Share

Chapter 6

Chap 6

--

Pagpasok ko sa bahay niya, ibang ambiance ang naramdaman ko. Nakakapangilabot ang kulay itim niyang bahay pero elegante tingnan lalo na sa chandelier nito.

"Don't memorize it, di ka dito titira"masungit niyang sabi 'saka pabatong inihiga ang sarili niya sa couch

Inirapan ko siya kahit di siya nakatingin sakin. Kala mo kung sino kung umasta.

"Anyways, nasan ba comfort room mo dito?"nakapamewang kong tanong

Pumikit siya na mukhang may plano ng matulog "Dumiretso ka lang dun sa kusina tapos dun ka maghanap ng banyo"aniya saka pumwesto na ng maayos sa couch.

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang bastos talaga, di manlang tinuro sakin kung nasan yung cr.

Sinunod ko nalang 'yong instruction niya. Pumunta ako ng kusina pero tumambad sakin ang madaming hugasin. Sobrang kalat ng lababo niya. Nangangamoy bulok na at nilalangaw pa.

"Sumobra naman yata siya sa pagiging tamad"iiling iling kong sabi saka hinanap na 'yong cr.

Nang mahanap ko na yun, buti nalang maayos at malinis yung banyo niya dahil kung hindi, mapipilitan akong magbihis sa kwarto niya

Matapos kong magbihis napansin kong may dugo sa gilid ng bowl. Bigla kong naalalang may namatay kanina lang.

What if siya ang may gawa nito?

Dali dali kong kinuha yung papel kung san nakalagay yung mga taong pinaghihinalaan ko saka siya inilista ron.

Huminga ako ng malalim para kumalma. Kinakabahan ako. Natatakot ako sa mangyayari sakin pag labas ko rito. Posibleng isa tong patibong. Baka pagbukas ko ng pinto, sasaksakin na niya ako

Napahawak ako sa dibdib ko 'Kalma lang please. Makakaalis ako dito'

Biglang kumalabog ng mabilis ang dibdib ko nang madinig na papunta siya rito. Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang kumatok na siya "Matagal ka pa ba?"animoy naiinis na niyang sabi

"W-wait lang.."agad akong nagpalinga linga sa paligid. Nagbabakasaling may gamit dito panlaban sakanya pero wala akong nahagilap

'What should I do?! Think! Think!' I said to myself hanggang sa maiyak na ako. Sinubukan kong huwag iyon ipadinig sakanya pero huli na ang lahat dahil muli siyang kumatok

"Woii babae?! Ano nangyari?"aniya habang kinakatok yung pinto

"W-wait!"dali dali kong kinuha ang brush ng cr saka pinahid ang luha ko. Binuksan ko ang pinto saka tinago yung brush sa likod ko

Sumalubong sakin ang salubong niyang kilay "What happened?"

"W-wala naman.."utal kong sagot saka pilit na ngumiti

"Umiyak ka? Nanginginig labi mo ohh"aniya pa sabay turo sa labi ko

Tinikom ko ang bibig ko saka umiling "Di kaya. Umalis ka na nga"

Tumingkayad siya para makita ang hawak hawak ko sa likod pero agad akong umilag saka siya bahagyang tinulak "Ano ba yan?"salubong ang kilay niyang tanong habang nakatingin sa likod ko

"Brush.."tipid kong sagot saka siya tinaasan ng kilay

Mas lalo naman niya akong tinaasan ng kilay "Anong gagawin mo jan?" Unti unting pumantay ang kilay ko nang wala akong masagot "Ipangpukpok mo sakin?"dagdag pa niya. Napalunok ako saka tumingin sakanya na seryosong nakatingin naman sakin

'Lagot!'

"Just kidding.."bawi niya agad saka tumawa. Nakahinga ako ng maluwag "Kabado ka ah"dagdag pa niya saka pumunta na ng kusina

Napapikit ako saka nakahinga ng maluwag. 'Muntik na kong bawian ng buhay sa nerbyos!'

