Share

Chapter 1

New

Mira's POV

"You need to get inside the house and get the file containing the important data" paliwanag ni Sofia.

She's currently the top secret agent here in our corporation. Madami na s'yang natapos na misyon na hindi kayang tapusin ng ibang agent. S'ya ang pinapadala sa mga mission na delikado. She's beautiful inside and out. She's friendly outside the corporation but when it comes to work, she's focus.

Hinahangaan ko si Sofia dahil s'ya ang pinaka magaling na agent saamin. Baguhan palang ako dito sa corporation. It took me 2 years to finished the trainings. Dugo at pawis ang inalay ko para makapagpatuloy sa pagiging agent.

Sa edad na 15 ay nakitaan ako ng potensyal ng isang pulis para maging secret agent. Sa murang edad ay nagagawa kong mang hacked nang system at makapag isip ng technique sa ilang sigundo lamang.

Until they caught me. Hindi nila ako pwede ikulong because I'm a minor. Pinag-aralan nila ang lahat ng ginawa kong illegal at nakitaan nila ako ng potensyal. Doon nila ako pinasok para mag training dito sa Secret Agent Corporation or SAC.

Hindi agad ako nakapagsimula mag training dahil hinintay muna nila akong mag 18. I don't know why but maybe It's part of their law.

Now, I'm 21 years old and currently ranked 357 among all 750 agents. Siguro naman ay masasabi ko na mabilis akong nakaparango. Ilang buwan pa lamang akong ganap na agent but I already accomplished 100 plus missions.

Dito sa SAC ay walang babae at lalaki. We are all equal. Kada buwan ay nagbabago kami ng team. Kada month ay makikita ang rank mo sa SAC. Each team has 5-6 members. Minsan ay mas lamang ang babae pero madalas ay mas lamang ang bilang ng mga lalaki.

"Get ready!" sigaw nang aming team leader na si Trevor. He's currently ranked 95. S'ya ang may pinakamataas na rank sa team namin.

Agad kaming naghanda para sa gagawin naming mission. I'm assigned to hack the security ng buong bahay na papasukin namin kaya hinahanda kona ang mga kakailanganin ko. Naghahanda narin ang mga kasamahan ko.

"Are you ready?" tanong ni Raven. He's currently ranked 182. He's my very close friend here.

Ngumiti ako sakanya bago inayos ang sintas ng sapatos ko. Tinapik n'ya naman ang likod ko bago naglakad papunta sa labas ng room. Sa SAH or Secret Agent Headquarters ay may assigned kaming room for each team. Nandito ang lahat ng pwede naming gamitin na bagay sa aming mission.

"Drink this" rinig kong sabi ni Raven.

Tumingala ako sakanya pagkatapos kong ayusin ang bag ko. Inabot n'ya saakin ang isang baso ng kape. Nakangiti ko naman iyong tinanggap. Umupo s'ya sa tabi ko at sabay kaming uminom sa tasa.

"Bawal antukin" pang-aasar n'ya.

Tumawa naman ako at tatango-tango sa sinabi n'ya bago uminom ulit ng kape. Pinapanood namin ang aming kasamahan sa paghahanda. Nakahanda na ang mga weapons, kung sakali lang na magkaroon ng abirya. Nakasuot na rin kami ng Earpiece for communication.

Sa van lang ako dahil doon ko lang gagawin ang trabaho ko. Habang ang mga ka team ko ay lilibot na sa bahay upang pumasok at maging look out. Si Cassie ang bahala sa pagkuha ng files sa isang computer sa loob ng bahay.

That file is so important. It contains so many evidences and other data na magtuturo sa mga tao na nasa likod ng mga illegal na gawain sa lugar na ito. Ang bahay na papasukin namin ay nakapangalan sa isang Business man na Chinese na nagmamay-a*i ng napakaraming hotel and casino sa bansa.

He has questionable background dahil tauhan ata s'ya dati ng isang napakayaman na Filipino na nagmamay-a*i ng napakaraming business at isa sa namumuno sa illegal na organizations. Ilang buwan ng minamatyagan ang business man na iyon and now, we're making our move to caught him.

"Hey, Mira! San ka pagtapos nito?" tanong ni Cassie, currently ranked 360. She's also my close friend aside Raven.

Napaisip naman ako sa tanong n'ya. Saan ba ako tutuloy? siguro ay sa condo nalang ako magpapalipas ng gabi at magpapahinga pagkatapos nang mission na ito. Wala na naman akong ibang lugar na pupuntahan maliban doon.

"Condo?" patanong kong sabi.

Napailing-iling naman si Raven at Cassie sa harap ko. Tila tutol sa desisyon ko ngayong gabi. Okay, fine! mukhang may balak nanaman ang dalawang ito! Last time ay sinama nila ako sa isang club! Hindi ako nasiyahan dahil ginawa lang nila akong body guard!

Naturang mga agents pero kapag nakainom ay walang magawa! Ang ending ay ako ang napapaaway dahil sa mga taong lasing na din at feeling malakas.

"Samahan mo nalang ako, Mira! Punta tayo sa mall at mamasyal para naman maging mukhang fresh at hindi halata ang eyebags! Ikaw, Raven? Sama ka?" masayang sabi ni Cassie.

