Share

Chapter 019: His Greatest Failure

Author: Alia Ema
last update Last Updated: 2025-12-11 23:16:47

DAHAN-DAHANG napatingala si Elijah, namumuo na ang luha sa gilid ng mata, pero buong pilit niya itong pinipigilan.

“W–What did she say, Doc?”

Tila nag-alinlangan pa ang doktor, parang iniisip kung dapat ba niya talagang sabihin iyon. Ngunit sa tindi ng tingin ni Elijah na puno ng pagmamakaawa ay wala na siyang nagawa.

“Sabi niya… kapag may naghanap sa kanya… iparating daw na huwag na siyang kontakin.”

Parang biglang huminto ang mundo ni Elijah.

Hindi na siya makahinga.

Ni hindi na niya maigalaw
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Antonietta Prado Martinez
butii nga sayo elijah..pagtiisan mo nlang yung baliw na c agatha.
goodnovel comment avatar
Julie F.Abenes
thank you Miss A ...
goodnovel comment avatar
NessaCastoldiGayla
diyan ka na sa Agatha mo magsampa kayo .........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 078: Marry Me

    “EVANDER!” bulong niyang galit, pero may halong kaba. “Binabalaan kita—huwag kang magsalita ng ganyan dito! Yung gabing ’yon… lasing ako! Wala akong naaalala! Kahit… kahit may nangyari man, aksidente ’yon! Aksidente! Gets mo?”Tinitigan siya ni Evander, halatang aliw na aliw. Tumango siya na parang napakabait.“Sige. Kung aksidente ’yon… kung ‘pagkakamali’ lang dahil nalasing ka…”Huminto siya saglit, parang sinasadya.“Kung gano’n, Bettina… kasalanan mo ’to.”Nanlaki ang mata ni Bettina. “Ano?!”Gigil na gigil si Bettina—gusto na niyang mangagat pero wala siyang maipangtutol dito. Kaya tinitigan na lang niya si Evander nang matalim, nangingilid ang luha sa hiya at inis.Mas lalong lumalim ang ngiti sa mga mata ni Evander. Pero bigla niyang binago ang usapan—kalmado at mas naging “professional” ang tono.“Ganito na lang, Bettina. Iwan muna natin ang usapang reputasyon. Pag-usapan natin… ang business.”“Business?” napakunot ang noo ni Bettina. Naging alerto siya agad. “Anong kinalaman

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 078: That was an accident

    ITINAAS ni Evander ang kamay at pinunasan ng hinlalaki ang dugo sa sulok ng labi. Nagtama ang malalim niyang mga mata at ang nagngangalit na tingin ni Leon.Dahan-dahan niyang hinubad ang mekanikal na relo sa pulso—nabiyak na ang salamin dahil sa suntukan kanina—at basta na lang itinapon sa magulong mesa. Kalmado lang ang kilos niya.At para kay Leon, yung pagiging kalmado ni Evander ang pinakamalaking pang-aasar sa kanya.“Kung sabihin kong ayaw ko?” itinaas ni Evander ang tingin, kalmado ngunit mabigat. “Hindi ikaw ang magdedesisyon sa bagay na ‘to, Leon.”“Talaga ba?” sa sobrang galit ay napatawa na lang si Leon. “Sige, pero nililinaw ko sa’yo, habang buhay ako, ikaw, Evander, hinding-hindi ka makakatapak sa pamilyang Imperial!”Pagkasabi nun, parang diring-diri siyang tumingin pa kay Evander. Bigla siyang tumalikod, sinipa ang natumbang upuan na nakaharang sa harap niya, at malalaking hakbang na lumabas ng opisina.BANG!Mariin niyang isinara ang pinto. Malakas ang tunog, at paran

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 077: Stay Away From My Sister!

    Sa Cebu City, Prime Biotech Building—Opisina ng CEO.Katatapos lang ni Evander ng overseas video meeting kasama ang isang client. Halos maubos na ang pasensya niya sa sunod-sunod na negotiation, kaya kinusot niya ang noo, huminga nang malalim, at sumandal sandali sa leather chair.Isang segundo ng katahimikan lang ang hinabol niya—isang sandaling pahinga bago magpatawag ng kape at bumalik ulit sa trabaho.Pero bago pa niya mapindot ang intercom, may biglang ingay mula sa labas.Mabigat at may halong galit na parang may paparating na bagyo.BANG!Isang malakas na dagundong ang yumanig sa pinto ng opisina—sinipa ito mula sa labas at bumukas nang todo. Sumalpok ang pinto sa pader, kumalabog ang buong silid, at tila nag-echo ang tunog hanggang sa dibdib ni Evander.Pag-angat ng tingin niya, nakita niya ang hindi inaasahang bisita—si Leon Imperial. Hindi ito yung Leon na nakikita niya sa corporate events na kontrolado, kalmado at elegante. Ito yung Leon na handang manira. Handang manakit.

