Mil’s POV
Dahil natalo ako sa game kahapon, ako ang naatasan na mag-tapon ng basura at maghugas ng plato mamaya. When I put the garbage on the trash bin, I remembered the scene I witnessed before.
“Anong ginagawa mo?” ang tanong ni Soju matapos niya kong mahuling nagtatago sa likod ng trash bin. Napaka-seryoso ng titig niya anupat nakaramdam ako ng kakaibang takot dahil dito.
“A-Ano k-kasi,” I blabbered. Ang totoo niyan wala ako sa sarili para makabuo ng matinong palusot.
“Kung may nasaksihan ka na hindi kaaya-aya, then you should forget it. Understand?” ang sabi niya sabay tumalikod at naunang pumasok sa boarding house.
Para sa isang babae, ang aksidenteng makitang hubo’t hubad ng limang lalaki ay talaga namang… NAKAKA-TRAUMA. “Sinusumpa ko, papatayin talaga kita!” ang ngawa ni Mil. Nakaupo ito sa ibabaw ng kama at umiiyak habang yakap-yakap ang mga tuhod. Hindi niya maiwasang maluha dahil sa pagkahiya at sa pagkawindang sa nangyari kanina lamang. Totoo na hindi naman talaga si Greypi ang bukod tanging may kasalanan sa nangyari. Sariling kapabayaan ni Mil na madulas at mahubadan ng bukod tanging suot na tuwalya. Ngunit, hindi parin maiwasan ni Mil na isisi ang lahat sa kaniya anupat mas lalong lumala ang pagkapoot niya rito. Sa kabilang banda naman, si Greypi ay nakahiga sa kama at nakatalukbong. Pilit niyang tinatanggal sa isipan ang kagulat gulat na tanawing nasaksihan kanina lamang. Siya kasi
Vince’s POV Nang makauwi ako ng boarding house, pansamantala akong napaisip kung boarding house ba talaga ang napuntahan ko o theater club room. Nakita ko kasing naka-piluka si Kim at Orij ng buhok na pang-babae, naka-make up at nakadamit na pangbabae. Sa sobrang gulat, muntik-muntikan ko na sila mabato ng cellphone na hawak ko. “Anong kagag*han ‘to?” takang-taka kong tanong habang nakatulala sa likuran ng pinto. “Hi Vince! Magkukunwarian kaming babae ni Kim. Ang ganda ba namin?” Nagpa-pungay ng mata si Orij at nginuso nguso ang labi na may pulang lipstick. Tahasan akong umiling syempre. “Hindi. Mukha kayong kabayong dinamitan. Malayo pa ang Halloween ha. Anong trip niyo?”
Ang gabi kung kailan nagkunwaring mga babae sila Orij at Kim ay waring napakahaba, anupat ang kakaibang katahimikan sa loob ng boarding house kinaumagahan ay nagmistulang kakatwa o hindi normal. “May pasok ka Kim? Holliday diba?” Tanong ni Mil kay Kim na parang nagmamadali. Pagkababa kasi niya ng hagdanan ay nakita niya si Kim na balisang balisa. “Kailangan kong isauli ‘yung mga piluka na hinaram ko sa club namin,” sagot ni Kim. “May paggagamitan ‘ata sila.” Dahil si Mil ang dahilan kung bakit kinailangan ni Kim na humiram ng mga piluka, ay nagprisenta ito ng tulong. “Samahan kita!” Ngunit tumanggi si Kim. “No need. Magpahinga ka nalang. Isa pa, kapag sinama kita, iaangkas pa kita sa bike at mabibigatan ako.&rdq
Alas-onse na ng gabi ng magising si Mil dahil sa pagkatuyot ng lalamunan. Kahit pa inaantok ay pinilit niya ang sarili na bumangon at tumungo papunta sa kusina. Subalit sa pagtatapos ng kaniyang hakbang pababa ng hagdanan ay sakto namang pagpasok ni Soju sa boarding house. “Oh? Mil. Gising ka pa pala?” bati ni Soju na lango sa alak. Agad na napansin ni Mil base sa kilos, pananalita at amoy nito na siya ay lasing. Kaya nagmadali sana siyang tatakbo pabalik ng kwarto. Alam niya kasi na sa limang lalaki, si Soju ang pinaka-delikado. Ngunit napatigil siya sa sumunod na narinig. “Bakit sa mga ganitong panahon, ikaw ang una kong nakikita?” reklamo ni Soju na kasalukuyang umiiyak. Dahan-dahang lumingon si Mil tungo sa kaniyang magandang mukha at sa patak ng luha na walang hinto sa
Mil’s POV Tahimik ang boarding house nang makauwi ako. Ang alam ko hindi pumasok sila Orij at Soju kaya’t ang madatnan ang tahimik na bahay ay nangangahulugang masama nga ang pakiramdam ng dalawa. I went to the kitchen and drink water. Napatingin ako sa wall clock at naisip ang tatlo na hindi pa umuuwi: si Kim, Vince at si Mr. Period. Then I remembered that thing happened this morning. “Bakit kaya biglang bumait sakin si Mr. Period?” pagbubuntong hininga ko. “Si Vince naman, napaka-misteryoso parin niya para sakin. I can’t read his mind.” Noong una, iniisip ko na baka napagtripan lang ako ng da
"Sandali lang!" sigaw ni Vince bago buksan ang pinto ng kaniyang kwarto. Pagkabukas ay nakangiti si Kim at nahalata niyang may hihingin itong pabor. But still, he asked, "Anong kailangan mo?" Itinaas ni Kim ang dala-dalang sabon, shampoo, short, brief, t-shirt at tuwalya. Pagkatapos ay nakangiti niyang sinabi na, " Vince, sira kasi 'yong shower ko. Pwede bang makiligo?" "Sure," ang maikling pag-sang ayon ni Vince kasabay ng paghakbang patalikod. Tuwang tuwa si Kim na pumasok sa loob ng kwarto niya habang patuloy na nagpapasalamat. "Salamat! Aayusin ko ang paggamit!" Then he went inside the bathroom. Ilang beses na
“Vince, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina?” reklamo ng wedding coordinator kay Vince na kasalukuyan namang tsine-check ang gagamiting piano. “Nag-da-drive ako kanina. Nasan si Mich?” sagot nito na may karagdagang tanong.Natataranta siyang tinugon ng boss niya na halos umabot na ang stress level sa tuktok ng bundok. “Iyon na nga Vince,” she said while gritting her teeth. “Nagkaroon siya ng minor injury dahil sa car accident habang papunta rito. I kept on calling you kanina. Anong gagawin natin? Malapit ng magsimula ang kasal.” Matapos marinig ang problema, ‘di sinasadyang napalingon si Vince kay Mil. Nakaupo ito sa malayo at binibigyan siya ng malaking ngiti. “Kaya mo ‘yan Vince!&
Greypi’s POV Sinundan ko sila dahil wala akong tiwala sa Vince na ‘yon. Kaso, nagkaroon ako ng problema nang makarating sa tapat ng wedding reception. “Wala kang invitation kaya hindi ka pwedeng pumasok sir.” Tinitigan ko ng masama ang security guard na ilang beses kong sinubukang malagpasan. Kainis! “N-Naiwan ko ang invitation sa bahay,” palusot ko at aakmang papasok subalit hinarangan niya kong muli. This sh*t. “Hindi nga po p’wede sir. Bakit ba ang kulit niyo?”Paano kaya ako makakalagpas sa matabang guwardiya na ‘to? “Greypi?” Someone called me from behind. Paglingon ko ay nakita ko si tito Ruben, who is my mom’s cousin. “ Bihira k