko ang compact mirror sa loob ng aking bag. I checked myself if the natural look that I did is still okay.
Naglaan talaga ako ng isang oras sa harap ng salamin kanina para lang magmukhang natural ang i-a-apply kong make-up. Nagawa ko rin ilagay ang takas kong buhok sa likod ng aking tenga. Nang makuntento sa hitsura ko ay doon ko pa lang ibinalik sa bag ang salamin.
"Nandiyan na ba siya, bebs?"
Tumango naman si Jam at nag-thumbs up pa. Ngunit ang sunod na pangyayari ay hindi ko napaghandaan. Sa sobrang pagmamadali ko na masilip si Josh ay hindi ko na napansin na may bato pala sa paanan ko.
Shit! Bakit may bato sa sahig ng corridor?
Napapikit na lang ako at ang buong akala ko ay sahig ang siyang sasalo sa akin ngunit bigla ay naramdaman ko na tila may yumapos sa beywang ko. Naimulat ko ang aking mata saka napangiti nang bumungad sa akin si Josh.
"Uy crush, muntik na akong ma-fall. Buti na lang nasalo mo ako."
Tila napapasong binitawan naman niya ako. Mabuti na lang at nabalanse ko ang sarili ko kung hindi sa sahig talaga diretso ang puwet ko.
"She's cute," tatawa-tawang komento ng kasama ni Josh sa kanya.
"No. She's annoying," si Josh na salubong na ang mga kilay.
Wala namang nakakakilig sa sinabi niya pero ramdam kong pulang-pula ang mukha ko at sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko.
"No! I'm Euphrasia Lexus Avery," pagbibiro ko na tila lalong nagpainis kay Josh. Kaya dinugtungan ko na lang kung ang sinasabi ko. "Uy crush. Ingat ka, ha? Baka ma-fall ka..."
Hinintay ko munang lumingon siya sa gawi ko at nang ginawa niya ay napangiti ako nang malapad saka pa lang dinugtungan ang sinabi ko. "sa akin."
Natawa na lang ako nang nagmamadali siyang umalis kaya inilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ng bibig ko saka sinigaw ko na lang ang gusto ko pang sabihin. "Huwag kang mag-alala kasi sasaluhin naman kita!"
Dahil sa ginawa kong pagsigaw ay napalingon sa akin ang mga kapwa ko mga istudyante na noon ay abala sa paglalakad papunta sa kani-kanilang mga room. Nakagat ko na lang ang labi ko saka napa-peace sign.
"Baliw ka talaga," ang siyang naging komento ni Jam.
Nakatamo pa ako ng palo sa braso mula sa kanya. Ngunit nagkatawanan din kaming dalawa sa huli.
I almost ran out of the room after Ma'am dismissed us. Pero dahil may respeto pa rin ako sa matatanda, I patiently waiting for her as she finished arranging her things. But because of her age, her pace was slow that I almost prayed just to finish what she was doing. I just breathed when she finally left the room.
I carefully arranged my belongings and immediately slung my bag over my shoulder. I hurried out of the room. As I went out, Jam was already outside who got bored waiting for me. Si Ma'am kasi, ang kupad.
"Mauna ka nang umuwi, bebs," I said as I closed the zipper of my bag, which looked like I had forgotten.
Awtomatikong tumaas naman ang kilay niya dahil sa sinabi ko. "Hindi ako naghintay sa labas ng classroom niyo para lang pauwiin mo, bebs. At isa pa, mukhang nagkakalimutan ata tayo rito. Nalasing ka lang kagabi at hindi mo na maalala na maghahanap tayo ng trabaho ngayon. Kaya hindi pa tayo uuwi."
I seem to be forgetful. I just shook my head because of that thought. "Bukas na lang, bebs. Balak ko kasing pumunta ngayon kay honeybunch sweetypie ko. Sisilip ako sa room niya tapos susundan ko siya pauwi. Kailangan naming mag-usap."
