LOGINSumunod siyang lumabas, pero bago iyon ay inutusan niya ang mga maid na iwan ang designer bags ko at mamahaling damit para maibenta.
Naiwan akong nakasalampak sa sahig, patuloy na humahagulhol at hindi makapaniwala sa sinapit ko dahil lang sa isang desisyon.
Mabilis na natapos magligpit ang dalawang maid. Matapos ipaalam iyon sa ama ko ay may dalawang guards ang pumasok at sapilitan akong itinayo.
Umiling-iling ako, umiiyak habang kinaladkad sa kahabaan ng hallway. Nagpupumiglas, halos mapaos kakasigaw, nawawalan na ng dignidad.
“Dad, give me another chance! Dad!”
Sa dulo ng hagdanan, nakita ko ang nakakatandang kapatid na nakatayo roon, nakatitig lang sa akin nang walang ekspresyon. “A…ate…help me…”
Pero nilihis lang niya ang tingin. Miski siya ay walang pakialam sa akin. Tumabi sa kanya ang mga magulang ko, nasa gitna siya and they are like a perfect family.
“Dad…mom…”
"Kaladkarin niyo siya palabas ng village," malamig na utos ni Dad. "At siguraduhin niyong hindi na makakatapak ang babaeng 'yan sa ari-arian ko!"
Sinunod ng mga guards ang bilin ni Dad, itinapon nila ako sa labas ng village kasama ang maleta ko, na parang isang basurang wala ng halaga. Ang malaking gate ay marahas na sumara. Sinubukan kong humabol pero napaluhod ako sa panghihina ng mga tuhod.
“Please…”
All my life, I was raised not as a daughter, but as an investment asset. Hindi ako katulad ni Ate na matalino, may pakinabang pero pinalaki pa rin nila ako sa karangyaan, hindi dahil mahal nila ako, kundi para pilitin na magkaroon ng silbi.
Nang ipaalam ko sa kanila na gusto ko si Leander at gusto ko itong maging asawa, iyon ang unang beses na niyakap nila ako at naging proud. Tinulungan nila ako para maging akin si Leander, sila ang nakaisip na hilingin ito kay Lolo sa 18th birthday ko.
And now, dahil hindi na ako isang Fajardo ay nawalan na ako ng halaga sa pamilya ko. I realized I was completely empty. I was just tolerated while I was useful, and erased the moment I broke down.
Malalim na ang gabi. Malamig ang hangin. Nakatayo ako sa tabi ng kalsada at pilit pinapatatag ang loob. Durog na durog ako sa loob, nanginginig ang buong katawan, at hindi na naubos ang luha.
Sa wakas ay may humintong taxi. Tinulungan niya akong ilagay sa likod ang maleta. "Sa pinakamalapit na luxury hotel po," mahina kong utos.
Inabutan niya ako ng mineral bottle at nakita ang pag-aalinlangan ko. “Safe po ‘yan, Ma’am. Uminom po muna kayo at baka ma-dehydrate kayo.”
Something warm brush my heart. Binuksan ko ang tubig at naubos agad ang laman n’on.
Pagdating sa hotel ay hindi niya tinanggap ang bayad na inabot ko, ipambili ko na lang daw ng makakakain. Nagpumilit ako pero sa huli ay ‘salamat’ na lang ang naibayad ko bago lumabas.
Sa loob ng hotel, pinagtitinginan ako ng mga guests dahil sa itsura ko, pero wala na akong pakialam pa. Marami na akong iniisip para hayaang dumagdag pa sila.
"I'm sorry, Miss Ramirez.” Kinabahan ako sa sinabi ng receptionist. “Your card has been declined. Your account is frozen."
Nanlamig ako. Agad-agad? Saan ako nito kung gan’on? Wala na ba talaga silang natitirang awa sa akin? Anak nila ako. Tunay. Buo.
“Sandali lang po.”
Tinanguan ako nito.
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Mama. Unanswered. Tinawagan ko ulit pero dial tone lang. Sa pangatlong subok, blocked na ang numero ko.
"Miss, if you cannot pay, we have to ask you to leave the lobby," pormal ngunit matigas na sabi sa akin ng receptionist.
Wala akong nagawa kundi ang lumabas. Habang naglalakad sa gilid ng daan at hila ang maleta, tinawagan ko ang nag-iisa matalik na kaibigan.
Calling Jena…
Kumurap ako nang mamuo ang luha sa mga mata.
Ring lang ito nang ring, ngunit walang sumasagot. Limang beses. Sampung beses. Walang Jena na sumagot.