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 076: His Soon Brother-In-Law?

    SA Davao Airport, siksikan ang mga tao. Sina Lance at Leon ay magkatabing nakatayo sa labasan ng VIP passage. Matitikas ang tindig ng mag-ama at kapansin-pansin ang dating, kaya’t napapalingon ang mga dumaraan.Naka-dark business suit si Lance Imperial. Kahit hindi nagsasalita, may awtoridad ang presensya niya. Tahimik at matatag ang tingin niya sa direksyon ng labasan.Si Leon Imperial naman ay naka-gray na coat na maayos ang gupit. Kahapon lang din siya umuwi ng Davao para sa isang business meeting. Matikas din ang tindig, pero sa pagitan ng kilay niya’y may bahagyang iritasyon na halos hindi mapansin. Walang malay niyang hinihimas ang susi ng sasakyan sa mga daliri.“Lance! Leon!”Lumabas si Hera Imperial habang tinutulak ang maleta. Halatang-halata ang saya sa mukha niya; malayo pa lang ay kumakaway na siya sa kanila.Lumapit si Lance at kinuha ang maleta ng asawa. “Ikaw talaga. Hindi mo man lang sinabi sa amin. Ba’t bigla kang pumunta ng Cebu? Iniwan mo ako.”Agad na kumapit si H

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 075: The Unexpected Visitor at the Worst Time!

    PARANG nablanko si Bettina nang makita ang presensya ng kanyang ina. Umingay ang tenga niya, at pakiramdam niya’y tinamaan siya ng kidlat sa tuktok ng ulo. Saglit siyang hindi nakapagsalita—nakanganga lang, nakahawak pa sa doorknob, na parang hindi alam kung isasara ba niya ulit ang pinto o patutuluyin ang bisita.Sinipat siya ni Hera mula ulo hanggang paa at bahagyang kumunot ang noo. “Anak, bakit ang taranta mo? Saan ka pupunta at ganyan ka?”“Ah… M-Mom…” pilit na ngumiti si Bettina, pero parang nanginginig pati ngiti niya.Habang nagsasalita, natural na papasok na sana si Hera. Nakataas pa ang isang paa nito para tumapak sa loob, pero biglang nanikip ang dibdib ni Bettina at awtomatiko niyang hinarangan ang pintuan gamit ang katawan—parang pader na biglang tumubo.“Ah, Mom… bibili lang sana ako ng almusal sa baba,” mabilis niyang sabi, sabay pilit na tawa. “Sasama po ba kayo?”Sinubukan pa niyang hawakan ang braso ng nanay niya, para ilayo ito sa loob. Pero imbes na sumunod, tumigil

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 074: Too Late to Deny

    MAAGA ang flight ni Hera Imperial mula Davao papuntang Cebu. Nakatingin lang siya sa bintana ng eroplano habang unti-unting lumilinaw ang tanawin ng dagat at ang malaking tulay ng Cebu. Excited na siyang makababa para makita si Bettina.May dala siyang food box na ang laman ay crab soup at dumplings na ipinagawa niya sa kasambahay nang madaling-araw. Mainit-init pa ito at may usok pa.Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano, agad niyang binuksan ang cellphone at tinawagan si Leon.“Hello, Mom?” sagot ni Leon. Mukhang nasa meeting siya dahil seryoso ang boses.“Anak, nasa Cebu na ako! I-send mo nga sa’kin, dali, ‘yung address ni Bettina. Pupuntahan ko siya ngayon. Gusto ko siyang makita.”Masigla ang tono ni Hera, may halong kilig at excitement—gusto niyang sorpresahin ang anak niya.Sandaling natahimik si Leon, tila nag-aalangan. Pero alam niyang hindi niya mapipigilan ang ina.“Mom, bakit bigla kayong pumunta rito? Ba’t hindi niyo na lang sinabi sa amin?”“Kailangan pa bang gawin ‘yon?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status