Halos lumabas na ang gitla sa noo niya dahil sa pagkakasalubong ng kanyang kilay, sabayan pa nang pagkunot ng kanyang noo. Pinagkrus niya rin ang dalawang braso sa harap ng kanyang d****b.
"Mas mahalaga pa ba sayo ang landi kesa sa kumita tayo ng pera? Kasi ako gusto kong kumain ng tatlong beses sa isang araw, ha?"
"Mas mahalaga ang honeybunch sweetypie ko, bebs. Titigan ko lang siya at busog na ako."
Kaagad akong napakaripas ng takbo bago niya pa ako mahampas sa braso. Rinig ko pa ang pagsigaw niya sa pangalan ko. Napahagalpak na lang ako ng tawa nang pagbawalan siya ng prof sa kabilang room. Nakita ko pa ang pagyuko niya, sa palagay ko ay humihingi siya ng dispensa. Ngunit kaagad din akong napahinto ng lakad nang sa paglingon ko ay bumungad sa akin ang isang prof na mukhang terror.
"Kababae mong tao ang lakas-lakas ng tawa mo, Miss."
Katulad nang ginawa ni Jam ay napayuko rin ako dahil halos hindi ko masalubong ang nakakatakot na tingin ng babaeng prof sa akin. "Sorry po, ma'am. Hindi na po mauulit."
"Dapat lang," aniya saka ko na narinig ang yabag niyang naglalakad na papalayo.
Nang masiguro kong wala na ang matanda ay doon ko pa lang iniangat ang mukha ko saka na lang napabuntong-hininga.
Mukhang ang bilis ng karma sa akin, ah?
Naglakad na ako papunta sa direksyon ng building nila Josh. May mga iilang freshmen na bumabati sa akin. Alam kong nakikipaglandian lang sila sa akin kaya inirapan ko lang sila. Dapat pala nagsuot ako ng damit na may quotation na, 'Don't flirt me because I'm loyal to my honeybunch sweetypie, Joshua Arcel Gonzales.' Mag-iipon talaga ako at magpapa-imprinta ng T-shirt na ganoon ang design.
Napahigikgik na lang ako sa aking binabalak. Ngunit naglaho ang ngiti ko dahil wala nga pala akong mapagkukunan ng pera.
"Kailangan na talaga naming maghanap ni Jam ng part-time job. Bukas ay aayain ko na talaga si bebs na mag-job hunting na kami," pagkausap ko sa aking sarili.
Binagalan ko ang lakad ko nang malapit na ako sa tamang room nila Josh. Sumilip ako sa loob at halos magkanda-haba na ang leeg ko kakatanaw sa pigura niya. Halos lakihan ko na rin ang mata ko pero ni anino niya ay hindi ko nakita.
Kaagad hinanap ng mata ko si Tamara kasi kada sumisilip ako sa room nila, palaging katabi ng honeybunch sweetypie ko ang babaeng iyon. Pakiramdam ko kapag magkasama silang dalawa ay nagloloko sa akin si Josh.
I sighed in relief when I saw her. She was sitting next to someone who is not Josh. Ngayon naman ay siningkitan ko ang mata ko para makumpirma kung sino ang katabi niya. May pakiramdam kasi akong pamilyar siya sa akin.
Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang maalalang siya ang lalaking kasama ni Mara sa bar at ipinakilala sa akin ni Ethan na boyfriend ng tahimik na si Mara na nauna pang magkajowa sa aking madaldal at maganda naman. I can't believe it! Architect student pala ang nais niya.
Mukhang classmates pa sila ng honeybunch sweetypie ko. Bigla ay may kalokohang pumasok na ideya sa utak ko. Kaibiganin ko kaya siya para gawing look out ko? What a brilliant idea! Napahigikgik na lang ako sa naisip at hindi ko na lang sila pinagtuunan pa ng pansin.