Binalik ko na ulit yung brush saka lumabas para makainom ng tubig

Naabutan ko siyang nagpapakulo ng tubig "Ohh, kala ko mag e-emote ka pa dun"aniya saka nilapag sa lamesa ang cup noodles

Ngumiwi ako nang makitang isa lang yun. Laylay ang balikat kong lumapit sa cabinet niyang madaming cup noodles "Di ako nag emote. Di ko lang talaga kinaya yung baho ng lababo mo"sagot ko habang namimili ng cup noodles

Sinara niya yung cabinet dahilan para maipit kamay ko. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin na may halong inis "Wag ka feeling at home. Magutom ka jan"aniya saka marahas na tinanggal ang kamay kong nakaharang sa pinto ng cabinet niya saka sinara ito at ni-lock "Nang-iinsulto ka sa lababo ko tapos kukuha kuha ka jan ng cup noodles"ungot pa niya saka nilipat na yung bagong kulo na tubig sa cup noodles

Naupo nalang ako sa katapat niyang upuan na bakante "Sobrang tamad mo maghugas ng pinggan pero anlakas mo kumain, ayos ka din noh?"puno ng sarkasmo kong sabi sakanya habang pinapanood siyang matakam sa kinakain niya

Ngumuya muna siya bago magsalita "Bat ka umupo? Diba sabi ko wag feeling at home. Tumayo ka jan"aniya na winawasiwas pa yung kutsara niya. Pero di ko siya sinunod para mapikon siya "Aba! Tumayo ka nga jan sabi!"sigaw pa niya na nilakihan pa yung mata

'Mukhang ewan'

Tumayo ako saka siya inirapan "Burara!"singhal ko sakanya saka pumunta ng sala niya.

Sayang yung bahay na toh mukhang elegante, napunta lang sa taong burara psh!

Agad kong nilibot ng tingin ang paligid saka naghanap ng sign na isa siyang killer.

Ano ba usually ginagamit ng mga killers?

Nasan ba usually nakalagay mga tinatago nila? Surely wala naman dito sa sala

Napatingin ako sa second floor ng bahay niya. I'm sure nandon lahat ng gamit niya

Nagpalinga linga muna ako sa paligid bago umakyat ng hagdan. Sana lang hindi ko pagsisihan tong ginagawa ko. Kung di lang talaga kailangan, di ko babalaking mag aksaya ng panahon dito

"Anong ginagawa mo?"bigla akong nahinto nang madinig ko ang boses niya. 'The hell! I'm doomed!' "Bat ka aakyat jan?"dagdag pa niyang tanong

Tumingin ako sakanya saka siya nginitian ng pilit "I'm gonna check my room"

Nagsalubong kilay niya "Room? Dito ka matutulog?"

"Yeah? Why not?"tanong ko pabalik sakanya kahit alam ko namang bawal

"What the-- bawal! hindi pwede! Magtanong ka dun sa headmistress kung nasan susi ng bahay mo!"aniya saka may bumalik sa kusina

'Urggh! Kainis!'

"Ohh.."muli siyang bumalik saka nilahad yung cup noodles na may sabaw na pero mukhang di na masyadong mainit dahil di na umuusok

"Bat di na masyadong mainit?"naiinis kong tanong sakanya

Pinanlakihan niya ko ng ilong "Magrereklamo ka jan o mamamatay ka sa gutom!"

Sinamaan ko lang siya ng tingin saka bumaba ng hagdan at kinuha yung cup noodles na bigay niya't naupo sa couch. Naupo din siya sa isa pang couch saka abalang kumain na parang wala siyang kasama

Masyado siyang maingay kumain kaya inis akong tumingin sakanya "Para kang baboy"naiinis kong sabi sakanya

"Ang sabi ko, kumain ka. Di ko sinabing panoodin mo ko kumain"

Umirap ako "Nakakairita ka kumain, sa totoo lang"

"Kung mag iinarte ka lang din naman, edi dun ka sa labas kumain"

Iiling iling nalang akong kumain ulit pero nanatili padin ang ingay niya sa pag kain. Daig pa baboy

"Kumain ka na"aniya pa habang kumakain padin

Tiningnan ko siya "Ganyan ka ba talaga kumain? Ganito ka ba talaga? Madumi tapos burara pa"diretso kong sabi

"Nang-iinsulto ka ba o nagtatanong?"

