Home / Romance / Chasing the Spotlight After Losing Him / Chapter 6  “Fractured Light”

Share

Chapter 6  “Fractured Light”

Author: Fortress
last update Huling Na-update: 2025-08-16 23:47:08

Nagising ako sa malakas na alarma ng aking orasan. Mabuti na lamang at nakabawi rin ako ng tulog. Habang nakahiga pa, sinilip ko ang ilang updates sa social media. Doon ko nakita ang dumaraming followings sa aming grupo—at ang higit na nakakagulat, may ship account pa kami ni Amaya. Napatawa ako sa sarili ko. Kung alam lang ng mga fans ang tunay na ugali niya—lalo na kung paano niya ako tinrato noong trainee days namin, baka hindi nila maiisip na i-ship kaming dalawa. 

Muling bumalik sa akin ang mga ala-alang iyon. 

“You know, if you are down and nowhere to go in life, go to therapy or just apply for mundane jobs. Sobrang pabigat ka sa grupo!” mariing sigaw ni Amaya noon habang nakatayo sa gitna ng studio. Hinagis niya ang isang empty plastic bottle, tumama ito sa pisngi ko. “Look, nakailang practice na tayo sa pagsayaw pero stiff pa rin ang katawan mo!”

Walang ibang tao sa loob ng silid, kami lang dalawa. Kaya’t malaya siyang gawin ang gusto niya. Tinitigan ko lang siya, kita sa mga mata ang galit na matagal na niyang kinikimkim laban sa akin. Ikatlong buwan pa lang namin ng pagsasanay noon. Ako ang piniling leader ng grupo—taga-sulat ng kanta, taga-dalo sa mga meetings, taga-brainstorm ng tema kung saan masasabi ko na doon ako magaling. Ngunit totoo rin ang sinabi ni Amaya: wala akong galing sa pagsayaw, at lalo na sa pagkanta.

Umirap siya, pabigat ang bawat yabag hanggang sa malakas na ibinalibag ang pinto. Naiwan akong mag-isa sa katahimikan ng studio.

Bumalik ako sa ulirat nang marinig kong nag-ring ang cellphone ko. Dali-dali ko itong sinagot—at boses niya ang sumalubong.

“Hi Reia! Amaya here.”

“Ahm… Amaya, may problema ba?” tanong ko, may kaba sa dibdib.

“You know, I told you I am asking you about the dinner. So, are you free later after the meeting?”

“Amaya, I’m sorry but—”

“You are the leader of this group, right?” mabilis niyang putol. “I know you are also aware kung paano tayoi-ship ng mga fans. See, this will help our group. Mas makikilala tayo, madaragdagan ang fans. Isa pa, remember may isyu pa tayo tungkol sa merchandise scam? This will help to cool it down for a bit!”

“I know,” sagot ko, mariin. “Pero bilang lider ng grupong ito, papayag lang ako kung kasama natin sina Ingrid at Wynona. Ayokong may maiwan. Nakita mo naman kung gaano kalaki ang agwat ng followings natin sa kanila.”

“Okay, fine!” sarkastiko niyang balik. “Kaya ka lang naman nangunguna sa followings dahil ikaw lang ang leader!”

“Kung wala kang ibang magandang sasabihin, just hang—” hindi ko na natapos. Bigla niyang binaba ang tawag.

Napailing ako. Tama nga ang kutob ko. Hindi maganda ang biglaang “pagiging mabait” ni Amaya. Kilala ko siya at ang tanging gusto lang niya ay siya ang umangat.

Pagkatapos ng meeting namin para sa Fan Meet and Greet, nagtungo kaming apat sa isang restaurant na may private room. Doon kami gumawa ng social media content—mga dance craze, lip sync, at pag-promote ng aming debut album.

Nag-live rin kami, nakipagkulitan sa fans. Marami pa rin ang galit dahil sa nakaraang isyu, ngunit mas marami ang sabik para sa paparating na fan meet.

“Grabe, shiniship talaga kayo, Amaya and Reia,” biro ni Wynona nang mabasa ang comments.