Pati siya tinalikuran ako.
Pumatak ang hatinggabi. Ang mga paa kong nakasanayan ang mamahaling heels ay puno na ng sugat at paltos. Wala na akong lakas at walang tigil sa tahimik na pag-iyak.
Napadpad ako sa isang gilid ng saradong bakod ng bangko kung saan may ilang mga batang kalye na nakahiga sa mga lumang karton.
Nilakasan ko ang loob at humingi sa kanila. Nagkatinginan sila at tumango. Hinubad ko nama ang kwintas at ibinigay. “Puwede niyong ibenta. Salamat.”
Kumislap ang mga mata nila. “Salamat dito, Ate.”
Pumuwesto ako di kalayuan sa kanila, balisa sa kung anong puwedeng mangyaring masama sa akin ngayong gabi.
Umiyak ako nang umiyak habang yakap ang mga binti. Hindi ko kailanman naisip na ang pakikipag-divorce ko kay Leander ang magiging dahilan ng tuluyang pagkawasak ng buhay ko. I regret it now. Mas pinag-isipan ko sana muna nang maayos.
“Vivi.”
Tumingala ako at suminghap.
Sa harap ko, nakatayo ang isang matangkad na lalake. Naka-wolf cut ang pulang buhok at ang kaniyang parang pusang mga mata ay malamig at galit. Tumiim bagang pa siya. Nalaman niya na sigurong nakipag-divorce ako sa kuya niya. Akala ko tapos na ako sa gabing ‘to, may humabol pa.
“Can you get mad at me tomorrow? Pagod na pagod na ako.” Gusto ko na lang humiga at matulog, pero paano? Walang malambot na kama, ni hindi man lang magawang bigyan ng init ng yakap ko ang katawan sa lamig ng gabi.
Malalim siyang bumuntong hininga at sa kabila ng galit na mukha, malambot ang boses siyang nagsalita. “I’m not mad at you. I’m here…not leaving you behind."
ELION ALCANTARA POV Nagmamadali akong lumabas ng bahay at sinigaw ang pangalan niya. “Vivi! Vivienne!” Umapaw ang matinding takot sa buo kong pagkatao. Napasabunot ako ng buhok habang hindi alam kung saan siya hahanapin. May bagyo, hindi niya kabisado ang isla, at wala siyang pera o mapupuntahan. “Vivienne!” Humahalo ang malakas na sigaw ko sa malakas na buhos ng ulan habang tumatakbo. “Vivienne…please! Nasaan ka?” Naglabasan ang ilang kapitbahay at nilapitan ako. .“Elion! Anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw sa gitna ng ulan?” “Nawawala ba si Vivi?” Tinanguan ko si Nanay Merced at napaluhod sa semento. Natatakot ako para sa kanya, nag-aalala ng sobra. “Umalis siya ng bahay! Tulungan niyo po ako, please. Takot siya sa kulog, ‘nay.”Hinila ako ni Nanay Merced at Nanay Susan patayo. “Tayo ka, hanapin natin siya.” Marami ang tumulong sa akin para hanapin si Vivienne kahit na mabasa pa sila ng ulan. Napuno ang kalsada ng mga sigaa namin sa pangalan niya.Patuloy ako sa pagsigaw
ELION ALCANTARA POV Fajardo.That one single word felt like poison stabbing me right through my chest. Napatiim bagang ako at ramdam ang pagdaloy ng matinding init ng galit at pait na dumadaloy sa bawat ugat ko. Isinusuka ko ang apelyidong iyon. Sa buong buhay ko, pilit kong itinapon, tinakasan, at kinamuhian ang dugo ng mga Fajardo, the family name that has given me nothing but betrayal, worthlessness, and bitterness from my own father and half brother—Leander. And looking straight into Vivi’s eyes, I saw no hesitation, she meant every single word. She genuinely saw me as one of them, a monster who shared the same twisted bloodline, and that realization crushed my soul.Ang mga salitang ‘yon ang pinakaayaw kong marinig mula sa kanya, kasi alam ko kung paano siya dinurog ng mga Fajardo. Gusto kong magpaliwanag. I opened my mouth to speak, desperate to erase the pain in her eyes and tell her how much I hated that name too, but a loud, shrill ring abruptly cut through the heavy sile
