FAZER LOGINAng mga araw sa Paris ay mabilis na naging linggo, at ang mga linggo ay naging buwan hanggang sa ang dalawang taon ay lumipas na parang isang iglap. Sa loob ng panahong iyon, ang ingay ng business district sa Maynila ay tila naging malalayong alingawngaw na lang sa buhay nina Max at Rhialie Hansen.
Ang simula ng kanilang pagiging magkaibigan ay hindi naging madali. Nagsimula ito sa mga matatalim na irapan sa martial arts dojo, mga pabalang na sagot ni Ali, at ang walang katapusang pilyong pang-aasar ng mapanganib na bilyonaryong si Max. Subalit sa likod ng mga asarang iyon, unt-unting nagtagpi ang dalawang pusong parehong sugatan at may tinatakasan mula sa Pilipinas. Nagkasundo sila sa katahimikan ng Europe, at doon ay binuo nila ang isang matatag na pundasyon ng pagkakaibigan na walang sinumang makakatibag. Hindi lang sa pamamasyal at asaran nagkasundo ang dalawa; naging sandalan din sila ng isa't isa pagdating sa mabibigat na responsibilidad sa negosyo. Nang dumaan sa isang matinding krisis ang internasyonal na kompanya ng mga Winstone—ang pamilyang umampon kay Ali—dahil sa isang malaking isyu sa kanilang European supply chain at paninira ng mga kalaban, hindi nag-atubili si Max. Ginamit ng bilyonaryo ang kanyang malalaking corporate connections, ang kanyang talas sa estratehiya, at ang kanyang yaman upang palihim na protektahan ang mga legal na transaksyon ng kompanya ni Ali. Magkasama nilang puyat na hinarap ang mga financial reports, mga blueprint ng bagong proyekto, at mga gabi ng pag-o-audit sa loob ng opisina ni Max. Si Ali, sa tulong ng kanyang martial arts discipline at ang nagbago nitong bagsik at katapangan, ay naging matatag na katuwang ni Max sa pagre-review ng mga classified security contracts. Sa bawat krisis na kanilang nalagpasan, mas lalo nilang napatunayan na sila ay isang perpektong partner. Sa paglipas ng dalawang taon, the city of Paris became their sanctuary. Komportable na sila sa isa't isa sa antas na hindi na nila kailangang magpanggap. Nasanay na si Ali na maamoy ang pamilyar na pabango ni Max tuwing susunduin siya nito mula sa trabaho, at nasanay na rin si Max sa kamalditahan at pabalang na hirit ng dalaga na palagi niyang sinasagot ng isang nakakakilig na kindat. Naglalakad sila sa ilalim ng ulan ng Paris na may iisang payong, nagsasalo sa maliliit na cafe nang walang inaalalang protocol, at malayang tumatawa sa gitna ng Jardin du Luxembourg. Sa loob ng dalawang taong magkasama, tuluyan nang nakalimot si Max sa lason na pag-ibig niya kay Thalie. Ang mukha na dati ay gabi-gabi niyang pilit na binubura sa alak ay napalitan na ng mukha ng masungit ngunit matapang na dalagang kasama niya ngayon. Ang palihim niyang minamahal ngayon ay walang iba kundi si Ali. Labis ang kanyang suporta at laging nasa tabi ng dalaga, inaalagaan ito sa bawat pagkakataon at pinoprotektahan ang mataas nitong pride. Dahil sa tapat at walang kapantay na presensya ng bilyonaryo, tuluyan na ring nahulog ang loob ni Ali sa kanya. Ang pader na itinayo ni Ali laban sa mga lalaki ay tuluyang tinalo ng pagmamahal ni Max. Gayunpaman, kahit malayo sila sa bansa, may mga pagkakataon na nalalaman pa rin nila ang mga seryosong nangyayari sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga lihim na impormasyong natatanggap ni Max mula sa kanyang intelligence network. Isang gabi, habang nagkakape