Umiikot ang lovelife ko sa pagbabasa ng libro o pagsusulat ng istorya. Kontento na kong kiligin kapag nakakabasa ng mga scene tulad ng: “He pinned her against the wall and locked her between his arm.” At masasabi ko na wala namang espesyal sa buhay ko bukod sa pag-aaral ng mabuti.
“Mil Senikon, babae ka pala? Hala, pano yan. Nalagay namin ang pangalan mo sa listahan ng mga lalaki.”
When I heard that announcement from the university I am going to attend to, napaisip ako kung magpapatuloy pa ba ang simple kong buhay na nananahimik.
Ilang beses akong napabuntong hininga habang naglalakad sa kalsada. Pati ‘yung madilim na kalangitan nakikisabay sa pagda-drama ko. “Paano ko masasabi kina mama at papa na mga lalaki ang makakasama ko sa boarding house?” pakikipag-usap ko sa sarili.
Actually papunta ako sa part-time job ko ngayong araw. I have still days bago magsimula ang pasok ko bilang college student. So naisip ko na humanap ng trabaho para makakuha ng kaunting pocket money. Pero kung tutuusin, sa estado ng pamumuhay namin, hindi naman gipit ang mga magulang ko. Sadyang gusto ko lang ma-experience na magtrabaho kahit pa nasanay ako sa pagiging buhay prinsesa sa bahay.
“Hala! May artista ‘ata dun!” singhap ko nang makita ang pagkukumpulan ng tao sa di kalayuan. Ako naman ‘tong usyosera ay dali-daling nakisiksik para malaman kung ano ba ang pinagpipiyestahan ng mga tao.
“Please. Nagmamakaawa ako.”
“Kim ano ba?! Bitawan mo ko!”
Akala ko noong una, shooting ng drama ang napapanood ko. Pero dahil walang camera at direktor sa paligid, napagtanto kong ang nakikita ko ay isang madamdaming break up ng mag-jowa. Bihira lang ako makakita ng ganitong kadramahan kaya pinagpatuloy ko ang panonood, habang ang iba naman ay kasalukuyang kumukuha ng video. Malamang ipo-post nila sa F******k or Youtube ang video. ‘Tsk tsk. Kaya nga ba maraming buhay ang nasisira dahil sa social media.’
“Nakakahiya. Tumayo ka na nga dyan!” pakiusap ng babae na pilit pinapatayo ang nakaluhod niyang boyfriend. Infairness, sa malapitan, masasabi kong gwapo ‘yung boyfriend niya. Bakit niya pa papakawalan ang ganito kagwapong nilalang? Sayang naman oh.
“Hindi ako tatayo rito hangga’t di mo binabawi ang sinabi mo. Please Sharmaine. Don’t break up with me,” pagmamakaawa ng lalaki.
Ito ang dahilan kung bakit ayokong magkajowa sa totoong buhay. Kahit ilang kilig pa ang ibigay sayo ng taong mahal mo, darating at darating ang panahon na ‘yung dating kilig, mapalitan ng masakit na ala-ala. ‘Loving can hurts’- ang sabi nga ng sikat na western song.
“Bahala ka!” She yanked his hand away. “Kim. Tapos na tayo okay? Don’t ever call me.” Nahihiyang tinakpan ng babae ang mukha niya bago umalis sa scene at iniwan ang kakawang broken hearted ex-boyfie na nakaluhod at nakayuko.
May ilang tao sa paligid na nag-sialisan na, pero ‘yung iba patuloy parin sa pagkukuha ng video. ‘Ano pa bang hinihintay nila? Umiyak ‘yung lalaki para mas maging patok ang video na i-po-post nila? Hay mga tao talaga.’
Mabuti na lamang ay tuluyan ng bumuhos ang ulan. Nagmadali akong kunin ang payong sa loob ng bag at buksan ito. Kusa naring nag-sialisan ang mga usyoserang katulad ko para makahanap ng masisilungan. Hindi naman ako ‘yung tipong mahilig mangielam sa buhay ng ibang tao. Pero hindi ako makaalis sa pwesto ko habang tinititigan ang lalaki sa gitna na nakaluhod at nagpapakabasa sa ulan.
‘Tutal malapit na ko sa pupuntahan ko, ibigay ko nalang kaya sa kaniya ‘to? Na-premyo lang naman ni mama ‘yung payong sa Avon.’