Ngumiti sa akin si Amaya, sinuklian ko rin kahit alam kong peke. Inakbayan niya ako, at laking gulat ko nang bigla niyang halikan ang pisngi ko. Si Wynona at Ingrid ay parang kinikilig na fangirls, napasigaw pa.

Dumagsa ang mga komento, halos mabaliw ang fans. Ayokong maiwan ang dalawa, kaya agad akong bumawi.

“Hi Seers, tingnan niyo si Wynona! Sabi niya magda-diet daw siya pero pang-apat na cup na ‘to ng kanin!” panlalaglag ko kay Wynona.

“Grabe ka naman! Favorite ko kasi ang rice! Diba Seers, sobrang sarap ng kanin?” depensa niya, sabay tawa.

Halos maiyak si Ingrid sa kakatawa habang pinipisil-pisil ang tiyan ni Wynona na halatang busog na busog.

“Ikaw naman, Ingrid, anong favorite mong ulam?” tanong ko.

Nagkunwari pa siyang nag-isip. “Hmm… siguro sinigang na baboy, tapos combo with softdrinks, diba?!”

“True!” sabat ni Wynona. “Solid yung dighay ni Ingrid pagkatapos! As in, parang may bullhorn sa lakas!”

Kinuha agad ni Ingrid ang softdrinks, uminom ng malaki, at ilang segundo lang ay bumulaga ang isang malakas na burp. Napasigaw kaming lahat sa tawa.

“Ano ba yan, Ingrid, para kang bullfrog!” sabi ni Amaya habang tawang-tawa, saka pa sumandal sa balikat ko.

Napailing ako habang pinipigilan ang sarili kong humagalpak, pero lalo akong natawa nang makita ko ang comments ng fans.

“Akala daw nila may palaka sa background!”

“Palakang dikit o palakang bukid, Seers?” tanong ni Ingrid na hindi na rin mapigilan ang sarili.

“Wynona, baka kailangan mo na rin uminom ng softdrinks para maidighay mo yang apat na cup ng kanin sa tiyan mo!” biro ko, sabay tawa.

Umiling-iling si Wynona, hawak ang tiyan niya. “Pass muna, baka sumabog ako!”

Masaya at puno ng tawanan ang naging live namin—parang panandalian naming nakalimutan ang mga isyu at presyur ng pagiging idols. Matapos ang live, nagpaalam kaming apat sa isa’t isa, pero nagpumilit si Amaya na sumama sa akin pauwi sa condo. Kahit ayaw ko, hinayaan ko na lang.

“Thank you, Reia!” nakangiti niyang sabi habang nakaupo sa sofa.

“Wala nang ibang tao, Amaya. You can be mean to me, just like who you really are,” malamig kong sagot.

“Bakit? Hindi ka ba makapaniwala na I’m being friendly?” aniya, may halong biro.

Nagkibit-balikat ako. “Ano pa bang dapat pag-usapan?”

“Nothing. I just want us to be closer,” seryoso niyang tugon. “Sorry for acting like I was the best. Tama ka, we should have teamwork.”

Napatawa ako. Siya nga itong palaging suplada at mataray, pero ngayon… biglang mabait?

“You know, magaling ka sa harap ng camera. Pinapakita mong okay ang team. Kung hindi ka komportable, ayos lang. Huwag mong pilitin.”

“That’s a bad response, Leader Reia,” sagot niya sabay ngiti. “I should learn how to respect all of you.”

Tumayo siya, nilapitan ang estante ko.

At doon, pumukaw sa kanya ang isang bagay.

Kasunod ang tunog ng pagkabasag.

Napalingon ako. Nakahandusay sa sahig ang Crystal Speaker Orb. Ang dating malinaw na bilog na tila may sariling buhay, ngayo’y durog-durog na. Ang mga piraso ng salamin ay kumikislap na parang mga luhang nahulog sa dilim. Sa gitna, ang mga pinong circuit ay pumipintig pa, pilit na tumitibok, hanggang sa dahan-dahang mawalan ng ilaw.

At sa isang iglap, bumalik ang alaala ng lalaking unang nagpatibok ng puso ko—na siya ring unang bumasag nito.

“I’m really sorry, shocks! Hindi ko sinasadya. Believe me, I am sorry, Reia. I will repair this, I promise,” ani Amaya, nanginginig ang tinig.

