Share

Clementine: The Mistress
Clementine: The Mistress
Author: Marie Orson

CHAPTER 1

CHAPTER 1

"Hindi ko inaasahan na isang babae lang pala ang namumuno sa kilusang maaaring makapagpabagsak sa France." Komento sa akin ni General Felix VI mula sa labas ng selda.

Siya ang inatasan upang hulihin ang taong nasa likod ng rebelyon sa bansa. Isang matandang lalaki na may matikas na pangangatawan pero bulag ang kanang mata. Siya rin ang tiyo ng hari at ang Duc ng Burgundy. Sa tulong ng mga koneksyon at kayamanan niya ay nagtagumpay siyang hulihin ang pinuno ng rebelyon. Nagtagumpay syang hulihin ako at ikulong.

"Clementine Deschamps? Mula ka sa pamilya ng mga magsasaka kung hindi ako nagkakamali."

Tama siya. Mula nga ako sa pamilya ng mga magsasaka. Paano niya nalaman? Sa apelyido ko. Dala ng mga apelyido namin kung saan kami nagmula at ang ibig sabihin ng apelyidong Deschamps ay "mula sa bukid".

"Gusto ko lang naman sabihin sa'yo na ikaw na lang ang natitira sa mga kasama mo." Sabi nito at ngumiti.

Ako na lang?

Unti-unting namuo ang galit sa puso ko matapos maisip ang imahe ng aking mga kasamahan na nababalot na sa kanilang sariling dugo. Sa sobrang galit na naramdaman ko ay mabilis ko siyang sinunggaban ngunit agad siyang nakaatras palayo sa akin. Ang mga rehas lamang ang nagsisilbi niyang proteksiyon upang hindi ko siya maabot. Kung hindi lang ako nakakulong ay isa na rin siyang malamig na bangkay sa mga oras na ito.

Mala-demonyo siyang napangisi. "Susundan mo na rin naman sila sa loob ng tatlong araw. Ibibitin ang ulo mo sa gitna ng bayan at ipapakain sa mga aso ang pinagputul-putol na mga bahagi ng katawan mo upang maging babala sa mga susunod sa mga yapak mo." Tugon nito sa akin at tuluyan na kong iniwan.

Sa sobrang inis ay inuntog ko ang ulo ko sa mga rehas na lumikha ng nakakabinging ingay. Kasabay nito ang pagbagsak ko at pagtulo ng dugo mula sa noo ko. Hindi rin nagtagal ay nawalan na ako ng malay.

___

Pagkalipas ng tatlong araw...

"Bilisan mo!" Galit na tugon sa akin ng guardia at malakas akong tinulak dahilan ng pagkatumba ko.

Putang-ina.

"Ano bang ginagawa mo?!" Mula niyang tugon at ngayon naman ay malakas niya kong sinipa sa sikmura.

Napa-ubo ako sa sakit at napabuga pa ko ng kaunting dugo. Sa loob ng ilang araw na wala akong kain at tulog ay talagang humina na ang katawan ko, at ang simpleng pag-atake sa tiyan ko ay banta na sa aking buhay.

Mga walang-hiya talaga.

"Anong nangyayari?" Tanong ng isa pang guardia.

"Ang bagal e!" Dahilan naman ng isa pa.

"Bobo ka ba?! Edi mas lalo tayong babagal!" Sigaw nito sa kaniya at malakas na binatukan.

"Oo na! Pasensya na!" Sagot nito.

Pwersahan niya kong itinayo at muling pinaglakad. Sa lakas ng pagkahila niya sa akin, pakiramdam ko ay nabali ang buto ko sa braso.

"CLEMENTINE DESCHAMPS!" Pagtawag sa pangalan ko.

"Ito siya!" Sagot ng guardia.

"Paakyatin na!"

Pinaakyat na nila ako sa harap ng guillotine. Napapikit na lang ako sa sama ng loob.

Pilit ko lang naman na pinaglaban ang karapatan ng mga taga-France pero hindi ako kinatigan ng pagkakataon at ng langit. Siguro nga ay hindi kailanman mananaig ang hustisya sa mundong ito.

