ログイン“Babalikan kita, Reia.”
Natigilan ako nang makita ang mga salitang iyon na biglang lumitaw bilang hologram mula sa nabasag na orb. Ilang segundo lamang ay naglaho ito, para bang hindi kailanman nangyari. Kinurap ko ang aking mga mata, umaasang namamalik-mata lang ako. Ngunit nang makita ko ang reaksyon ni Amaya, ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha, alam kong hindi lang ako ang nakakita noon, malinaw na malinaw, pareho naming nakita ang mensaheng iyon.
Nilapitan niya ako agad, halos hindi mapakali.
“What was that? You saw it too, right?”, tanong niya sa akin na may halong pagkamangha.Hindi ko siya masagot, nanatili lang akong nakatitig sa sahig, sa kumikislap na piraso ng orb na nakakalat sa harapan ko.
“Pwede bang burahin mo yung video?” mahina kong tanong, halos pabulong, na para bang ang mismong salita ay kayang magwasak ng natitirang paghinga ko.
“This?” sagot niya, ipinakita ang phone na hawak niya, at doon ko nakita nakuhanan nga ng kamera ang hologram nang mga mensaheng iyon.
“I’m sorry but I already uploaded this on my story,” dagdag pa niya, nagkibit balikat lang at mukhang ayaw niyang sundin ang aking pakiusap.“Please, Amaya. Delete that,” mariin kong sabi, ramdam ko ang pagpitik ng kaba at takot sa dibdib ko.
“But why? I really just wanted to share it with the SEERS, para makita nilang I did you wrong. But, come on—Reia, that was the coolest thing I’ve ever seen! What kind of magic is that? And why does it say, ‘Babalikan kita, Reia’? Like—who?! Who gave you that?!”
Napapikit ako. Ito ang hindi ko gusto sa ugali ni Amaya—ang sobrang dami niyang tanong, ang sobrang dami niyang gustong malaman. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya naririnig ang kasagutan.
“Amaya, please,” pagmamakaawa ko, halos paos ang boses. “Pagod na ako. I just… I just want you to listen to me. Please delete that.”
Umirap siya, halatang naiinis. “I don’t want to! Okay, so… are you sure na hindi ko na kailangang alamin kung ano ‘to? Because this orb… this doesn’t look like some random toy. It feels like a treasure to you.”
“No.” Tipid kong sagot, mariin at walang ibang idinagdag.
“Okay, whatever!” malamig niyang tugon, saka siya tumalikod at lumabas ng condo, iniwan akong mag-isa.
Naiwan akong nakaupo sa sahig, nakatitig sa mga piraso ng nabasag na orb—tila mga tipak ng alaala na hindi na kayang buuin. Pinulot ko ito nang marahan, at doon ko napansin ang kakaibang liwanag na kumikislap sa loob. Hindi ko inakalang sa mismong oras ng pagkabasag nito ay may mga lihim na lalabas, tatlong salitang iniwan niya para sa akin, ang salitang gusto kong marinig sa kanya ngunit kailanman ay hindi niya binaggit kaya ang aking isip ay naguguluhan.
Totoo ba? Totoo ba na babalikan niya ako? O baka isa na naman itong ilusyon, isang kasinungalingang nakabalot sa matatamis na salita? O baka naman nakalimutan niya ito dahil hindi naman niya ito sinabi sa akin, wala naman akong pinanghahawakan.
At bigla akong binalik ng alaala—ang araw na iniabot niya sa akin ang crystal orb speaker. Nakatitig siya sa akin na para bang ako lamang ang tanging liwanag sa mundo niya.
“Take care of it,” mahina niyang bulong, ngunit puno ng tiwala ang bawat salita. “Listen to the song you love through this so you will feel I am always with you.”
