Share

Chapter 4 "Stolen Hype"

Penulis: Fortress
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-15 17:24:25

Nagtungo kami agad sa backstage at sinusundan namin ang mabilis na paglalakad ni Sir Carl. Hindi magandang balita ito lalo na kapag mayroong perang involved lalo pa na halos karamihan sa aming mga fans ay estudyante. 

Agad agad na isinarado ni Sir Carl ang pinto at humarap sa aming apat. 

Nagkatinginan kami, walang nagsalita. Mula sa main stage hanggang sa maliit na silid sa likod ng venue, parang lumamig ang paligid. Ang ingay ng crowd na kanina’y nakaka-high, biglang naging parang malayong dagundong lang sa tenga ko.

Agad na inilapag ni Sir Carl ang tablet sa mesa. Sa screen, sunod-sunod na larawan ng mga fan, masaya silang nakangiti habang hawak ang T-shirt, lightstick, at photo card na may mukha namin at logo ng W4RI.

Sa unang tingin, dapat ikatuwa ko yun. Pero may kakaiba.

“Hindi ‘yan official merch,” bulalas ni Wynona, kita ang pagkuyom ng kamao.

“Exactly,” malamig na sagot ni Sir Carl. “At mas malala, dinisenyo ‘yan gamit yung exclusive merch designs na nakalaan para sa nationwide fan meet tour natin next month.”

“Wait… paano sila magkakaroon ng designs na ‘yon? Wala pa tayong pinapakita kahit teaser,” singit ni Amaya, halatang pinipigilan ang inis.

“Hindi pa malinaw,” patuloy ni Sir Carl. “Pero may reports na kumalat ‘to sa paligid ng venue kanina at sa online marketplaces. Maraming fans ang bumili, thinking na legit at exclusive. Iba ang presyo, iba ang quality at kapag nalaman nilang fake, baka tayo rin ang sisihin.”

Tahimik. Wala sa amin ang makatingin sa isa’t isa. Kanina lang, pinaplano pa namin sa interview kung paano namin personally ibibigay ang merch sa mga Seers. Ngayon… parang may humila pababa sa lahat ng hype.

“Sir… ilang fans ang bumili?” tanong ni Ingrid, mababa ang boses.

“Hindi pa alam ang eksaktong bilang, pero base sa posts, daan-daan na. And it’s spreading.”

Doon ko lang napansin na nanginginig ang tuhod ko habang nakaupo. Sa gilid ko, pinipindot-pindot ni Wynona ang phone niya, parang gusto nang maglabas ng rant online pero pinipigilan. Si Amaya, walang kibo, pero kita sa panga niya ang tigas ng ngipin sa pagkakakagat at si Ingrid naman ay walang imik ngunit halatang kinakabahan.

“Wala tayong show sa mga susunod na linggo,” patuloy ni Sir Carl, mabigat ang tinig. “We have time to think, but not much. If we don’t fix this before the fan meet, we risk losing more than just sales, we risk losing the trust of our fans.”

Sa gitna ng katahimikan, biglang pumasok si Jace, isang staff, hinihingal.

“Sir… may media outlet na nag-message. Gusto nilang kunin yung side natin. Kasi may fans na nagpo-post na niloko raw sila ng W4RI.”

Napatingin kami sabay-sabay, parang sumikip lalo ang silid.

Inis na inis si Amaya na sumagot. 

“How come na wala bang reading comprehension yung ibang mga Filipino?! Ang linaw-linaw naman ng sinabi natin noon pa, and kahit kanina sa interview, ang sabi natin tayo mismo ang magbibigay noon sa kanila sa fan meet, bakit naman agad silang bumili?! Website na nga lang ang layo niyan sa website natin oh, or kasalanan ito ng social media manager? Hindi ba maayos yung pagkakasabi niya?! Mga kapwa pilipino natin ang audiences sana mas bigyan ng linaw nakakainis!” 

Hinawakan ni Wynona ang balikat niya para pakalmahin.

“Don’t you ever touch me!” sigaw ni Amaya, sabay irap na parang handa nang makipagsagutan.