Pinulot niya ang orb, ngunit pinigilan ko siya.

“Ako na ang bahala. Ako na lang ang magpapaayos.”

“No, ako na. I promise I’ll make it up to you.”

Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya, nagsimulang mag-video.

“Hi Seers, may kasalanan ako kay Reia. Nabasag ko itong display niya and it looks so cool! I am really sorry, Reia.” Sabay yakap.

Ibinaba niya ang cellphone, nilagay ang orb sa kahon, at nagpaalam. Sa totoo lang, hindi ko gusto na mapalapit si Amaya sa bagay na iyon.

Ngunit pagkahawa ko sa cellphone na naiwan niya, nanlaki ang mga mata ko. Sa huling segundo ng video, bago tuluyang mamatay ang huling pintig ng liwanag ng orb, may lumabas mula sa basag na kristal—isang malabong hologram ng mga titik na unti-unting lumiwanag:

“Babalikan kita, Reia.”

At nang makita ko iyon, parang tumigil ang pag-ikot ng mundo.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 11 "More than friends"

    “Looking for these?” Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses niya pagpasok na pagpasok ko sa classroom. Nilingon ko naman siya agad at napabuntong-hininga ako sa gulat. Ngayon nga ay naka-suot siya ng simpleng polong itim at cream trousers na mas lalong nag-palutang ng kanyang kakisigan at hindi ko talaga maiiwasan ang aking sarili na hindi tumingin sa kanyang mga mata.Iwinagayway niya ang cellphone ko, nakangiting parang may tinatagong biro, bago niya iyon iniabot sa akin.“Thank you. It’s hard to sleep without my phone. I am so scared that I might not able to wake up and be on time” sabi ko habang tinitingnan ang cellphone ko.“Yeah, I’m sorry that I didn’t see it ahead of time when you left it”, sagot naman niya. “Did you already eat?”, tanong niya sa akin.“Ah yes, I ate before I came here”, tugon ko.“Okay, see you later at Ms. Ana’s class!”, nakangiti niyang wika bago siya mabilis na umalis.Magkaiba kami ng kurso ni Ezra, siya ay Bachelor of Science Major in Computer Science

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 10 "His Personal Chef"

    “Hi Seers! Alam niyo ba kung ano ang gusto namin sa leader namin? Magaling magluto!” nakangiting sambit ni Wynona sabay kuha ng pininyahang manok na kakahango ko lang mula sa kawali.“Sus, gusto mo lang na ikaw ang tiga-kain, Wynona,” biro ko habang inaalis ang apron ko.Sa livestream, bumuhos agad ang comments. [User_Seer01]: “Sino chef tonight? 😍” [LuvReia]: “Grabe, gutom na naman ako pag Friday livestream 😭” [TeamWynona]: “Ayan naaa, Wynona ang tagakain!”Tuwing alas-sais ng Biyernes, routine na namin ang Friday Cook & Chill with W4RI — sabay-sabay kaming apat na naghahanda ng pagkain, nagkukulitan, kumakain, at nakikipag-usap sa Seers through live chat sa aming official app at website. Hindi lang bonding sa amin, naging way din ito para mas mapalapit kami sa fans.“Wait, wait, Reiaaa!” biglang singit ni Amaya, sabay turo sa chat box. “Ang dami na nilang nagtatanong oh. Kanino raw nanggaling ang crystal orb speaker? Ang tagal na nating di sinasagot ito.”Nakangiti siya pero ha

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 9 "The First Time We Met"

    Phone calls. Emails. Mga sulat patungkol sa lumolobong interes ng aking student loans. Isa akong marketing student, at ngayong papalapit na ang pagtatapos, unti-unti kong napagtanto kung gaano kalaki ang naging pagkakamali ko sa pagpili ng pribado at prestihiyosong unibersidad. Tama sila, masyado akong mataas mangarap, hindi ko tinitingnan ang aking totoong sitwasyon, masyadong pinilit. Inakala kong magiging madali ang lahat, ngunit nagkamali ako.Tatlong buwan na lang at magmamartsa na ako para kunin ang diploma ngunit sa likod ng ngiti at tuwa, nananabik din akong makahanap agad ng trabaho. Hindi para magbakasyon, kundi para mabayaran ang mga utang na nagbibigay sa akin ng pag-aalala sa bawat gabi ko.“Are you sure you are okay, Reia?”, tanong niya, malambing ang boses na parang pilit hinahaplos ang bigat na nasa dibdib ko. Niyakap niya ako ng bahagya, sapat para maramdaman kong hindi ako nag-iisa.“I am fine, don’t worry about me”, tugon ko, pilit na ngumiti.Hindi ko talaga ugaling

