LOGIN
Sa mismong araw na nakunan si Amara, sa halip na samahan siya ng asawa niyang si Leandro sa pagdadalamhati ay abala pa ito sa pagsalubong sa babaeng matagal na nitong minamahal na kauuwi lang ng bansa.
Tahimik na nakaupo si Amara sa loob ng ospital habang hinihintay ang resulta ng lab results nang dumating ang doktor ay walang emosyon ang boses nitong nagsalita. "Misis dahil sa nangyari nagkaroon ng malaking problema sa ovary mo at ikinalulungkot kong sabihin na wala na ang baby mo, pero posible ka pang magkaanak in the future pero napakaliit na ng chance.” Parang nabingi si Amara sa narinig, tatlong taon siyang naghintay bago mabuntis at ngayong dalawang buwan na ang sanggol na nasa sunapupunan niya saka ito nawala sa isang iglap. Kung hindi sana siya nawalan ng balanse at hindi bumagsak sa sahig hindi ay hindi sana siya nakunan. "Misis?" muling tawag ng doktor sa kanya. Huminga ng malalim si Amara bago pilit na ngumiti. "Naiintindihan ko po. Maraming salamat, Dok." Ayaw na niyang makita pa ng ibang tao ang kahinaan niya, tahimik siyang tumayo at lumabas ng silid. Sa daan palabas ay dinig niya ang pag-uusap ng dalawang nurse. "Bakit hindi niya kasama ang asawa niya? Nakunan siya pero ni hindi man lang ito dumating.” Dinig niya bulong ng isang nurse. "Huwag ka ng magtaka, bago pa man alisin kanina ang sanggol sa sinapupunan niya ay panay ang tawag niya sa asawa niya pero hindi siya sinasagot ni hindi lang nagpunta." Dugtong pa ng isang nurse na kasama nito. Pinili na lamang ni Amara ang umalis dahil isang malaking sampal lamang iyon sa kanya. Nang tawagan niya ito kanina ay mas nasaktan lang siya sa narinig na sinabi nito. "Wala na ang baby natin, ano pa bang iniiyak mo? Busy ako ngayon kaya huwag mo akong istorbohin.” Tanging sinabi nito at basta na lang siyang pinatayan ng tawag. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ay ganoon na ang ugali ni Leandro ngunit umaasa pa rin si Amara na balang araw ay mamahalin din siya nito ngunit ngayon, tuluyan na siyang nagising sa katotohanan. Iniligtas niya noon ang buhay ng lolo ni Leandro at bilang pasasalamat nito ay ipinagkasundo ng matanda ang kasal nilang dalawa kung hindi dahil doon, hinding-hindi siya matatali kay Leandro. Umpisa pa lang ay malinaw ng labag sa loob ni Leandro ang kasal nila kaya ngayong nakabalik na ang babaeng tunay nitong mahal mula noon ay wala na siyang dahilan para manatili pa. Habang palabas ng ospital ay tumunog ang kanyang cellphone, nang tignan niya ay mula iyon kay Marco, ang matalik na kaibigan ni Leandro. Isa iyong video at pagkabukas niya nito ay bumungad ang napakalaking bouquet ng pulang rosas, kasunod nitong lumitaw ay si Leandro at sa tabi nito ay ang babaeng matagal na niyang kinatatakutan na muling bumalik, si Samantha. Nanikip ang dibdib ni Amara, parang may matalim na bagay na unti-unting tumarak sa kanyang puso. Dinig niya ang tawanan ng mga taong nasa video. "Samantha! Alam ni Leandro na ngayong araw ang balik mo kaya pinaghandaan niya talaga!” "Yakapin mo naman siya!" Tudyo ng isa sa mga kasama nila. "Yakap lang? Halikan mo na!" Pilyong singit ni Marco. Nahihiya namang ngumiti si Samantha. "Ano? Hindi na, nakakahiya naman." Ngunit bago pa ito makaiwas, kusa na itong niyakap ni Leandro bago mahina ngunit puno ng lambing ang boses itong nagsalita. "Welcome home." At doon na natapos ang video. At ilang segundo lang ay muling nag-text si Marco. "Pasensya na, maling tao pala ang napagsendan ko." Ito pala ang dahilan kung bakit hindi siya masamahan ni Leandro sa ospital. Habang siya ay nagluluksa sa pagkawala ng anak ito naman ay abala sa pagsalubong sa babaeng tunay nitong mahal. Panahon na siguro para bitawan ang isang pag-ibig na kailanman ay hindi naging para sa kanya. Pagkauwi niya sa mansiyon ay tahimik niyang inilabas ang isang maleta at sa loob lang ng tatlumpung minuto ay tapos na siyang mag-empake. Ang gagawin na lamang niya ay hintayin ang pag-uwi ng kanyang asawa. Alas-dos na ng madaling-araw nang bumukas ang pintuan, pagpasok ni Leandro, nagtama ang kanilang mga mata. Hindi na ito nagulat dahil sanay na itong madatnan siyang naghihintay gabi-gabi. "Katatapos mo lang makunan, bakit hindi ka pa nagpapahinga?" malamig na boses nitong