LOGINKRYSTAL
Nagising na lang ako na puno ng ilaw sa paligid ko. Nagtataka ako kung asaan ako napunta, hindi ko ma-recognize ang lugar pinipilit ko na alamin kung asaang lugar ako.
Dahan-dahan akong tumayo sa aking pagkakahiga, sobrang sakit ng katawan ko. Napatingina ko sa aking kamay at nakita ko na merong nakaturok doon. Sinundan ko ang linya noon at nakita ko na merong IV fluids na nakasaksak sa akin.
Kahit na malabo kakaunti ang paningin ko ay pinilit ko na alamin kung ano ang lugar na ito, hanggang sa unti-unting luminaw ito. Napalunok na lang ako nang mapansin ko na nasa hospital ako. Doon ay bigla kong naalala ang anak ko na isinugod ako dito dahil pumutok ang panubigan ko.
Napahawa ako sa tiyan ko pero laking gulat ko na lumiit ito. Bigla na lang akong nataranta at hindi alam kung sino ang tatawagin ko dahil wala namang katao-tao sa loob ng hospital room.
“Ang anak ko, asaan ang anak ko?” tanong ko sa sarili ko. Plano kong tumayo sa hospital bed para puntahan ko ang nurse at tanungin siya. Pero agad namang bumukas ang pintuan at pumasok si Lucas sa loob.“Krystal gising ka na,” wika niya sa akin. Napahawak na lang ako sa IV pole para maging guide ko sa pagbangon pero agad namang tumakbo papalapit si Lucas sa akin sabay pinigilan ako. “Stop, Krystal magpahinga ka muna. Mahina pa ang katawan mo.” Napatingin naman ako sa kaniya sabay napailing-iling.
“No Lucas, kailangan kong alamin sa nurse kung asaan ang anak ko,” wika ko sa kaniya. Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko. “Tulungan mo ako, wala na sa tiyan ko yung anak ko, asaan ba siya, pwede ko ba siyang makita?” tanong ko sa kaniya.
Agad naman niya akong hinawakan sa balikat ko at narinig ko ang malalim niyang paghinga. “Krystal listen to me okay,” wika niya sa akin. “Pero asaan muna ang anak ko, Lucas I need to see her, kailangan kong makita yung anak ko.” Unti-unti nang gumigilid ang luha ko. Gusto ko nang masilayan ang anak ko, gusto ko siyang makita para alamin kung ayos lang ba ang lagay niya.“Hey listen to me,” mahinahon niyang sabi. Dahan-dahan niya akong pinaupo sa kama at tinignan ng seryoso sa mata ko. “Makinig ka sa akin Krystal, yung anak mo…” kinakabahan ako dahil sa pa-pause niya.
“Ano ba kasing sasabihin mo, sabihin mo na para makita ko ang anak ko!” inis na sabi ko. Gusto kong malaman kung ayos lang ba siya o kung ano ba ang nangyayari sa kaniya ngayon.“Wala na ang anak mo.” para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. “He didn’t make it. Nung nilabas nila ang bata, hindi rin nila kinaya na buhayin kasi kulang pa sa buwan. Maagang lumabas ang anak mo Krystal and hindi niya kinaya.” doon ay bumuhos na ang luha ko at nakaramdam ako ng panghihina sa buong katawan ko.
“Hindi, hindi totoo ‘yon,” mahinang sabi ko, pero damang-dama ko ang sakit. “Hindi patay ang anak ko Lucas!” iyak ko sa kaniya. Napahawak ako sa kwelyo niya. Sobrang higpit, puno’ng puno ng pagmamakaawa sa kaniya.“Please sabihin mo na nagbibiro ka lang Lucas, please,” pagmamakaawa ko sa kaniya. “Hindi totoong patay ang anak ko Lucas, siya na lang ang meron ako, Lucas!” iyak na sambit ko sa kaniya. Pinilit kong tumayo pero nanghihina ang tuhod ko dahilan para mapaluhod ako.
“Hindi totoo iyon, Lucas, please sabihin mo na sa akin yung totoo,” pagmamakaawa ko sa kaniya. Gusto kong umamin siya na hindi patay ang anak ko, na nagbibiro lang siya dahil patatawarin ko siya.
“Sorry,” naiiyak niyang sabi. Doon ay mas lalong bumuhos ang luha ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Nawala na ang lahat sa akin.
Si Conor umalis na at iniwan ako. Pati ba naman ang anak namin iiwan din ako? Ang anak na lang namin ang patunay ng pagmamahalan naming dalawa ni Conor dahil alam ko sa sarili ko na ginawa namin ang batang iyon na puno ng pagmamahal. Naramdaman ko ng araw na iyon na totoo sa akin si Conor at hindi lang basta-basta ako ginamit.