"Both.."I honestly said saka ngumiti sakanya dahilan para samaan niya ko ng tingin. Mukhang napikon pa

Nilunok niya muna kinakain niya bago siya kumain "Mama's boy ako.."panimula niya. Napabuntong hininga ako 'Story telling again' "Hindi naman ako ganito ehh. Binago lang ako ng sakit"nahinto ako sa pag kain nang sabihin niya iyon. I heard him chuckled softly "Who can defeat pain?"tanong niya sakin "None.."siya din ang sumagot. Ngumiti siya na may halong pait "Kaya kinampihan ko nalang"aniya pa saka nagsimula na ulit kumain

Napaisip ako. Yeah, that's how powerful pain is. But let's not underestimate what ourselves can do. Gustuhin ko mang sumagot at tulungan siya, hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung anong klaseng tao siya. Baka mamaya, nagkukunwari lang siyang ganyan para makuha ang loob ko.

--

Matapos kong kumain. Napagpasiyahan ko ng umalis dun at pumunta sa Building of Power. May mga tao doon na nag ooperate na parang normal na building lang toh

"Hello po, I have a problem. My house got locked and I don't have any keys to open it"sumbong ko dun sa lalaking clerk

"100?"biglang may tumawag sa numero ko kaya agad akong nagpalinga linga. Yung lalaking naging tour guide ko "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka napili ng headmistress para magkaron ng kapangyarihan"aniya na salubong na salubong ang kilay

"Ah yeah, I know. I'm just here to ask for assistance kasi na-lock yung pinto ng bahay ko"

Tumingin siya dun sa clerk na kausap ko kanina "Ako ng bahala sakaniya"aniya saka hinila ako sa braso

"Grabe. Ang lakas naman ng aircon niyo dito. Bat di niyo din lagyan ng aircon itong buong siyudad? Ang init init ehh"

"Huwag mo na lamang pansinin ang mga bagay bagay, binibini"aniya sa seryosong tono. Nagkibit balikat nalang ako't hinayaan siyang hilahin ako

Pero habang hila hila niya ako, napapansin ko ang mga taong nasa loob ng building na ito. Lahat sila ay iisa lang ang suot. Halos magkapare pareho na ang mga mukha nila dahil sa suot at haircut

May ibang nag ooperate ng computer habang ang iba nama'y abalang nagpalakad lakad sa iba't ibang direksyon. Laking gulat ko nang makita sa isa sa mga computer doon ay naka monitor sa isang puting kwarto. May tao doon na nakahiga at may suot suot ding puting hospital dress

Hindi ko na napansin pa ang ibang computers dahil nagmadali ng maglakad ni Mr. Tour guide

Nakarating kami sa parang opisina niya pero hindi siya nag-iisa ron. Madami silang pare pareho parin ang haircut at suot. Huminto lang siya sa isa sa mga tables na naroroon

"Heto.."aniya sabay lahad sakin ng isang susi "Maaari bang huwag mo ng walain iyan sapagkat nag-iisa na lamang iyan"aniya saka tinapik ako sa balikat

Tumango lang ako saka napatingin sa katabi niyang table. Naka on ang personal computer niya. Naka monitor siya sa isang bahay na walang tao. Pero maya-maya'y may pumasok ron na tao. Lalaki at naupo sa couch

Bumalik na iyong may-ari ng pc na iyon saka sinuot ang headphones nito. Ang akala ko'y normal lang na pagmomonitor ay nagkamali ako. Dahil bigla siyang nagsalita ng 'Go' at kasabay nun ang pagbulagta ng lalaking nasa CCTV kanina.

Agad akong tumingin sa paligid at inantay ang hudyat na may namatay.

At nanghina ako nang madinig ito

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status