Sa pagkurap ng aking mga mata, para akong nahulog muli sa nakaraan—sa init ng kanyang presensya, sa bigat ng pangakong iniwan niya. At nang bumalik ako sa kasalukuyan, limang taon na ang lumipas…
Nakaupo ako sa paborito kong spot sa loob ng condominium niya, sobrang lambot sa pakiramdam ng kama niyang ito na paborito kong higaan. Malamig ang buong kwarto, hindi lang dahil sa aircon kundi dahil sa kulay nitong bughaw na nagbibigay ng kakaibang katahimikan at luwag sa dibdib. Ang dingding ay pininturahan ng malalim na navy blue, sinamahan ng puting headboard na tila ba yumayakap sa akin tuwing sumasandal ako rito.
May mga throw pillows na iba’t ibang shade ng asul at kulay-abo, sa gilid, nagniningning ang maliit na lampshade na may kristal na detalye. Ang kisame ay may recessed lights at isang chandelier na kumikislap na parang maliliit na bituin—saktong liwanag lang para magmukhang eleganteng tahimik ang buong kwarto.
Sa sahig, nakalatag ang carpet na may abstract na disenyo, kulay puti na may bughaw na pattern, tila ba nag-uugnay sa lahat ng elementong nasa silid. Lahat ng bagay ay mukhang planado—mula sa kurtinang kulay abong usok hanggang sa minimalistang frame sa dingding na may mandala art, na sumisimbolo ng balanse at kontrolado niyang mundo.
“I told you, Reia, you can just stay here with me. I really love seeing you here… and it seems like you’ve already fallen in love with my water bed, huh?”, binasag niya ang katahimikan. May ngiting pilyo niyang sambit habang nakatingin sa akin.
Pinagmasdan ko siya, at sa sandaling iyon, gusto kong itigil ang oras. Ang bahagyang sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha ay lalong nagpapatingkad sa kislap ng asul niyang mga mata, mga matang hindi ako magsasawang pagmasdan.
“Reia, don’t just smile at me like that. You see, I feel so conscious every time you do that,” natatawa niyang dagdag, at bakas ko ang hiya sa kanyang tinig.
“Why? You know how much I love looking into your eyes, right?” sagot ko, habang mas lalo ko siyang tinitigan.
Tumayo siya, dahan-dahang lumapit, at bawat hakbang ay parang nagbibilang ng pintig ng puso ko. Hindi ako makagalaw. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang init at lambot ng kanyang palad sa aking pisngi.
“You’re blushing,” bulong niya, may kasamang malambing na ngiti.
“No!!!” mabilis kong tanggi at agad kong iniwas ang pisngi ko.
Narinig ko ang kanyang mga tawa—ang tawang iyon na paborito kong pakinggan. Parang isang musika, isang awit na paulit-ulit kong gustong marinig.
“Look at me, Reia,” banayad niyang wika, muling hinawakan ang aking kaliwang pisngi.
“No, I don’t wanna look at you!” pilit kong iwas, pero ramdam kong mas lalo siyang napapalapit.
“Look at this,” aniya, at bigla niyang iniwas ang tingin. “I’m going to give you something. Come on, I know you’ll love this.” Excited niyang sambit at doon ko lang napansin na nakatago ang isa niyang braso.
Napatigil ako, pinanood ko siyang nakangiti habang hawak ang maliit na kahon. Lumapit ako, at noong sinubukan ko itong silipin, bahagya niya itong iniwas kaya naman sa di inaaasahan ay mas napalapit ako sa kanyang balikat.
Umangat ako mula sa kanyang balikat, at doon nagtama muli ang aming mga tingin. At sa sandaling iyon, para akong nahipnotismo. His eyes are the brightest blue I’ve ever seen—shimmering like crystal, pulling me deeper and deeper.
Tahimik ang paligid, at ang tanging maririnig ay ang sabay naming pintig ng puso. Malakas, nakabibingi, ngunit sabayang parang iisang musika.
Gusto kong ako ang unang umiwas, pero para akong estatwa—nakatitig lang, hindi makagalaw. Hanggang sa nakita kong unti-unting lumalapit ang kanyang mga labi… at doon ako biglang kumawala.
“I’m sorry,” bulong ko, mabilis kong inilayo ang aking sarili.