Dalhin mo ako sa anak ko,” mahina kong sabi.
“Krystal…” bulong niya.“Please Lucas, dalhin mo ako sa anak ko!” sigaw ko. Gusto kong ilabas lahat ng sakit. Ayaw ko siyang paniwalaan, gusto ko makita ng dalawang mata ko ang anak ko, gusto kong masigurado na wala na siyang hininga, na totoo ang sinasabi ni Lucas.
Napahinga na lang siya nang malalim at inalalayan ako patayo. “Sige sasamahan kita,” wika niya sa akin.
Habang naglalakad doon ko naramdaman ang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nakita ko ang anak ko.
Damang-dama ko ang pintig ng puso ko sa mga oras na ito. Habang palapit kami nang palapit kung asaan ang anak ko mas lalong gusto kong tumakbo papalayo at ayaw ko malaman kung ano ang katotohanan.
Pero pagtapak ko pa lang doon at masilayan ang nakabalot na maliit na paslit sa isang kumot doon na bumuhos ang luha ko. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon. “Anak ko,” iyak kong lumapit sa kaniya at niyakap ko iyon.
Sana panaginip na lang ang lahat ng ito, sana hindi naging totoo na nawala ang anak ko. Hindi ko alam, hindi ko kayang isipin na wala na ang lakas at buhay na hinihintay ko.
Dahil sa sobrang sakit nang nararamdaman ko agad akong napatakbo palabas sa lugar na iyon. Gusto kong tumakas sa sakit na nararamdaman ko, gusto kong makawala sa lugar na iyon. Kahit hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko ay hinayaan ko ang sarili ko. Ininda ko ang sakit na nararamdaman ko, hinayaan ko ang sarili ko na makalaya.Hindi ko namalayan na nasa labas na ako ng hospital. Marami na ang humahabol sa akin na nurse upang pigilan ako pero hindi ako nagpatinag.
“Krystal!” rinig kong sigaw ni Lucas. Kahit na gusto kong bumalik ay hindi mo magawa, gusto kong makaalis.
Hanggang sa napatigil na lang ako nang makarinig ako ng sobrang lakas na busina. Napatingin ako doon at nakita ko ang mabilis na sasakyan na papalapit sa akin. Gusto kong tumakbo papalayo at iwasan iyon, pero para akong napako sa kinatatayuan ko.
Is this really the end? Dito na ba ako matatapos? Ito ba ang sagot sa mga tanong ko? Dito ba mawawala ang sakit na nararamdaman ko?
And suddenly I felt a strong force pushing me. Sobrang sakit, damang-dama ko ang tama sa akin ng sasakyan na iyon. Hindi ko alam kung ito na ba ang huli, pero kitang-kita ko ang kalangitan sa mga oras na iyon. Kitang-kita ko ang mga butuin.Tanging pag-iyak na lang ang naramdaman ko. Ito na ang huli, dito na mawawala ang sakit…
KRYSTALSEVEN YEARS LATER… Pitong taon ang lumipas, pitong taon ang nasayang sa buhay ko… may sakit ba? May dapat ba akong malaman? May dapat ba akong tandaan? Kasi wala akong matandaan na kahit ano pagkatapos ng pangyayaring iyon. Ang sabi sa akin ni Lucas na accident ako at na-comatose ng dalawang buwan. Akala niya wala ng pag-asa na mabuhay ako but miracle happens at nagising ako. Pero sa paggising ko, ni isang ala-ala sa buhay ko ay nawala. Parang puzzle na gulo-gulo. Pilit kong hinahanapan ng kaayusan at buuin ang bawat piraso nito pero hindi ko mahanap kung ano ang kasagutan doon. Pinilit ko makaalala, kasi dapat, hindi ba? Pero bakit hindi ko mapilit alalahanin ang lahat? Buong buhay ko ay ito pa rin ang iniisip ko. Lahat ng tao sa paligid ko ay gumagalaw, samantalang ako ay nakahinto. Sumasabay ako sa agos ng oras, pero ang isipan ko ay naiwan sa nakaraan. Hinahanap pa rin ang kasagutan kung sino ba ako at kung ano ba ang pagkatao ko. Pakiramdam ko may kulang sa akin, may