Pinapwesto na nila ako sa guillotine. Pagkadilat ng mga mata ko ay nahagip ng mata ko ang isang lalaki. Isang lalaki na napalilibutan ng mga mga makapangyarihang tao sa bansa na ngayon ay pawang mga nakatayo sa isnag estante. Isang lalaki na puno ng luho ang katawan at suot ang koronang sumisimbolo sa aking bayang sinilangan.

Nagngitngit ang mga ngipin ko sa galit matapos maisip kung sino ang lalaking nasa harapan ko. Samantalang siya naman ay napangiti dahil sa naging reaksyon ko.

"Kahit na anong huling salita?" Tanong sa akin ng lalaking may kontrol sa guillotine.

"AKO ANG MAGIGING DAHILAN NG PAGBANGON NG FRANCE!" Sigaw ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ng hari. "MAS MAGIGING MAIMPLUWENSIYA AKO HIGIT PA KAYSA SA IBANG MGA HARI AT REYNA NA TUMAYO SA BANSANG ITO!"

"BITAWAN NA ANG-"

"Itigil." Kalmado at nakangiting tugon ng hari.

"Huh? Bakit?"

"Hindi ba siya ang pinuno ng rebolusyon?"

"Bakit pinatigil ng hari?"

Sa puntong sinabi niya ang isang salitang iyon, napuno na ang lugar ng bulungan ng mga tao. Halata rin sa mukha ng mga executioner at mga guardia ang gulat sa anunsyo ng hari. Malamang, nagulat rin ako.

Ako ang tao na nagtangkang pabagsakin ang hari at pumalit sa trono niya. Bakit niya biglang ipatitigil ang kamatayan ko?

"Lahat ng paparusahan ngayon ay pinapatawad ko na." Muli niyang tugon.

"Napakabuti ng hari."

"Gabayan nawa siya ng nasa taas."

Muling bulungan nila.

Nakakairita. Hindi por que nagpatawad siya ay mabuti na siya. Nakakalimutan ata nilang habang namamatay ang mga mamamayan sa gutom ay nagpapakasasa sa yaman ang mga makapangyarihan.

Bumaba mula sa estante ang hari at umakyat patungo sa kinaroroonan ko. Marahas akong tinanggal ng mga guardia mula sa guillotine at hinarap sa hari nang nakaluhod.

"Clementine Deschamps." Banggit nito sa pangalan ko at ngumiti ng makahulugan.

"Ako nga." Matapang kong sagot sa kaniya habang tinitignan pa rin ang mga asul niyang mata.

Mahalay niyang hinagod ang kanang pisngi ko na nagbigay ng pangingilabot sa akin at naging dahilan ng pagpupumiglas ko. Halatang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko kaya naman pwersahan niya kong hinarap sa kaniya. Diretso niya kong tinignan habang ang kaniyang mga ngiti naman ay nagbibigay na sa akin ng ibang pakahulugan.

"Ang sabi mo ay ikaw ang magiging dahilan ng pagbangon ng France. Paano mo 'yon magagawa kung mamamatay ka na?" Sabi nito sa akin.

"Anong balak mo?" Tanong ko rito.

"Matalino ka. Alam mong may iba akong balak." Natatawa nitong sagot.

"Patayin mo na lang ako."

"Hindi ko gagawin 'yan. Hindi kahit kailan." Sagot nito habang umiiling.

"Isakay niyo siya sa karwahe ko." Utos nito sa mga guardia.

"Ngunit..." Tugon ng mga ito.

"Ano? Sundin niyo na!"

"O-Opo!" Sagot ng mga ito at kinaladkad ako papunta sa sinasabing karwahe ng hari.

Binuksan nila ito at binagsak ako sa loob. Bago pa ko makapalag ay naisara na nila ang pinto nito.

"Ilabas niyo ko rito!" Sigaw ko.

Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa nangyayari. Hindi ko na maintindihan. Nagrebelde kami at nakulong ako. Mamamatay na dapat ako pero bakit binuhay niya pa rin ako?