sila sa suite ni Max, pumasok ang isang ulat na nagdulot ng malaking katahimikan. Nalaman nila ang tungkol sa pagkawala ng ipinagbubuntis ni Thalie—isang matinding trahedya na nagdulot ng labis na paghihinagpis sa kapatid ni Ali. Nalaman din nila na ang naging panganay nina Thalie at Liam na nakaligtas sa sumunod na pagkakataon ay pinangalanang Maxeen, bilang pag-alaala at paggalang sa pangalan ni Max. Kahit naka-move on na si Max at ang buong puso niya ay na kay Ali na, mahalaga pa rin sa kanya si Thalie bilang asawa ng kanyang matalik na kaibigan na si Liam. Nalungkot din si Max nang malaman ang matinding paghihinagpis na pinagdaraanan ni Thalie sa Maynila. Dahil sa balitang ito, mas lalong binalot ng takot at guilt si Ali. Habang nakaupo sa sofa at nakatitig sa kawalan, palagi niyang itinatanong kay Max ang isang bagay na matagal nang nagpapabigat sa kanyang dibdib. "Max... do you think she will hate me forever?" mahinahon at may panginginig na tanong ni Ali, habang may mga luha sa kanyang mga mata dahil sa pagkamiss at hiya sa kanyang kambal. "Anim na taon kaming hindi nagkita. I was so toxic to her before. Ang dami kong kasalanan sa kanila ni Liam dahil sa kamangmangan ko. Paano kung kakamuhian niya ako kapag nagpakita ako ulit?" Dahan-dahang lumapit si Max at naupo sa tabi ni Ali. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ng dalaga at tinitigan ito nang may malalim na katapatan. "She won't, Ali. Thalie has a good heart, and she loves you. You are completely a different person now. Palagi kitang bibigyan ng lakas ng loob para sa pagbabalik niyo." Ang mga salita ni Max ay nagsilbing pinakamalaking proteksyon at lakas ni Ali upang harapin ang kanyang nakaraan. Ngunit ang katahimikan ng kanilang buhay sa Europe ay tuluyan nang nabulabog nang pumasok ang pinakahuling classified report sa tablet ni Max. Nalaman nila ang tungkol kay Vince Reid, ang mabangis, matapang, at mapanganib na bilyonaryo na kasalukuyang nagbabalik sa Pilipinas. Nakasaad sa ulat na si Vince Reid ay kasalukuyang pinakamalaking problema at kalaban ng dalawa niyang matalik na kaibigan na sina Grey Miller at Liam. Mas lalong lumala ang sitwasyon dahil nalaman din nila ang tunay na motibo sa likod ng galit ng mga kalaban. Ang pangunahing dahilan ng paghihiganti nina Vince ay dahil tinulungan ni Thalie si Mia para tumakas at magtago mula sa pamilya Reid, habang ang pangalawang dahilan naman ay ang tungkol sa matinding galit nila kay Thalie dahil kay Hanzo. Dahil dito, nahanap na ng mga Reid ang lokasyon ni Thalie, habang si Mia naman ay napilitang makipagbalikan kay Vince upang maging kalasag ng lahat. Labis ang pag-aalala at takot na naramdaman ni Ali nang mabalitaang nasa ganoong tindi ng panganib ang kanyang kambal na si Thalie. Alam ni Ali kung gaano kawalang-awa ang mga makapangyarihang tao kapag naghiganti, lalo na't nalaman niyang idinamay pa ang ibang tao gaya ni Mia para lang sa galit ng mga Reid. Humarap siya kay Max nang may determinasyon, nawala ang lahat ng kanyang pag-aalinlangan. "Max, we need to go back," mariing sabi ni Ali, habang mahigpit ang hawak sa kamay ng kanyang nobyo. "Nanganganib ang kapatid ko. I cannot just sit here in Paris while my twin sister is being hunted by the Reids." Tumayo si Max, ang kanyang pilyong ngiti ay napalitan ng isang seryoso, malamig, at mapanganib na aura ng isang