Pinili ko na lang na lumapit sa lalaking nerd na nahagip ng mata ko. Nakaupo ito malapit lang sa pintuan. Abala siya sa binabasang libro. Nakatalikod sa gawi namin ang prof nila kaya nagmamadaling kinalabit ko si Mr. Eyeglasses.
Required kaya talaga sa matatalino ang magsuot ng salamin?
Subukan ko rin kayang magsuot ng eyeglasses? Mukha kasing nakakatalino.
Ilang beses ko pa siyang kinulbit dahil mukhang wala yata siyang balak pansinin at lingunin ako ngunit mukhang effective naman ang pangungulit ko kaya salubong ang kanyang kilay na bumaling sa akin.
"What?" aniya na mukhang mas malamig pa sa yelo.
Hindi naman ako tinalaban sa cold treatment niya. Sanay na ako lalo na at mas cold pa si Josh compared sa kaharap ko ngayon.
"Nasaan ang honeybunch este nasaan si Joshua?"
Saglit siyang natahimik bago magsalita. Akala ko mamumuti muna ang mata ko bago niya ako sagutin. Subukan niya lang talaga akong paghintay nang matagal at makikita niya kung gaano ako ka-childish. Iniisip ko nang kukunin ko ang libro niya at iinisin siya. Wala na akong pakialam pa kung mapagalitan ako ng prof nila. Ang mahalaga ay malaman ko kung nasaan si Joshua.
"Umuwi nang maaga. May sakit."
Matapos niya akong sagutin ay ibinaling niyang muli ang buong atensiyon niya sa kanyang makapal na libro. Bago pa ako malingunan ng prof nila ay umalis na ako ro'n. Ngunit bago iyon ay sinulyapan ko muna ang gawi ni Tamara at nagtagpo ang mga mata naming dalawa.
Nagtaas siya ng kilay at mukhang alam na niya ang pakay ko. Ngunit syempre hindi ako nagpatalo. Mas tinaasan ko ang maganda kong kilay na inaahitan pa ni bebs kanina kasi maganda raw. Then I flipped my hair and walk away.
Malandi lang siya, maganda ako. Kaya alam kong sa aming dalawa, siya ang talo.
Pinili kong alisin na lang sa isip ko si Tamara kasi hindi naman siya mahalaga.
Bigla ay nakaramdam ako ng pag-aalala kay Josh. Kanina naman ay okay siya.
"What if nagkasakit siya dahil sa h***k ko? Wow ha? May virus ba ang labi ko?" Napairap tuloy ako bigla.
"Ngunit paano ko siya neto madadalaw kung hindi ko alam kung saan siya nakatira?" patuloy kong pagkausap sa aking sarili habang naglalakad pa rin.
JOSH SIDE STORYBakas ang inis sa mukha ko dahil sa ipinapagawa ni Kuya Lay."Sige na. Iaabot mo lang naman 'to kay Rosie."Si Rosie ang girlfriend ni Kuya Lay. Sa isang private school nag-aaral ang babae. Kumbaga, their relationship is between public and private school.Nag-away kasi ang dalawa kaya ako ang gustong maging tulay ng mokong na 'to. Kagaguhan ba naman kasi niya. Nalaman kasi ni Rosie na may iba siyang kasama kahapon. Kahapon pala dapat ang monthsary nila. Kaya tuloy ngayon ay ayaw makita ni Rosie maski ni anino niya.Sa huli ay wala rin naman na akong nagawa. Sakay ng sarili kong motor ay pinuntahan ko ang school ni Rosie. Maya-maya pa iyon lalabas kaya naghintay pa ako ng ilang oras. Para hindi mabagot ay inabala ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games na kinaaadikan ng mga kaklase ko.Maya-maya lang ay tila may magnet na humihila sa mga mata ko
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo rito sa harapan ng Singapore Flyer. Matapos kasi nang naging usapan namin ni Dwight ay lumibot ako at napadpad sa Marina Bay. Dahil nga malapit lang ang Singapore Flyer mula ro'n ay dumiretso na rin ako papunta rito.Nahawakan ko na lang ang aking leeg dahil magkaka-stiff neck yata ako, matanaw lang ang tuktok neto. Nang magsawa sa pagtingin ay binaba ko na ang mata ko at nabaling iyon sa lalaking ilang layo lang ang pagitan mula sa akin. Kinailangan ko pang paliitan ang mga mata ko para makumpirma kung siya nga ba ang nakikita ko.Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang maglakad papalapit sa akin. Tumama sa mukha niya ang ilaw na nagmumula sa Singapore Flyer kaya natutop ko na lang ang aking bibig nang makumpira kong siya na nga ito. Hindi ako nanaginip lang, totoo ko na talaga siyang nakikita.Huminto siya ilang layo lang ang hakbang mula sa akin. May hawak-hawak siyang cardboard.
