Flashback from Reia and Ezra's past on how they met.
“Looking for these?” Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses niya pagpasok na pagpasok ko sa classroom. Nilingon ko naman siya agad at napabuntong-hininga ako sa gulat. Ngayon nga ay naka-suot siya ng simpleng polong itim at cream trousers na mas lalong nag-palutang ng kanyang kakisigan at hindi ko talaga maiiwasan ang aking sarili na hindi tumingin sa kanyang mga mata.Iwinagayway niya ang cellphone ko, nakangiting parang may tinatagong biro, bago niya iyon iniabot sa akin.“Thank you. It’s hard to sleep without my phone. I am so scared that I might not able to wake up and be on time” sabi ko habang tinitingnan ang cellphone ko.“Yeah, I’m sorry that I didn’t see it ahead of time when you left it”, sagot naman niya. “Did you already eat?”, tanong niya sa akin.“Ah yes, I ate before I came here”, tugon ko.“Okay, see you later at Ms. Ana’s class!”, nakangiti niyang wika bago siya mabilis na umalis.Magkaiba kami ng kurso ni Ezra, siya ay Bachelor of Science Major in Computer Science
“Hi Seers! Alam niyo ba kung ano ang gusto namin sa leader namin? Magaling magluto!” nakangiting sambit ni Wynona sabay kuha ng pininyahang manok na kakahango ko lang mula sa kawali.“Sus, gusto mo lang na ikaw ang tiga-kain, Wynona,” biro ko habang inaalis ang apron ko.Sa livestream, bumuhos agad ang comments. [User_Seer01]: “Sino chef tonight? 😍” [LuvReia]: “Grabe, gutom na naman ako pag Friday livestream 😭” [TeamWynona]: “Ayan naaa, Wynona ang tagakain!”Tuwing alas-sais ng Biyernes, routine na namin ang Friday Cook & Chill with W4RI — sabay-sabay kaming apat na naghahanda ng pagkain, nagkukulitan, kumakain, at nakikipag-usap sa Seers through live chat sa aming official app at website. Hindi lang bonding sa amin, naging way din ito para mas mapalapit kami sa fans.“Wait, wait, Reiaaa!” biglang singit ni Amaya, sabay turo sa chat box. “Ang dami na nilang nagtatanong oh. Kanino raw nanggaling ang crystal orb speaker? Ang tagal na nating di sinasagot ito.”Nakangiti siya pero ha
Phone calls. Emails. Mga sulat patungkol sa lumolobong interes ng aking student loans. Isa akong marketing student, at ngayong papalapit na ang pagtatapos, unti-unti kong napagtanto kung gaano kalaki ang naging pagkakamali ko sa pagpili ng pribado at prestihiyosong unibersidad. Tama sila, masyado akong mataas mangarap, hindi ko tinitingnan ang aking totoong sitwasyon, masyadong pinilit. Inakala kong magiging madali ang lahat, ngunit nagkamali ako.Tatlong buwan na lang at magmamartsa na ako para kunin ang diploma ngunit sa likod ng ngiti at tuwa, nananabik din akong makahanap agad ng trabaho. Hindi para magbakasyon, kundi para mabayaran ang mga utang na nagbibigay sa akin ng pag-aalala sa bawat gabi ko.“Are you sure you are okay, Reia?”, tanong niya, malambing ang boses na parang pilit hinahaplos ang bigat na nasa dibdib ko. Niyakap niya ako ng bahagya, sapat para maramdaman kong hindi ako nag-iisa.“I am fine, don’t worry about me”, tugon ko, pilit na ngumiti.Hindi ko talaga ugaling
Hindi na ito ang unang beses na kami lang ni Sir Carl, ang aming manager, ang sabay kumain sa isang restaurant. Bilang lider ng aming grupo, madalas niya munang ipadaan sa akin ang mga plano bago ito sabihin sa lahat. Ngayon naman, ako ang humiling na magkita kami dahil hindi ako mapalagay. Patuloy akong kinakabahan at naguguluhan, lalo na tungkol sa documentary na gusto niyang ilabas.“You know what I like about you? Marunong kang umayon sa mga hilig ko. Alam mo agad ang favorites ko,” nakangiting wika niya matapos i-serve ang paborito niyang Grilled Chicken Alfredo Pasta na sinamahan ko pa ng Cheese Jalapeño Quesadilla. Ako naman, dahil wala talagang gana, ay nagpasya na lamang um-order ng house salad.“Yan lang talaga kakainin mo? Next week pa naman yung fan meet, mabawi mo pa ‘yan sa workout,” biro niya, sabay higop ng iced tea.Napangiti ako ng pilit pero agad ding nagseryoso. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Sir Carl, kaya po ako nag-request ng one-on-one meeting sa in
“Babalikan kita, Reia.”Natigilan ako nang makita ang mga salitang iyon na biglang lumitaw bilang hologram mula sa nabasag na orb. Ilang segundo lamang ay naglaho ito, para bang hindi kailanman nangyari. Kinurap ko ang aking mga mata, umaasang namamalik-mata lang ako. Ngunit nang makita ko ang reaksyon ni Amaya, ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha, alam kong hindi lang ako ang nakakita noon, malinaw na malinaw, pareho naming nakita ang mensaheng iyon. Nilapitan niya ako agad, halos hindi mapakali. “What was that? You saw it too, right?”, tanong niya sa akin na may halong pagkamangha. Hindi ko siya masagot, nanatili lang akong nakatitig sa sahig, sa kumikislap na piraso ng orb na nakakalat sa harapan ko. “Pwede bang burahin mo yung video?” mahina kong tanong, halos pabulong, na para bang ang mismong salita ay kayang magwasak ng natitirang paghinga ko.“This?” sagot niya, ipinakita ang phone na hawak niya, at doon ko nakita nakuhanan nga ng kamera ang hologram nang mga mensahen
Nagising ako sa malakas na alarma ng aking orasan. Mabuti na lamang at nakabawi rin ako ng tulog. Habang nakahiga pa, sinilip ko ang ilang updates sa social media. Doon ko nakita ang dumaraming followings sa aming grupo—at ang higit na nakakagulat, may ship account pa kami ni Amaya. Napatawa ako sa sarili ko. Kung alam lang ng mga fans ang tunay na ugali niya—lalo na kung paano niya ako tinrato noong trainee days namin, baka hindi nila maiisip na i-ship kaming dalawa. Muling bumalik sa akin ang mga ala-alang iyon. “You know, if you are down and nowhere to go in life, go to therapy or just apply for mundane jobs. Sobrang pabigat ka sa grupo!” mariing sigaw ni Amaya noon habang nakatayo sa gitna ng studio. Hinagis niya ang isang empty plastic bottle, tumama ito sa pisngi ko. “Look, nakailang practice na tayo sa pagsayaw pero stiff pa rin ang katawan mo!”Walang ibang tao sa loob ng silid, kami lang dalawa. Kaya’t malaya siyang gawin ang gusto niya. Tinitigan ko lang siya, kita sa mga