Noella’s Point of ViewHindi ko na alintana ang bigat ni Diego dahil sa takot sa mga humahabol sa amin na gustong patayin si Diego. Nasa labas na ako ng Ospital at sasakay na ng taxi nang may sasakyan na kasunod ng taxi sanang sasakyan ko at may mga malalaking lalake na lumabas doon.Naghinala na ako kaagad na maaaring kalaban iyon dahil nahagip ng mga mata ko ang baril na inayos sa likod ng isang naglalakad palapit sa Ospital pero hindi ko na inintindi dahil naisip ko na hahayaan ko na ngang mamatay si Diego at may nauna na ngang taong tatapos sa buhay niya pero biglang nakaramdam ako ng konsensiya.Umandar na ang taxi pero pinahinto ko pa at mabilis na lumabas sa sasakyan saka tumakbong pumasok sa Ospital. Sumakay ng elevator ang mga lalaking nakita niyang armado kaya sa hagdanan na ako dumiretso at mabilis na tumakbo. Mabuti na lang talaga ay naka-rubber shoes, jeans at blouse ako ngayon dahil kung hindi ay hindi ko magagawang tumakbo ng mabilis.Sanay ako sa mabilisang kilos at p
Noella’s Point of View“Bakit ka nga pala marunong humawak ng baril at napansin kong asintado ka kung bumaril nang gabing iyon unang na-ambush tayo?” usisa ni Diego sa akin habang sabay kaming kumakain sa kwarto na inoukopa ko sa bahay ni Draco.Sinabayan akong kumain ni Diego at siya pa mismo ang pumunta rito para lang magsabay kaming kumain. Nakikita kong nagbago ang pakikitungo niya sa akin simula nang iligtas ko siya sa pangalawang beses at kahit may sugat siya at may saklay ay pumupunta siya sa kwarto ko para lang kumustahin ang kalagayan ko at sabayan akong kumain.Dalawang-araw na rin ang nakakalipas ng pamamalagi namin sa bahay ni Draco at ngayon lang din niya natanong ang galing kong humawak ng baril at pagiging asintado ko.“Tinuruan ako ni Papa bata pa lang ako. Dahil haciendera ako ay kailangan kong matutong humawak ng baril para sa sariling kaligtasan at sinasama rin ako ni Papa na mag-hunt ng mga hayop sa mga kagubatan at iyon ang nagiging bonding namin ni Papa mula noon
Noella’s Point of ViewSobrang excited na ako dahil matapos ang isang buwan na pamamalagi sa bahay ni Draco para magtago sa mga taong gustong pumatay kay Diego at magpagaling sa mga sugat na natamo namin sa pang-ambush sa amin ay napagdesisyunan na ni Diego na magpunta na kami ng Negros Occidental.Makikita ko nang muli si Maya at ang Tita at Tito ko at may pagkakataon pang makauwi ako sa hacienda namin na ang sabi ni Maya ay nabawi na ni Mama. Kahit paano ay masaya akong hindi talaga nawala sa pamilya namin ang hacienda dahil binawi pala iyon ni Mama matapos niya akong ibenta sa Slave Market.Naisip ko tuloy bigla si Mama, ano kayang magiging reaksiyon niya kapag nakita akong muli? Makokonsensiya kaya siya at hihingi ng tawad sa akin dahil sa pagsira niya sa buhay ko?Hindi ko alam kung mapapatawad ko si Mama kung sakaling humingi siya ng tawad sa akin dahil matindi ang pinagdaanan ko noon pa lang nasa Slave Market ako at nang mabili ako ni Diego. Nagpapasalamat ako na hindi kasingti
Noella’s Point of ViewMatapos naming kumain ni Diego at seryosong nakapag-usap ay pinagpahinga na muna ako ni Diego sa kwarto ko kaya nagpunta ako sa kwarto ko at sinubukang magpahinga pero dahil mabilis naman ang biyahe namin kanina ay hindi rin naman ako napagod kaya hindi rin ako dalawin ng antok ngayong tanghali. Naisipan ko na lang lumabas ng kwarto at sakto namang papalabas din ng kwarto niya si Diego na nakasuot ng simpleng T-shirt, jeans na pantalon at naka-rubber shoes na puti.“May pupuntahan ka, Diego?” hindi napigilan kong tanong sa kaniya na ikinalingon niya sa akin.Hindi kaagad sumagot si Diego kaya parang natuhan ako dahil sa pagtatanong ko kay Diego.“Pasensiya na. Hindi dapat ako nagtatanong sa’yo nang ganoon,” nahihiyang sabi ko kay Diego.“Nagulat lang din ako na tinatanong mo na ako ngayon kung may pupuntahan ba ako,” nakangiting tugon ni Diego. “Pero masarap pala sa pakiramdam na may nagtatanong nang ganoon sa akin. Hindi ko kasi nakasanayan dahil matagal na ako
