Share

CHAPTER 5

Author: Bellianne
last update publish date: 2026-07-15 07:08:20

Halos mag-iisang linggo na ang lumipas mula ng umalis si Amara sa mansiyon. Wala rin oitong tawag, text o kahit anong balita mula sa kanya ay wala at hindi ‘yon ang inaasahan ni Leandro.

Akala niya ay gaya ng dati na lilipas lang ang galit ni Amara at babalik din ito para suyuin siya, ngunit habang tumatagal, lalo lamang siyang naiirita dahil wala pa rin ito.

Tahimik siyang nakaupo sa opisina nang pumasok si Xavier. "Sir, dumating na po si Mr. Lucien." Imporma sa kanya ng assistant.

Bahagyang napaintig panga si Leandro sa narinig. "Kadarating lang?"

"Oo, galing siyang Europe at dumiretso na daw siya rito matapos bumisita kay Don Alfonso."

Tumango lamang si Leandro, ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas ang p***o. Pumasok ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng kulay abong suit, kalmado man ang mukha nito ngunit sapat na ang presensya nito para maramdaman ang awtoridad na bumabalot sa kanya, si Lucien ang nakatatandang kapatid ni Leandro.

Hindi tulad ni Leandro na palaging padalos-dalos sa desisyon ay kabaliktaran ito ni Lucien, dahil mas tahimik ito at mahirap basahin kung anong susunod nitong gagawin.

"Welcome back," malamig na bati ni Leandro.

"Salamat,” walang kangiti-ngiting sagot ni Lucien bago umupo sa harapan ni Leandro.

"Wala ka pa ring balak bumalik sa headquarters?" Pagbubukas tanong ni Leandro sa usapan.

"May aasikasuhin lang ako rito ng ilang linggo kaya ako umuwi, aalis rin ako pagkatapos.” Seryosong sagot ni Lucien. "Kumusta si Amara?" Kalaunan ay tanong nito, dahilan para bahagyang natigilan si Leandro.

"Hindi ko alam kung nasaan siya.” Iwas tinging sagot ni Leandro sa nakatatandang kapatid.

Tumaas ang kilay ni Lucien. "Bakit hindi mo alam?"

"Nag-divorce na kami." Tipid namang sagot ni Leandro na para bang balewala lang iyon sa kanya.

Tahimik na napasandal si Lucien, hindi na siya nagulat ngunit halatang hindi rin niya inaasahang mangyayari iyon.

"Siya ang nakipaghiwalay?" Usisang tanong nito na nakakapagtakang may interes sa relasyon nila ni Amara.

"Ako ang nagsabing maghiwalay na kami.”

Tumango si Lucien na parang wala lang dahil kung tutuusin, matagal na niyang alam na walang pagmamahal si Leandro sa asawa nito, hindi na siya nagtanong pa at nanahimik na lang.

"Hindi ba sinabi sa'yo ni Lolo?" tanong ni Leandro.

Umiling si Lucien bilang sagot. "Mas gusto niyang kayo mismo ang umayos ng problema niyo kaya hinahayaan niya lang kayo.."

Tumango si Leandro, sa isip niya ay wala namang dapat ayusin dahil sigurado siyang babalik din si Amara.

---

Samantala, abalang-abala si Amara sa laboratory ni Angela, halos buong umaga siyang nakatutok sa computer habang inaayos ang lumang research na iniwan niya tatlong taon na ang nakalipas.

Napailing si Angela habang nakatingin sa kaibigan. "Grabe ka."

Hindi man lang lumingon si Amara ng magtanong. "Bakit?"

"Akala ko ay kailangan mo pa ng mahabang pahinga matapos ang nangyari sayo, pero ito ka ngayon hindi maawat.” Naiiling na sabi ng kaibigan.

"Nagpahinga na ako ng tatlong taon." Napatawa si Amara sa sariling sagot. "Sapat na ‘yon."

Napabuntong-hininga si Angela, ngayon lang niya muling nakita ang dating Amara. Iyong babaeng masaya kapag gumagawa ng research kahit magpuyat pa ito ng ilang araw para lang matapos ang isang proyekto.

Bigla silang natigil sa pag-uusap nang tumunog ang cellphone ni Angela. "Professor Adrian?" Bungad niya ng sagutin ito.

Natahimik ang kaibigan mukhang pinapakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya at makalipas ang ilang minuto ay lumapit si Angela kay Amara.

"May favor ako." Alanganin nitong sabi sa kanya.

"Ano 'yon?" Tanong ni Amara.