“No, I’m sorry. I shouldn’t have done that,” mahina niyang sagot, bakas ang pag-aalangan sa kanyang mukha. Agad niyang inilabas mula sa kanyang braso ang maliit na kahon na kanina pa niya itinatago sa akin.
Inabot niya sa akin ang isang bagay na para bang ingat na ingat niyang hawakan.
“Here, I made this for my Physics project. I think you’ll love this!” masiglang sabi ni Ezra, punong-puno ng excitement ang kanyang mga mata.
Kinuha ko ito mula sa kanya at halos mapigil ang hininga ko nang una ko itong makita. Isang kristal na orb, halos kasya sa dalawang kamay ko, malinaw na parang yelo ngunit sa ilalim ng liwanag ay kumikislap ng bughaw at pilak na parang bituin na nakakulong sa loob. Ang ibabaw nito ay makinis, malamig sa balat, at may mga maliliit na ukit na tila mga linya ng konstelasyon. Hindi ito ordinaryong proyekto; ito’y parang bagay na hinubog mula sa hinaharap.
“What’s this?” tanong ko, hindi maitago ang saya at pagkamangha.
“It’s a speaker,” paliwanag niya agad, nakangiti. “But not just any speaker. I built a resonating chamber inside the crystal lattice. The way sound travels through crystal is different—it bends, refracts, and amplifies the waves, making the sound richer and more immersive. Think of how light scatters through a prism. I applied the same principle to sound.”
Napakunot ang noo ko, nakikinig nang mabuti habang hindi inaalis ang tingin sa orb.
He continued, his voice steady yet full of passion. “I embedded micro-resonators inside, like tiny channels. When music plays, the vibrations move through those pathways, and the crystal itself vibrates. That’s why it feels alive, because technically—it is alive with sound. You don’t just hear it… you feel it resonate in your chest, in your bones.”
Napatingin ako sa kanya, habang patuloy kong hinahaplos ang malamig na ibabaw ng orb, ramdam ko ang kakaibang enerhiya nito. “You actually made this?”
Ezra chuckled, his grin widening. “Yeah. But let me show you.”
Itinapat niya ang palad sa ibabaw ng orb, saka may pinindot na halos hindi ko napansin—isang maliit na switch na nakatago sa ilalim ng base. Ilang segundo lang, at biglang lumiwanag ang loob ng orb, kumislap ng bughaw na parang may galaksiya na nabuhay sa loob nito.
Then the music started.
Unang nota pa lang, napasinghap ako. Ang tunog ay hindi lang basta narinig—para itong dumaloy sa mismong hangin, gumagapang sa dingding, at pumapasok sa dibdib ko. Hindi ito parang speaker na nakasanayan ko; mas buo, mas mainit, mas totoo.
“You feel that?” Ezra asked softly, halos pabulong, ngunit ramdam ang excitement sa tinig niya. “The vibrations don’t just pass through your ears. The crystal resonates with the air, with you. That’s why it feels alive. Because technically… it is.”
Nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala. Para akong nakalutang, napapikit at hinayaan ang musika na dumaloy sa akin. Para bang isang mundong eksklusibo para sa aming dalawa lamang ang nabuo sa silid na iyon.
Pagdilat ko, nakatitig si Ezra sa akin, ngiting-ngiti ngunit may bahid ng misteryo sa kanyang mga mata.
“There’s more,” he continued, his tone dropping into something heavier, more serious. “I added a memory code. Messages hidden within frequencies humans can’t hear. If the orb ever breaks… those frequencies destabilize, and the messages will be revealed through a hologram.”
Napatitig ako sa kanya, may halong pagkamangha at kaba. “Why would you even think of something like that?”
Ezra’s gaze softened, his voice low and steady. “Because I want to make sure that even if I’m gone, you’ll still hear me. You’ll still feel me close. I don’t want my voice, my promises, to disappear with time. And maybe… just maybe… this will be the way I find my way back to you.”
