Share

Chapter 102: The Wedding Plan

Author: Alia Ema
last update publish date: 2026-04-01 23:09:17

MABILIS na naglakad si Bettina papunta sa law firm niya. Ngunit nang iaabot na sana niya ang kamay para buksan ang pinto, hindi sinasadyang napatingin siya sa kabila ng kalsada.

Bigla siyang napatigil. Ang dating bakanteng puwesto sa tapat ay hindi niya namalayang tapos na palang ayusin. Makintab na makintab ang malalaking salaming bintana. Sa loob ay isang simple ngunit propesyonal na opisina ang makikita.

Ngunit ang pinakamasakit sa mata niya ay ang gintong karatulang nakasabit sa labas ang…

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 104: Tell her the truth!

    “SAAN tayo pupunta, kuya?” naguguluhang tanong ni Bettina habang nakatayo sa harap ng itim na Maybach ni Leon.Hindi siya mapakali. Pakiramdam niya, may kung anong mabigat na mangyayari, pero hindi niya matukoy kung ano.“Basta, sumakay ka na. May pupuntahan tayo,” maikli at malamig na sagot ni Leon.Wala nang ibang paliwanag.Wala ring kahit anong emosyon sa boses nito.Napaatras ng kaunti si Bettina, pero sa huli ay sumunod pa rin siya. Dahan-dahan siyang sumakay sa kotse, kahit ramdam niya ang kaba na unti-unting gumagapang sa dibdib niya.Maya-maya, umandar ang sasakyan.Lumabas ang itim na Maybach mula sa villa ng pamilya Imperial.Halos palubog na ang araw, at unti-unti nang dumidilim ang paligid. Ngunit kahit ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin sila humihinto.Sa halip, lalo pang bumibilis ang takbo ng sasakyan.Sa labas ng bintana, mabilis na dumaraan ang mga ilaw at gusali, hanggang sa halos maging malabong linya na lamang ang lahat.Parang hindi sila patungo sa isang s

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 103: Leon vs Evander

    MALALAKI ang mga hakbang ni Leon Imperial nang pumasok siya sa sala. Ngunit nang mapunta ang tingin niya kay Evander Hudson, na nakaupo sa tabi ni Bettina, halos hindi mapansing natigilan siya. Sa isang iglap, parang natakpan ng yelo ang kanyang mga mata at biglang bumigat ang paligid niya.“Kuya, dumating ka na pala,” sabi ni Bettina habang tumatayo.“Hmm,” maikling sagot ni Leon.Dumaan ang tingin niya kina Bettina at Evander bago tuluyang huminto kay Evander. Bahagyang umangat ang labi niya sa isang ngiting walang init.“President Hudson.”Kalmadong tumayo si Evander. Tulad pa rin ng dati, maayos at marangal ang tindig niya.“President Imperial, it’s been a while.”Magkatabing nakatayo ang dalawang lalaking parehong matatangkad at kapansin-pansin ang tindig. Ang isa ay malamig at matalas, habang ang isa naman ay kalmado ngunit mabigat ang dating. Pareho man silang halos walang emosyon sa mukha, parang may nakikitang kuryenteng kumikislap sa pagitan nila.Sa isang iglap, kumapal ang

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 102: The Wedding Plan

    MABILIS na naglakad si Bettina papunta sa law firm niya. Ngunit nang iaabot na sana niya ang kamay para buksan ang pinto, hindi sinasadyang napatingin siya sa kabila ng kalsada.Bigla siyang napatigil. Ang dating bakanteng puwesto sa tapat ay hindi niya namalayang tapos na palang ayusin. Makintab na makintab ang malalaking salaming bintana. Sa loob ay isang simple ngunit propesyonal na opisina ang makikita.Ngunit ang pinakamasakit sa mata niya ay ang gintong karatulang nakasabit sa labas ang…Castillo Law Firm (Cebu Branch)Natahimik si Bettina. Sa likuran niya, halos mabilaukan si Fiona. Muntik pang matapon ang hawak niyang milktea habang nauutal na nagsalita.“T-Totoo ba ‘tong nakikita ko? Sa tapat pa mismo natin ang opisina ni Attorney Elijah?!”“Nakita ko nga,” kalmadong sabi ni Bettina habang itinutulak ang salaming pinto ng law firm. “Magtrabaho ka na tayo.”Napatitig si Fiona kay Bettina at wala siyang masabi. Pakiramdam niya, simula nang bumalik ang boss niya mula Manila, par

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 101: The Bloodline of Hudson Family

