Hindi ko naman sana sila makikilala kung hindi lang napagkamalang pagmamay-ari ng isang lalaki ang pangalan kong “Mil Senikon”.
“Hello?” May pag-aagam agam kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob ng boarding house na titirhan ko. Ang una kong nakita ay ang dalawang lalaki na nakaupo sa sofa roon sa sala. May hawak na gitara ang isa at ang isa naman ay may hawak na libro. Kapwa silang nakatitig sa akin na waring gulat na gulat. Magpapakilala pa lang sana ako ay may sumulpot na lalaki sa likuran ko.
“So ito pala ‘yung boarding house. Infairness, may kalakihan,” ang narinig kong sabi ng gwapong lalaki na pamilyar sa akin. When our eyes met, he pointed me and gasped, “Oh? Teka, ikaw ‘yung nilandi ko sa bar diba?”
Medyo naguguluhan sa narinig ay mayroong sigaw mula sa loob ng boarding house na kumuha ng atensyon ko. “Kim! Kim! Yung underwear mo, nasa gamit ko!” sigaw ng lalaki na dumungaw sa second floor bago ibinato papunta sa direksyon namin ang hawak niyang brief!
Agad naman akong umilag, pati na yung lalaki sa likuran ko. Kaya naman tumama ang brief doon sa isa pang lalaki na kararating lamang. “What the hell is this?” Pikon na pikon niyang sambit bago nanginginig na tinanggal ang brief sa kaniyang mukha.
During that time, I didn’t realize that what I entered is not just a simple boarding house but a place for five wolves and a lamb like me.
“Magandang umaga. Ako nga pala si Mil Senikon, ang bago niyong kasama sa boarding house,” pagpapakilala ko.
Naramdaman ko bigla ang mainit na titig ng limang lalaki na nakapaligid sa akin.
“Wow,” ang sambit ng lalaking may bitbit na gitara.
Nabitawan naman ng isa ang libro habang nakatitig sa akin ang namimilog niyang mga mata.
“Wait a minute. Diba ikaw ‘yung mascot na sumasayaw?!” masayang bati sa akin ng lalaking nakadungaw mula sa second floor.
“Oh sh*t,” natatawang tugon naman ng lalaking nasa likuran ko.
“F*ck,” malutong na pagmumura naman ng lalaki na nasupalpal ng brief kanina.
Tama. Nagsimula ang lahat ng pumayag akong tumira sa boarding house kasama ng limang lalaki.
Umiikot ang lovelife ko sa pagbabasa ng libro o pagsusulat ng istorya. Kontento na kong kiligin kapag nakakabasa ng mga scene tulad ng: “He pinned her against the wall and locked her between his arm.” At masasabi ko na wala namang espesyal sa buhay ko bukod sa pag-aaral ng mabuti.“Mil Senikon, babae ka pala? Hala, pano yan. Nalagay namin ang pangalan mo sa listahan ng mga lalaki.”When I heard that announcement from the university I am going to attend to, napaisip ako kung magpapatuloy pa ba ang simple kong buhay na nananahimik.Ilang beses akong napabuntong hininga habang naglalakad sa kalsada. Pati ‘yung madilim na kalangitan nakikisabay sa pagda-drama ko. “Paano ko masasabi kina mama at papa na mga lalaki ang makakasama ko sa board
My father said that my life is a trash. Kaya kung basura ako, sisiguraduhin kong maging tipo ng basura na hindi na p’wedeng ma-recycle. So I can piss him off even more.“Soju, are we going to the hotel after this?” bulong babae sa tabi ko. Hahalikan ko sana siya kaso sobrang pula ng labi niya, lumamon ‘ata ng liptint. Kaya binigyan ko na lamang siya ng matipid na ngiti saka bumulong ng, “I’m sorry. I don’t do it twice with the same girl.” I gently bit her earlobe, making her moan. Tumayo ako sa kinauupuan at nagtungo sa dance floor.My name is Soju, ang lalaki na walang ginawa kung hindi magpakalasing sa night club at mag-dala ng babae sa hotel gabi gabi. Wala sa bokabolaryo ko ang pagpasok sa seryosong relasyon. I have fun dating different girls. Kapag nai-kama ko na, she is already out of my life