Napailing ako at sinabi ko sa aking sarili: “Reia come on, nakalimutan na niya siguro ang hidden message na ito kasi kung talagang nasa isip niya na balikan ka niya edi sana matagal na niyang ginawa. Paalala ko lang sayo na baka nakalimutan mong iniwan ka na lang niya bigla sa ere. Kaya siguro ito nabasag hindi para makita mo ang mensahe na iyon para umasa, ito ay para tuluyan mo na siyang kalimutan”
Sa ngayon, may mas dapat akong harapin. Nagsisimula pa lamang kami sa aming karera sa musika, at hindi ko kayang guluhin ang sarili ko sa mga multo ng nakaraan. Tumayo ako at unti-unting pinulot ang mga piraso, nagdadalawang-isip kung itatago ko ba ito o tuluyan nang itatapon.
Habang nakatitig ako sa kumikislap na basag na kristal sa aking palad, narinig kong nag-vibrate ang phone ko sa mesa. Isang notification mula sa GC ng grupo:
“Urgent: Final decision for the documentary. Tonight.”
Natahimik ako. Sa isang iglap, parang hindi ko alam kung alin ang mas mabigat—ang bigat ng kahapon o ang hamon ng ngayon?
“Looking for these?” Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses niya pagpasok na pagpasok ko sa classroom. Nilingon ko naman siya agad at napabuntong-hininga ako sa gulat. Ngayon nga ay naka-suot siya ng simpleng polong itim at cream trousers na mas lalong nag-palutang ng kanyang kakisigan at hindi ko talaga maiiwasan ang aking sarili na hindi tumingin sa kanyang mga mata.Iwinagayway niya ang cellphone ko, nakangiting parang may tinatagong biro, bago niya iyon iniabot sa akin.“Thank you. It’s hard to sleep without my phone. I am so scared that I might not able to wake up and be on time” sabi ko habang tinitingnan ang cellphone ko.“Yeah, I’m sorry that I didn’t see it ahead of time when you left it”, sagot naman niya. “Did you already eat?”, tanong niya sa akin.“Ah yes, I ate before I came here”, tugon ko.“Okay, see you later at Ms. Ana’s class!”, nakangiti niyang wika bago siya mabilis na umalis.Magkaiba kami ng kurso ni Ezra, siya ay Bachelor of Science Major in Computer Science
“Hi Seers! Alam niyo ba kung ano ang gusto namin sa leader namin? Magaling magluto!” nakangiting sambit ni Wynona sabay kuha ng pininyahang manok na kakahango ko lang mula sa kawali.“Sus, gusto mo lang na ikaw ang tiga-kain, Wynona,” biro ko habang inaalis ang apron ko.Sa livestream, bumuhos agad ang comments. [User_Seer01]: “Sino chef tonight? 😍” [LuvReia]: “Grabe, gutom na naman ako pag Friday livestream 😭” [TeamWynona]: “Ayan naaa, Wynona ang tagakain!”Tuwing alas-sais ng Biyernes, routine na namin ang Friday Cook & Chill with W4RI — sabay-sabay kaming apat na naghahanda ng pagkain, nagkukulitan, kumakain, at nakikipag-usap sa Seers through live chat sa aming official app at website. Hindi lang bonding sa amin, naging way din ito para mas mapalapit kami sa fans.“Wait, wait, Reiaaa!” biglang singit ni Amaya, sabay turo sa chat box. “Ang dami na nilang nagtatanong oh. Kanino raw nanggaling ang crystal orb speaker? Ang tagal na nating di sinasagot ito.”Nakangiti siya pero ha
Phone calls. Emails. Mga sulat patungkol sa lumolobong interes ng aking student loans. Isa akong marketing student, at ngayong papalapit na ang pagtatapos, unti-unti kong napagtanto kung gaano kalaki ang naging pagkakamali ko sa pagpili ng pribado at prestihiyosong unibersidad. Tama sila, masyado akong mataas mangarap, hindi ko tinitingnan ang aking totoong sitwasyon, masyadong pinilit. Inakala kong magiging madali ang lahat, ngunit nagkamali ako.Tatlong buwan na lang at magmamartsa na ako para kunin ang diploma ngunit sa likod ng ngiti at tuwa, nananabik din akong makahanap agad ng trabaho. Hindi para magbakasyon, kundi para mabayaran ang mga utang na nagbibigay sa akin ng pag-aalala sa bawat gabi ko.“Are you sure you are okay, Reia?”, tanong niya, malambing ang boses na parang pilit hinahaplos ang bigat na nasa dibdib ko. Niyakap niya ako ng bahagya, sapat para maramdaman kong hindi ako nag-iisa.“I am fine, don’t worry about me”, tugon ko, pilit na ngumiti.Hindi ko talaga ugaling