Dahan-dahan kong nilapitan ang lalaki. Akala ko hindi niya mapapansin na pinayungan ko siya pero umangat siya ng tingin as soon as I went closer. Ang una kong napansin ay ang mapupungay at bilugan niyang mga mata. His brows are not thick, not thin but arched up. Mas maganda pa nga ang kilay niya kaysa sa akin. Matangos ang ilong niya at pa-heart shape ang manipis niya mga labi. Kung sa kulay ng balat, katamtaman siyang kayumanggi. Kahit hindi nakatayo ay alam kong matangkad ito dahil narin sa kahabaan ng kaniyang biyas. This guy is a complete stranger but I can sense that he is kind.
Alam niyo ‘yun? ‘Yung kahit di mo kilala ‘yung tao pero may aura siya na mapapalagay ka ng loob?
‘Wag kang mag-alala. Makakahanap karin ng tao na mas deserve mo. So think of this as a book. Isipin mo nasa introduksyon ka palang ng buhay mo.’ – iyan ang balak ko sanang sabihin sa kaniya. Kaso…
“N-Namimigay ako ng payong. Sayo na ‘to,” ang nauutal kong sambit bago ibinigay ang payong sa kamay niya at tumakbo paalis.
May mga bagay talaga na hindi pwedeng gawin sa totoong buhay. Kung sasabihin ko ang mga comfort words na naisip ko, magmumukha lang akong tanga na ginagaya ang mga bida sa telenovela. Well, hindi narin siguro ganoon ka-weird ‘yung sinabi ko na namimigay ako ng payong. We won’t see each other naman eh.
‘We won’t see each other?’ Iyon ang aking malaking akala. Wala akong kaide-ideya na ‘yung broken hearted guy na mami-meet ko sa kalsada ay isa pala sa makakasama ko sa boarding house.
My father said that my life is a trash. Kaya kung basura ako, sisiguraduhin kong maging tipo ng basura na hindi na p’wedeng ma-recycle. So I can piss him off even more.“Soju, are we going to the hotel after this?” bulong babae sa tabi ko. Hahalikan ko sana siya kaso sobrang pula ng labi niya, lumamon ‘ata ng liptint. Kaya binigyan ko na lamang siya ng matipid na ngiti saka bumulong ng, “I’m sorry. I don’t do it twice with the same girl.” I gently bit her earlobe, making her moan. Tumayo ako sa kinauupuan at nagtungo sa dance floor.My name is Soju, ang lalaki na walang ginawa kung hindi magpakalasing sa night club at mag-dala ng babae sa hotel gabi gabi. Wala sa bokabolaryo ko ang pagpasok sa seryosong relasyon. I have fun dating different girls. Kapag nai-kama ko na, she is already out of my life
D-5 bago magsimula ang klase.Nagsimula ang umaga ko sa magandang gising, masarap na umagahan at maaliwalas na kalangitan. I am really in a good mood. Bagama't hindi ako pinalad na makakuha ng part time job kahapon, ay susubukan ko uling mag-apply."Taray. Ang gara ng kotse," ang nasabi ko ng makakita ng mamahaling kotse na nakaparada sa tapat mismo ng 'No Parking' sign. Natatawa akong umiling at umabante ng lakad. Pero dahil hindi ako nakatingin sa harapan ay may nabunggo akong lalaki."Ahhh," he gasped."Hala sorr-" Paghingi ko ng paumanhin na naudlot dahil nagulantang ako sa 'itsura niya. How should I describe it? Hmmmmm? Ah! Para siyang webtoon character na lumabas sa screen. He is about 183 cm tall, has slim body and light brown hair. May kasing
Mil's POVSosyalin ang bago kong kwarto. Malaki ang kama at may sarili akong banyo. "Hindi na ko magtataka kung bakit sobrang mahal ng tuition fee."Bago ako mag-enroll sa champese university, aware ako sa rules na dapat ay tumira ang mga estudyante sa inilaang boarding house ng school. Now I feel guilty for using my parent's money for my own greed. Mukhang kailangan kong mas lalo pang magsipag sa pag-aaral. Pero bago ko isipin ang pag-aaral, hindi ba't mas dapat ko munang alalahanin kung paano ko sasabihin sa kanila na puro lalaki ang kasama ko sa boarding house?"Knock knock?"May kumakatok. Nineniyerbos kong itinungo ang paningin sa pintuan. Biglang sumariwa sa akin ang mukha ng mga lalaking makakasama ko rito. Una ay 'yung may hawak ng gitara na pamily