Hindi ko naman napigilang mapangiti. "Dwight," pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Lumapit naman siya sa pwesto ko. Ngunit tumigil din ng ilang layo na lang ang pagitan namin para bigyang distansya ang isa't isa. Saka siya may kinuha sa bulsa ng kanyang trench coat. Nang ilabas niya iyon ay doon ko lang nakumpira na gloves pala iyon. Hindi siya nagdalawang-isip na kusa na iyong isuot sa mga kamay ko. "Thank you," aniko matapos niyang maisuot sa akin ang gloves. "Can I talk to you while we are sipping a coffee?" aniya at itinuro pa ang coffee shop na malapit lang mula sa pwesto namin. "Sure," pagtanggap ko sa imbitasyon niya. "Ladies first." Napailing-iling na lang ako nang paunahin niya ako sa paglalakad. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng staff doon saka kami binating dalawa ni Dwight. Nakaupo na kami ngayon sa loob netong coffee shop, malapit sa glass wall. Isa kasi ito sa mga spot na paborito ko dahil gustong
Matapos kong magbihis ay inabala ko naman ang aking sarili sa paglagay ng make-up sa mukha ko. Pinili ko ang kulay pulang lipstick ko na ibinigay pa sa akin ni Cecil, ang kasamahan ko sa trabaho.Nang makuntento sa aking hitsura ay ang buhok ko naman ang pinasadahan ko ng suklay. Pinag-iisipin ko pa kung anong magiging ayos ng aking buhok, pero sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakalugay iyon.Matapos kong makapag-ayos ay sandali akong dumapa sa aking kama saka binuksan ang aking laptop. Hinanap ko sa mga files ang ginawa kong resignation letter kanina. Nang mahanap ay mabilis ko iyong sinend sa gmail ni Mrs. Samaniego. Napagbigay alam ko na kasi sa kanya ang pagbabalak kong mag-resign sa trabaho. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya na bitawan ako, but she respected my decision.I was about to shut down my laptop when suddenly my phone vibrated. Nang tingnan ko iyon ay naka-receive ako ng tawag mula kay Jam. Kahapon niya
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito. Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami. Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. "For the last time, I want to see you." Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad. Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.
I was busy putting make-up and fixing my hair when someone knocked at the door. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko ipihit ang katawan ko paharap sa pinto, saktong pagpasok ni Jam. Malapad akong ngumiti sa kanya saka tumayo at niyakap siya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko. "Everything is going to be fine, bebs. Remember that I am always here for you." Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin saka sinilip ang mga mata ko. "Oh. Bawal umiyak. Baka masira ang make-up mo." Napailing-iling na lang naman ako sa sinabi niya. "You look good," komento niya saka pinasadahan ng tingin ang ayos ko. Suot ko ngayon ang biniling white dress ni Sean para sa akin.Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ni bebs sa dressing room at bumaba sa ikalawang palapag ng hacienda. Kitang-kita ko ngayon ang pagiging abala ng mga maids dahil na rin sa dami ng bisita sa araw na ito. Abala sila sa dam