KRYSTALNagising na lang ako na puno ng ilaw sa paligid ko. Nagtataka ako kung asaan ako napunta, hindi ko ma-recognize ang lugar pinipilit ko na alamin kung asaang lugar ako. Dahan-dahan akong tumayo sa aking pagkakahiga, sobrang sakit ng katawan ko. Napatingina ko sa aking kamay at nakita ko na merong nakaturok doon. Sinundan ko ang linya noon at nakita ko na merong IV fluids na nakasaksak sa akin. Kahit na malabo kakaunti ang paningin ko ay pinilit ko na alamin kung ano ang lugar na ito, hanggang sa unti-unting luminaw ito. Napalunok na lang ako nang mapansin ko na nasa hospital ako. Doon ay bigla kong naalala ang anak ko na isinugod ako dito dahil pumutok ang panubigan ko. Napahawa ako sa tiyan ko pero laking gulat ko na lumiit ito. Bigla na lang akong nataranta at hindi alam kung sino ang tatawagin ko dahil wala namang katao-tao sa loob ng hospital room. “Ang anak ko, asaan ang anak ko?” tanong ko sa sarili ko. Plano kong tumayo sa hospital bed para puntahan ko ang nurse at t
KRYSTAL “Ito lang yung alam kong lugar na mapapatuluyan ko sa ‘yo. Hindi ako madalas dito sa condo na ito dahil malayo dito yung pinagtatrabahuan ko.” Napangiti naman ako sa kaniya at napatango-tango. “Okay na ako dito ano ka ba, hindi mo na nga kailangan gawin ito. Pero ginawa mo pa rin kaya thank you,” mahinahon kong sabi. Inalalayan niya ako at pinaupo sa silya. “Ano talagang nangyari? Bakit ganon yung naabutan ko?” tanong niya sa akin. “Ano’ng ginawa ni tita Valeria sa ‘yo?” Napalunok naman ako at pinigilan ang sarili ko na umiyak sa harapan niya. Kailangan ko ba talagang sabihin sa kaniya ang nangyari? After all kamag-anak niya pa rin si Madam Valeria. “Hey, okay lang magsabi sa akin. Don’t be afraid, ano’ng ginawa ni tita sa ‘yo?” tanong niya sa akin. “Ano’ng sinasabi mong nagloko si Conor?” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya, pinsan niya si Conor, malapit siya sa pamilya ni Conor. Kaya alam na alam niya kung ano ang meron sa amin ni Conor. But telling him th
KRYSTALNgayon ay nakaupo ako sa labas ng bahay namin ni Conor, habang patuloy siyang nakikipagtalik sa babaeng iyon. “Break up with him, Krystal. Wala na rin naman ang buhay na gusto ninyong i-build, ano pang ilalaban mo?” diin na sabi niya sa akin. Napatayo ako at pilit na maging malakas. “Hindi totoo iyon madam Valeria, hindi magagawa ni Conor sa akin iyon,” naiiyak na sabi ko. “Ano’ng hindi magagawa, tapos na Krystal, nagawa na niya. He already made a choice!” sigaw niya sa akin. “Alam mo kung sino ang babaeng iyon? That’s Celeste Montemayor, kilala ang pamilya nila, mayaman ang pamilya niya hindi kagaya mo galing lang sa lusak!” diin niya sa akin. “Mahal ako ni Conor.” Hinawakan niya ang baba ko ng sobrang higpit. “Kung mahal ka ng anak ko, hindi niya lalapitan si Celeste, hindi siya makikipagtalik na parang hayop na nakawala sa gubat kung mahal ka talaga niya. You’re just a peasant, Krystal. Wala kang lugar sa pamilya namin,” diin na sabi niya sa akin. “Now leave, hindi ka
KRYSTAL Dalawang taon akong kasal sa lalaking pinaka minamahal ko, kahit na ayaw sa akin ng mga magulang niya pero pinilit namin. Ginusto namin dahil iyon ang nararamdaman namin para sa isa’t isa. Alam ko na mahal niya ako, alam ko na gusto niya ako makasama sa pagtanda namin. Pero nahihirapan akong makisama sa pamilya niya, dahil sila mismo ang tutol sa kasal na gusto naming dalawa. “Sorry, hon napagalitan ka na naman ni mom.” Napangiti naman ako sa kaniya at napailing-iling. “Don’t over think about it, ano ka ba, sanay na ako kay madam,” wika ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. “Mommy, mommy ang itawag mo sa kaniya. Hindi ba ilang beses na nating pinag-usapan ito?” wika niya sa akin. Napalunok naman ako at pinipigilan ang sarili kong umiyak. Tandang-tanda ko kasi ang sinabi sa akin ni Madam Valeria. “Mommy? When was the last time I allowed you to call me mommy? Kasal lang kayo ng anak ko, pero hindi kita tinatanggap sa buhay niya,” matalim ang bawat salita n







