LOGINAleria Legal GroupKAHIT na masakit pa rin ang pinagdaraanan ni Bettina, kailangan pa rin niyang kumayod para mapalago ang law firm.Sa ngayon, may bagong kaso silang hinaharap. Isang maliit na local fashion design company ang inakusahan ng plagiarism ng isang malaking kompanya. Habang nire-review niya ang mga dokumento, napaisip siya—tila may matibay na ebidensya ang kabilang panig. Ngunit may napansin siyang ilang kaduda-dudang detalye. Posibleng frame-up ang kaso.At ayon sa tip na natanggap nila, maaaring nasa isang business meeting ang tunay na ebidensya— isang secret meeting raw sa high-end nightclub dito sa Cebu City—ang Phantom Nightclub.“A-Attorney… pupunta talaga tayo doon?” kinakabahang tanong ni Fiona. “Magulo raw doon, delikado. Kakayanin ba natin ‘to?”“Wala tayong choice, Fiona,” wika ni Bettina habang inaayos ang miniature recorder at hidden camera sa damit niya. “Hinding-hindi lalapit sa atin ang ebidensya. Ito lang ang lead natin. Relax ka lang—magpapanggap tayong
Prime Biotech Building — Nelson’s OfficeKATATAPOS lang ni Nelson na makipag-usap sa isang kliyente. Habang hinihimas niya ang kanyang noo ay bigla niyang naalala ang mala-impyernong overtime na pinagdaan niya kagabi. Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya, dahil halos ilang araw na siyang walang maayos na tulog. Hindi niya lubos maisip kung bakit bigla na lang nagkaganito si Evander. Parang ikamamatay na niya kung palagi na lang ganito ang sitwasyon.Habang nag-iisip, biglang nag-ring ang cellphone niya. Agad na nanlaki ang mata niya nang makita ang pangalan ni Elijah sa screen. Napangisi pa siya bago sinagot ang tawag.“Hello? Attorney Elijah? Nasa Cebu ka na ba ngayon? Kailangan mo pa ba ng address sa bagong law firm ni Bettina?”Tahimik si Elijah sa kabilang linya. Ang tanging naririnig lamang ni Nelson ay ang mahinang ingay ng trapiko sa background.“So, nakita mo nga siya?” tanong ni Elijah.Napabuga ng hangin si Nelson at malakas na tumawa. “Sino sa kanila? Ang dami kong n
HALOS bumaon ang mga kuko ni Bettina sa palad niya nang mariin niyang maikuyom ang sariling kamay. May kung anong kirot ang nagbalik sa kanya sa nakaraan. At nang bumalik na siya sa huwisyo ay naisip niyang ikalma ang sarili.Dahan-dahan siyang huminga, pilit na pinapakalma ang sarili. Kailangang maging matatag siya. Kailangang hindi siya muling masaktan ng lalaking minsan winasak ang buong pagkatao niya.Hindi siya tumingin kay Elijah, kahit ramdam niya ang bawat pag-igting ng presensya nito. Sa halip, ibinaling niya ang tingin kay Fiona at nagsalita nang malamig, walang bakas ng pag-aalinlangan.“Fiona, paki-remind sa security na simula ngayon, wala nang unauthorized personnel na makakapasok sa loob ng opisina. This is a law firm, hindi ito public place na basta-basta na lang may papasok kung sino.”Natigilan si Fiona. Nakatayo siya roon, nakahawak pa sa binder, at parang hindi alam kung hahakbang ba pabalik o baka mali ang narinig niya. Hindi niya alam kung anong ikinabigla niya, k
“BETTINA…” Maingat ang pagkakasabi ni Regina, ngunit ramdam na ramdam ang pilit na paghinahon niyang binabalot ng pagkairita.“Ikaw talagang bata ka. Bakit ka umalis nang hindi man lang nagpapaalam? Ni hindi mo ako binisita bago ka umalis. Kailan ka ba babalik? Miss na miss ka na ng soon-to-be mother-in-law mo…”Parang may malamig na kamay na humawak sa sikmura ni Bettina. Mother-in-law? Hindi na iyon kailanman mangyayari.Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone, halos mabasag sa bigat ng dibdib niya.Alam niya kung ano si Regina—hindi ito masuyo at hindi kailanman naging mabuti sa kanya. Suwerte na lang kay Bettina kung may araw na hindi siya sinisermonan nito o pinagsasalitaan ng masama. Kung narinig niya ang mga salitang ito noong una ay baka napaiyak pa siya sa tuwa. “Ayos lang po ako, Tita,” malumanay ngunit malayong sagot ni Bettina, halos walang buhay ang boses. “Salamat po sa pag-aalala. Ano po ba ang dahilan ng pagtawag ninyo?”Natigilan si Regina na para bang hindi siya h
HINDI sumuko si Agatha. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at muling tinawagan si Elijah, pilit binubura ang kahihiyan na kanina pa kumakain sa kanya.The number you dialed is not in service. Please try your call later.Isang matinis na sigaw ang lumabas sa kanya. “Ah!” Halos mabitawan niya ang dalang pagkain nang ibinagsak niya ito sa upuan.Naramdaman niyang kumuyom ang mga kamao niya, mahigpit, halos bumaon na ang mga kuko sa sariling palad.“Tsk! Si Bettina talaga! Kahit wala siya rito, ginugulo pa rin niya ang buhay namin!”Pero hindi siya papayag na matalo ng babae na iyon. Hindi ngayon. Hindi kailanman.Kailangan niyang makita si Elijah ngayon, at kailangan niyang manatili sa tabi nito. Kahit anong mangyari.“Bigyan mo nga ako ng kape,” utos niya sa receptionist habang naupo sa sofa na parang siya ang may-ari ng law firm. “Freshly ground. No sugar. No milk.”Sanay na ang mga staff sa ugali ni Agatha. Sanay na sila sa pagdating niya, sa pag-aasta niyang parang fiancée ni Elijah
MARAHANG inilapag ni Nelson ang cellphone sa conference table bago siya bumaling sa kanyang mga kasamahan sa legal department upang ipaliwanag ang follow-up details ng settlement agreement.Sa isip niya, desperado lang si Elijah kaya ito nag-reply at nagtanong tungkol kay Bettina. Mas mahalaga pa rin sa kanya ngayon ang problema sa settlement case ng Luxe Sciences — masyado kasing mababa ang hinihingi ng Aleria Legal Group, halos borderline loss na para sa kanila. At higit sa lahat, hindi niya kayang lubos na intindihin kung bakit tinanggap iyon ni Evander nang walang pag-aalinlangan.Habang patuloy siyang nagpapaliwanag, biglang umilaw muli ang cellphone.A new message from Elijah.[Papunta na ako d’yan sa Cebu City!]Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita iyon ni Evander na nakaupo lamang sa tabi ni Nelson. Sa sandaling mabasa niya ang mensahe, parang may kumislot na iritasyon sa mga mata niya. Lalong lumalim ang tingin niya, matalim, mabigat, tila nagbabanta.Dahan-dahang inang







