LOGINDinala niya ako sa isang mamahaling hotel. Isang room na lang ang natitira pero may dalawang kama naman kaya tumuloy na kami. Pagod na rin kasi siya dahil mahaba pa ang binyahe niya.
Pinauna niya akong maligo at nag-order ng pagkain. Habang bumabagsak ang tubig mula sa shower sa aking mukha, tahimik akong umiiyak. Sirang plaka na naglaro sa utak ko ang mga sinabi ng mga magulang, na tumigil lang nang makarinig ng katok.
“The food is here,” anunsiyo niya.
Mabilis kong tinapos ang pagligo at siya ang sumunod. And still, habang kumakain at dahil mag-isa ay muli akong umiyak. Mula kahapon pa ako umiiyak, pero hindi manlang naubos ang mga luha ko. Ramdam ko na ang hapdi ng mga mata pero hindi ko mapigilan.
At nahuli niya akong ganon nang lumabas siya, habang pinupunasan ng towel ang buhok. Mabilis kong tinuyo ang mukha at tumikhim. Hindi niya naman iyon pinuna na naupo sa aking tapat at mayabang na ibinalandara ang magandang katawan.
Nabulunan ako at pinamulahan. He has eight pack abs at nakakatakam —- Vivienne! Pero totoo, mas masarap pa sa pagkain.
Sinalinan niya ako ng tubig at inabot. Napatulala ako sa baso. For my whole life, other than maids, walang nag-abot sa akin ng tubig. It was a simple gesture, but it warmed me inside. May kung anong kakaibang init ang humaplos sa nanlalamig kong puso.
Kinuha ko iyon at mabilis na uminom. “S-Salamat…”
Tahimik kaming kumain pagkatapos n’on. Hindi man lang siya nagtanong tungkol sa nangyari. Hindi rin siya nag-usisa kung bakit ako natagpuang gan’on sa kalsada. Ngunit habang nakatitig sa plato, hindi ko maiwasang sumulyap sa kaniya nang patago.
It’s been more than a year since I last saw him, and still, he’s the same, giving off that dangerous, badboy vibe.
He is Elion Alcantara. Kapatid siya ni Leander sa ama, ngunit imbes na Fajardo ay ang apelyido ng kaniyang ina ang ginagamit niya. Magulo at basa pa ang kaniyang pulang buhok na bumabagsak at humahawi sa kaniyang noo. Mayroon siyang makapal na kilay, matalas at depinidong panga, at aura ng isang batang hindi basta makokontrol ng magulang.
His vibe perfectly suits his career. Isa siyang propesyonal na racer at halos palaging nasa ibang bansa. Bukod doon, isa rin siyang international model.
We were never close, kahit pa magkakilala na kami noong high school. We went to the exact same school, nagkikita sa family gatherings pero ni minsan ay hindi nag-usap. Masungit kasi siya at natatakot ako sa mga tipo niya. Miski sa kasal naman ni Leander ay hindi rin siya dumalo.
Kaya naman hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ako tinutulungan ngayon, bagay na hindi ko napigilang itanong.
Tamad siyang sumagot. “Nanay Rosa called me, she asked for a favor to find you and keep you safe.”
Napangiti ako nang maliit. Si Nanay Rosa pala. At least, someone still cared for me. Akala ko tinalikuran na ako ng buong mundo. Noon pa man, ang mga kasambahay lang talaga namin ang nagpaparamdam sa akin ng kaunting halaga at pagmamahal.
“Pakisabi sa kaniya… salamat.”
Tumango lang siya at bagot na tinitigan ako nang matagal.
“What?”
“What’s your plan now?”
Ibinaba ko ang utensils. “I’ll beg to Leander.”
Kahit alam kong imposible. Leander was so eager to escape from our marriage, narinig ko mismo iyon sa kanya noong araw na nahuli ko siyang may iba. Kaya rin ako pumirma sa divorce papers, dahil nalaman kong nasasakal ko na pala siya, at ayaw kong ikulong ang taong mahal ko. Pinalaya ko siya dahil sa pagmamahal. But now that I am faced with absolute nothingness, I realized I have nowhere else to go. I have to try. Sheer desperation is pushing me and I will do everything. Handa kong kalimutan ang lahat ng masakit na salitang narinig ko mula sa kaniya, maibalik lang ang buhay na kinalakihan ko.