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 8 "Final Decision"

    Hindi na ito ang unang beses na kami lang ni Sir Carl, ang aming manager, ang sabay kumain sa isang restaurant. Bilang lider ng aming grupo, madalas niya munang ipadaan sa akin ang mga plano bago ito sabihin sa lahat. Ngayon naman, ako ang humiling na magkita kami dahil hindi ako mapalagay. Patuloy akong kinakabahan at naguguluhan, lalo na tungkol sa documentary na gusto niyang ilabas.“You know what I like about you? Marunong kang umayon sa mga hilig ko. Alam mo agad ang favorites ko,” nakangiting wika niya matapos i-serve ang paborito niyang Grilled Chicken Alfredo Pasta na sinamahan ko pa ng Cheese Jalapeño Quesadilla. Ako naman, dahil wala talagang gana, ay nagpasya na lamang um-order ng house salad.“Yan lang talaga kakainin mo? Next week pa naman yung fan meet, mabawi mo pa ‘yan sa workout,” biro niya, sabay higop ng iced tea.Napangiti ako ng pilit pero agad ding nagseryoso. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Sir Carl, kaya po ako nag-request ng one-on-one meeting sa in

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 7 Memories of the Light 

    “Babalikan kita, Reia.”Natigilan ako nang makita ang mga salitang iyon na biglang lumitaw bilang hologram mula sa nabasag na orb. Ilang segundo lamang ay naglaho ito, para bang hindi kailanman nangyari. Kinurap ko ang aking mga mata, umaasang namamalik-mata lang ako. Ngunit nang makita ko ang reaksyon ni Amaya, ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha, alam kong hindi lang ako ang nakakita noon, malinaw na malinaw, pareho naming nakita ang mensaheng iyon. Nilapitan niya ako agad, halos hindi mapakali. “What was that? You saw it too, right?”, tanong niya sa akin na may halong pagkamangha. Hindi ko siya masagot, nanatili lang akong nakatitig sa sahig, sa kumikislap na piraso ng orb na nakakalat sa harapan ko. “Pwede bang burahin mo yung video?” mahina kong tanong, halos pabulong, na para bang ang mismong salita ay kayang magwasak ng natitirang paghinga ko.“This?” sagot niya, ipinakita ang phone na hawak niya, at doon ko nakita nakuhanan nga ng kamera ang hologram nang mga mensahen

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 6  “Fractured Light”

    Nagising ako sa malakas na alarma ng aking orasan. Mabuti na lamang at nakabawi rin ako ng tulog. Habang nakahiga pa, sinilip ko ang ilang updates sa social media. Doon ko nakita ang dumaraming followings sa aming grupo—at ang higit na nakakagulat, may ship account pa kami ni Amaya. Napatawa ako sa sarili ko. Kung alam lang ng mga fans ang tunay na ugali niya—lalo na kung paano niya ako tinrato noong trainee days namin, baka hindi nila maiisip na i-ship kaming dalawa. Muling bumalik sa akin ang mga ala-alang iyon. “You know, if you are down and nowhere to go in life, go to therapy or just apply for mundane jobs. Sobrang pabigat ka sa grupo!” mariing sigaw ni Amaya noon habang nakatayo sa gitna ng studio. Hinagis niya ang isang empty plastic bottle, tumama ito sa pisngi ko. “Look, nakailang practice na tayo sa pagsayaw pero stiff pa rin ang katawan mo!”Walang ibang tao sa loob ng silid, kami lang dalawa. Kaya’t malaya siyang gawin ang gusto niya. Tinitigan ko lang siya, kita sa mga

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status