makapangyarihang bilyonaryo na handa nang makipaglaban. "I've been waiting for this, Ali. Grey and Liam are already initiating their legal and corporate lockdown against the Reids, but they are missing my tactical support. Sinabi ko naman sa'yo, I will always be by your side." Doon nagdesisyon ang dalawa na tapusun ang kanilang pananahimik sa Europe. Magkasama nilang inihanda ang kanilang pagbabalik sa Pilipinas upang tumulong laban sa malakas at mabangis nilang kalaban. Ang limang taon ng kanilang paghahanda, pag-aaral ng martial arts ni Ali, at ang walang katapusang kapangyarihan ni Max ay handa na nilang dalhin sa Maynila upang simulan ang pinal na digmaan at bawiin ang kapayapaan para sa mga taong kanilang pinakamamahal.Humakbang si Ali patungo sa tapat ng salamin upang patuyuin ang kaniyang buhok. Sa bawat marahang galaw ng kaniyang mga braso, ang manipis na pulang silk robe ay sumasayaw, bahagyang bumubuka sa kaniyang hita at mas lalong nagpapakita ng kaniyang makinis na balat. Matapos maseguro na tuyo na ang kaniyang buhok, binitiwan niya ang blower at dahan-dahang naglakad patungo sa dambuhalang kama. Humiga si Ali nang buong laya sa ibabaw ng malambot na kutson. Sinasadya niyang hindi gumamit ng kumot upang takpan ang seksing pangangatawan nito, ganap na hinahayaan ang kaniyang sarili na maging sentro ng paningin sa loob ng silid. Nakatayo pa rin si Max malapit sa bintana, pilit na iniaayos ang kaniyang polo habang ang kaniyang panga ay mariing nakakapit sa tindi ng pagpipigil. Nang makita niyang pumuwesto na si Ali sa kama, humugot siya ng isang malalim na hininga. "I will take the sofa for tonight, Ali," paos at malalim na pahayag ni Max, habang pilit na iniiwas ang kaniyang mga mata sa dir
Habang nakakulong si Rhialie Winstone sa Europa, ganap na niyanig ang kabilang bahagi ng mundo. Sa Maynila, sa loob ng executive suite ng Blaizer Holdings, labis ang pag-aalala at nagwawala na si Max Blaizer sa tindi ng kaba. Ang kaniyang pormal at tuwid na tindig ay tuluyang nawalan ng kapanatagan. Dalawang araw na niyang sinusubukang tawagan ang kaniyang nobya subalit walang pumapasok na signal. Nakakaramdam siya ng isang napakatinding mali sa buong pangyayari, isang malupit na kutob na hindi siya hinahayaang makahinga nang maayos. Mabilis na gumawa si Max ng isang advanced hacking protocol upang i-track ang mismong location ng cellphone ni Ali. Ang kaniyang matitipunong daliri ay mabilis na lumipad sa keyboard ng kaniyang computer, subalit wala siyang na-trace kahit isang pirasong data dahil sadyang offline at ganap na pinatay ang telepono ng dalaga. Dahil sa tindi ng kaba at sa kawalan ng komunikasyon sa loob ng kapatnapu't walong oras, nagpasya si Max na sumunod agad sa Eur
Mabilis na gumulong ang panahon at lumipas ang isang buwan matapos ang magulong eksena sa opisina ni Max. Sa loob ng apat na linggong iyon, tuluyan nang naging tahimik at payapa ang takbo ng kanilang relasyon. Ang Alvarez Group ay tuluyan nang nabura sa listahan ng mga nangungunang kumpanya sa lungsod, habang ang tiwala at pagmamahal naman sa pagitan nina Max at Ali ay mas lalo pang tumibay. Isang gabi, nagpasya ang magkasintahan na magdaos ng isang pribadong hapunan sa isang napakarangya at eksklusibong restaurant na nakatayo sa tuktok ng isang tanyag na hotel sa Maynila. Ang paligid ay napapaligiran ng mga glass wall na nagpapakita ng nagniningning na mga ilaw ng buong lungsod. Pino at swabe ang tugtog ng piano sa background, habang ang lamig ng aircon ay nagbibigay ng kapanatagan sa kani-kanilang lamesa. Nakatitig si Max kay Ali nang may tindi ng paghanga at posesib na lambing. Suot ng kaniyang kasintahan ang isang eleganteng itim na cocktail dress na bumagay sa kaniyang tuwid
