Beranda / Romance / Chasing the Spotlight After Losing Him / Chapter 5 "On Air Under Fire"

Share

Chapter 5 "On Air Under Fire"

Penulis: Fortress
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-15 17:25:15

Mainit pa rin ang ilaw ng studio kahit naka-aircon. Sa harap namin, nakatutok ang dalawang high-definition cameras, may nakasabit na “ON AIR” sign na kumikislap-kislap. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang inaayos ni Ms. Reese ang mic sa harap ko.

“Breathe, girls,” mahina niyang bulong, pero kita ko rin ang tensyon sa mata niya.

Sa gilid, may countdown sa monitor. 00:00:10… 9… 8…

Tumikhim si Wynona, si Amaya naman ay sumulyap lang sa amin pero halatang namumula ang mata sa galit at pagod. Ako, bilang leader, alam kong ako ang unang magsasalita. Pero paano mo sisimulan ang isang paghingi ng tawad sa libo-libong fans na naghihintay?

3… 2… 1…

Nagbukas ang ilaw at nagsimulang mag-stream. Sa gilid ng screen, sunod-sunod na pumapasok ang mga chat at emojis.

“Magandang gabi Seers,” mahina pero malinaw ang boses ko. “Una sa lahat, nagpapasalamat kami na nandito pa rin kayo para makinig sa amin ngayong gabi.”

Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy.

“May kumakalat po ngayong fake tickets at merchandise gamit ang pangalan ng W4RI. Gusto po naming linawin na wala po kaming kinalaman dito. Hindi po iyon galing sa amin o sa official team namin. Isa po itong phishing scam.”

Sabay kaming tumango ng mga kasama ko. Sumingit si Wynona.

“Alam po namin na marami sa inyo, lalo na mga estudyante, ang naapektuhan at nawalan ng pera. Hindi po namin kayo sinisisi, at masakit sa amin na mangyari ito sa inyo.”

Kita ko sa gilid ng screen ang mga comments:

“Di ko akalaing ganito pala ka-humble idols ko 😭”

“Bakit ngayon lang kayo nagsalita?”

“Sayang pera ko, 2 weeks na baon ko nawala.”

Kinuha ni Amaya ang pagkakataon para magsalita, mas mahinahon na siya kaysa kanina.

“Kami po mismo ang humihingi ng tawad. Kung puwede lang sana namin kayong isa-isang lapitan at yakapin, gagawin namin. Pero bilang paunang hakbang… lahat po ng nabiktima ng scam na ito ay magkakaroon ng exclusive fan meet and greet kasama kami. Libre po ito. Kami mismo ang magbibigay sa inyo ng official merch.”

Napatingin ako sa kanya at tumango, proud na kahit paano, nagawa naming magkaisa sa harap ng camera.

Inilabas ni Ms. Reese sa screen ang official guidelines:

📌 Official Fan Meet Compensation Guidelines

Step 1: I-email ang proof of purchase ng fake ticket/merch sa official@W4RI.ph

Step 2: Mag-attach ng malinaw na picture ng fake ticket o item.

Step 3: Hintayin ang confirmation email mula sa W4RI Team.

Step 4: Dalhin ang confirmation sa mismong event para sa exclusive fan meet pass.

“Please po, sa official channels lang kayo makipag-ugnayan,” dagdag ko. “Walang ibang page, walang ibang email.”

Bumuntong-hininga si Wynona at ngumiti sa camera.

“Gusto naming bumawi. Hindi lang sa merch o sa tickets, kundi sa tiwalang binigay ninyo sa amin.”

Lumipas ang halos sampung minuto ng paglalabas ng pahayag. Ramdam kong unti-unti kaming nakakahinga.

Pag-off ng “ON AIR” sign, bumagsak kami sa upuan.

“Good job, girls,” sabi ni Ms. Reese, pero hindi siya nakangiti. “Pero kailangan nating pag-usapan ang next step.”

Nagkatinginan kami. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.

Kinuha niya ang tablet at ipinakita sa amin ang breakdown ng gastos para sa libreng fan meet at merch replacement: venue, security, logistics, pagkain, props, tech crew… at bawat item may katumbas na malaking halaga.

Sa baba ng spreadsheet, may pulang highlight:

PROJECTED LOSS: ₱1,200,000

Parang sumikip ang dibdib ko. “Lugi…?” mahina kong bulong.