Tumingin ako kay Sir Carl walang reaksyon sa ginawa ni Amaya kay Wynona, pero mabigat ang buntong-hininga niya. Sabagay kahit noon pa ay hinahayaan naman lagi si Amaya dahil ang daddy niya ang biggest investor ng grupong ito. 

“Amaya, mali yang ginagawa mo, hindi mo kailangang ibunton ang sisi sa mga fans at lalo na huwag mong idamay yung sarili mong kagrupo”, saad ko agad sa kanya dahil palagi siyang ganito, tuwing may problema ang bilis niyang mag-reak kaagad. 

“Who are you to say that?!” bulyaw niya. “Ikaw pa naman yung leader pero wala kang maisip na immediate solution?! Ayoko ng ganito! Ang tagal nating binuo ang grupong ‘to, pati concept ng merch, tapos ganito lang?! Isang scam lang, lahat mawawala?! Scheiße”, as usual na pagmumura niya gamit ang German language. 

“Hindi pa rin yan rason para magalit ka na lang basta sa fans o mag-isip kung sino yung may kasalanan, ang kailangan natin pag-isipan kung ano ang pwedeng gawin!”, singit ni Ingrid at kita ko sa mukha niya ang inis. 

“Stop it!” putol ni Sir Carl, mabigat ang tinig. “Huwag na kayong magtalo. Ang kailangan natin ngayon ay umuwi at magpahinga. Tomorrow after lunch, nasa office kayong lahat. Magdala kayo ng konkretong suggestion, dahil kailangan natin maglabas ng solusyon bago magising ang buong internet.”

“Sir Carl,” hindi ko napigilang magsalita, ramdam ko ang init sa dibdib ko, “we might not have until tomorrow. If we don’t make a statement now, baka pagising ng mga tao, tapos na tayo.”

Tumahimik ang lahat. Tanging tunog ng second hand ng wall clock ang maririnig, tik,tak, tik, tak parang kasabay ng bilis ng tibok ng puso ko.

At sa katahimikang iyon, ramdam kong nagsisimula nang gumulong ang pinakamalaking gulo na haharapin namin.

Biglang bumukas ang pinto, at bumungad si Ms. Reese, ang aming PR Manager. Nakasuot pa rin siya ng corporate blazer, pero magulo ang buhok niya na parang tatlong beses siyang tumakbo mula sa kabilang building. Hawak-hawak niya ang phone, at mabilis siyang lumapit.

“I think we need to go to the studio now, girls,” madiin at diretso niyang sabi, walang pasakalye. “You need to address this. We’ll do a live interview sabihin agad natin na this is phishing. Halos karamihan sa mga nabiktima, students. And we can’t blame them, lalo na’t ginaya nang eksakto ang official branding natin. We need to move now, habang hindi pa nadadagdagan ang mga nabibiktima.”

Kinuha niya ang phone mula sa bulsa at binuksan ang gallery. Mabilis niyang in-slide sa gitna ng mesa, naka-brightness max, para lahat kami makita.

Mga screenshot iyon ng social media posts mga batang umiiyak sa video, hawak ang pekeng ticket at nagsusumbong sa camera.

May isa pang video clip na pinindot niya para i-play, at sumabog sa speaker ang boses ng isang babae: “Sayang, first time ko sana makita sila… pero naloko lang ako.”

Sa gilid ng screen, kita ang notification: +99 new mentions — sunod-sunod na kumukulo ang feed.

Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko, parang sinasakal.

“I know pagod kayo,” dagdag ni Ms. Reese, “pero kung hihintayin pa natin bukas, baka wala na tayong fans na babalikan. This is not just about your image, this is about trust. If we lose it, mahirap nang bawiin.”

Nagkatinginan kaming apat. Kita ko sa mata ni Wynona ang kaba, kay Amaya ang natitirang galit, at kay Ingrid na halos matuliro sa bilis ng pangyayari. Ako? Hindi ko alam kung anong mas malakas yung takot na masira ang lahat, o yung guilt bilang leader na hindi ko agad nakita ang scam na ‘to.

“Come on, let’s get in the car,” utos ni Ms. Reese, sabay senyas sa PA na nag-aabang sa labas. “The station’s waiting. Every second counts.”

At sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang gabi, wala ni isa sa amin ang kumibo. Tahimik kaming sumunod, dala ang bigat ng pangalan at pangarap na ngayon, nakataya sa isang interview na pwedeng magligtas… o tuluyang magbaon sa amin.

Paglabas namin mula sa backstage, sumalubong agad sa akin ang sunod-sunod na notification sa phone—mentions, tags, DMs, lahat puro galit, lahat puro tanong.

“Guys… it’s trending.” Mahina kong sabi habang nanginginig ang kamay ko.

Lumingon si Wynona, halata sa mukha ang takot. “Anong ibig mong—”

Ipinakita ko sa kanila ang screen. Nasa Number 1 spot sa trending list:

#W4RISCAMMERS

At sa ilalim noon, isang viral post na may libo-libong shares… gamit ang picture naming apat, may caption:

“Never supporting them again. Niloko kami ng sarili naming idols.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 7 Memories of the Light 

    “Babalikan kita, Reia.”Natigilan ako nang makita ang mga salitang iyon na biglang lumitaw bilang hologram mula sa nabasag na orb. Ilang segundo lamang ay naglaho ito, para bang hindi kailanman nangyari. Kinurap ko ang aking mga mata, umaasang namamalik-mata lang ako. Ngunit nang makita ko ang reaksyon ni Amaya, ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha, alam kong hindi lang ako ang nakakita noon, malinaw na malinaw, pareho naming nakita ang mensaheng iyon. Nilapitan niya ako agad, halos hindi mapakali. “What was that? You saw it too, right?”, tanong niya sa akin na may halong pagkamangha. Hindi ko siya masagot, nanatili lang akong nakatitig sa sahig, sa kumikislap na piraso ng orb na nakakalat sa harapan ko. “Pwede bang burahin mo yung video?” mahina kong tanong, halos pabulong, na para bang ang mismong salita ay kayang magwasak ng natitirang paghinga ko.“This?” sagot niya, ipinakita ang phone na hawak niya, at doon ko nakita nakuhanan nga ng kamera ang hologram nang mga mensahen

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 6  “Fractured Light”

    Nagising ako sa malakas na alarma ng aking orasan. Mabuti na lamang at nakabawi rin ako ng tulog. Habang nakahiga pa, sinilip ko ang ilang updates sa social media. Doon ko nakita ang dumaraming followings sa aming grupo—at ang higit na nakakagulat, may ship account pa kami ni Amaya. Napatawa ako sa sarili ko. Kung alam lang ng mga fans ang tunay na ugali niya—lalo na kung paano niya ako tinrato noong trainee days namin, baka hindi nila maiisip na i-ship kaming dalawa. Muling bumalik sa akin ang mga ala-alang iyon. “You know, if you are down and nowhere to go in life, go to therapy or just apply for mundane jobs. Sobrang pabigat ka sa grupo!” mariing sigaw ni Amaya noon habang nakatayo sa gitna ng studio. Hinagis niya ang isang empty plastic bottle, tumama ito sa pisngi ko. “Look, nakailang practice na tayo sa pagsayaw pero stiff pa rin ang katawan mo!”Walang ibang tao sa loob ng silid, kami lang dalawa. Kaya’t malaya siyang gawin ang gusto niya. Tinitigan ko lang siya, kita sa mga

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 5 "On Air Under Fire"

    Mainit pa rin ang ilaw ng studio kahit naka-aircon. Sa harap namin, nakatutok ang dalawang high-definition cameras, may nakasabit na “ON AIR” sign na kumikislap-kislap. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang inaayos ni Ms. Reese ang mic sa harap ko.“Breathe, girls,” mahina niyang bulong, pero kita ko rin ang tensyon sa mata niya.Sa gilid, may countdown sa monitor. 00:00:10… 9… 8…Tumikhim si Wynona, si Amaya naman ay sumulyap lang sa amin pero halatang namumula ang mata sa galit at pagod. Ako, bilang leader, alam kong ako ang unang magsasalita. Pero paano mo sisimulan ang isang paghingi ng tawad sa libo-libong fans na naghihintay?3… 2… 1…Nagbukas ang ilaw at nagsimulang mag-stream. Sa gilid ng screen, sunod-sunod na pumapasok ang mga chat at emojis.“Magandang gabi Seers,” mahina pero malinaw ang boses ko. “Una sa lahat, nagpapasalamat kami na nandito pa rin kayo para makinig sa amin ngayong gabi.”Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. “May kumakalat po ngayong fake t

