เข้าสู่ระบบYung kilig ko talaga dito kay Evander grabe! Hahah! Will update po tomorrow.
“Evander Hudson?” gulat na sambit ni Leon. Biglang dumilim ang mukha niya. Kumunot ang noo at halatang nainis. “Anong ginagawa mo dito?”Kalmadong pumasok si Evander sa sala, may bahagyang ngiting hindi mo malaman kung nagbibiro ba ito o kung inaasar siya. “Pasensya na, President Imperial. Mukhang nadismaya kita.”Lalong kumunot ang noo ni Leon. Sa isang iglap, may pumasok na ideya sa isip niya—at biglang siyang namulta sa gulat. Itinuro niya si Evander, halos kinakagat ang mga salita. “Ikaw… si Felix Stewart… kayo…”Ngumiti lang si Evander, hindi siya tumango, hindi rin tumanggi. Pero sapat na ’yon para maintindihan ni Leon ang lahat.Kumilos nang mabilis ang dibdib ni Leon sa inis. Galit na tumindig siya. Lumabas na rin ang ugat sa sentido niya habang nakatitig kay Evander na parang gusto niyang lamunin nang buhay ito. Ilang segundo pa, saka niya sinabi, nanginginig sa inis ang boses habang nagkikiskisan ang mga ngipin: “Gano’n… ang galing mo. Ang lupit mo, Evander.”Pagkatapos, b
Gumalaw ang labi ni Leon, parang ilalabas na niya yung matagal niyang kinikimkim—pero napaatras siya sa huling segundo. Nilunok niya ulit.Hindi puwede. Hindi niya kayang sabihin ’yon.Dahil kapag sinabi niya… si Bettina ang masasaktan.Ilang sandali pa bago siya muling nakapagsalita. Mababa ang boses niya, halos parang nakikiusap.“Bettina… maniwala ka naman sa’kin. Kahit ngayon lang. Kahit isang beses lang. Please?”Napapikit si Bettina. Eto na naman. Ganyan lagi si Leon—may sikreto, may tinatago, tapos ang gasgas na linyang para daw sa ikabubuti niya.“Kuya, hindi na nga ako bata.”“Bettina—”Pero pinutol ng dalaga agad. Malamig na ang dibdib niya. “Kung ayaw mong sabihin, ako na lang ang maghahanap. Ako na lang ang mag-iimbestiga.”Pagkatapos, tumalikod si Bettina at dali-daling lumabas ng greenhouse. Malakas niyang sinara ang pinto.Naiwan si Leon sa loob. Napapikit siya, nilunok yung bigat sa lalamunan na may halo ng inis at frustrasyon, kasi wala siyang magawa.***Sumakay ng e
“Don’t worry, Bettina…”Nang makita ni Sebastian na mabigat pa rin ang loob ni Bettina, bahagya siyang natawa dahil sanay na siya sa ganitong gulo. “Nasa imbestigasyon lang siya ngayon. Hindi naman siya pinapahirapan ng FDA—maayos ang tulog at kain niya do’n. Ang wala lang sa kanya ngayon ay ang kalayaan.”Humigpit ang boses ng matanda. “Para na rin ’yang leksyon sa kanya. Masyado siyang naging kampante. Ang bilis kasing umangat ng negosyo niya, kaya akala niya kaya na niya mag-isa. Hindi niya nare-realize, maraming nakaabang para ibagsak siya. Sa dami ng nakaaway niya, hindi na dapat siya magtaka kung bakit may gustong gumanti at manira.”Napakuyom si Bettina. “Pero, Lo…” nanginginig nang bahagya ang boses niya, “paano kung… kung napagbintangan lang siya? Paano kung wala naman siyang kasalanan?”Tumingala si Sebastian. Yung mga mata niya at talagang sanay na sa ganitong klase ng usapan. “Kung ganon,” sabi niya, kalmado, “eh ’yon ang tadhana niya.”Tadhana?Isang salita lang, pero pa
Alas-singko na ng hapon. Hindi na umuulan, pero basa pa rin ang kalsada sa labas. Kumikinang ang mga ilaw ng siyudad sa mga bahaging may tubig. Sa law firm, sobrang tahimik dahil nagsiuwian na ang mga empleyado. Nakauwi na si Fiona at yung receptionist, at walang tao sa open office area. Isang ilaw na lang ang nakasindi—yung sa opisina ni Bettina.Nag-aayos si Bettina ng mga case file sa mesa, pero halatang wala sa ayos ang isip niya. Malinaw na rinig yung lagaslas ng papel sa katahimikan. Paminsan-minsan, napapatingin siya sa cellphone niyang nakapatong sa tabi—tahimik, walang message ni walang tawag.Alas-singko y medya na ngunit hindi pa dumating si Evander. Wala ring paliwanag. Walang text. Walang tawag.Nagtataka si Bettina dahil napaka-unusual iyon. Si Evander kasi yung tipong taong kapag may sinabi, tutuparin. Kapag sinabing susunduin ka, susunduin ka. At kahit may aberya, magsasabi ito.Kaya imbes na gumaan ang loob ni Bettina dahil nga ayaw niyang makita ito, mas lalo siyang
