Share

Chapter 03

Author: mnwrites
last update Last Updated: 2025-12-11 23:43:15

KRYSTAL 

“Ito lang yung alam kong lugar na mapapatuluyan ko sa ‘yo. Hindi ako madalas dito sa condo na ito dahil malayo dito yung pinagtatrabahuan ko.” Napangiti naman ako sa kaniya at napatango-tango. 

“Okay na ako dito ano ka ba, hindi mo na nga kailangan gawin ito. Pero ginawa mo pa rin kaya thank you,” mahinahon kong sabi. Inalalayan niya ako at pinaupo sa silya. 

“Ano talagang nangyari? Bakit ganon yung naabutan ko?” tanong niya sa akin. “Ano’ng ginawa ni tita Valeria sa ‘yo?” Napalunok naman ako at pinigilan ang sarili ko na umiyak sa harapan niya. Kailangan ko ba talagang sabihin sa kaniya ang nangyari? After all kamag-anak niya pa rin si Madam Valeria. 

“Hey, okay lang magsabi sa akin. Don’t be afraid, ano’ng ginawa ni tita sa ‘yo?” tanong niya sa akin. “Ano’ng sinasabi mong nagloko si Conor?” 

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya, pinsan niya si Conor, malapit siya sa pamilya ni Conor. Kaya alam na alam niya kung ano ang meron sa amin ni Conor. But telling him this kind of problem, hindi ko alam kung kakayanin ko ba. 

“Sinabi sa akin ni Madam Valeria na gawa-gawa lang lahat ni Conor ito. That he chose me, kasi ako lang yung available, ako yung madaling lapitan, ako yung madaling maloko,” sambit ko. “Ang kailangan niya ay asawa para makuha ang kayamanan nila, now na nakuha na niya iyon wala na akong silbe sa buhay niya.” Napakunot namna ang noo niya. 

“Sinabi niya talaga iyon?” tanong niya sa akin. Kita ang kaguluhan sa mukha niya. 

“Hindi ko alam, kasi iyon ang narinig kong sinabi niya sa CCTV footage na pinanood sa akin ni madam valeria. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko, dahil nakita ko siya sa mismong kuwarto namin, having s*x with another woman.” Napaawang naman ang labi niya dahil sa sinabi ko. Para bang hindi niya kayang paniwaalan ang sinasabi ko. 

“Lucas sa ‘yo ko lang sasabihin ito. I’m pregnant, balak ko na sorpresahin siya, kasi ito yung gusto niya. But seeing him earlier…h–hindi ko alam ang gagawin ko,” nahihirapan kong sabi dahil sa pag-iyak. Agad naman niya akong inabutan ng tubig na maiinom.

“Uminom ka muna ng tubig, makakasama iyan sa baby ninyo,” wika niya sa akin. Inalalayan niya ako habang umiinom ako sa baso. 

“Ano bang nangyayari kay Conor?” tanong niya. Napailing-iling na lang ako. 

“Wala na yung buhay na akala ko perpekto para sa aming dalawa. Akala ko yung batang ito yung magiging dahilan para magustuhan ako ng mga magulang niya pero hindi pala. Wala pa rin pala, kulang pa rin ako sa paningin nila.” napahinga na lang siya nang malalim sabay tinapik ang likuran ko upang pakalmahin ako.

“Don’t worry, I will help you sa pagbubuntis mo. If iyon na talaga ang napili ni Conor na lugar na tatahakin then, that’s his fault.” Napalunok na lang ako at napatingin sa baso. Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng buhay na ito. Akala ko matatapos na ang paghihirap ko sa mga oras na ito pero hindi pala. 

Matapos ng araw na iyon, wala na akong natanggap na kahit ano’ng messages kay Conor. Sinusubukan ko siyang i-text just to clarify things. Na bakit kailangan umabot sa gano’ng sitwasyon. Kasi hindi iyon ang naramdaman ko sa loob ng mahabang taon na magkasama kami. 

Gusto ko sabihin niya sa akin harap-harapan ang katotohanan, pero wala akong nakuha sa kaniya. Tahimik lang siya, hindi siya gumawa ng paraan para makita ako at ipaliwanag sa akin ang lahat. 

Sa tingin ko talagang totoo yung sinasabi niya, pitong buwan ang lumipas pero wala akong natanggap sa kaniyang explanation. Gusto ko na siya ang makausap ko, umaasa na mali ang lahat ng nakita ko.

Lumalaki na sa tiyan ko ang anak naming babae, gusto kong ipakita sa kaniya yung anak namin. Gusto kong sabihin sa kaniya na yung buhay na pinaplano namin ay matutupad na namin with this child. Pero wala. 