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 4 "Stolen Hype"

    Nagtungo kami agad sa backstage at sinusundan namin ang mabilis na paglalakad ni Sir Carl. Hindi magandang balita ito lalo na kapag mayroong perang involved lalo pa na halos karamihan sa aming mga fans ay estudyante. Agad agad na isinarado ni Sir Carl ang pinto at humarap sa aming apat. Nagkatinginan kami, walang nagsalita. Mula sa main stage hanggang sa maliit na silid sa likod ng venue, parang lumamig ang paligid. Ang ingay ng crowd na kanina’y nakaka-high, biglang naging parang malayong dagundong lang sa tenga ko.Agad na inilapag ni Sir Carl ang tablet sa mesa. Sa screen, sunod-sunod na larawan ng mga fan, masaya silang nakangiti habang hawak ang T-shirt, lightstick, at photo card na may mukha namin at logo ng W4RI.Sa unang tingin, dapat ikatuwa ko yun. Pero may kakaiba.“Hindi ‘yan official merch,” bulalas ni Wynona, kita ang pagkuyom ng kamao.“Exactly,” malamig na sagot ni Sir Carl. “At mas malala, dinisenyo ‘yan gamit yung exclusive merch designs na nakalaan para sa nationw

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 3 "Spotlight & Shadows"

    "3... 2... 1... Cue W4RI!" Umilaw ang buong stage sa kulay fuchsia at navy blue. Sumabog ang sigawan ng fans puno ang studio ng banners, light sticks, at pangalan naming apat.Nagsimula na kaming kumanta nang isa sa 12 tracks ng aming first album- ang Love Miles. [Intro - All] (Oh-oh-oh~) Running, running just to see you smile Flying through love miles~[Verse 1 - Reia]Humihiling sa mga tala,Binabanggit ang ngalan mo May mapa sa puso ko,At ang daan ay patungo sa’yo[Verse 2 - Wynona & Ingrid] (WY) Ilang countdowns pa ba,Ilang tulog pa?But don’t worry coz I will wait for you! (IN)Matagal pa ba?O naiinip na nga ba? [Pre-Chorus - Amaya] Ikaw ang tanong at sagot, Kahit malayo, I won’t stop Sa ‘yo pa rin babalik, Lahat ng daan sa ‘yo ang patik[Chorus - All] 🎵 Love miles, love smiles Every step feels worth the while Kahit saan, kahit kailan I’ll find my way back to your light Love miles, love dreams We’re connected by our hearts, it seemsNo matter, the dist

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 2 "After the Spotlight"

    Paggising ko ay hindi pa rin ako makapaniwala sa dami ng mga regalo na natanggap ko na halos mapuno ang aking kwarto. May mga sulat, may mga litrato ko, may stuff toys, bulaklak at may nagpadala rin ng mga paborito kong Filipino snacks. Ito na yun, ito na yung mga pangarap namin na nagbunga dahil mayroon na rin kaming mga taga-suporta. Mabuti na lang at nakatulog ako ng halos sampung oras dahil ilang araw na rin kaming hindi nakaka-kumpleto ng tulog dahil sa mga trainings at rehearsals namin. Dali-dali kong binuksan ang aking cellphone para tingnan ang mga messages at nakita ko rin ang mga litrato na ipinadala nina Wynona at Ingrid, maging sila ay masaya dahil nakatanggap din sila ng regalo, samantalang si Amaya naman, walang paramdam. Nakita ko rin na trending kami sa social media #W4RIConqueredPHArena, #TalaQueens. Napangiti ako dahil magiging busy na naman ako nito panigurado at sana mawala rin sa isip ni Sir Carl na i-produce yung show, tama, kailangan na mas pag-igihan namin pa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status