    “AGATHA, gusto ka lang galitin ni Bettina.”Bawat salita ni Edith ay mabagal at mariin, malamig ang boses habang nakatingin siya sa anak.“Sinadya niyang gawin iyon para tuksuhin at hiyain ka. Gusto niyang makita kang magalit, magwala, at mawalan ng kontrol. Gusto niyang makita kang katulad ngayon, na hindi nag-iisip at handang sugurin siya anumang oras.”Bahagyang kumitid ang mga mata ni Edith.“Alam niyang hindi ka marunong magpigil.”“Kapag gumalaw ka, siguradong may maiiwan kang butas. At sa oras na iyon, mahuhuli niya ang kahinaan mo. Unti-unti niyang bubunutin ang lahat ng sikreto natin hanggang sa tuluyan tayong bumagsak!”Habang nagsasalita ang kanyang ina, paunti-unting namutla ang mukha ni Agatha. Hindi naman talaga siya ganoon katanga. Nadala lang siya ng matinding galit at ng pagnanais na mapansin at guminhawa ang buhay.Ngunit ngayong diretsahan na iyong sinabi ni Edith, bigla siyang pinagpawisan nang malamig.“Ang kapal naman ng mukha no’n..” nanginginig ang boses ni Aga

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 100: Moral damage for one peso only

    SAMANTALA, sa Cebu City...Nang matanggap ni Agatha ang court summons, nakaupo siya noon sa isang bagong bukas na luxury shop.Maayos ang kanyang ayos. Nakaangat ang isa niyang kamay na may makintab na nail art habang paulit-ulit niyang tinitingnan sa harap ng salaming may gintong gilid ang isang mamahaling silk scarf.Sa paanan niya, nakaluhod ang isang sales clerk habang maingat na isinusuot sa kanya ang isang pares ng high heels na may maliliit at kumikislap na bato.“Miss Agatha, bagay na bagay po ito sa inyo. Lalong lumalabas ang ganda ng balat ninyo,” malambing na sabi ng clerk.Bahagyang ngumiti si Agatha. Ramdam niya ang paghanga at pagtingin ng mga tao sa kanya.Ito ang buhay na para sa kanya.Lalo na ngayong nalaman niyang bahagi siya ng Hudson family.Ilang sandali pa, biglang umilaw ang cellphone niya dahil sa isang notification. Wala sana iyong gaanong halaga sa kanya, ngunit nang masulyapan niya ang laman niyon, agad siyang natigilan.Electronic court document.Dahan-dah

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 099: Expedite the wedding

    “ENOUGH!” mariing saway ni Sebastian Hudson, mahigpit ang pagkakakunot ng noo at bakas ang awtoridad sa bawat salita. “Sa tingin ko, mabuti namang bata si Bettina Imperial. Marunong umunawa, may disiplina, at higit sa lahat, sa mahahalagang pagkakataon, kaya niyang sandigan ni Evander. Iyon ang mahalaga. Kaya tigilan na ninyo ang mga sabi-sabing walang matibay na basehan. Ayokong marinig iyan muli.”Bahagyang nanginig si Martha Hudson sa tindi ng boses ng asawa. Hindi na bago sa kaniya ang istriktong tono nito, ngunit sa pagkakataong iyon, malinaw na malinaw na totoong nagalit si Sebastian. Kaya kahit labag sa loob, napilitan siyang manahimik. Gayunman, nakaukit pa rin sa mukha niya ang pagtutol at hindi pagsang-ayon.Tahimik siyang tumingin sa asawa at saka lihim na napabuntong-hininga.Alam niyang kinakampihan lamang ni Sebastian ang apo nilang si Evander. At sa totoo lang, hindi rin niya maitatanggi na malaki ang tiwala nito kay Bettina.Ngunit para sa kaniya, hindi ganoon kadaling

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 064: The Real Reason Why Leon Doesn't Like Evander

    GAYA ng inaasahan ni Bettina, hindi simpleng hapunan ang nagaganap sa gabing iyon. Habang magkakasalo sila sa mesa, malinaw na malinaw na sinusubukan siyang itugma ng pamilya kay Stephen Laurent.Maayos magsalita si Stephen—matalino, kalmado, at marunong makipag-usap sa mga nakatatanda nang hindi ma

    last updateLast Updated : 2026-03-31
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 061: Let’s go home, Bettina

    “KUYA…” mahina niyang sabi, halos hindi marinig. “Gutom na ako. Hindi pa kasi ako kumakain simula kanina…” Hindi naman nagsisinungaling si Bettina. Totoong gutom siya—pero aminado rin siya sa sarili niya na ginamit niya ’yon para kumalma ang kuya niya. Kasi kung makikipagmatigasan siya kay Leon, al

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 069: The Scapegoat

    SA loob ng isang pribadong villa sa Cebu, hinaharangan ng makakapal na kurtina ang liwanag mula sa labas. Sa malaking kama, nakadapa ang hubo’t hubad na katawan ni Edith sa dibdib ni Rexan Hudson—katatapos lang nilang magsiping.“Grabe… napagod ako ro’n,” habol-hiningang sabi ni Edith.Samantala, hi

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 063: A News He Couldn’t Ignore

    MAS malaki at mas marangya ang mansyon ng pamilyang Hudson kumpara sa pag-aari ng pamilyang Imperial. Malawak ang bakuran nito, maayos ang pagkakagupit ng damuhan, at ang mansyon mismo ay halatang sagisag ng yaman at kapangyarihang naipon ng pamilya sa paglipas ng mga taon.Isang itim na Rolls-Royce

    last updateLast Updated : 2026-03-31
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status