tanong. "Hinihintay kita." Seryoso ding sagot ni Amara. Nang makalapit ang lalaki sa gawi niya ay naamoy ni Amara ang matapang na alak at ang pabango ng ibang babae. Napatingin siya sa kuwelyo ng suoy nitong puting polo, agad niyang napansin na may bahid iyon ng lipstick maging sa leeg nito. Napatingin si Leandro sa maleta niya na nasa gilid saka ito nagtanong. "Nakita mo ang video na sinend ni Marco?" "Oo." Tahimik na sagot ni Amara. "Kung gano’n ay maghiwalay na tayo. Alam mo namang mula pa noon na kung hindi lang umalis si Samantha, hinding-hindi kita papakasalan." Walang paawat nitong sabi sa kanya. Pagod na siyang masaktan kaya sanay na sanay na siya at parang balewala na ‘yon sa kanya. "Sige, pumapayag na ako.” Maikling sagot ni Amara dahilan para bahagyang matigilan si Leandro, hindi nito inaasahang ganoon lang siya kabilis na pumayag. "Napirmahan ko na rin ang divorce paper." Itinuro ni Amara ang mga dokumentong nasa mesa. Tatlong taon nang hinihintay ng papel na iyon ang pirma niya at ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na pirmahan iyon. Napakunot noo si Leandro, parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Nga pala ay mayroon akong inihandang sabaw para sa hangover mo, nasa kusina." Nakasanayan na niyang alagaan ang lalaki ngunit ni minsan, hindi siya nakarinig ng papuri mula rito. "Aalis na ako." Sabi niya at tahimik na hinila ang maleta. "Magpalipas ka muna rito ng gabi," sabi ni Leandro. "Hindi na, salamat na lang." Hindi na siya muling lumingon pa at tuluyang umalis. Pagkasara ng p***o ay tumunog ang cellphone ni Leandro, si Marco ang tumatawag. "Nakauwi ka na ba? Nabanggit ba ni Amara ang tungkol sa video, nakita niya?" "Oo." Tipid na sagot ni Leandro. "Ano'ng nangyari?" Usisa pang tanong ni Marco. "Nakipag-divorce siya." Simpleng sagot at tila balewalang sagot ni Leandro sa kaibigan. "Nakipag-divorce? Imposible ‘yan! Siya mismo? Akala ko ba kahit anong mangyari, hindi ka niyan iiwan." "Ako mismo ang nagsabi na maghiwalay na kami, pumayag naman agad siya." Natahimik si Marco at pagkatapos ay natawa. "Sigurado akong babalik din iyon bukas, hindi niya kayang mawala ka." Napatingin si Leandro sa nakasarang p***o, dinig niya ang makina ng sasakyang papalayo. "Bukas ng umaga paniguradong babalik din siya." Mariing sabi niya sa walang emosyong boses. Ngunit ang hindi niya alam ay iyon na pala ang huling pagkakataong makita niya si Amara bilang asawa.Tahimik na naglakad sina Lucien at Amara papunta sa clinic ng unibersidad. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Si Lucien naman ay sinabayan lang ang mabagal na paglalakad ni Amara, tila sinisigurong hindi ito muling mahihilo.Pagdating nila, agad silang sinalubong ng school nurse. "Anong nangyari sa kanya?" tanong nito."Nahilo lang siya," maikling sagot ni Lucien. Pinaupo si Amara habang kinukuhanan ng blood pressure. Makalipas ang ilang minuto, napailing ang nurse."Mababa ang blood pressure mo. Mukhang kulang ka rin sa pahinga. Kailan ka ba huling kumain nang maayos?"Napatingin si Amara sa sahig. "Kaninang tanghali pa."Napabuntong-hininga ang nurse. "Hindi puwedeng puro trabaho ang inuuna mo. Lalo na kung kagagaling mo lang sa miscarriage."Bahagyang nanigas si Lucien sa narinig.Hindi siya nagsalita, pero lalong tumigas ang ekspresyon niya.Pagkalabas ng nurse para kumuha ng gamot, saka lang siya tumingin kay Amara. "Bakit wala kang kasama noong naospital ka?"Nag-alinlangan s
Halos mag-iisang linggo na ang lumipas mula ng umalis si Amara sa mansiyon. Wala rin oitong tawag, text o kahit anong balita mula sa kanya ay wala at hindi ‘yon ang inaasahan ni Leandro.Akala niya ay gaya ng dati na lilipas lang ang galit ni Amara at babalik din ito para suyuin siya, ngunit habang tumatagal, lalo lamang siyang naiirita dahil wala pa rin ito. Tahimik siyang nakaupo sa opisina nang pumasok si Xavier. "Sir, dumating na po si Mr. Lucien." Imporma sa kanya ng assistant. Bahagyang napaintig panga si Leandro sa narinig. "Kadarating lang?""Oo, galing siyang Europe at dumiretso na daw siya rito matapos bumisita kay Don Alfonso."Tumango lamang si Leandro, ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas ang pinto. Pumasok ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng kulay abong suit, kalmado man ang mukha nito ngunit sapat na ang presensya nito para maramdaman ang awtoridad na bumabalot sa kanya, si Lucien ang nakatatandang kapatid ni Leandro.Hindi tulad ni Leandro na palaging p
