Share

CHAPTER 4

Author: Bellianne
last update publish date: 2026-07-15 07:02:52

Tahimik niyang pinagmasdan ang maputlang marka sa kaniyang palasingsingan, ang bakas ng singsing na hindi pa agad mawawala.

"Ang pangit tignan ng markang ito," mahina niyang sabi. "Mas mabuti kung mawala na agad ito.”

Nang marinig iyon ni Angela ay agad niyang naunawaan na seryoso na talaga si Amara sa pagkakataong ito.

"Hindi ko man masasabing isandaang porsiyento akong naniniwala," sabi niya habang nakangisi, "pero mas maayos ang desisyon mo ngayon kaysa dati. Hindi ko lang talaga mapigilang asarin ka."

Hindi na nagpaliwanag si Amara sa halup ay inalok na lang niya ito. "Halika na, libre ko ang pagkain."

Hindi gumalaw si Angela, itinaas lang nito ang isang kilay at tumingin sa kanya. "Mahal ang oras ko, sabihin mo muna kung bakit mo ako pinuntahan bukod sa tinawagan mo ako nung nakaraan, titignan ko kung sulit bang samahan kitang kumain."

Napahinto si Amara bago napabuntong hininga. "Gusto kong ipagpatuloy ang research paper na iniwan ko noon. Kailangan kong gamitin ang laboratory mo para makakuha ng bagong data."

Mabilis na nagbabago ang industriya kaya kailangan niyang baguhin ang halos buong nilalaman ng dating research. Hindi niya iyon masabi sa telepono dahil alam niyang tiyak na mapapagalitan siya ng kaibigan.

"Totoo ba iyang naririnig ko?" nagtatakang tanong ni Angela. "Bakit bigla na lang nagbago ng isip mo?"

"Seryoso ako sa desisyon ko,” sagot ni Amara.

Matagal siyang tinitigan ni Angela, alam nitong kahit tatlong taon nang wala si Amara sa larangan ng ganitong gawain ay isa pa rin ito sa pinakamahuhusay na taong nakilala niya.

Ang proyektong kasalukuyang ipinagmamalaki ng isang sikat na professor ay mga problemang nalutas na ni Amara tatlong taon na ang nakalipas.

Si Amara rin ang nag-iisang lumikha ng Lugi-X language model, isang technology na maraming laboratory ang hindi kayang tapatan.

Isa siyang henyo ngunit ang henyong iyon ay isinantabi ang sariling pangarap para lamang sa pag-ibig. Iniwan niya ang kinabukasan niya upang maging asawa at asikasuhin ang lalaking minahal niya nang buong puso.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon maintindihan ni Angela. "Matagal kang nawala sa industriya," sabi nito. "May halaga pa ba ang research mo?"

"Babaguhin ko ang ilang parts at kapag nakabalik na ang professor ko, hihingi ako ng payo tungkol sa dapat ko pang gawin. Kapag pumasa, ipagpapatuloy ko."

"Matagal pa bago siya makabalik," sagot ni Angela. "Abala pa siya sa mga bagong projects.”

"Maghihintay ako." Determinadong sagot ni Amara. Ngayon ay wala na siyang dahilan para magmadali, hindi na siya umaasang mamahalin pa siya ni Leandro at napakarami niyang oras para unti-unting buuin muli ang sarili.

Napabuntong-hiningang muli si Angela. "Sige na nga sasamahan na kita sa pagkain." Napangiti si Amara, alam naman niyang hindi siya nito matitiis.

---

Sa kabilang banda namimili si Marco kasama ang bago niyang nobya nang bigla niyang makita ang isang pamilyar na tao, bago pa niya ito malapitan ay nakaalis na ito.

Pumasok siya sa isang jewelry store habang namimili ang nobya niya. Doon niya nalaman sa saleslady na ibinenta ni Amara ang wedding ring nito.