"Kailangan kong ihatid ang ilang dokumento kay Professor Adrian."

"Edi ihatid mo." Balewala namang sagot ni Amara sa kaibigan.

"Oo, pero samahan mo ako."

Napailing si Amara sa alok ng kaibigan. "Ayoko, marami pa akong ginagawa.”

"Please, sige na samahan mo na ako."

Napabuntong-hininga siya, hindi naman niya matitiis ang kaibigan. "Sige na nga."

---

Sa kabilang banda, kasalukuyang nasa opisina rin ni Professor Adrian sina Lucien at Leandro dahil may pag-uusapan silang proyekto tungkol sa artificial intelligence na balak pondohan ng kanilang kumpanya.

Habang nag-uusap ang tatlo ay may kumatok sa p***o.

"Come in." Utos ni Adrian at pagkabukas ng p***o ay sabay na natigilan sina Leandro at Amara ng magtama ang kanilang mga tingin.

Hindi inaasahan ni Amara na naroon ang dating asawa kaya bahagya siyang nabigla.

"Professor, dala ko na po ang files." Lumapit si Angela at iniabot ang mga dokumento.

Tahimik lamang si Amara sa may pintuan habang hinihintay ang kaibigan nang mapatingin si Professor Adrian sa kanya.

"Ikaw ang sinasabi ni Angela na kaibigan niya?” Tanong ng professon sa kanya.

"Opo." Magalang niyang sagot.

Ngumiti ang propesor sa kanya. "Mukhang tama nga ako."

Napakunot-noo si Leandro. "Kilala mo siya?"

"Sa tingin ko ay oo, dahil pamilyar siya sa akin." Lumapit si Professor Adrian kay Amara. "Ikaw ba ang dating estudyanteng gumawa ng Lugi-X Model?"

Sandaling natahimik ang buong silid, maging si Lucien ay napatingin kay Amara.

Tahimik namang tumango ang babae. "Ako nga po."

Napangiting muli ang propesor. "Sa wakas, nakita rin kita."

Lalong kumunot ang noo ni Leandro, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksiyon ng isang kilalang propesor sa dating asawa niya.

Samantalang si Lucien ay tahimik lamang na nakatingin kay Amara, hindi niya inaasahang ang babaeng itinuring lamang na simpleng maybahay ng kapatid niya ay isang taong matagal nang hinahanap ng isa sa pinakamahusay na propesor sa bansa.

Unti-unting nabuo ang interes niya sa babae, at iyon ang unang pagkakataong tinignan niya si Amara ng may paghanga at napansin iyon ni Leandro ang kakaibang tingin ng kuya niya. Hindi niya alam kung bakit, ngunit may kakaibang iritasyong biglang bumalot sa dibdib niya.

Bago pa man may muling magsalita ay biglang nawalan ng balanse si Amara dahil sa hilo na dulot ng mga gamot na iniinom niya dahil sa nangyaring nawalan siya ng anak.

"Amara!" Halos sabay na sigaw ni Lucien at Leandro bago mabilis na kumilos para saluhin ang babae bago pa ito tuluyang bumagsak.

Nahawakan ni Leandro ang braso ni Amara, samantalang nasalo naman ni Lucien ang babae sa bewang. Nagsukatan ng tingin ang dalawang magkapatid kung sino ang unang magpapaubaya.

Natahimik ang buong silid sa kakaibang tensyon ng dalawa, at sa unang pagkakataon nakaramdam si Leandro ng kakaibang takot na baka may magmahal kay Amara at tuluyan na siya nitong iwan.

"Bitawan mo siya." Malamig ang boses ni Lucien habang diretso ang tingin kay Leandro.

Hindi agad gumalaw si Leandro. Mariin pa rin ang hawak niya sa braso ni Amara. "Siya ang dating asawa ko kaya may karapatan ako sa kanya," malamig niyang sagot.

"Dating asawa," diin ni Lucien. "Wala ka nang karapatan ngayon."

Ilang segundo silang nagtitigan bago dahan-dahang binitawan ni Leandro ang braso ni Amara.

Bahagyang iminulat ni Amara ang mga mata. Namumutla siya at halatang nanghihina. "Okay lang ako..." mahina niyang sabi.

Napailing si Professor Adrian. "Hindi ka okay. Kailangan mong magpahinga. Angela, samahan mo siya sa clinic."

Bago pa makalapit si Angela, nagsalita si Lucien.

"Ako na ang magdadala sa kanya." Hindi na ito naghintay ng sagot. Marahan niyang inalalayan si Amara at dinala palabas ng opisina.