Napasabunot ako matapos maisip ang mga makahulugang ekspresyon sa akin ng hari. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Kung ganoon lang pala ang mangyayari sa akin ay mas gugustuhin ko na lang mamatay.

Naghanap ako ng maaaring gamitin upang tapusin ang buhay pero kahit kunot lang ay wala akong nahanap. Ang karwahe ay gawa lang sa matataas na kaledad ng materyales at ginto, wala ng iba pa. Walang ibang gamit.

"Nagustuhan mo ba ang karwahe ko?" Tanong nito.

Pumasok siya rito at umupo sa harap ko.

"Tapatin mo ko. Ano ba talagang balak mo?" Tanong ko rito.

"Malamang ay alam mo na." Sagot nito sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inatake siya, ngunit nabigla ako matapos niyang salungatin ang atake ko at ilagay ako sa alanganing posisyon habang may patalim na nakaabang sa leeg ko.

"Sa tingin mo ba ay magiging hari ako kung hindi ako marunong lumaban?" Tanong nito sa akin.

"Patayin mo na ko! Ang tangkang pagpatay sa hari ay nangahuhulugan ng kamatayan! Kaya patayin mo na ko!"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo? Hindi ko 'yan gagawin." Bulong nito sa tenga ko

Labis na kaba ang naramdaman ko matapos maramdaman ang isa pa niyang kamay na naglalakbay sa hita ko.

"Bitawan mo ko!" Sigaw ko sa kaniya at mabilis na kinuha ang hawak niyang patalim.

Tinutok ko ito sa leeg ko.

"Papatayin mo ang sarili mo?" Natatawa nitong tanong.

"Oo! Mas nais ko pang mamatay kaysa yurakan mo ang pagkatao ko!" Sagot ko sa kaniya.

Ngunit bago ko pa man magawa ang binabalak ko ay napigilan na niya ako. Mabilis niyang hinawakan ang kamay kong may hawak ng patalim at binali ito. Napasigaw ako sa labis na sakit pero hindi niya ko pinansin at inuntog pa ang ulo ko sa pasilyo ng karwahe.

"Ako ang hari ng France. Lahat dito ay sa akin. Kahit pa ikaw. Ako lang ang magsasabi kung mawawala ka na o hindi pa." Rinig kong tugon nito bago ako tuluyang mawalan ng malay.

---

Nagising ako sa isang kwarto na tatlong kulay lang ang makikita. Ginto, rosas, at puti. Puno ito ng mga mamahaling gamit, mula sa kamang kinahihigaan ko hanggang sa iba pang mga maliliit na detalye ng kwarto.

Ito na ba ang palasyo ng Versailles?

Napalingon ako sa pinto na bumukas. Halatang nagulat ang katulong nang makitang gising na ako.

"M-Madame, sasabihin ko lang po na gising na kayo." Natatarantang tugon nito at muling sinara ang pinto.

Pinilit kong tumayo kahit pa nahihilo pa ko.

Ang baliw na hari! Talagang inuntog niya ko sa pasilyo! Hindi ba talaga siya nakakaramdam ng awa?!

Napatingin ako sa salamin matapos makita ang sarili ko. Hindi ko namalayan na nakaputing pangtulog pala ako na gawa sa silk na napapalamutian ng nga perlas. Katabi naman ng salamin ang isang estatwa.

Ako ba 'yan?

Muli kong inikot ang tingin ko. Sa gilid ay may ginintuang lamesa na puno ng mga alahas at iba pang mga mamahalin. Ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay isang painting ng mga nagrerebeldeng tao at babae ang nangunguna sa kanila.

Ako rin ba 'yon? Bakit lahat ng nandito ay tungkol sa akin?

Inusisa kong muli ang kulay ng kwarto at talagang ginto, rosas, at puti lang ang nandito.

Pero bakit rosas? Masyadong babae. Nakakadiri.

"Gising ka na pala."

Kahit hindi ako lumingon ay alam ko kung sinong nagsalita. Matik na kumukulo ang dugo ko kapag alam kong nariyan siya.