Diego’s Point of ViewSa tuwing dumadalaw ako sa bahay ampunan at nakakasama ang mga batang ulila pati na rin ang mga madre na itinuring kong mga magulang noon dito sa ampunan, ay talagang sumasaya ako at nakakalimutan ko ang pagkatao ko ngayon, na isa akong miyembre ng malaking Mafia organization, pumapatay ng tao at may illegal na negosyo. I feel like I am back in my childhood, living happily with my fellow orphaned children then and the only ones taking care of us are the nuns and volunteer workers with whom we also spend time.I am an innocent child whose only dream is to finish school and grow up simple, and my plan when I grow up is also to work in the orphanage as a volunteer worker. Pero hindi natupad ang simpleng pangarap kong iyon kundi ay naampon pa ako at nagkaroon nang marangyang buhay kaya lang hindi naman ako lubusan naging masaya dahil dala-dala ko noon ang kalungkutan sa pagkawala ng ilan sa mga mahal ko sa buhay dahil sa sunog at nahiwalay pa ako sa ibang madre dahil
Noella’s Point of ViewHindi inaasahan nina Tita, Tito at Maya ang pagdalaw ko sa bahay nila. Hindi ko kasi sila sinabihana kaya ngayon ay talagang nagulat sila sa pagdating ko sa bahay nila at bakas iyon sa mga mukha nila ngayon habang nakatingin sa akin.“Noella,” sabi ni Tita saka mabilis na lumakad palapit sa akin at yumakap. “Mabuti at bumalik ka rito sa Negros at dinalaw mo kami,” masayang sabi na ni Tita dahilan para hindi ko mapigilan ang mga luha ko at tuluyan na akong napaiyak habang yakap ko si Tita.“S-sorry po,” umiiyak na tugon ko. “Basta na lang akong umalis at hindi maayos na nagpaalam sa inyo. Idinaan ko lang sa tawag na alam ko namang nag-aalala kayo sa akin,” paliwanag ko.Kahit gusto kong sabihin ang lahat ng pinagdaanan ko at kung bakit ako bigla na lang nawala sa probinsiya ay pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi makakabuti na malaman nila ang buong katotohanan. Kailangan kong ingatan ang mga kamag-anak ko na labis na nag-aalala sa akin.“Mabuti naman alam mo i
Noella’s Point of ViewHindi ko akalain na darating ngayon si Mateo at nagulat lalo ako nang sabik mula sa bosses niya ang narinig ko nang makita na nandito ako at binigyan ako nang mainit na yakap ngayon na dahilan para makadama ako ng tuwa. Akala ko kasi galit pa rin si Mateo sa akin dahil sa huli naming pagkikita ay hindi naging maganda ang pagtatapos ng usapan namin noon at sinabi niya na na-disappoint siya sa akin dahil selfish ako saka kitang-kita sa mukha niya noon na talagang na-disappoint siya sa akin.“Mabuti na lang at pumunta ako rito para kausapin si Maya. Nandito ka pala, Noella,” sabi ni Mateo sa akin habang magkayakap pa rin kami.“Excuse me,” sabat ni Diego saka naramdaman kong hinila ni Diego ang braso ko palayo kay Mateo. “Masiyado nang matagal ang pagyayakapan niyo ng girlfriend ko,” sabi pa niya dahilan para mapatingin ako kay Diego.Seryoso ang mukha niya na nakatingin kay Mateo. Si Mateo naman ay napatingin din kay Diego at biglang naging seryoso rin habang nak
Noella’s Point of ViewHindi ko alam pero kinakabahan ako sa pagtanggap ni Diego sa pagyaya ni Mateo na mag-hunt sila ngayong araw at dahil din sa kabang nararamdaman ko ay sumama na rin ako at kasama namin si Tito pati si Maya. Dahil hindi marunong si Maya humawak ng baril at mag-hunt ng hayop gubat. Hindi na tinuruan pa ni Tito dahil mas mahalaga sa magulang ni Maya ang pag-aaral niya lalo pa at talagang matalino ang pinsan ko.“Mag-aantay na lang ako rito habang nagha-hunt kayo. Sana may mahuli kayong baboy-ramo na miihaw rin natin,” nakangiting sabi ni Maya. “Mag-iingat din kayo,” bilin pa niya sa amin.Nagtayo kami ng tent malapit sa ilog at may reclining chair din kung saan nakaupo si Maya. Kami namang magha-hunt ay nakasuot na ng hunting gear at may hawak ng baril na pang-hunt.“Tara na, nang makarami,” aya ni Mateo.Napatingin ako kay Diego na abalang inaayos ang suot na damit at nilalagay ang mga gamit pang-hunt sa katawan niya. Nilapitan ko si Diego saka inayos ang damit niy