Tahimik lamang na nakatingin si Leandro habang unti-unting nawawala sa paningin niya ang dalawa.

Hindi niya maipaliwanag ang biglang pagsikip ng dibdib niya.

Hindi iyon ang unang beses na may lalaking tumulong kay Amara. Pero bakit ngayon lang siya nakaramdam ng inis?

Napansin ni Professor Adrian ang reaksyon niya kaya napailing ito. "Kung talagang mahalaga sa'yo ang isang tao, hindi mo hinihintay na may ibang mag-alaga sa kanya bago mo mapagtanto ang halaga niya."

Walang naisagot si Leandro. Tahimik lang niyang pinagmasdan ang pintong kakasara pa lang.

Sa kabilang banda, habang naglalakad sa pasilyo, napansin ni Lucien na namumutla pa rin si Amara. "Kailan ka huling nagpatingin sa doktor?" mahinahon niyang tanong.

Napayuko si Amara. "Noong araw lang na... nakunan ako."

Natahimik si Lucien, ngayon lang niya nalaman ang nangyari. Mahigpit niyang napakuyom ang kamao, hindi niya akalaing habang wala siya sa bansa, ganoon pala ang pinagdaanan ng dating hipag niya at mas hindi niya matanggap na hinayaan iyon ng sarili niyang kapatid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Claimed By My Ex-Husband's Ruthless Brother    CHAPTER 103

    Matapos ang unang malaking pagsubok na hinarap ni Liam bilang bagong lider ng Lumi-X at Amara AI Foundation, mas lalo niyang naunawaan na ang pagiging tagapagmana ay hindi tungkol sa pagtanggap ng isang posisyon.Ito ay tungkol sa pagpapatunay na kaya niyang pangalagaan ang tiwalang ibinigay sa kanya.Hindi naging madali ang mga sumunod na buwan.Maraming mata ang nakatingin sa bawat desisyon niya.May mga taong umaasang magtatagumpay siya dahil anak siya nina Lucien at Amara.May ilan din namang naghihintay na magkamali siya upang patunayang hindi siya karapat-dapat.Ngunit sa halip na ma-pressure, ginawa ni Liam ang itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang.Nakinig siya.Natutong humingi ng payo.At higit sa lahat, hindi niya nakalimutan ang dahilan kung bakit siya nagsimula.---Isang umaga ay pumunta si Liam sa lumang laboratoryo ng Lumi-X.Ilang taon na rin mula nang huling gamitin ang lugar na iyon.Ngunit para sa kanya, iyon ang pinakaimportanteng bahagi ng buong kumpanya.Doon

  • Claimed By My Ex-Husband's Ruthless Brother    CHAPTER 102

    Hindi naging madali ang pagpapatuloy ng isang malaking pamana.Alam iyon ni Liam mula pa noong unang araw na humawak siya ng mas malaking responsibilidad sa loob ng Amara AI Foundation at Lumi-X.Para sa ibang tao, maaaring tingnan nila iyon bilang isang pribilehiyo.Anak siya nina Lucien at Amara.Lumaki siya sa isang pamilyang kilala sa negosyo at teknolohiya.Ngunit para kay Liam, mas malaking hamon iyon.Dahil ayaw niyang maging matagumpay lamang dahil sa kanyang apelyido.Gusto niyang patunayan na kaya niyang tumayo gamit ang sarili niyang kakayahan.Isang umaga, habang nasa opisina siya, nakatanggap siya ng balita mula sa research department.May isang malaking kumpanya mula sa ibang bansa ang nag-alok ng partnership.Ngunit may kondisyon.Gusto nilang baguhin ang ilang prinsipyo ng foundation.Nais nilang gawing eksklusibo ang ilang teknolohiya at limitahan ang access ng mga estudyanteng dati nilang tinutulungan.Tahimik na binasa ni Liam ang proposal.Alam niyang malaking opor