D-5 bago magsimula ang klase.Nagsimula ang umaga ko sa magandang gising, masarap na umagahan at maaliwalas na kalangitan. I am really in a good mood. Bagama't hindi ako pinalad na makakuha ng part time job kahapon, ay susubukan ko uling mag-apply."Taray. Ang gara ng kotse," ang nasabi ko ng makakita ng mamahaling kotse na nakaparada sa tapat mismo ng 'No Parking' sign. Natatawa akong umiling at umabante ng lakad. Pero dahil hindi ako nakatingin sa harapan ay may nabunggo akong lalaki."Ahhh," he gasped."Hala sorr-" Paghingi ko ng paumanhin na naudlot dahil nagulantang ako sa 'itsura niya. How should I describe it? Hmmmmm? Ah! Para siyang webtoon character na lumabas sa screen. He is about 183 cm tall, has slim body and light brown hair. May kasing
Mil's POVSosyalin ang bago kong kwarto. Malaki ang kama at may sarili akong banyo. "Hindi na ko magtataka kung bakit sobrang mahal ng tuition fee."Bago ako mag-enroll sa champese university, aware ako sa rules na dapat ay tumira ang mga estudyante sa inilaang boarding house ng school. Now I feel guilty for using my parent's money for my own greed. Mukhang kailangan kong mas lalo pang magsipag sa pag-aaral. Pero bago ko isipin ang pag-aaral, hindi ba't mas dapat ko munang alalahanin kung paano ko sasabihin sa kanila na puro lalaki ang kasama ko sa boarding house?"Knock knock?"May kumakatok. Nineniyerbos kong itinungo ang paningin sa pintuan. Biglang sumariwa sa akin ang mukha ng mga lalaking makakasama ko rito. Una ay 'yung may hawak ng gitara na pamily
I tour myself around the university. Bukas pa magsisimula ang pasok pero dahil hindi ako komportable sa boarding house na tinitirhan ko ay mas pinili ko nalang lumabas at mag-libot libot.“Hoy Greypi, anong ginagawa mo dito? Bukas pa ang pasok ha.”Lumingon sa likuran upang malaman kung sino ang kumausap sa akin mula sa malayo. Then I saw Bryan. Pinsan ko siya sa mother-side at professor siya ng university na ito. Nang makalapit siya sa akin ay tinapik niya ko sa balikat. “Excited ka ‘atang pumasok bro.”Tinitigan ko ang kamay niyang nakapatong sa aking balikat. “Kumain ka ba ng cheese curls kuya? Take your hands off.”Natatawa niyang tinanggal ang kamay mula sa akin
Kim’s POV Maybe I am desperate to experience true love. In my early 20’s ay marami na kong naranasang heartbreaks. Lahat ng mga babaeng nakikipag-break sa akin ay iisa lang ang dahilan: “Masyado ka kasing mabait.” ‘Bakit? Anong lalaki ba gusto nila? ‘Yung gag*?’ Noong naging girlfriend ko si Sharmaine, akala ko pang habang buhay na ang relasyon namin. But like my past relationship, she ended it in miserable way. Lumuhod ako sakaniya, nagmaka-awa na wag akong iwan pero wala eh. Siguro nga hindi ako kamahal-mahal. Bumuhos ang malakas na patak ng ulan at nanatili akong nakaluhod sa puwesto na minsang pinagpiyestahan ng mga manonood. Sobra akong nahihiya at naaawa sa sarili kaya nawalan na ko ng lakas para tumayo at tumakas mula sa mga mata ng mapang-hamak. Hanggang sa may bigla nalang nagpayong sa a
Orij’s POVMatapos niyang i-spray-an ng pabango ang mukha ni Greypi ay naglakad siya palayo. “M-Mil!” nag-aalalang sigaw ni Kim bago sumunod rito. “Hoy! H-Hoy! Bumalik ka rito!” nang-gagalaiting sigaw naman ni Greypi na panay punas sa mukha. “Huh, ganito pala ang gusto niya huh. Pagbibigyan ko siya,” he muttered before looking at me. At dahil natatawa ako ay asar-talo niyang sinara ang bintana at pinaandar ang kotse. Bago ito makalagpas ay bumisina pa ito ng malakas sa tapat ni Mil.~Peet~ ‘Napakaisip bata talaga.’ “Ay!” sigaw ni Mil na napalundag sa gulat. Wala siya nagawa kung hindi ambahan nalang ang likuran ng papaalis na kotse. “Mil, ang b
Mil’s POV Dahil natalo ako sa game kahapon, ako ang naatasan na mag-tapon ng basura at maghugas ng plato mamaya. When I put the garbage on the trash bin, I remembered the scene I witnessed before. “Anong ginagawa mo?” ang tanong ni Soju matapos niya kong mahuling nagtatago sa likod ng trash bin. Napaka-seryoso ng titig niya anupat nakaramdam ako ng kakaibang takot dahil dito. “A-Ano k-kasi,” I blabbered. Ang totoo niyan wala ako sa sarili para makabuo ng matinong palusot. “Kung may nasaksihan ka na hindi kaaya-aya, then you should forget it. Understand?” ang sabi niya sabay tumalikod at naunang pumasok sa boarding house.