Share

Chapter 24

Noella’s Point of View

Napapikit ako sa takot habang yakap ko ang katawan ni Diego sa malalakas na putok ng barilan at napasigaw muli ako nang may humawak sa braso ko saka nagpapalag.

“Noella, si Draco ito huwag kang matakot!” sigaw sa akin nang humawak sa braso ko.

Mabilis akong nagmulat ng mga mata at nakita ko nga si Draco pero hindi siya nag-iisa dahil nandoon si Kaan at ang iba pa nilang kaibigan na may mga hawak na baril.

“Nandito na kayo!” bulalas ko.

“Patay na ang mga kalaban kaya umalis na tayo rito,” sabat ni Kaan.

“May sugat si Diego galing sa tama ng bala at mukhang malala ang lagay niya kaya kailangan natin siyang dalhin sa Ospital!” sabi ko nang maalala ang kalagyan ni Diego at nang tignan ko ang binata ay wala na siyang malay.

“Kaan, kunin mo na si Noella at kami nang bahala kay Diego,” utos ni Jiro.

Lumapit si Kaan sa akin saka hinila ang braso ko paalalay patayo at doon tumambad sa akin ang ilang katawan na nakahiga sa semento na puno ng dugo at mukhang wala ng mga bu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status