  • Claimed By My Ex-Husband's Ruthless Brother    CHAPTER 101

    Ilang taon pa ang lumipas.Ang pangalan ng Amara AI Foundation ay patuloy na lumawak hindi lamang sa bansa kundi pati sa iba't ibang bahagi ng mundo.Ngunit sa kabila ng malaking pagbabago, nanatiling pareho ang pinahahalagahan ng pamilya Monteverde.Ang pagtutulungan.Ang pagmamahal.At ang paniniwalang ang kaalaman ay dapat ibinabahagi sa iba.Sa loob ng bagong gusali ng foundation ay abala ang mga empleyado at scholars.Mas marami na ang mga laboratoryo.Mas marami na rin ang mga kabataang binibigyan ng pagkakataon.Ngunit sa gitna ng lahat ng iyon, may isang taong unti-unting naghahanda para ipagpatuloy ang kanilang nasimulan.Si Liam.Dalawampung taon na ang lumipas mula nang unang hawakan ni Lucien ang maliit na kamay ng kanyang anak sa ospital.Ngayon, ang batang minsang tumatakbo sa loob ng campus ay isa nang binatang nakasuot ng simpleng polo habang nakatayo sa harap ng mga bagong scholars.Hindi niya hinangad ang posisyon dahil sa pangalan ng kanyang pamilya.Pinili niya iyo

  • Claimed By My Ex-Husband's Ruthless Brother    CHAPTER 100

    Makalipas ang sampung taon mula nang itatag ang Amara AI Foundation, muling napuno ng mga tao ang malawak na campus.Hindi lamang mga scholars ang dumalo.Naroon ang mga dating iskolar na ngayon ay mayroon nang kani-kaniyang propesyon.May mga engineer, doktor, guro, programmer, researchers at negosyante.May ilan pang dumating kasama ang sarili nilang pamilya.Sa bawat sulok ng campus ay makikita ang mga larawan ng foundation mula sa unang taon nito.May litrato ng maliit na inuupahang opisina.May larawan ng unang limampung scholars.May mga retrato nina Lucien at Amara habang sila mismo ang nagtuturo sa unang batch.Napapangiti ang bawat dumaraan.Hindi sila makapaniwalang ganoon kalayo ang narating ng lahat.Sa isang gilid ng hardin ay tahimik na naglalakad sina Lucien at Amara.Kasunod nila ang sampung taong gulang na si Liam na abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga batang scholars.Ngumiti si Amara."Ang bilis ng panahon."Tumango si Lucien."Parang kailan lang...""...ikaw ang un

  • Claimed By My Ex-Husband's Ruthless Brother    CHAPTER 99

    Lumipas ang limang taon na parang isang kisapmata.Marami nang nagbago.Ang maliit na Amara AI Foundation na minsang nagsimula sa iilang iskolar ay isa na ngayong kinikilalang institusyon sa buong bansa.Libo-libong kabataan mula sa iba't ibang probinsya ang nabigyan ng pagkakataong makapag-aral.Marami sa mga unang scholars ang nakapagtapos na ng kolehiyo.Ang iba ay naging engineers.May mga scientist.May software developers.May mga guro ring bumalik sa sarili nilang komunidad upang ipasa ang kanilang natutuhan sa susunod na henerasyon.Samantala, ang Lumi-X Research Center ay isa na sa pinakamalalaking AI research institutions sa Asya.Ngunit sa kabila ng lahat ng tagumpay na iyon, nanatiling simple ang pamumuhay nina Lucien at Amara.Isang Sabado ng umaga ay naglalakad silang mag-anak sa loob ng foundation campus.Sa pagitan nila ay masayang tumatakbo ang limang taong gulang na si Liam.May hawak itong maliit na robot na siya mismo ang gumawa sa tulong ng mga mentor sa foundatio

  • Claimed By My Ex-Husband's Ruthless Brother    CHAPTER 98

    Mabilis na lumipas ang mga buwan.Lalong naging maingat si Lucien sa pag-aalaga kay Amara.Hindi na niya ito hinahayaang magbuhat ng mabibigat na gamit.Kapag may meeting si Amara sa research center, sinisiguro niyang hindi ito magtatagal.At kahit gaano siya kaabala, hindi niya pinalalampas ang bawat prenatal checkup.Sa bawat ultrasound ay mas lalo silang nasasabik.Hanggang sa dumating ang araw na matagal nilang hinihintay.Madaling-araw iyon.Tahimik ang buong bahay nang biglang magising si Amara.Napahawak siya sa tiyan.Napapikit siya nang maramdaman ang paninikip.Huminga siya nang malalim.Makalipas ang ilang minuto ay muling sumakit.Napatingin siya sa orasan.Alas-tres pa lamang.Marahan niyang tinapik ang balikat ni Lucien."Lucien."Agad itong nagising."Bakit?"Mahina niyang tanong habang hinihimas pa ang mga mata.Napangiwi si Amara."Parang...""...oras na."Biglang nawala ang antok ni Lucien."Ano?""Teka.""Contraction ba?"Tumango si Amara."Parang ganun."Hindi na s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status