Pumunta ako sa bahay namin, umaasa na andoon siya. Pero bigo ako, kasi ngayon ay pinagiba na iyon at binenta na ang lupa. Gusto kong umiyak, gusto kong habulin si Madam Valeria, gusto ko ng panibagong explanation sa kanila pero saan ko sila hahanapin?

Ang huling balita ko kay Conor ay lumipad siya ng ibang bansa. Hanggang doon na lang, wala man lang siyang iniwan sa akin na sulat o hindi kaya voice message. Parang wala lang sa kaniya ang dalawang taon na pagsasama naming dalawa. 

“Pumunta ka na naman sa bahay ninyo ni Conor?” tanong sa akin ni Lucas. Napahinga na lang ako nang malalim at napahawak sa tiyan ko. “Umalis na si Conor, kahit ako hindi ko alam kung saan siya pumunta. Hindi sinasabi ni Tito Alfonso sa akin dahil kasama kita.” Napaluha ako dahil sa sinasabi niya. 

“Wala na ba talagang pag-asa yung sa amin, Lucas?” tanong ko sa kaniya. “Siya lang yung hinihintay ko na magpaliwanag. Sa gitna nung nakita ko noon na pagtataksil niya, I still believe na meron siyang sasabihin sa akin na paliwanag.” 

Lumapit si Lucas sa akin sabay hinawakan ang kamay ko. “Krystal, tama na please,” wika niya sa akin. “Araw-araw ka na lang umiiyak, sa tingin mo ba magugustuhan ng anak mo na umiiyak ka gabi-gabi?” tanong niya sa akin. 

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko. “Pero Lucas, ang gusto ko lang yung kasagutan sa tanong ko. Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga ang dahilan bakit ganon ang nangyari sa amin ni Conor. We love each other Lucas, nararamdaman kong mahal ako ni Conor, na hindi niya ako pagtataksilan,” iyak na sabi ko sa kaniya. Agad niya akong niyakap at pinakalma. 

“Shh, alam ko mahal ka ni Conor, pero please isipin mo muna ang sarili mo. Krystal, para sa anak ninyo na ‘to.” 

Bigla naman akong napahawak sa tiyan ko ng maramdaman ko ang biglang pagkirot nito. “Ano’ng nangyayari sa ‘yo?” pag-aalala ni Lucas. Napatingin naman ako sa paa ko at nakita ko ang pagtagas ng tubig na may kasamang dugo. 

Nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso ko sa mga oras na iyon. Para akong hindi makahinga sa nakikita ko. “L–Lucas, yung anak ko, Lucas!” sigaw ko sa kaniya. Agad niya akong binuhat at inilabas sa unit. 

“Kalma ka lang, magiging maayos din ang lahat okay?” wika niya sa akin. Medjo nanlalabo na ang paningin ko at matindi na rin ang sakit na nararamdaman ko sa tiyan ko. 

“P–please Lucas, s–save my child…” bigla na lang nandilim ang paningin ko at doon ako nawalan ng malay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 05

    KRYSTALSEVEN YEARS LATER… Pitong taon ang lumipas, pitong taon ang nasayang sa buhay ko… may sakit ba? May dapat ba akong malaman? May dapat ba akong tandaan? Kasi wala akong matandaan na kahit ano pagkatapos ng pangyayaring iyon. Ang sabi sa akin ni Lucas na accident ako at na-comatose ng dalawang buwan. Akala niya wala ng pag-asa na mabuhay ako but miracle happens at nagising ako. Pero sa paggising ko, ni isang ala-ala sa buhay ko ay nawala. Parang puzzle na gulo-gulo. Pilit kong hinahanapan ng kaayusan at buuin ang bawat piraso nito pero hindi ko mahanap kung ano ang kasagutan doon. Pinilit ko makaalala, kasi dapat, hindi ba? Pero bakit hindi ko mapilit alalahanin ang lahat? Buong buhay ko ay ito pa rin ang iniisip ko. Lahat ng tao sa paligid ko ay gumagalaw, samantalang ako ay nakahinto. Sumasabay ako sa agos ng oras, pero ang isipan ko ay naiwan sa nakaraan. Hinahanap pa rin ang kasagutan kung sino ba ako at kung ano ba ang pagkatao ko. Pakiramdam ko may kulang sa akin, may