Pagdating sa bahay, nagpupumiglas akong bumaba at tumakbo sa hagdanan. Narinig ko ang kaniyang boses na tumatawag mula sa aking likuran, desperadong pinakikiusapan ako na makipag-usap. Nang makapasok ako sa kwarto, malakas kong sinara ang pinto sa mismong mukha niya at ni-lock. Habang walang tigil ang kaniyang marahas na pagkatok mula sa labas, isinubsob ang mukha sa unan, at humagulhol ng iyak. So many bitter and angry thoughts consumed my mind while I was buried in that wet pillow. Hindi ko matanggap kung paano ako itrato ni Elion sa harap ng maraming tao. Sa ginawa niya ay mas lalo niya akong ipinahiya, mas pinalabas lang niya na ako talaga ang may kasalanan. Ni hindi man lang pumasok sa isip niyang tanungin kung ano ang buong nangyari. What he did drive a knife straight through my chest. I hate him! Nakatulog ako sa gitna ng matinding pag-iyak at naalimpungatan nang maramdamang may humuhubad sa suot kong heels at maingat na inaayos ang pwesto ko mula sa pagkakadapa. I slowly o
Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, nawala ang kanyang maamong maskara at napalitan ng mataray na ekspresyon. Tumaas ang kilay niya. “Huwag mong sabihin na naiwan mo ang wallet. Ilang beses ko nang narinig ang palusot na ‘yan.” Pilit akong ngumiti nang matamis. “Do you know Elion Alcantara?”Nangunot ang noo niya at napansin ko ang pamumula ng pisngi niya. "Oo. Ano namang connect ni Sir Elion dito?”I stood up taller, full of confidence at inabot ang palad sa kaniya. “I’m Vivienne, his wife.” Ngumisi ako. A sudden flash of realization crossed her face, quickly morphing into subtle disdain. “Balita ko nga ikakasal pa lang siya.” Ang kaniyang boses ay may halong pang-aasar, na may matinding diin sa salitang ‘pa lang.’ Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Mga gold digger nga naman. Naka-jackpot lang ng mayaman, kung umaasta akala mo kung sino na.” “Gold digger?” Natawa ako bago tumalim ang tingin sa kanya. “I am Vivienne Ramirez. A daughter of a business tycoon. An elite—”
Agad akong lumayo sa kaniya habang nakasimangot, mabilis kong kinuha ang ilang hibla ng aking buhok at inamoy. “Ilang araw ka na bang hindi naliligo?” tanong niya sabay pakawala ng isang malakas na tawa nang salubungin ko siya ng masamang tingin.Ikaapat na araw na rin siguro ngayon. “I’ll boil water. Finish your food at maligo ka pagkatapos.”Agad siyang lumabas ng kuwarto. Nakasimangot ko uling inamoy ang buhok at bahagyang ngumiwi dahil may kakaiba na nga itong amoy. Nakakahiya! Paano ko nagagawang yakapin siya nang ganoon gayong hindi pa pala ako nakakaligo?Pagpasok ko sa banyo, lalo akong napasimangot. Walang gripo, walang bathtub, at walang skincare. Tanging dalawang malaking balde at isang tabo lang ang naroon at cheap na sabon. “About my bed... wala ka na bang extra foam? Ang sakit kasi ng likod ko. At saka extra fan na rin,” request ko habang hinahaluan niya ng mainit na tubig ang dalawang balde.Bumagsak ang kaniyang mga balikat at tinitigan ako nang may halong panggigig
Umiyak ang mananahi habang nakaturo sa akin. “Sigurado ka ba talagang 'yan ang aasawahin mo, Elion? Ang hambog! Matapobre!” “I’m just telling the—”Hindi ko na itinuloy ang sasabihin nang tapunan ako ng masamang tingin ni Elion. Humingi siya ng tawad sa mananahi, sa lahat bago ako kinaladkad pauwi. Nakanguso at nakahalukipkip akong nakaupo sala. Pumasok siya sa kusina para ilapag ang mga bitbit. “Hindi ka kumain—”“Anong kasal? Wala kang nabanggit sa akin na ikakasal tayo.” Hindi naman sa tutol ako, nakakainis lang dahil sa iba ko pa nalaman. Lumapit siya sa akin. “Sasabihin ko sana sa 'yo pag-uwi ko.”“At bakit sila pa ang mas naunang nakakaalam, ha?”“Si Aling Mirna lang ang sinabihan ko para makapagpagawa ng gown. Sinabihan ko siyang huwag ipagkalat, nagulat lang din ako nang malamang alam na ng buong baranggay at mas lalong nagulat nang sabihan na nakikipag-away ka.” “That tailor dragged me into her shop and tried to touch me without my consent! One of them touched my belly t