Tumango si Ms. Reese. “Kung wala tayong bagong source of income within a month, baka maapektuhan ang mga susunod na promotions ninyo. Hindi ko alam kung paano natin babawiin ‘to… pero kailangan nating mag-isip agad.”

Tahimik kaming tatlo. Ramdam ko ang bigat ng katahimikan. Sa labas ng studio, rinig ko pa ang ilang staff na nag-uusap tungkol sa reactions online. 

Tahimik pa rin kami nang biglang magsalita si Sir. Axel, head ng Finance and Accounting Team.

“Kung free ang fan meet, baka pwedeng kumita tayo sa ibang paraan…”

Napatingin ako sa kanya. “Paano Sir Axel?”

Umupo siya nang tuwid, halatang biglang nagkaroon ng ideya.

“Merchandising booth sa venue—official merch, signed posters, limited edition photocard sets. Pero here’s the twist, exclusive lang ito para sa mga na-scam noong nakaraang event. We give them rare pieces they won’t find anywhere else. It’s recovery and reminder rolled into one.”

Sumimangot si Amaya. “I’m not in favor of that. They were already victims of counterfeit merch before, tapos ngayon, pagbebentahan ulit sila? This could send the wrong message and damage the group’s image. We have to think about long-term brand trust, not just immediate profit. You know, this is the reason why I really want us to be involved with every team kasi hindi ko gusto na masisira yung image ng grupong ito because of your greed!”

Sumagot naman si Sir. Axel ng firm “I understand your concern, Amaya, but we also need to look at this from a sustainability standpoint. We can’t keep giving everything away for free. Kahit malaki ang revenue sa debut concert, we both know most of that went to recovering our initial investments. This booth can be structured to protect the brand and still generate income controlled distribution, verified authenticity, and exclusive items can actually reinforce the premium image of the group.”

“Still, it sounds like we are milking them!”, giit ni Amaya. 

Axel leaned forward, steady. “This isn’t about milking them. It’s controlled damage recovery. We verify identities, give them the exclusive merch as a form of replacement pero bayad pa rin, at fair pricing. Then we set the narrative: next time, if they get hit by phishing or buy from scalpers, we won’t have this kind of recovery. They’ll learn that purchases should only be through the official site. This booth becomes both a reward and a warning.”

Tiningnan ko silang dalawa, si Amaya, matatag na ipinagtatanggol ang reputasyon ng grupo; at si Axel, mariing pinangangalagaan ang negosyo at disiplina ng mga fans sa pangmatagalan. Parehong may punto at parehong dapat na bigyan ng aksyon at solusyon. 

“For now,” sumabat si Ms. Reese sandaling bumuntong hininga, “we move forward with the booth. Controlled, targeted, and with the narrative we agreed on.”

Sumabat naman sa usapan si Sir Carl. “Okay, that’s enough for today. Magkakaroon tayo ng internal meeting bukas para i-finalize ‘to. Girls, you can go home for now. Rest well.”

Dali-dali namang nagtatakbo si Vanessa, ang aming official Social Media Manager, tuwang-tuwa.

“Girls… you might want to see this,” sabi niya, sabay pakita ng screen.

Nasa harap ang live trending list — #LeaderReia nasa number one sa buong bansa. May clips ng paghingi ko ng tawad, pagprotekta sa fans, at pangakong tutulungan ang mga nabiktima.

“Grabe, tignan mo ‘to!” sigaw ni Wynona habang nag-i-scroll. “Lahat sinasabi na napakaresponsable at napakagaling mong leader.”

Ramdam ko ang init sa pisngi ko. “Ginawa ko lang naman yung tama…”

Pero napansin ko si Amaya. Tahimik lang siya habang nagta-type sa phone niya. Ilang segundo pa, ngumiti siya at lumapit sa akin.

“Reia, proud ako sa’yo,” sabi niya, may lambing sa boses na bihira kong marinig. Inabot pa niya sa akin ang bottled water. “Kailangan mo ring magpahinga. Ayokong ma-burn out ka.”

“Uh… thanks?” medyo natigilan ako. Hindi ganito si Amaya kanina sa studio at lalong lalo na hindi niya ako ganito pakitunguhan.