Tahimik niyang pinagmasdan ang maputlang marka sa kaniyang palasingsingan, ang bakas ng singsing na hindi pa agad mawawala."Ang pangit tignan ng markang ito," mahina niyang sabi. "Mas mabuti kung mawala na agad ito.” Nang marinig iyon ni Angela ay agad niyang naunawaan na seryoso na talaga si Amara sa pagkakataong ito."Hindi ko man masasabing isandaang porsiyento akong naniniwala," sabi niya habang nakangisi, "pero mas maayos ang desisyon mo ngayon kaysa dati. Hindi ko lang talaga mapigilang asarin ka."Hindi na nagpaliwanag si Amara sa halup ay inalok na lang niya ito. "Halika na, libre ko ang pagkain."Hindi gumalaw si Angela, itinaas lang nito ang isang kilay at tumingin sa kanya. "Mahal ang oras ko, sabihin mo muna kung bakit mo ako pinuntahan bukod sa tinawagan mo ako nung nakaraan, titignan ko kung sulit bang samahan kitang kumain."Napahinto si Amara bago napabuntong hininga. "Gusto kong ipagpatuloy ang research paper na iniwan ko noon. Kailangan kong gamitin ang laboratory
Samantala pagpasok ni Leandro sa coffee shop ay agad siyang naging sentro ng atensyon. Nakasuot siya ng mamahaling itim na suit na lalong nagpatingkad sa kanyang matangkad at gwapong pustura. Maraming customer ang palihim na napapatingin sa kanya.Kasama niya ang isang lalaking nasa edad trenta na may maamong mukha na agad nakilala ni Amara si Dr. Adrian Cortez, isang kilalang propesor sa larangan ng Computer Science. Nabasa na niya noon sa isang technology forum na isa ito sa mga nangungunang magagaling tungkol sa artificial intelligence. Kasunod nila ang assistant at kaibigan ni Leandro na si Xavier, na may dalang ilang dokumento.Napayuko si Amara, ayaw na ayaw niyang magkita sila ni Leandro, lalo na pagkatapos ng nangyari kahapon. Ngunit kung aalis siya ngayon mas lalo lamang siyang mapapansin.Huminga siya nang malalim at nagdasal na sana ay hindi siya makita nito ngunit kabaligtaran ang nangyari, nagtagpo ang kanilang mga mata.Sandali lamang siyang tiningnan ni Leandro bago wal
Sigurado si Leandro na babalik din agad si Amara dahil sa tuwing pinag-uusapan nila ang tungkol sa divorce ay palagi lang itong umaalis ng ilang sandali ngunit bumabalik din upang suyuin siya.Kaya naniniwala siyang ganoon din ang mangyayari ngayon. Sa isip niya ay marahil emosyonal lang si Amara dahil sa pagkawala ng kanilang anak ngunit para kay Leandro, ang batang iyon ay isang aksidente lamang. Hindi niya kailanman ginusto ang pagbubuntis ni Amara, kaya wala siyang naramdamang lungkot ng malaman niyang nakunan ito.---Kasama ng divorce agreement ang bank card na naglalaman ng 50 milion pessos bilang settlement.Tahimik itong kinuha ni Amara, kung noon pa niya pinirmahan ang mga papeles, matagal na sana siyang nakalaya. Sa halip ay inubos niya ang tatlong taon sa pag-asang balang araw ay mamahalin din siya ng asawa.Ngayon ay natauhan na siya dahil panahon na para piliin naman niya ang sarili.…….Kinagabihan ay sumakay siya ng taxi papunta sa condominium na iniwan sa kanya ng kan
Sa mismong araw na nakunan si Amara, sa halip na samahan siya ng asawa niyang si Leandro sa pagdadalamhati ay abala pa ito sa pagsalubong sa babaeng matagal na nitong minamahal na kauuwi lang ng bansa. Tahimik na nakaupo si Amara sa loob ng ospital habang hinihintay ang resulta ng lab results nang dumating ang doktor ay walang emosyon ang boses nitong nagsalita. "Misis dahil sa nangyari nagkaroon ng malaking problema sa ovary mo at ikinalulungkot kong sabihin na wala na ang baby mo, pero posible ka pang magkaanak in the future pero napakaliit na ng chance.” Parang nabingi si Amara sa narinig, tatlong taon siyang naghintay bago mabuntis at ngayong dalawang buwan na ang sanggol na nasa sunapupunan niya saka ito nawala sa isang iglap.Kung hindi sana siya nawalan ng balanse at hindi bumagsak sa sahig hindi ay hindi sana siya nakunan. "Misis?" muling tawag ng doktor sa kanya.Huminga ng malalim si Amara bago pilit na ngumiti. "Naiintindihan ko po. Maraming salamat, Dok."Ayaw na niya







