Isang gabi, habang bumubuhos ang malakas na ulan sa Paris, pumasok si Max sa isang pribadong bar na eksklusibo lamang para sa matataas na opisyal at mayayaman. Umupo siya sa madilim na bahagi ng counter, hawak ang isang baso ng scotch. Katahimikan ang kanyang hinahanap upang mag-isip, ngunit sa isang iglap, tila huminto ang tibok ng kanyang puso.Sa kabilang sulok ng pribadong bar, sa ilalim ng mabuway na pulang ilaw, nanlaki ang kanyang mga mata at nakaramdam siya ng labis na pagka-miss. Nakahilig doon ang isang babae na kamukhang-kamukha ni Thalie. Masaya itong nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nitong European, tumatawa nang malaya na tila ba walang anumang inaalalang problema sa Pilipinas. Ang kanyang mahabang buhok, ang hubog ng kanyang mukha, at ang pamilyar na kislap sa kanyang mga mata—ito ang Thalie na gabi-gabi niyang pilit na binubura sa kanyang isipan. Napatayo si Max mula sa kanyang upuan, halos mabitawan ang kanyang baso ng alak dahil sa matinding gulat.Nang mapansi
Última actualización : 2026-09-20 Leer más