Paglabas namin ng studio, naglakad siya sa tabi ko. “By the way,” bulong niya, “baka gusto mong mag-dinner tayo bukas? Don’t worry, it’s my treat!”

Napatingin ako sa kanya, nagtataka.

“Bakit?” tanong ko.

Ngumiti siya, pero may kakaibang kislap sa mata. 

“Let’s just say… gusto kong i-celebrate ‘yung moment mo. And who knows… baka maganda rin sa image natin if we’re seen together.”

Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o magduda.

Pero ang isang bagay na malinaw…

Si Amaya, marunong sumakay sa alon, hindi kaya dahil sa biglaan akong naging trending ngayon? 

Napatingin ako sa phone ko. May 200K new followers.

At sa tabi ko, nakangiti si Amaya.

“Game?” tanong niya.

At bago ako makasagot… kumislap ang camera ng isang paparazzi sa di kalayuan.

Author’s Note:

Hi Seers! ✨

Salamat sa pagbabasa at sa suporta sa kwento. Sana nag-eenjoy kayo sa bawat eksena at sa journey ng characters! 💖

Para sa behind-the-scenes, sneak peeks, at updates, follow niyo ako sa I*: @fortresssuru

Let’s chat about Shatterlight and more!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 7 Memories of the Light 

    “Babalikan kita, Reia.”Natigilan ako nang makita ang mga salitang iyon na biglang lumitaw bilang hologram mula sa nabasag na orb. Ilang segundo lamang ay naglaho ito, para bang hindi kailanman nangyari. Kinurap ko ang aking mga mata, umaasang namamalik-mata lang ako. Ngunit nang makita ko ang reaksyon ni Amaya, ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha, alam kong hindi lang ako ang nakakita noon, malinaw na malinaw, pareho naming nakita ang mensaheng iyon. Nilapitan niya ako agad, halos hindi mapakali. “What was that? You saw it too, right?”, tanong niya sa akin na may halong pagkamangha. Hindi ko siya masagot, nanatili lang akong nakatitig sa sahig, sa kumikislap na piraso ng orb na nakakalat sa harapan ko. “Pwede bang burahin mo yung video?” mahina kong tanong, halos pabulong, na para bang ang mismong salita ay kayang magwasak ng natitirang paghinga ko.“This?” sagot niya, ipinakita ang phone na hawak niya, at doon ko nakita nakuhanan nga ng kamera ang hologram nang mga mensahen

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 6  “Fractured Light”

    Nagising ako sa malakas na alarma ng aking orasan. Mabuti na lamang at nakabawi rin ako ng tulog. Habang nakahiga pa, sinilip ko ang ilang updates sa social media. Doon ko nakita ang dumaraming followings sa aming grupo—at ang higit na nakakagulat, may ship account pa kami ni Amaya. Napatawa ako sa sarili ko. Kung alam lang ng mga fans ang tunay na ugali niya—lalo na kung paano niya ako tinrato noong trainee days namin, baka hindi nila maiisip na i-ship kaming dalawa. Muling bumalik sa akin ang mga ala-alang iyon. “You know, if you are down and nowhere to go in life, go to therapy or just apply for mundane jobs. Sobrang pabigat ka sa grupo!” mariing sigaw ni Amaya noon habang nakatayo sa gitna ng studio. Hinagis niya ang isang empty plastic bottle, tumama ito sa pisngi ko. “Look, nakailang practice na tayo sa pagsayaw pero stiff pa rin ang katawan mo!”Walang ibang tao sa loob ng silid, kami lang dalawa. Kaya’t malaya siyang gawin ang gusto niya. Tinitigan ko lang siya, kita sa mga

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 5 "On Air Under Fire"

    Mainit pa rin ang ilaw ng studio kahit naka-aircon. Sa harap namin, nakatutok ang dalawang high-definition cameras, may nakasabit na “ON AIR” sign na kumikislap-kislap. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang inaayos ni Ms. Reese ang mic sa harap ko.“Breathe, girls,” mahina niyang bulong, pero kita ko rin ang tensyon sa mata niya.Sa gilid, may countdown sa monitor. 00:00:10… 9… 8…Tumikhim si Wynona, si Amaya naman ay sumulyap lang sa amin pero halatang namumula ang mata sa galit at pagod. Ako, bilang leader, alam kong ako ang unang magsasalita. Pero paano mo sisimulan ang isang paghingi ng tawad sa libo-libong fans na naghihintay?3… 2… 1…Nagbukas ang ilaw at nagsimulang mag-stream. Sa gilid ng screen, sunod-sunod na pumapasok ang mga chat at emojis.“Magandang gabi Seers,” mahina pero malinaw ang boses ko. “Una sa lahat, nagpapasalamat kami na nandito pa rin kayo para makinig sa amin ngayong gabi.”Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. “May kumakalat po ngayong fake t