Dahil sa narinig ni Ali mula kay Liam, mabilis itong huminahon. Ang kaniyang nagwawalang katawan ay biglang napatigil, kaya naman dahan-dahan na siyang binitawan ni Grey mula sa pagkakakapit. Agad na kumilos si Grey upang tumawag ng personal na doktor ng kumpanya upang mag-asikaso sa kritikal na kondisyon ng kaniyang matalik na kaibigan.Mabilis na dumating ang doktor kasama ang kaniyang medical team upang suriin si Max. Sa mga sandaling iyon, ang bilyonaryo ay hindi na rin makahinga nang maayos, at unti-unti nang namumula ang kaniyang mukha at buong katawan dahil sa tindi at bagsik ng kemikal na ipinalunok sa kaniya ni Cathy. Nakaramdam ng matinding awa at pagsisisi si Ali habang pinapanood ang kaniyang nobyo na nahihirapan, ganap na napagtanto na biktima lamang ito ng isang marahas na sabotahe.Matapos masuri at mabigyan ng paunang lunas ng doktor si Max upang mailabas ang lason sa kaniyang katawan, umalis na ang medical team upang ihanda ang tuluyang paglilipat sa kaniya sa ospita
Matapos isara ni Doña Smith ang pinto ng boardroom, hindi na nag-aksaya ng oras si Max Blaizer. Ang kaniyang puso ay pinipiga sa tindi ng pagsisisi at pangamba na tuluyan na siyang burahin ni Ali sa buhay nito. Hawak ang kaniyang susi, mabilis siyang bumaba sa parking lot at pinaharurot ang kaniyang pulang sports car patungo sa dambuhalang corporate tower ng kumpanya ni Ali. Ang kaniyang marahas na hakbang ay udyok ng matinding takot—isang takot na hindi na niya kayang malagpasan kung tuluyan nang mawawala ang kaniyang nobya.Pagkapasok na pagkapasok niya sa building ni Ali, binalewala ni Max ang lahat ng pormalidad. Hindi na niya hinintay ang clearance ng mga sekretarya o ang log-in requirements ng front desk. Dire-diretso siyang sumakay sa executive elevator patungo sa pinakatuktok na palapag kung saan matatagpuan ang pribadong opisina ng dalaga.Nang marating niya ang tapat ng silid, marahas niyang itinulak ang makapal na glass door. Doon ay bumungad sa kaniya si Ali, na kasaluku
Mabilis na tinahak nina Ali at Mia ang daan patungo sa pinakamalapit na ospital upang ipagamot ang dumudugong siko ni Thalie. Pagkarating sa emergency room, agad na inasikaso ng mga doktor ang kaniyang sugat. Dahil maliit ngunit sadyang malalim ang pagkakatama ng kaniyang braso sa matulis na bakal ng lamesa, kinailangan siyang tahiin at turukan ng anesthesia upang hindi maramdaman ang tindi ng sakit, dahilan upang pansamantalang makatulog si Thalie sa loob ng pribadong suite room.Habang nagaganap ang lahat ng ito, sa kabilang bahagi ng lungsod, kasalukuyang nasa isang napakahalagang high-level corporate board meeting si Liam Lucas Smith. Subalit nang mabalitaan niya ang buong pangyayari at ang pananakit sa kaniyang mahal na asawa, labis ang naging galit na naramdaman niya. Ang kaniyang teritoryal at posesib na sistema ay ganap na nag-overheat. Kahit nasa gitna pa siya ng kumpetisyon at diskusyon sa kaniyang mga kliyente, marahas niyang pinahinto ang meeting nang walang pasabi, binu