Hindi na ito ang unang beses na kami lang ni Sir Carl, ang aming manager, ang sabay kumain sa isang restaurant. Bilang lider ng aming grupo, madalas niya munang ipadaan sa akin ang mga plano bago ito sabihin sa lahat. Ngayon naman, ako ang humiling na magkita kami dahil hindi ako mapalagay. Patuloy akong kinakabahan at naguguluhan, lalo na tungkol sa documentary na gusto niyang ilabas.“You know what I like about you? Marunong kang umayon sa mga hilig ko. Alam mo agad ang favorites ko,” nakangiting wika niya matapos i-serve ang paborito niyang Grilled Chicken Alfredo Pasta na sinamahan ko pa ng Cheese Jalapeño Quesadilla. Ako naman, dahil wala talagang gana, ay nagpasya na lamang um-order ng house salad.“Yan lang talaga kakainin mo? Next week pa naman yung fan meet, mabawi mo pa ‘yan sa workout,” biro niya, sabay higop ng iced tea.Napangiti ako ng pilit pero agad ding nagseryoso. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Sir Carl, kaya po ako nag-request ng one-on-one meeting sa in
“Babalikan kita, Reia.”Natigilan ako nang makita ang mga salitang iyon na biglang lumitaw bilang hologram mula sa nabasag na orb. Ilang segundo lamang ay naglaho ito, para bang hindi kailanman nangyari. Kinurap ko ang aking mga mata, umaasang namamalik-mata lang ako. Ngunit nang makita ko ang reaksyon ni Amaya, ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha, alam kong hindi lang ako ang nakakita noon, malinaw na malinaw, pareho naming nakita ang mensaheng iyon. Nilapitan niya ako agad, halos hindi mapakali. “What was that? You saw it too, right?”, tanong niya sa akin na may halong pagkamangha. Hindi ko siya masagot, nanatili lang akong nakatitig sa sahig, sa kumikislap na piraso ng orb na nakakalat sa harapan ko. “Pwede bang burahin mo yung video?” mahina kong tanong, halos pabulong, na para bang ang mismong salita ay kayang magwasak ng natitirang paghinga ko.“This?” sagot niya, ipinakita ang phone na hawak niya, at doon ko nakita nakuhanan nga ng kamera ang hologram nang mga mensahen
Nagising ako sa malakas na alarma ng aking orasan. Mabuti na lamang at nakabawi rin ako ng tulog. Habang nakahiga pa, sinilip ko ang ilang updates sa social media. Doon ko nakita ang dumaraming followings sa aming grupo—at ang higit na nakakagulat, may ship account pa kami ni Amaya. Napatawa ako sa sarili ko. Kung alam lang ng mga fans ang tunay na ugali niya—lalo na kung paano niya ako tinrato noong trainee days namin, baka hindi nila maiisip na i-ship kaming dalawa. Muling bumalik sa akin ang mga ala-alang iyon. “You know, if you are down and nowhere to go in life, go to therapy or just apply for mundane jobs. Sobrang pabigat ka sa grupo!” mariing sigaw ni Amaya noon habang nakatayo sa gitna ng studio. Hinagis niya ang isang empty plastic bottle, tumama ito sa pisngi ko. “Look, nakailang practice na tayo sa pagsayaw pero stiff pa rin ang katawan mo!”Walang ibang tao sa loob ng silid, kami lang dalawa. Kaya’t malaya siyang gawin ang gusto niya. Tinitigan ko lang siya, kita sa mga







