ログインKrystal“Andito na pala kayo, dapat sinabi ninyo para may naihanda ako,” wika niya sa amin. “Nako nakakahiya naman sir, andito naman po kami para sa mismong trabaho.” napangiti naman siya sa akin sabay napailing-iling. “I know, pero ganito ako sa mga employee ko. Pumunta muna kayo sa office ko and kumain muna kayo bago tayo umalis.” Agad naman akong hinawakan ni Liezel sa kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Nakita ko na nakangiti lang siya sa akin sabay napapatango-tango na para bang sinasabi niya na um-oo na ako sa kaniya. “Ah sige po…” agad naman niya kaming hinatid patungo sa office niya. Nakita ko doon na napakaraming mga pagkain na para bang isang baranggay ang kakain. “Meron po bang fiesta sir?” tanong ni Liezel sa kaniya. “Ah, wala. It’s my token of appreciation. Kasi tutulungan ninyo ako for making my vision sa jewelry become real.” nakangiting sabi niya sa amin pero ang tingin niya ay diretsong-diretso sa akin dahilan para makaramdam ako ng onting pagkahiya.
Krystal Hindi ko alam kung ano ang naiisip ko sa mga oras na iyon, may kakaibang pakiramdam sa akin yung sinuot kong singsing. Hindi ako makapagsalita nung naisuot ko iyon. Pakiramdam ko merong kakaiba sa akin. “Nakatulala ka, ayos ka lang ba?” tanong ni Lucas. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napailing-iling. “Wala meron lang akong iniisip.” wika ko sa kaniya. “Kumusta, yung meeting kahapon?”“Okay lang naman, madami nga akong naiuwi kila mama,” wika ko sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya sa mga oras na iyon dahil sa sinabi ko.“Marami kang naiuwi?” tanong niya sa akin. “Oo, mayaman yung lalaki, sinama pa nga ako sa bahay nya kasi nga gusto raw niyang ipakita sa akin yung jewelry na gagayahin ko.” Hindi nmana maipinta ang kaniyang expression sa kaniyang mukha dahil kitang-kita ang pagtataka niya sa mga oras na iyon. “And sumama ka?” tanong niya sa akin. “Bakit naman hindi? Mukhang mabait naman siya and besides wala naman siyang ginawa. Weird lang kasi parang kilala ko
KrystalNapahinga ako nang malalim ng makarating kami sa lugar na sinabi niya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa oras na iyon. Parang may humahabol sa akin kaya sobrang bilis ng tibok ng puso ko. “We’re here…” mahinahon niyang sabi. Napatingin naman ako sa labas ng kaniyang sasakyan. Sandali akong napatigil dahil nung makita ko yung labas, pamilyar sa akin yung lugar. Hindi ko alam kung saan ko na nakita ito, pero parang napanaginipan ko na ang lugar na ito. “Ano’ng lugar ito ulit?” tanong ko sa kaniya. “This is the place where our house is located.” Napatingin ako sa kaniya. Kita ko na nakatingin siya sa akin na animo’y sa akin niya sinasabi ang bagay na iyon. “Dito kami nakatira noon, pero nung umalis siya sinabi ni mom na umalis na rin ako at ipasira na yung bahay. Wala ako sa katinuan noon kaya pumayag ako and then years later, bumalik ako dito para bilhin ulit yung property, thrice the price. Para lang maibalik ko yung alaala namin ng asawa ko.” Napatango-tango naman ako a
KRYSTAL ‘Nag-o-open up ba siya sa akin na bagong kilala pa lang namin sa isa’t isa? Paano ko sasabihin sa kaniya na okay lang iyon? Na mapapatawad siya ng asawa niya eh siya naman yung meron kasalanan. By the looks of him, halatang babaero.’ Napaling-iling na lang ako habang iniisip ang bagay na iyon. Kung ito ang magiging asawa ko at nagloko, kahit gwapo pass talaga. Mahirap mag-invest ng emotion sa taong manloloko. “Well… if mahal ninyo naman ang isa’t isa bakit hindi ka niya mapapatawad? Not unless kung cheater ka, pass sa ganon.” Matapang kong sabi. Napatingin naman siya sa akin dahil sa sinabi ko.“Seriously? You thought I’m a cheater?” Seryoso niyang sabi. Napalunok naman ako at napaiwas ng tingin sa kaniya. “Kayo po ang nagsabi n’yan hindi ako…” kita sa mukha niya ang pagpipigil niya na may gusto siyang sabihin. “Okay fine if iyon ang papaniwalaan mo, but I have explanation to it.”“Okay sir, sorry na agad hindi ako ang kaaway mo…” napahinga na lang siya ng malalim at napa
KRYSTALNapatingin lang ako sa kaniya, kita ko sa mukha niya ang pagka-worry niya, parang meron siyang pag-aalinlangan. Parang meron siyang pagsisisi. Pinipilit kong umiwas ng tingin pero grabe ang tingin niya sa akin. Damang-dama ko ang tutok ng tingin niya. “Hmm, meron po bang problema?” tanong ko sa kaniya. Napahawak naman siya sa kaniyang labi sabay napaupo ng maayos. “Wala naman,” seryoso niyang sabi. “Meron lang akong naalala sa ‘yo. Hindi ko alam kung ikaw iyon o kamukha ko.” Napangiti naman ako sa kaniya. “For sure po kamukha ko lang po iyon, sana hindi ninyo po kaaway.” “She’s my wife.” napatigil ako dahil sa sinabi niya. Kamukha ko ang asawa niya? “Iniwan niya ako, I’m searching for her, pero hindi ko siya nahanap. I wanted to look for her, kahit ilang taon na ang lumipas.”Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam pero dama ko ang kalungkutan sa kaniyang mata. Halatang-halata mo na meron talaga siyang sakit na tinatago. Hindi ko naman alam kung matutulungan
KRYSTAL Napadilat na lang ako dahil sa ingay na narinig ko sa paligid ko. Dahan-dahan akong napaupo sa aking kinahihigaan. “Krystal, gising ka na,” wika ni Liezel. Napahawak naman ako sa aking ulo napatingin sa kanila. “Ang sabi ng doctor, over fatigue raw kaya ka nahimatay. Huwag mo naman kasing pinapabayaan ang katawan mo, Krystal.” napangiti naman ako sa kaniya sabay napatango-tango. “Kailangan ng pamilya ko kaya ako kumakayod,” wika ko sa kanila. Napahawak naman si Liezel sa balikat ko at tinapik ako. “Kahit na, hindi naman ibig sabihin noon ay lagi mong kakawawain ang katawan mo.” napangiti naman ako sa kaniya at napatango-tango. Alam ko na nag-aalala lang siya sa akin kaya ganon ang reaction niya. “Sabihin mo lang kung ayos ka na. Sasabihin ko na lang sa mga Del valle na hindi ka makakapunta ngayon.” “Pero madam Cecile nakakahiya naman sa kanila kung hindi ko sisiputin. Clients pa rin natin sila,” wika ko naman. “Krystal, makinig ka na lang. Para rin naman sa kalusugan mo