Buong araw at magdamag ang ulan sa Cebu. Pagbalik ni Bettina sa law firm niya, basa pa ang manggas ng blouse niya, at ramdam niya pa rin yung lamig ng hangin sa balat. Kakahubad pa lang niya ng coat nang biglang tumakbo si Fiona papunta sa kanya, hawak ang isang manipis na brown envelope, halatang kabado.“Attorney! Naku, may problema!”Napakunot-noo si Bettina at kinuha ang sobre. Magaan at manipis ito, isang papel lang ang laman. Pagbukas niya, nanigas ang kamay niya.SUBPOENAPlaintiff/Complainant: Agatha RamosNature of Case: Defamation (Civil Action for Damages)Napatitig si Bettina sa papel. Sa sobrang inis, napatawa siya na may halong lamig sa boses. “Ako? Idedemanda niya ako?”Namula sa galit si Fiona. “Ang kapal ng mukha! Siya na nga yung gumawa ng kaguluhan,tapos siya pa yung magdedemanda! Ang claim niya, sinira mo raw pangalan niya kasi sinabi mo sa public na ‘may kaso’ siya at ‘involved sa krimen’.”Dahan-dahang bumigat ang tingin ni Bettina habang nakatitig sa pirma ni Ag
“Ha… ano’ng sinabi mo?” Paos na paos ang boses ni Elijah, parang basag ang lalamunan niya sa kaba. “Sinong… sinong mag-e-engage kay Bettina? Kanino?”Nagulat si Jiro sa reaksyon niya. Parang may bumagsak sa sikmura niya sa takot. “H-hindi… Elijah, hindi mo alam? Malapit na ang engagement nina Bettina at si Evander. Kumakalat na ’yon sa business circle… next month na raw ang kasal nila…”Nakita ni Jiro kung paano namutla si Elijah sa isang iglap, yung tipong parang naubos ang dugo sa mukha nito. Nanigas ang panga, nanginginig ang labi, at sa mata niya, may halong gulat at hindi ito matanggap.“That’s impossible!” biglang tumayo si Elijah. Sa sobrang bigla ng paggalaw niya kaya natumba ang ashtray sa mesa. Kumalat ang mga upos at abo sa sahig.“Ako ang gusto niya… paano siya makikipag-engage sa iba?!” sigaw ni Elijah, pero mas tunog desperado, parang siya mismo ang pinipilit maniwala sa sinasabi niya.Tama, si Bettina ang may gusto sa kanya pero limang taong nakalipas iyon. Limang taon
“KUMUSTA pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo?”Bahagyang tumango si Bettina, ngunit bago pa siya makasagot ay parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang isipan. Unti-unting bumalik ang mga alaala na putol-putol pa sa una, ngunit mabilis na naging malinaw iyon.Ang init, pagkalito, ang par
Nasa harap ni Bettina ang pinto ng Room 2911 at nang mabuksan iyon ay bumungad sa kanila ang napakagandang modernong disenyo ng loob. Dalawang queen-size bed ang na-book nila. Nagtungo sila sa kani-kanilang cabinet upang ilagay ang mga gamit at saka naligo.Katatapos lang maligo ni Bettina, saka nam
SANDALING natigilan si Bettina nang marinig ang sinabi ni Evander.Babayaran? Paano niya babayaran ito? Huwag naman sanang… akuin ang responsibilidad?Pagpasok pa lang ng ideyang iyon sa isip niya ay siya na mismo ang nagulat. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.“E-eh…” nag-alinlangan siyang
HABANG abalang-abala si Bettina sa paghahanda ng kanyang pagbabalik sa Maynila, si Evander naman ay tahimik na nakaupo sa loob ng kanyang opisina, nakadungaw sa bintana na tila may malalim na iniisip.Biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Napabalik siya sa mesa, kinuha ang telepono mula sa bulsa,