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 04

    KRYSTALNagising na lang ako na puno ng ilaw sa paligid ko. Nagtataka ako kung asaan ako napunta, hindi ko ma-recognize ang lugar pinipilit ko na alamin kung asaang lugar ako. Dahan-dahan akong tumayo sa aking pagkakahiga, sobrang sakit ng katawan ko. Napatingina ko sa aking kamay at nakita ko na merong nakaturok doon. Sinundan ko ang linya noon at nakita ko na merong IV fluids na nakasaksak sa akin. Kahit na malabo kakaunti ang paningin ko ay pinilit ko na alamin kung ano ang lugar na ito, hanggang sa unti-unting luminaw ito. Napalunok na lang ako nang mapansin ko na nasa hospital ako. Doon ay bigla kong naalala ang anak ko na isinugod ako dito dahil pumutok ang panubigan ko. Napahawa ako sa tiyan ko pero laking gulat ko na lumiit ito. Bigla na lang akong nataranta at hindi alam kung sino ang tatawagin ko dahil wala namang katao-tao sa loob ng hospital room. “Ang anak ko, asaan ang anak ko?” tanong ko sa sarili ko. Plano kong tumayo sa hospital bed para puntahan ko ang nurse at t

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 03

    KRYSTAL “Ito lang yung alam kong lugar na mapapatuluyan ko sa ‘yo. Hindi ako madalas dito sa condo na ito dahil malayo dito yung pinagtatrabahuan ko.” Napangiti naman ako sa kaniya at napatango-tango. “Okay na ako dito ano ka ba, hindi mo na nga kailangan gawin ito. Pero ginawa mo pa rin kaya thank you,” mahinahon kong sabi. Inalalayan niya ako at pinaupo sa silya. “Ano talagang nangyari? Bakit ganon yung naabutan ko?” tanong niya sa akin. “Ano’ng ginawa ni tita Valeria sa ‘yo?” Napalunok naman ako at pinigilan ang sarili ko na umiyak sa harapan niya. Kailangan ko ba talagang sabihin sa kaniya ang nangyari? After all kamag-anak niya pa rin si Madam Valeria. “Hey, okay lang magsabi sa akin. Don’t be afraid, ano’ng ginawa ni tita sa ‘yo?” tanong niya sa akin. “Ano’ng sinasabi mong nagloko si Conor?” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya, pinsan niya si Conor, malapit siya sa pamilya ni Conor. Kaya alam na alam niya kung ano ang meron sa amin ni Conor. But telling him th

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 02

    KRYSTALNgayon ay nakaupo ako sa labas ng bahay namin ni Conor, habang patuloy siyang nakikipagtalik sa babaeng iyon. “Break up with him, Krystal. Wala na rin naman ang buhay na gusto ninyong i-build, ano pang ilalaban mo?” diin na sabi niya sa akin. Napatayo ako at pilit na maging malakas. “Hindi totoo iyon madam Valeria, hindi magagawa ni Conor sa akin iyon,” naiiyak na sabi ko. “Ano’ng hindi magagawa, tapos na Krystal, nagawa na niya. He already made a choice!” sigaw niya sa akin. “Alam mo kung sino ang babaeng iyon? That’s Celeste Montemayor, kilala ang pamilya nila, mayaman ang pamilya niya hindi kagaya mo galing lang sa lusak!” diin niya sa akin. “Mahal ako ni Conor.” Hinawakan niya ang baba ko ng sobrang higpit. “Kung mahal ka ng anak ko, hindi niya lalapitan si Celeste, hindi siya makikipagtalik na parang hayop na nakawala sa gubat kung mahal ka talaga niya. You’re just a peasant, Krystal. Wala kang lugar sa pamilya namin,” diin na sabi niya sa akin. “Now leave, hindi ka

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 01

    KRYSTAL Dalawang taon akong kasal sa lalaking pinaka minamahal ko, kahit na ayaw sa akin ng mga magulang niya pero pinilit namin. Ginusto namin dahil iyon ang nararamdaman namin para sa isa’t isa. Alam ko na mahal niya ako, alam ko na gusto niya ako makasama sa pagtanda namin. Pero nahihirapan akong makisama sa pamilya niya, dahil sila mismo ang tutol sa kasal na gusto naming dalawa. “Sorry, hon napagalitan ka na naman ni mom.” Napangiti naman ako sa kaniya at napailing-iling. “Don’t over think about it, ano ka ba, sanay na ako kay madam,” wika ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. “Mommy, mommy ang itawag mo sa kaniya. Hindi ba ilang beses na nating pinag-usapan ito?” wika niya sa akin. Napalunok naman ako at pinipigilan ang sarili kong umiyak. Tandang-tanda ko kasi ang sinabi sa akin ni Madam Valeria. “Mommy? When was the last time I allowed you to call me mommy? Kasal lang kayo ng anak ko, pero hindi kita tinatanggap sa buhay niya,” matalim ang bawat salita n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status