Nanlaki ang mga mata niya sa nalaman. "Sinungaling talaga si Leandro ang sabi nito ay nagkabalikan na sila," bulong niya.

Kung bumalik na nga si Amara para suyuin ang asawa, bakit nito ibinebenta ang singsing?

Kinagabihan ay agad niyang niyaya ang barkada para uminom at hindi nagtagal ay dumating din si Leandro.

Pagkakita pa lang niya dito ay malakas na boses na siyang nagtanong. "Ano bang nangyari? Bakit biglang ibinenta ni Amara ang wedding ring niya?"

Natahimik si Leandro sa narinig, hindi niya inaasahang gagawin ‘yon ni Amara. "Malamang nagpapapansin lang iyon," kalmadong sagot niya. "Para mapansin ko at pabalikin.” Sigurado siyang nagtatampo lang si Amara.

Tumawa ang mga kaibigan nila. "Ganyan naman talaga si Amara mula pa dati."

"Pero walang epekto iyan kay Leandro. Ni minsan nga halos hindi niya isinusuot ang wedding ring nila." Naiiling na sabi ni Marco bago napakamot sa ulo. "Well isinusuot naman niya kapag nasa harap ni Don Alfonso."

Malamig siyang tiningnan ni Leandro dahilan para bawiin niya ang sinabi. "Hindi nga niya isinusuot kahit kailan!"

Saka lamang nawala ang pagkairita sa mukha ni Leandro matapos niya itong bawiin.

Maya-maya ay muling nagtanong si Marco.

"Nakita ko ring pumasok si Amara sa ibang jewelry store. Baka bibili siya ng bagong couple rings, isusuot mo ba kung sakali?"

Hindi na sumagot si Leandro, dahil abala na ito sa pagte-text habang bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.

Nang sumilip si Marco sa screen, nakita niyang si Samantha ang ka-chat nito bago pinatay ang screen nang makitang nakatingin siya.

"Nandito ba talaga ako para lang sa walang kuwentang usapan?" malamig na tanong ni Leandro.

Napailing na lang si Marco, mukhang kahit isang buwan pang hindi umuwi si Amara, wala talagang pakialam ang kaibigan niya.

Naalala niya tuloy ang kaarawan ni Amara isang buwan na ang nakalipas. Lasing noon si Leandro habang kasama nila. Bandang ala-una na ng madaling-araw nang tumawag si Amara at si Marco ang nakasagot.

"Busy pa rin ba siya?" mahinang tanong ni Amara sa kanya. "Tapos na ang birthday ko pero hindi pa rin siya dumarating.”

Humingi lamang siya ng paumanhin at tahimik na tinanggap ni Amara na nakalimutan ng asawa ang espesyal na araw nito at hindi ito nagreklamo man kang sa halip ay sinabi lang nitong alagaan nilang mabuti si Leandro.

Noon pa man, naisip na ni Marco na sobra talagang magmahal si Amara.

---

Madaling-araw na ng makauwi si Leandro. Pagpasok niya sa sala ay awtomatiko niyang sinulyapan ang sofa ngunit walang tao.

Pag-akyat niya sa ikalawang palapag ay madilim pa rin ang silid na dating ginagamit ni Amara, dalawang araw na itong hindi umuuwi. Wala siyang naging reaksiyon at dumiretso lamang sa master bedroom.

Kinabukasan, naghanda na ang kasambahay ng masaganang almusal at tahimik namang umupo si Leandro sa hapag.

Masarap ang pagkain pero hindi iyon katulad ng laging niluluto ni Amara. Hindi niya namalayang dalawang araw pa lang ay hinahanap na ng panlasa niya ang mga almusal na inihahanda nito.

Bigla niyang tinanong ang kasambahay. "Tumawag ba siya?"

Nagulat ang kasambahay sa biglang tanong niya. "P-po?"

"Kinumusta man lang ba niya ang bahay?" Paglilinaw ni Leandro.

Mabilis namang umiling ang kasambahay. "Wala po siyang ni isang tawag."