Natatawa naman akong napatingin kay Raven na animong nag-iisip pa kaya nakatanggap s'ya ng matalim na tingin ni Cassie. Natatawa naman ako habang pinapanood silang dalawa.

"Okay, Sasama ako! how about you, Mira?" si Raven

Sasama nga ba ako? Hindi ako mahilig sa mall dahil nasanay na akong ginugugol ang oras sa pagpapahinga at pagtulog dahil iyon ang laging kinukulang saakin. Marami na din naman akong pera dahil sa laki ng binibigay ng SAC saamin. So I guess, hindi naman masama na sumama? Baka nga kailangan ko na din mag muni-muni.

"Sige, sama ako" sagot ko na nagpatili kay Cassie.

Tinignan naman s'ya nang seryoso ni Trevor kaya bigla s'yang nanahimik. Narinig ko naman ang impit na tawa ni Raven sa aking tabi kaya inambahan nanaman s'ya ni Cassie ng batok.

Naghantay kami ng tamang oras para umalis. Hinihintay namin ang tawag ng isang ka team namin kung clear na ba sa paligid ng bahay at pwede na kaming pumunta.

"Let's go" anunsyo ni Kiro, currently ranked 167.

Nagsitayuan na kami at kanya-kanya nang bit-bit na gamit. Sumakay na kami sa platform na pababa sa sarili naming garage kung saan naghihintay ang aming magiging driver na si Thomas, currently ranked 200.

pumasok kami sa van para makaalis na. Sa loob ng van ay ni remind kami ni Trevor sa mga bagay na kailangan naming gawin. We have to be careful. Kailangan ay hindi kami mahalata na papasok sa bahay na iyon.

Habang nasa byahe ay inaayos kona ang Laptop na gagamitin ko. Kailangan ay maayos ang Laptop dahil baka mamali ako nang ma hacked ay malalagot ako. Tinignan ko ang lahat ng mga kakailanganin ko kung kumpleto na ba.

Napabuntong hininga naman ako nang makitang kumpleto naman ang lahat ng gagamitin. Unti-unting huminto ang van 'di kalayuan sa mismong gate ng bahay. Nasa kabilang kalsada kami para hindi kami mahalata. Tinted ang aming balck na van at nakahalo sa iba pang kotseng nakaparada.

"Let's go" si Trevor.

Isa-isa silang bumaba ng van at tanging kami lang ni Thomas ang natira sa loob. Dali-dali kong sinet-up ang aking computer para sa aking gagawin. Nilapag ko ang laptop ko sa aking harap at sinimulang magtipa ng kung ano.

Sinimulan kong hanapin ang system ng kanilang CCTV. Hinanap ko ang lahat ng possible na CCTV at napabuntong hininga ako nang mapagtanto na na hacked ko ang 57 CCTV sa buong bahay.

Hinintay kong mag 100% ang pag d******d. Napangiti ako nang m****a na tapos na ito. Sinimulan ko naman ngayon ang sa security sa gate. Nagtip ako ng kung ano-ano at napangiti ulit nang matapos iyon agad.

"Clear" sabi ko sa Earpiece.

"You're really good with that, huh?" rinig kong puri ni Thomas na may hawak na telescope.

Napangiti naman ako dahil doon pero agad kong binalik ang aking atensyon sa laptop nang makita mula sa CCTV na nagsimula nang maglakad si Raven papunta sa kanyang pwesto malapit sa pool sa likod.

Nakita ko din si Cassie na dahan-dahan na naglalakad para makaakyat sa terrace ng isa sa kwarto. Si Trevor at ang iba ay naka posisyon lang at nag mamatyag sa labas. Sinundan ko ng tingin si Cassie mula sa CCTV.

Nakita ko s'yang makapasok sa isa sa mga kwarto doon. Agad akong nagtipa para ma hacked ang pintuan at makalabas s'ya sa mismong hallway. Ngayon ay wala dito ang may-a*i ng bahay kaya tanging mga body guards lamang ang nandoon at nagbabantay.

"Thank you, Mira" mahinang sabi ni Cassie mula sa Earpiece.

Sinundan ko lamang ang galaw ni Cassie mula sa CCTV. Hina hacked ko ang anumang dadaanan n'ya na kailangan ng password. Ganon lamang kadali iyon saakin.

"Cassie, on your back" bulong ko sakanya.

Dahil sa sinabi ko ay dali-dali s'yang nagtago sa isang pader para hindi s'ya mahuli ng guard na nasa kanyang likudan. Chineck ko ang ibang CCTV at nakita ko na wala na naman gaanong naglilibot sa part na iyon.

"Shit" rinig kong sabi ni Cassie.

Dali-dali kong binalik ang panonood sa kanyang pwesto at umapaw ang kaba ko nang makitang nadanggi n'ya ang isang paso at muntikan ng malaglag! Hawak-hawak n'ya na ito ngayon at dahan-dahan na ibinababa sa dati nitong lalagyan.

"Be careful, Cassie" si Trevor

"I will. I'm sorry" bulong ni Cassie.