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 4 "Stolen Hype"

    Nagtungo kami agad sa backstage at sinusundan namin ang mabilis na paglalakad ni Sir Carl. Hindi magandang balita ito lalo na kapag mayroong perang involved lalo pa na halos karamihan sa aming mga fans ay estudyante. Agad agad na isinarado ni Sir Carl ang pinto at humarap sa aming apat. Nagkatinginan kami, walang nagsalita. Mula sa main stage hanggang sa maliit na silid sa likod ng venue, parang lumamig ang paligid. Ang ingay ng crowd na kanina’y nakaka-high, biglang naging parang malayong dagundong lang sa tenga ko.Agad na inilapag ni Sir Carl ang tablet sa mesa. Sa screen, sunod-sunod na larawan ng mga fan, masaya silang nakangiti habang hawak ang T-shirt, lightstick, at photo card na may mukha namin at logo ng W4RI.Sa unang tingin, dapat ikatuwa ko yun. Pero may kakaiba.“Hindi ‘yan official merch,” bulalas ni Wynona, kita ang pagkuyom ng kamao.“Exactly,” malamig na sagot ni Sir Carl. “At mas malala, dinisenyo ‘yan gamit yung exclusive merch designs na nakalaan para sa nationw

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 3 "Spotlight & Shadows"

    "3... 2... 1... Cue W4RI!" Umilaw ang buong stage sa kulay fuchsia at navy blue. Sumabog ang sigawan ng fans puno ang studio ng banners, light sticks, at pangalan naming apat.Nagsimula na kaming kumanta nang isa sa 12 tracks ng aming first album- ang Love Miles. [Intro - All] (Oh-oh-oh~) Running, running just to see you smile Flying through love miles~[Verse 1 - Reia]Humihiling sa mga tala,Binabanggit ang ngalan mo May mapa sa puso ko,At ang daan ay patungo sa’yo[Verse 2 - Wynona & Ingrid] (WY) Ilang countdowns pa ba,Ilang tulog pa?But don’t worry coz I will wait for you! (IN)Matagal pa ba?O naiinip na nga ba? [Pre-Chorus - Amaya] Ikaw ang tanong at sagot, Kahit malayo, I won’t stop Sa ‘yo pa rin babalik, Lahat ng daan sa ‘yo ang patik[Chorus - All] 🎵 Love miles, love smiles Every step feels worth the while Kahit saan, kahit kailan I’ll find my way back to your light Love miles, love dreams We’re connected by our hearts, it seemsNo matter, the dist

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 2 "After the Spotlight"

    Paggising ko ay hindi pa rin ako makapaniwala sa dami ng mga regalo na natanggap ko na halos mapuno ang aking kwarto. May mga sulat, may mga litrato ko, may stuff toys, bulaklak at may nagpadala rin ng mga paborito kong Filipino snacks. Ito na yun, ito na yung mga pangarap namin na nagbunga dahil mayroon na rin kaming mga taga-suporta. Mabuti na lang at nakatulog ako ng halos sampung oras dahil ilang araw na rin kaming hindi nakaka-kumpleto ng tulog dahil sa mga trainings at rehearsals namin. Dali-dali kong binuksan ang aking cellphone para tingnan ang mga messages at nakita ko rin ang mga litrato na ipinadala nina Wynona at Ingrid, maging sila ay masaya dahil nakatanggap din sila ng regalo, samantalang si Amaya naman, walang paramdam. Nakita ko rin na trending kami sa social media #W4RIConqueredPHArena, #TalaQueens. Napangiti ako dahil magiging busy na naman ako nito panigurado at sana mawala rin sa isip ni Sir Carl na i-produce yung show, tama, kailangan na mas pag-igihan namin pa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status