"Nagustuhan mo ba ang kwarto mo?" Tanong nito sa akin.

"Hindi." Diretso kong sagot.

Nang marinig kong palapit siya sa akin ay umabante ako palayo sa kaniya. Hindi ko hahayaang malapitan niya ko. Sawa na ko sa mga katarantaduhan niya.

"Sa tingin mo ba ay tatalab sa akin ang ganiyang estilo mo? Isang layo mo pa sa akin ay sampung tao ang papatayin ko. Kada isang hakbang mo ay sampung buhay ang kapalit." Banta nito na nakapagpahinto sa akin.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin at niyakap ako mula sa likod. Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay at itinaas ito.

"Aray!" D***g ko matapos niya itong pisilin.

Demonyo talaga 'to! Gusto ata talaga niyang maputol na ang kamay ko!

Muli akong nagpumiglas nang maramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko. Ngunit sa pagpupumiglas ko ay mas lalo lang niyang dinidiinan ang pagpisil sa kamay ko na nakakapagpahina sa akin.

"Huwag! Pakiusap!" Pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Ngayon nakikiusap ka na?" Nakangising tugon niya. "Nasaan na ang matapang na rebeldeng tinangkang pabagsakin ako?"

Hindi ako makasagot dahil alam kong kahit na gaano pa kadaming lakas ng loob ang ipunin ko ngayon ay wala akong laban sa kaniya.

"Sa tingin mo ba ay sapat na sa'yo ang tawaging Marquise de Bijou (Marchioness of Jewel Estate) o Madame de Bijou?"

"Hindi ko kailangan ang ganiyang titulo." Sagot ko.

Nang mapansin kong gumaan na ang paghawak niya sa'kin ay kumawala na ako mula sa kaniya.

"Nakalimutan mo na ba ang usapan natin, babae? Sampung tao ang papatayin ko bawat hakbang mo palayo sa akin. Nakakatatlo ka na."

"Tigilan mo na lang ako!" Sigaw ko sa kaniya.

Ngunit lalo lang itong napangiti dahil sa ginawa ko.

"Alam mo. Lumaki akong nakukuha ang lahat ng gusto ko. Kaya naman bago para sa akin makakita ako ng babaeng tatanggihan ako at kakalabanin. Naiisip ko pa lang ang mga sigaw mo ay sobrang saya na ang nararamdaman ko." Lintanya niya.

Sadista!

Dapat talaga namatay na lang ako. Hindi na ako dapat nagsalita pa, dapat namatay na lang ako.

"Ngayong tumapak ka na sa palasyo ko, akin ka na." Tugon niya at lumapit sa akin.

Inangat niya ang ulo ko upang magtama ang mga tingin namin.

"Kung gusto mo lang pala na magbago ang buhay niyo dapat ay matagal mo na kong nilapitan. Kaya ko namang ibigay ang lahat sa'yo."

"Aanhin ko ang magandang buhay kung ang mga taong kumakayod sa ibaba ko ay namamatay?" Seryoso kong tugon sa kaniya.

"Pero ano pa nga bang magagawa mo ngayon? Wala." Sagot naman niya sa akin.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Walang-hiya ka! Gusto mo bang sabihin sa akin na para matulungan ko sila ay katawan ko ang gamitin ko para sa'yo! Babaeng-bayaran ba talaga ang tingin mo sa akin?!" Galit kong tugon.

"Ano ngayon kung ganoon nga? Isa pa, babae naman na talaga kita. Pwede kong gawin sa'yo ang lahat."

Ginawa nya pa talaga akong kabit?

"Bahala ka. Mamili ka." Sumusukong sagot nito.

Ngunit bago tuluyang umalis ay hinalikan at s******p niya muna ang leeg ko at sinabing, "Palatandaan 'yan na akin ka."

Ngayon, halos mag-iisang oras na kong nakatingin sa salamin habang pinagmamasdan ang markang iniwan niya sa akin.

I don't want to be his mistress. I don't want to be the king's mistress.

Marie Orson

Please subscribe and rate my story! Thank you <3

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status