Mas lalo pang kumunot ang noo ni Leandro. "Kahit isang beses ba ay wala talaga?” ang huling tanong niya’y halos pabulong na lang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Claimed By My Ex-Husband's Ruthless Brother    CHAPTER 103

    Matapos ang unang malaking pagsubok na hinarap ni Liam bilang bagong lider ng Lumi-X at Amara AI Foundation, mas lalo niyang naunawaan na ang pagiging tagapagmana ay hindi tungkol sa pagtanggap ng isang posisyon.Ito ay tungkol sa pagpapatunay na kaya niyang pangalagaan ang tiwalang ibinigay sa kanya.Hindi naging madali ang mga sumunod na buwan.Maraming mata ang nakatingin sa bawat desisyon niya.May mga taong umaasang magtatagumpay siya dahil anak siya nina Lucien at Amara.May ilan din namang naghihintay na magkamali siya upang patunayang hindi siya karapat-dapat.Ngunit sa halip na ma-pressure, ginawa ni Liam ang itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang.Nakinig siya.Natutong humingi ng payo.At higit sa lahat, hindi niya nakalimutan ang dahilan kung bakit siya nagsimula.---Isang umaga ay pumunta si Liam sa lumang laboratoryo ng Lumi-X.Ilang taon na rin mula nang huling gamitin ang lugar na iyon.Ngunit para sa kanya, iyon ang pinakaimportanteng bahagi ng buong kumpanya.Doon

  • Claimed By My Ex-Husband's Ruthless Brother    CHAPTER 102

    Hindi naging madali ang pagpapatuloy ng isang malaking pamana.Alam iyon ni Liam mula pa noong unang araw na humawak siya ng mas malaking responsibilidad sa loob ng Amara AI Foundation at Lumi-X.Para sa ibang tao, maaaring tingnan nila iyon bilang isang pribilehiyo.Anak siya nina Lucien at Amara.Lumaki siya sa isang pamilyang kilala sa negosyo at teknolohiya.Ngunit para kay Liam, mas malaking hamon iyon.Dahil ayaw niyang maging matagumpay lamang dahil sa kanyang apelyido.Gusto niyang patunayan na kaya niyang tumayo gamit ang sarili niyang kakayahan.Isang umaga, habang nasa opisina siya, nakatanggap siya ng balita mula sa research department.May isang malaking kumpanya mula sa ibang bansa ang nag-alok ng partnership.Ngunit may kondisyon.Gusto nilang baguhin ang ilang prinsipyo ng foundation.Nais nilang gawing eksklusibo ang ilang teknolohiya at limitahan ang access ng mga estudyanteng dati nilang tinutulungan.Tahimik na binasa ni Liam ang proposal.Alam niyang malaking opor

  • Claimed By My Ex-Husband's Ruthless Brother    CHAPTER 101

    Ilang taon pa ang lumipas.Ang pangalan ng Amara AI Foundation ay patuloy na lumawak hindi lamang sa bansa kundi pati sa iba't ibang bahagi ng mundo.Ngunit sa kabila ng malaking pagbabago, nanatiling pareho ang pinahahalagahan ng pamilya Monteverde.Ang pagtutulungan.Ang pagmamahal.At ang paniniwalang ang kaalaman ay dapat ibinabahagi sa iba.Sa loob ng bagong gusali ng foundation ay abala ang mga empleyado at scholars.Mas marami na ang mga laboratoryo.Mas marami na rin ang mga kabataang binibigyan ng pagkakataon.Ngunit sa gitna ng lahat ng iyon, may isang taong unti-unting naghahanda para ipagpatuloy ang kanilang nasimulan.Si Liam.Dalawampung taon na ang lumipas mula nang unang hawakan ni Lucien ang maliit na kamay ng kanyang anak sa ospital.Ngayon, ang batang minsang tumatakbo sa loob ng campus ay isa nang binatang nakasuot ng simpleng polo habang nakatayo sa harap ng mga bagong scholars.Hindi niya hinangad ang posisyon dahil sa pangalan ng kanyang pamilya.Pinili niya iyo