I tour myself around the university. Bukas pa magsisimula ang pasok pero dahil hindi ako komportable sa boarding house na tinitirhan ko ay mas pinili ko nalang lumabas at mag-libot libot.“Hoy Greypi, anong ginagawa mo dito? Bukas pa ang pasok ha.”Lumingon sa likuran upang malaman kung sino ang kumausap sa akin mula sa malayo. Then I saw Bryan. Pinsan ko siya sa mother-side at professor siya ng university na ito. Nang makalapit siya sa akin ay tinapik niya ko sa balikat. “Excited ka ‘atang pumasok bro.”Tinitigan ko ang kamay niyang nakapatong sa aking balikat. “Kumain ka ba ng cheese curls kuya? Take your hands off.”Natatawa niyang tinanggal ang kamay mula sa akin
Kim’s POV Maybe I am desperate to experience true love. In my early 20’s ay marami na kong naranasang heartbreaks. Lahat ng mga babaeng nakikipag-break sa akin ay iisa lang ang dahilan: “Masyado ka kasing mabait.” ‘Bakit? Anong lalaki ba gusto nila? ‘Yung gag*?’ Noong naging girlfriend ko si Sharmaine, akala ko pang habang buhay na ang relasyon namin. But like my past relationship, she ended it in miserable way. Lumuhod ako sakaniya, nagmaka-awa na wag akong iwan pero wala eh. Siguro nga hindi ako kamahal-mahal. Bumuhos ang malakas na patak ng ulan at nanatili akong nakaluhod sa puwesto na minsang pinagpiyestahan ng mga manonood. Sobra akong nahihiya at naaawa sa sarili kaya nawalan na ko ng lakas para tumayo at tumakas mula sa mga mata ng mapang-hamak. Hanggang sa may bigla nalang nagpayong sa a
Orij’s POVMatapos niyang i-spray-an ng pabango ang mukha ni Greypi ay naglakad siya palayo. “M-Mil!” nag-aalalang sigaw ni Kim bago sumunod rito. “Hoy! H-Hoy! Bumalik ka rito!” nang-gagalaiting sigaw naman ni Greypi na panay punas sa mukha. “Huh, ganito pala ang gusto niya huh. Pagbibigyan ko siya,” he muttered before looking at me. At dahil natatawa ako ay asar-talo niyang sinara ang bintana at pinaandar ang kotse. Bago ito makalagpas ay bumisina pa ito ng malakas sa tapat ni Mil.~Peet~ ‘Napakaisip bata talaga.’ “Ay!” sigaw ni Mil na napalundag sa gulat. Wala siya nagawa kung hindi ambahan nalang ang likuran ng papaalis na kotse. “Mil, ang b
Mil’s POV Dahil natalo ako sa game kahapon, ako ang naatasan na mag-tapon ng basura at maghugas ng plato mamaya. When I put the garbage on the trash bin, I remembered the scene I witnessed before. “Anong ginagawa mo?” ang tanong ni Soju matapos niya kong mahuling nagtatago sa likod ng trash bin. Napaka-seryoso ng titig niya anupat nakaramdam ako ng kakaibang takot dahil dito. “A-Ano k-kasi,” I blabbered. Ang totoo niyan wala ako sa sarili para makabuo ng matinong palusot. “Kung may nasaksihan ka na hindi kaaya-aya, then you should forget it. Understand?” ang sabi niya sabay tumalikod at naunang pumasok sa boarding house.
Para sa isang babae, ang aksidenteng makitang hubo’t hubad ng limang lalaki ay talaga namang… NAKAKA-TRAUMA. “Sinusumpa ko, papatayin talaga kita!” ang ngawa ni Mil. Nakaupo ito sa ibabaw ng kama at umiiyak habang yakap-yakap ang mga tuhod. Hindi niya maiwasang maluha dahil sa pagkahiya at sa pagkawindang sa nangyari kanina lamang. Totoo na hindi naman talaga si Greypi ang bukod tanging may kasalanan sa nangyari. Sariling kapabayaan ni Mil na madulas at mahubadan ng bukod tanging suot na tuwalya. Ngunit, hindi parin maiwasan ni Mil na isisi ang lahat sa kaniya anupat mas lalong lumala ang pagkapoot niya rito. Sa kabilang banda naman, si Greypi ay nakahiga sa kama at nakatalukbong. Pilit niyang tinatanggal sa isipan ang kagulat gulat na tanawing nasaksihan kanina lamang. Siya kasi