Tumiim bagang siya at bumakas ang matinding disgusto sa mukha. “Tanga.”
Hindi na ako r’on nasaktan. Mas sobra pa ang narinig ko kay Leander. “I know… pero wala ako kung wala siya. Siya ang halaga ko.”
And indeed, I am pathetic.
Tinapos ko ang pagkain at nahiga sa malambot na kama. Hindi agad ako nakatulog at hinintay na bumalik siya, pero dumating ang umaga at isang note ang iniwan niya.
He already left. May karera pa raw siya at iniwan ang black card niya para may panggastos ako.
Is he serious?
Naghanda ako noong umagang ‘yon at bumalik ako sa bahay namin ni Leander. Nakatayo ako sa tapat ng napakataas na gate, ilang beses na nag-doorbell at tinatawag siya. Walang Leander na lumabas, pero alam kong nasa loob siya. Ang sabi ng guard ng village ay hindi pa raw nito nakita ang sasakyan ni Leander na umalis.
I waited and waited for hours under the scorching sun, not stopping calling him at sa oras na lumabas siya, throwing all ounce of my pride, lumuhod ako.
“Oh, look who’s crawling back.”
ELION ALCANTARA POV Nagmamadali akong lumabas ng bahay at sinigaw ang pangalan niya. “Vivi! Vivienne!” Umapaw ang matinding takot sa buo kong pagkatao. Napasabunot ako ng buhok habang hindi alam kung saan siya hahanapin. May bagyo, hindi niya kabisado ang isla, at wala siyang pera o mapupuntahan. “Vivienne!” Humahalo ang malakas na sigaw ko sa malakas na buhos ng ulan habang tumatakbo. “Vivienne…please! Nasaan ka?” Naglabasan ang ilang kapitbahay at nilapitan ako. .“Elion! Anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw sa gitna ng ulan?” “Nawawala ba si Vivi?” Tinanguan ko si Nanay Merced at napaluhod sa semento. Natatakot ako para sa kanya, nag-aalala ng sobra. “Umalis siya ng bahay! Tulungan niyo po ako, please. Takot siya sa kulog, ‘nay.”Hinila ako ni Nanay Merced at Nanay Susan patayo. “Tayo ka, hanapin natin siya.” Marami ang tumulong sa akin para hanapin si Vivienne kahit na mabasa pa sila ng ulan. Napuno ang kalsada ng mga sigaa namin sa pangalan niya.Patuloy ako sa pagsigaw
ELION ALCANTARA POV Fajardo.That one single word felt like poison stabbing me right through my chest. Napatiim bagang ako at ramdam ang pagdaloy ng matinding init ng galit at pait na dumadaloy sa bawat ugat ko. Isinusuka ko ang apelyidong iyon. Sa buong buhay ko, pilit kong itinapon, tinakasan, at kinamuhian ang dugo ng mga Fajardo, the family name that has given me nothing but betrayal, worthlessness, and bitterness from my own father and half brother—Leander. And looking straight into Vivi’s eyes, I saw no hesitation, she meant every single word. She genuinely saw me as one of them, a monster who shared the same twisted bloodline, and that realization crushed my soul.Ang mga salitang ‘yon ang pinakaayaw kong marinig mula sa kanya, kasi alam ko kung paano siya dinurog ng mga Fajardo. Gusto kong magpaliwanag. I opened my mouth to speak, desperate to erase the pain in her eyes and tell her how much I hated that name too, but a loud, shrill ring abruptly cut through the heavy sile
Pagdating sa bahay, nagpupumiglas akong bumaba at tumakbo sa hagdanan. Narinig ko ang kaniyang boses na tumatawag mula sa aking likuran, desperadong pinakikiusapan ako na makipag-usap. Nang makapasok ako sa kwarto, malakas kong sinara ang pinto sa mismong mukha niya at ni-lock. Habang walang tigil ang kaniyang marahas na pagkatok mula sa labas, isinubsob ang mukha sa unan, at humagulhol ng iyak. So many bitter and angry thoughts consumed my mind while I was buried in that wet pillow. Hindi ko matanggap kung paano ako itrato ni Elion sa harap ng maraming tao. Sa ginawa niya ay mas lalo niya akong ipinahiya, mas pinalabas lang niya na ako talaga ang may kasalanan. Ni hindi man lang pumasok sa isip niyang tanungin kung ano ang buong nangyari. What he did drive a knife straight through my chest. I hate him! Nakatulog ako sa gitna ng matinding pag-iyak at naalimpungatan nang maramdamang may humuhubad sa suot kong heels at maingat na inaayos ang pwesto ko mula sa pagkakadapa. I slowly o
Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, nawala ang kanyang maamong maskara at napalitan ng mataray na ekspresyon. Tumaas ang kilay niya. “Huwag mong sabihin na naiwan mo ang wallet. Ilang beses ko nang narinig ang palusot na ‘yan.” Pilit akong ngumiti nang matamis. “Do you know Elion Alcantara?”Nangunot ang noo niya at napansin ko ang pamumula ng pisngi niya. "Oo. Ano namang connect ni Sir Elion dito?”I stood up taller, full of confidence at inabot ang palad sa kaniya. “I’m Vivienne, his wife.” Ngumisi ako. A sudden flash of realization crossed her face, quickly morphing into subtle disdain. “Balita ko nga ikakasal pa lang siya.” Ang kaniyang boses ay may halong pang-aasar, na may matinding diin sa salitang ‘pa lang.’ Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Mga gold digger nga naman. Naka-jackpot lang ng mayaman, kung umaasta akala mo kung sino na.” “Gold digger?” Natawa ako bago tumalim ang tingin sa kanya. “I am Vivienne Ramirez. A daughter of a business tycoon. An elite—”
Agad akong lumayo sa kaniya habang nakasimangot, mabilis kong kinuha ang ilang hibla ng aking buhok at inamoy. “Ilang araw ka na bang hindi naliligo?” tanong niya sabay pakawala ng isang malakas na tawa nang salubungin ko siya ng masamang tingin.Ikaapat na araw na rin siguro ngayon. “I’ll boil water. Finish your food at maligo ka pagkatapos.”Agad siyang lumabas ng kuwarto. Nakasimangot ko uling inamoy ang buhok at bahagyang ngumiwi dahil may kakaiba na nga itong amoy. Nakakahiya! Paano ko nagagawang yakapin siya nang ganoon gayong hindi pa pala ako nakakaligo?Pagpasok ko sa banyo, lalo akong napasimangot. Walang gripo, walang bathtub, at walang skincare. Tanging dalawang malaking balde at isang tabo lang ang naroon at cheap na sabon. “About my bed... wala ka na bang extra foam? Ang sakit kasi ng likod ko. At saka extra fan na rin,” request ko habang hinahaluan niya ng mainit na tubig ang dalawang balde.Bumagsak ang kaniyang mga balikat at tinitigan ako nang may halong panggigig
Umiyak ang mananahi habang nakaturo sa akin. “Sigurado ka ba talagang 'yan ang aasawahin mo, Elion? Ang hambog! Matapobre!” “I’m just telling the—”Hindi ko na itinuloy ang sasabihin nang tapunan ako ng masamang tingin ni Elion. Humingi siya ng tawad sa mananahi, sa lahat bago ako kinaladkad pauwi. Nakanguso at nakahalukipkip akong nakaupo sala. Pumasok siya sa kusina para ilapag ang mga bitbit. “Hindi ka kumain—”“Anong kasal? Wala kang nabanggit sa akin na ikakasal tayo.” Hindi naman sa tutol ako, nakakainis lang dahil sa iba ko pa nalaman. Lumapit siya sa akin. “Sasabihin ko sana sa 'yo pag-uwi ko.”“At bakit sila pa ang mas naunang nakakaalam, ha?”“Si Aling Mirna lang ang sinabihan ko para makapagpagawa ng gown. Sinabihan ko siyang huwag ipagkalat, nagulat lang din ako nang malamang alam na ng buong baranggay at mas lalong nagulat nang sabihan na nakikipag-away ka.” “That tailor dragged me into her shop and tried to touch me without my consent! One of them touched my belly t