  • Claimed By My Ex-Husband's Ruthless Brother    CHAPTER 100

    Makalipas ang sampung taon mula nang itatag ang Amara AI Foundation, muling napuno ng mga tao ang malawak na campus.Hindi lamang mga scholars ang dumalo.Naroon ang mga dating iskolar na ngayon ay mayroon nang kani-kaniyang propesyon.May mga engineer, doktor, guro, programmer, researchers at negosyante.May ilan pang dumating kasama ang sarili nilang pamilya.Sa bawat sulok ng campus ay makikita ang mga larawan ng foundation mula sa unang taon nito.May litrato ng maliit na inuupahang opisina.May larawan ng unang limampung scholars.May mga retrato nina Lucien at Amara habang sila mismo ang nagtuturo sa unang batch.Napapangiti ang bawat dumaraan.Hindi sila makapaniwalang ganoon kalayo ang narating ng lahat.Sa isang gilid ng hardin ay tahimik na naglalakad sina Lucien at Amara.Kasunod nila ang sampung taong gulang na si Liam na abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga batang scholars.Ngumiti si Amara."Ang bilis ng panahon."Tumango si Lucien."Parang kailan lang...""...ikaw ang un

  • Claimed By My Ex-Husband's Ruthless Brother    CHAPTER 99

    Lumipas ang limang taon na parang isang kisapmata.Marami nang nagbago.Ang maliit na Amara AI Foundation na minsang nagsimula sa iilang iskolar ay isa na ngayong kinikilalang institusyon sa buong bansa.Libo-libong kabataan mula sa iba't ibang probinsya ang nabigyan ng pagkakataong makapag-aral.Marami sa mga unang scholars ang nakapagtapos na ng kolehiyo.Ang iba ay naging engineers.May mga scientist.May software developers.May mga guro ring bumalik sa sarili nilang komunidad upang ipasa ang kanilang natutuhan sa susunod na henerasyon.Samantala, ang Lumi-X Research Center ay isa na sa pinakamalalaking AI research institutions sa Asya.Ngunit sa kabila ng lahat ng tagumpay na iyon, nanatiling simple ang pamumuhay nina Lucien at Amara.Isang Sabado ng umaga ay naglalakad silang mag-anak sa loob ng foundation campus.Sa pagitan nila ay masayang tumatakbo ang limang taong gulang na si Liam.May hawak itong maliit na robot na siya mismo ang gumawa sa tulong ng mga mentor sa foundatio

  • Claimed By My Ex-Husband's Ruthless Brother    CHAPTER 98

    Mabilis na lumipas ang mga buwan.Lalong naging maingat si Lucien sa pag-aalaga kay Amara.Hindi na niya ito hinahayaang magbuhat ng mabibigat na gamit.Kapag may meeting si Amara sa research center, sinisiguro niyang hindi ito magtatagal.At kahit gaano siya kaabala, hindi niya pinalalampas ang bawat prenatal checkup.Sa bawat ultrasound ay mas lalo silang nasasabik.Hanggang sa dumating ang araw na matagal nilang hinihintay.Madaling-araw iyon.Tahimik ang buong bahay nang biglang magising si Amara.Napahawak siya sa tiyan.Napapikit siya nang maramdaman ang paninikip.Huminga siya nang malalim.Makalipas ang ilang minuto ay muling sumakit.Napatingin siya sa orasan.Alas-tres pa lamang.Marahan niyang tinapik ang balikat ni Lucien."Lucien."Agad itong nagising."Bakit?"Mahina niyang tanong habang hinihimas pa ang mga mata.Napangiwi si Amara."Parang...""...oras na."Biglang nawala ang antok ni Lucien."Ano?""Teka.""Contraction ba?"Tumango si Amara."Parang ganun."Hindi na s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status