Nagpatuloy s'ya sa paglalakad. Mas dahan-dahan na ngayon at mas tahimik. Sinulan n'yang maglakad papunta sa kwarto na kailangan namin pasukin. Nagtipa ako sa laptop nang mga kailangan kong gawin para ma hack ang huling security.

Ang hirap!

"Mira?" kabadong boses ni Cassie mula sa Earpiece.

Sinimulan ko ulit magtipa nang kung ano sa laptop para ma hack ang security pero hindi pa rin gumagana. Nakita ko ang kabadong tingin saakin ni Thomas ngunit hindi kona iyon pinansin pa.

Sinimulan ko ulit ang pag tipa pero hindi ko parin ma hack! Shit! Anong nangyayari!? Gosh, Mira! ngayon pa!

"Mira, is there a problem?" boses na ngayon ni Trevor kaya ako lalong kinabahan.

Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"M-medyo nahihirapan lang sa huling security" kabado kong sabi.

Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Sinilip ko ang CCTV kung nasaan si Cassie at tinignan ito nang mabuti. Tinignan ko ang pintuan na kailangan kong buksan. Sa tabi non ay si Cassie na kabado na sa tagal kong ma hack ang pinto.

"Got you!" sabi ko bago pinindot ang enter kasabay nang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Cassie sa loob. Nakahinga naman ako nang maluwag pagkatapos non.

Akala ko ay mahuhuli na kami! Gosh, Mira! Buti na lamang at tinignan ko ang pinto at napansin na may kakaibang ilaw doon. Kaya pala ako nagkakamali ay dahil mali ang mga nilalagay ko para ma hacked iyon!

Dali-daling pumunta si Cassie sa computer at isinalpak ang USB. Habang may ginagawa si Cassie doon ay nilibot ko ulit ang ibang CCTV. Nakita ko ang isang guard na papunta sa pool side kung nasaan si Raven.

"Raven, watch out" sabi ko.

Pinanood ko si Raven na mabilis na tumakbo at nagtago sa mga halaman nang paparating na ang mga guard sa pwesto n'ya. Dahil na din sa madilim na ngayon ay hindi s'ya nakita ng guard na dumaan.

"Cassie, what happened?" si Trevor mula sa Earpiece.

Ibinalik ko ang CCTV sa kinaroroonan ni Cassie at nakita ko doon na may guard na tinutukan s'ya nang baril sa ulo mula sa likod. Naalerto kami nang dahil doon.

Oh no! We need to do something!

Tinignan ko nang maigi ang kinaroroonan ni Cassie at mga CCTV malapit sa kwartong iyon. "Clear" sabi ko kila Trevor.

Nakita ko si Luca na umakyat sa bintana kung nasaan ang kwarto. Nakabantay sa baba n'ya si Trevor para maging look out sa kung sino man ang pwedeng dumating. Ibinalik ko ang CCTV kay Cassie at nakita kong ganon parin ang pwesto.

Napansin ko ang computer at nakitang na copy na ang files na kailangan namin. Ibinalik ko kay Raven ang CCTV at nakitang naglalakad na s'ya papunta din sa kung nasaan sila Trevor.

"In 3..." rinig kong bilang ni Cassie

Nakatalikod parin s'ya sa guard na tinutukan s'ya ng baril sa ulo. Pinapanood ko lang ang nangyayari nang biglang umandar ang sasakyan namin. Napatingin ako kay Thomas na nginitian lang ako.

Huminto kami sa gilid nang bahay kung nasaan banda sila Trevor. Binalik ko ang paningin ko sa CCTV at nakita ang nakangising si Cassie.

"2...1.." mahina n'yang sabi.

"Now"

Pagkasabi n'ya non ay umikot s'ya at hinawakan ang braso ng guard na may baril. Tinuhod n'ya iyon kaya agad na nabitawan ng guard. Sinipa n'ya ito sa tuhod na nakapagpaluhod dito. Inikot ni Cassie ang braso nito palikod bago n'ya pinukpok ang batok gamit ang baril.

Nice one!

Nang mapatulog n'ya ang guard ay kinuha n'ya na ang USB at sinaksakan ang guard sa leeg ng lason na papatay dito nang ilang segundo lamang. Binuksan ni Cassie ang bintana kung nasaan sila Trevor at nagtulungan silang lahat para makababa.

"May paparating! hurry!" sabi ko habang nagmamadali silang bumaba at umakyat ng bakod na sobrang taas.

Agad kong binuksan ang van nang makababa na si Luca at sumunod si Raven, Cassie at Trevor. Agad kong sinara ang pinto at mabilis na pinatakbo ni Thomas ang van paalis nang lugar na iyon.

"Mahilig ka talaga mambatok!" pang-aasar ni Raven kay Cassie habang medyo hinihingal pa.

Natatawa naman si Cassie sa ginawa n'ya at ganon din ako. Kita ko ang hingal nila dahil sa mabilisan nilang pagtakbo palabas. Napatingin kami kay Trevor na may kausap sa phone. Natahimik kaming lahat nang ibaba n'ya ito at igala ang tingin saamin.

"Mission Accomplished"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status